Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

**11** Find a new love

**11** Find a new love

*.*.*.*.*

<DJ's point of view>

Naglalakad ako papunta sa school mag-isa. Bakit hindi ako hinatid ng kotse? Nauna na si Nova. Na-late kasi akong nagising kaka-isip kagabi. Akala ko makakapagpahinga ako ng Sabado at Linggo, yun pala lalo pang nadagdagan ang mga isipin ko...

(=_________________=)

Isang oras na akong late... Patay ako...

Nakita ko si Sunget na nakabantay sa may south gate at nakatingin sa relos niya...

Kunot na kunot yung noo niya..

Ano kayang meron???

Dahil natakot ako sa aura niya, sa north gate na lang ng campus dumaan... Wahaha!!! (*-*)v

Nakabantay naman sa north gate si Louis...

Nakita niya ako... "Oi DJ!!!" parang tuwang tuwa siya na nakita niya ako ah?

"Anyanyare???!!!" ako

"Kanina ka pang hinanahanap ni Zac!!!" sigaw ni Louis

Kabingi!!! "Teka! Wag kang sumigaw!!! Bakit naman ako hinahanap nun?!" ako

"Kausapin mo na lang siya... Anjan na siya eh! Babye!!!" sabi ni Louis sabay takbo papalayo

Nabayaran ko na naman siya ah?! Ano kayang kailangan nun?

Paglingon ko, nasa likod ko na pala si Zac (-,-)

"Bakit ngayon ka lang hah?!" sabi niya

"Hah? Ano naman???" ako

"Mamaya na ako mag-e-explain. Tara!" hinila niya ako papunta sa kotse, kotse ito ng school at may sariling driver din

.......

Sa mall...

Namimili kami ngayon ni Zac para sa school fair next week. Ako yung pinili niyang makasama... Bakit kaya?!

I smell something fishy!!! Wihihihi...

Habang nasa Department Store kami at nagtutulak ng push cart, naisipan kong magtanong sa kanya... "Bakit nga pala ako ang sinama mo?" yiiieee!!!

"Kasi ikaw lang ang hindi busy... Lahat ng officers ngayon busy." seryosong sabi niya

"Weh??? May quiz kaya ako mamaya after lunch! Atsaka magko-community service pa ako sa food court tapos nag-volunteer pa ako na maglinis ng buong campus." nakapamewang kong sabi sa kanya

"Don't make stupid excuses. Kinausap ko lahat ng prof mo. Wala daw kayong quiz ngayon. Atsaka busy din sila kaya medyo mawawalan ng mga klase ngayon... Di rin ako naniniwala na maglilinis ka ng buong campus noh."

Napa-zipper ang bibig ko sa mga sinabi niya...

"Ano ok na ba tayo?" tanong niya sakin

Tumango na lang ako...

"Good." ngumisi pa siya! Abat!!!

(*0*) Pogi pa rin (-,-)

.......

Sa isang fast food restaurant...

"Tape?" sunget

"Check!" ako

"Bond papers?" sunget

"Check!" ako

"So OK na lahat. Let's eat!" mukhang gutom na nga siya (*,*)

Pinagmasdan ko lang si Sunget habang nakain siya. Ewan ko... nabubusog na ako pag tinitignan siya eh...

ANO DAW???!!! (*0*)

Ang kalat niyang kumain ngayon! Gutom na nga siguro...

Kumuha ako ng tissue at pinunasan ko yung sauce na nakakalat sa may bibig niya...

"Ang kolot naman!" sabi ko

Bigla niyang tinabig yung kamay ko at namula ang mukha niya... "Hey, don't touch me." sabi niya

"Heh! Di kita hinawakan noh! Arte!" ako

"Ahm, kamusta nga pala yung wallet mo? Nakuha mo na?" sabi ni Zac sunget

Hmph! Na-badtrip na naman ako dahil dun! (-,-)

"Tapos ka ng kumain? Tara na sa school!" nag walk out na ako sa restaurant

Paglabas ko may nakabunggo akong lalaki. "Ay, bakla. Sor--"

K-Katarino???!!!

(0______________0)

"Rino, why are you here?" sabi ni Zac na nasa likod ko na pala

"I'm the VICE PRESIDENT of the student counsil kaya kung may isasama ka dapat ako." seryosong sabi ni Katarino

"Haha..." nakakapangilabot yung tawa ni Zac "Are you jealous?" nakangising sabi ni Zac sabay hila sa braso ko

Alam ba niya? Alam ba niya ang nakaraan namin ni Katarino?!

"Of course NOT! I don't even know that girl." nakaturo pa sa'kin si Katarino

AKO???!!! Mag-ingat ka Katarino... Nagtitimpi lang ako sa'yo!!!

(>__________________<)!

"Are you sure?!" sabi ni Zac

"Y-YES!" si Katarino

Itinaas ni Zac ang eyebrows niya sabay halik sa pisngi ko...

HALIK???!!!

SA PISNGI KO???!!!

Napatulala ako... Pati si Katarino...

"Well, we better go now." sabi ni Zac sabay hila sa braso ko

Nang makalayo na kami...

Sinuntok ko siya ng malakas sa braso...

"Ouch!!! You!!! Ikaw lang ang gumawa sa'kin nun!" si Sunget

"Blah blah blah!!! Bakit mo ba ginawa yun ah?!" ako

"Ah... Yung kiss???" sabi niya habang nakangisi

"Wag ka ngang ngumisi-ngisi jan! Bakit mo nga ginawa yun?!" kinakalog kalog ko na siya

"Hey, stop shaking me! Ginawa ko yun kasi naiinis ako sa kayabangan niya. Ang alam ko.kasi naging ex mo siya? Di ba???!!!" Bakit niya alam yun?! (*0*)

"Pano mo nala---"

"Haha! Don't be so nervous. OK?! Nalaman ko lang yun kay Nova. She's your bestfriend, right???" Si Nova talaga!!! Kaya pala siya todo tago nung nasa bahay si Zac eh!!!

"Ahhh..." bwiset (-,-)

"Naka mov---" tinakpan ko agad ang bibig niya

"Kung naka move on na ako? Di ko alam!!! Dami mong tanung! Tara na uli sa school."

......

Sa kotse...

Dahil tahimik na naman sa loob ng kotse... Nagsimula na akong magsalita bago pa ma-boom panes ang laway ko.

"Si Katarino pala ang vice president ng SC?" ako

"Oo, pero noong mga nakaraang taon... siya lagi ang president at ako naman ang vice. Naging vice lang siya ngayon kasi na-late siya ng pasok this school year at ako naman ang naging president."

"What???!!! Sa YOU na uli siya papasok?" ako

"Di ba halata?!" ok, ang sunget niya talaga (-,-)

"Oo na... (-,-) " ako

........

Sa Campus...

"Ang dami pala nating pinamili! Sinong magbubuhat?" tanong ko kay Zac

"Ikaw... Kaya nga kita sinama eh!" nakangising sabi niya

"ANOOO???!!!" grabe hah?!

He just mouthed "Joke lang."

Bakit nakangiti ako ngayon?! Hayyy... Zac...

Bwiset naman oh!

Nagsimula na siyang magbuhat ng mga paper bags...

"Tulungan na kita..." nagbuhat din ako ng paper bags...

"Wit wit! Ang sweet grabe!!!" sabi ni Louis na nasa harapan na namin ngayon kasama ang iba pang officers bukod kay Katarino

"Tulungan na namin kayo. Magpahinga na kayo. Siguradong pagod na kayo eh." sabi ni Louis

Tumango na lang ako...

At naglakad papalayo...

"Ahm, DJ!" tawag ni Zac

Lumingon ako...

"T-Thanks!" nahihiya pa talaga siya. Hihi!

"Wala yun! Next time na lang uli. (^_^)b " naglakad na uli ako papalayo

"Ahm, one more thing DJ." lumingon uli ako

"Move on, please. I know that you can find a new love... your true love..." nakangiting sabi niya

Tumango ako at ngumiti sa kanya... Kaya ko ba yung sinabi niya? Kakalimutan ko na nga ba si Katarino???

Naglakad na uli ako...

Nakasalubong ko si Katarino... Ang dilim ng aura niya... Woah! Katakot!!! Di ko pa siya nakikita na ganan dati ah?!

Ano kaya ang dahilan??? Pssshhh, ayokong maging feeler!!! (-,-)

*.*.*.*.*

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro