CHAPTER 5
Chapter 5
"RIDAYA, are you out of your mind? Bakit mo ginawa 'yon? O you know that it was not appropriate to eavedrop on someone's conversation?" malumanay na ani dad habang sinusundan ako papunta sa living room pero ramdam ko ang pagpipigil niyang sunigaw.
Naupo ako pero hindi niya iyon ginawa. I know he was angry for what I did earlier pero hindi niya iyon pinapalabas.
Napatingin ako sa kaniya."Dad, please? This is my last favor for you, please? Agree with it, please?" pakiusap kopolit na iniignora ang mga salita niya.
Napahilot ito sa sintido at nagpabalik-balik ang lakad pakanan at pakaliwa. "Alam mo at alam kong magagalit ang mommy mo kapag ginawa mo 'to! You can't be his wife, anak. Hindi mo kailangang isakripisyo ang kaligayahan at kalayaan mo para sa kumpaniya. Magagawan ko ng paraan iyon, anak. You can turn down the deal with Mr. Soliven."
"Dad naman. . . you know that this was the last option, right? I can saved the company. Ayo'kong mawala 'yon, dad," protesta ko.
"Ridaya," he warned me.
"Dad, I want to save the company. Ayo'kong mawala na lang basta-basta ang pinaghirapan ni'yo ni mom. Dad just this one, please,? Hmm?" ulit ko pa. Tumayo na ako at lumapit kay daddy. Marahan kong hinawakan ang kamay nito na may nangungusap na mga mata.
Alam kong isang pitik na lang ay bibigay na ito. Hindi niya ako matitiis.
I heard him sighed in defeat kaya biglang naghihiyaw ang loob ko.
"Will you be happy for that decision?" tanong nito.
Napatango ako ng ilang ulit. "Yes, dad. At may gusto akong sabihin sa'yong sekreto. . . I like him." Nangunot ang noo nito kaya nagsalita ulit ako, "It started when I saw him in your office, dad."
We talked about it for minutes and he finally give his approval. Mabilis kausap si dad when it comes to my decisions.
At totoong gusto ko ang lalaking iyon. He was insanely handsome kahit na may pagkaarogante ang pag-uugali. Well, matututo ko rin namang siyang mahalin in the future kaya walang problema roon.
Until the day of our marriage came. News flooded the business world. Juvian Demetrius Soliven was a rich tycoon at the young age. Hindi ko inaasahan iyon kaya minsan napapaisip ako, bakit ang kumpaniya namin ang napili nitong isalba at lapitan? Why did he offer dad a deal? Sa laki ng kumpaniya niya, bakit siya nagkainteres sa kumpaniya naming ito?
I drop the thought of it and slowly walked down the aisle. The wedding is not that grand, kami-kami lang ng kaanak ko ang narito. Walang media o mga kaanak man lang ni Juvian ang dumalo. Wala rin ang kapatid nito kaya hindi na ako umasa pang makikita 'yon dito.
Gusto kong magtanong regarding that matter to Juvian but I know it was too personal.
For these couple of weeks I came to know Juvian. He was 28 years old and have a sister but I didn't see her. Nasa states ang both parents niya kaya siya at ang kapatid lang nito ang nasa Pilipinas.
So far, mabait naman sa akin si Juvian. When I said he was kind, I'm pertaining to the media and to the eyes of everyone, including my dad. I've noticed na iwas siya sa akin at hindi nagsasalita kung kaming dalawa lang. I want to talk about business and his life but I prefer not to. I respect his privacy kaya hindi ako nagtatanong kung saan din siya pumupunta every now and then.
The wedding ended gracefully. Now we are heading to our new home. Nasa labas lang ang tingin ko habang umaandar ang sasakyan. Juvian was silent and I didn't bother on talking to him.
Hanggang sa marating ang bahay ay tahimik lang kaming dalawa. Naunang bumaba si Juvian at akala ko ay pagbubuksan niya ako ng pinto pero nauna na siyang maglakad papasok sa bahay.
I glanced on the driver who was looking at me confused, I just smiled on him and opened the door. He droved away after he had done his duty. Nang hindi ko na maaninaw ang kotseng sinakyan namin ay hinarap ko na ang bahay namin ni Juvian.
All I can say was the house was huge. Kaming dalawa lang ang titira rito? Mas malaki pa yata ang bahay na 'to kumpara sa bahay namin.
I was amaze by the front yard. Ang garden ay hitik sa bulaklak at may mga kahoy na upuang nakalagay roon. Napakaganda!
Habang naglalakad ay bigla kong naapakan ang wedding gown kaya bumagsak ako sa semento. Unang humalik sa daan ang tuhod ko kaya napadaing ako sa sakit na iyon.
Mabilis akong tumayo at pinagpag ang sarili. Pansin ko rin ang pagbakas ng dugo sa puting wedding gown kaya nasisigurado kong malaki ang gasgas doon.
What a bad omen! Hindi pa nga ako nakapapasok sa bahay ay ito na ang naranasan ko. I'm so clumsy.
Inayos ko na ang sarili at paika-ikang naglakad papasok sa bahay. Bumungad ang isang katulong sa akin at inalalayan ako.
"Hala, ma'am, ano pong nangyari sa 'yo?" alala niyang usal habang marahan akong hinahawakan. Pinasadahan niya nang tingin ang wedding gown sa may bandang tuhod na may dugo.
Tumawa ako nang bahagya. "Naapakan ko kasi 'tong suot ko. Kaya ayun. Napasama nga ang bagsak ko," I said while hiding my embarassment.
"Naku, ma'am, kukuha lang ako ng gamot at—"
I cute her off. "No, no, I'm okay. Ipadala mo na lang doon sa kuwarto namin."
"Po?" ulit niya at tila napatigil na narinig.
Nangungunit man ang noo ay nagsalita ako, "Sa kuwarto namin ni Juvian. Saan ba 'yon?"
Napaiwas siya nang tingin sa akin. "Ano kasi, ma'am. . . pinapasabi po ni Sir DM na ihatid po kita sa kuwarto mo."
"Kuwarto. . . ko? Hindi namin?" paninigurado ko.
"Opo."
I was silenced and surprised at the same time. I thought we will be together for the fact that we are married? I'm his wife now and he was my husband. Why to seperate rooms with me?
But then, realization hit me. Our marriage was purely business. I did this to save our company. He made me his wife because he wants our company not to help us.
"Ma'am?"
Biglang naputol ang iniisip ko nang marinig kong magsalita ang katulong. Nakatitig lang siya sa akin na parang nagtataka kaya napaayos ako nang tayo.
"Did you say something? I'm sorry I didn't pick it up," I apologetically said.
"Ang sabi ko po ay tara na po sa kuwarto ni'yo, ma'am, para na rin makapagbihis kayo at magamot ni'yo 'yang dumudugo ni'yong sugat."
"Ah. Yeah. Tara." Ngumiti ako sa kaniya at naglakad na. "Ano pala ang pangalan mo?"
"Ako po si Aileen, ma'am," pakilala nito sa 'kin.
Napatango na lang ako at tahimik na tinahak ang kuwarto. Nang maituro na niya kung saan iyon ay nagpaalam na si Aileen para kumuha ng first aid para sa sugat ko sa tuhod.
Nang makapasok ay bumungad sa akin ang kulay lilang kuwarto, my favorite color. Naka-aarrange na rin amg buong kuwarto kaya maaliwalas sa mata. The room was a mixture of modern and classic na nagpapaganda lalo sa bawat muwebles na nasa loob ng kuwarto.
Hindi ko inaasahang tutuparin ni Juvian ang sinabi ko. Para kasing gindi naman siya nakikinig sa akin nang sinabi ko 'yon.
Napalakad ako sa veranda at binuksan ang pinto roon. Binati ako ng malamig na simoy ng hangin at madilim na kapaligiran.
Napakabilis naman gumabi. Parang kanina lang pagpasok ko rito ay hapon pa lang.
Mula rito ay kitang-kita ang mga nagniningningang tala sa malawak na kalangitan na tila nagsasayawan sa saliw ng musika na likha rin ng kalikasan.
Napapikit ako para damhin ang lamig ng hangin at tinig ng gabi. Napakapayapa. Nang idilat ko ang mata ay nahagip ng mata ko ang isang bituin hindi kalayuan.
Siya ang bukod tanging nagliliwanag ng sobra sa kalangitan. I smiled when I imagined that was mom. She was there. Palaging tinititigan ako mula sa kalangitan.
Mom, I hope I will be okay here.
Pinagsawaan ko ang pagtitig sa kalangitan kaya pumasok na ako sa loob ng k'warto. I take a shower at nagbihis na ako ng pantulog dahil napakabigat ng wedding gown na suot-suot ko kanina pa. Natapos ko ring gamutin ang sugat.
Napahiga ako sa kama at naisipang kumustahin si dad. Nagtipa ako na sana ay tatanungin kung okay kang ba siya sa bahay pero I just found myself erasing my text.
I sighed. It was 10 in the evening kaya paniguradong tulog na si daddy. Kung si Yaya Doring naman ang tatanungin ko ay baka makaabala pa ako, ganoon din kay Kuya Terry.
Minabuti ko na lang na huwag nang tanungin muna ngayon. Ipagpapabukas ko na lang 'to.
Dahil hindi pa ako tinatamaan ng antok ay pumunta muna akong gallery. Lahat ng pictures namin ni dad na kasama si mom ang binabalik-balikan ko sa phone na 'to.
All our memories are stored here and mom's happy face together with dad. Habang tinitigan ang litrato ay napapangiti na lang ako. I really miss this bonding of ours.
I hope dad is okay in our home.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro