CHAPTER 30
A/N: Just want to know if may nagbabasa pa nito, say hi naman mga mahal:>
***
Chapter 30
I'M wondering what these videos are. Hindi ko mabilang kung ilan ang laman ng folder ng mabuksan ko.
Due to my curiousity, I open the video. Doon ko lang napansin na cctv footage iyon.
Why Juvian have this? Kailan pa nagka-cctv ang bahay na ito? Why I didn't noticed it all along?
Naupo ako sa upuan at pinanood ang cctv video. Nasa labas iyon ng bahay at tanging ako lang ang nakikita roon.
Nagdidilig ako ng mga halaman hanggang sa matapos ko iyon ay nilinis ko naman ang mga dahong nalaglag mula sa iilang puno.
Pinindot kong muli ang isang video. It was him, at may inuuwing babae. They are kissing together at halos tagos sa puso ko ang sakit na nararamdaman ko.
Nag-end ang video at sa isang video na naman ako nanood. Nasa kwarto ni Juvian ang cctv at halos manlaki ang mata ko nang ma-realize na mayroon din dito.
Ibig sabihin, malalaman niyang andito ako at pinakialam ko ang mga gamit niya. Napalingon ako kung na saan ang hidden camera at namataan kong na roon nga malapit sa pinto.
Hindi malalaman na cctv iyon dahil naka-disguise iyon na parang ilaw. Kahit ako ay hindi ko napansin iyan, sa tagal kong nandito sa bahay na ito ay wala akong kamuwang-muwang na may nakasubaybay pala sa 'kin.
Napalunok akong muli at pinanood ulit ang footage. They are kissing at bigla na lang nahinto ang babae. Kumalas ito sa pagkakaakap sa leeg ni Juvian ngunit hindi pa man nakakalas ng tuluyan ay lumayo agad ang asawa ko.
I was confused for a moment but later on, I realized that the girl is crying. Walang audio ang cctv at tanging panonood lamang ang magagawa ko.
Nakatalikod si Juvian sa babae at hindi ko alam kung may sinasabi ba ito pero pansin ko ang pagkuyom ng kamay ng babaeng dinala niya. Umiiyak itong lumapit kay Juvian at sinampal ang asawa ko na ikinalaki ng mata ko. After that ay umalis ang babae sa kwarto niya.
What was that?
Sunod-sunod kong pinanood ang mga footage sa kwarto niya at 'gaya ng una ay hanggang halik lang lahat iyon at sa huli ay nasasampal si Juvian.
Napasapo ako sa bibig at unti-unting bumabayo ang puso ko. I thought Juvian is having sex with other girls all this time.
I click the second to the last video at halos mawalan ako ng lakas at nanlaki ang mata ko sa nakita.
It' me! I think it's a compiled video.
I played the video at nasa iba't ibang sulok iyon ng bahay. Naglilinis ako at kung hindi man ay nagluluto.
Merong nasa labas ako ng bahay na naglilinis at meron ding nakaupo lang sa sala. I fast forward the video at napatigil ako ng nasa kwarto ko na iyon.
Oh my god! May cctv din sa kwarto ko? Shit!
Nag-flashback lahat-lahat sa utak ko ang mga iyak at kilig kong ginawa sa kwartong iyon. Mas lalong nanlaki ang mata ko at napatakip sa bibig nang maalala na nagbibihis din pala ako ro'n!
Nangamatis ng ganoon kabilis ang mukha ko. So, Juvian's been watching my nakedness behind those hidden cameras?
Napakutkot ako sa sariling kuko.
Napadpad ako sa clip ng nasa veranda ako nakatulog. Juvian entered my room at kinuha ang kumot na nasa higaan ko.
Naupo siya sa gilid ko at hinaplos ako. Ilang minuto siyang nakatitig sa 'kin sa ganoong posisyon at bigla akong hinalikan sa bibig.
My hands immediately touch my lips. He kissed me? Siya pala iyon at hindi si Aileen!
I continued watching the video at may footage na nasa apartment kami sa Iloilo.
Nagsimula ang video sa paglabas ko ng apartment dala-dala ang isang bayong, probably ay mamamalengke ako nito.
Sumulpot din bigla sa video si Dexter at ginulo no'n ang buhok ko.
Juvian's stalking me? Siya ba ang nagbi-video nito?
Sunod-sunod ang video clips na iyon na nasa labas ng apartment namin ni Daneil. Mayroon ding video ang pagtitinda ko ng barbeque sa labas ng apartment kasa-kasama si Dexter.
Napalunok ako ng lumipat na naman video sa bagong eksena.
Nakatuon ang camera sa isang kahon at tila pamilyar iyon sa 'kin.
Agad na nangunot ang noo ko. Saan ko nga ito nakita?
Tinuon kong muli atensyon sa kamay na nahagip sa camera. Napatigil ako at pinause ang video at inulit para makitang muli ang kamay na iyon.
Halos idutdot ko ang mata kakatitig sa kamay na iyon dahil hindi ako magkakamali na kay Juvian iyon.
Mas lalong nabuhay ang kuryusidad ko sa kung anong gagawin niya sa kahong iyon. Hindi siya kita sa video dahil tanging kamay niya lang ang nakikita roon.
May pinapaypay siyang binatilyo at agad na tumakbo papalapit sa kaniya. Dahil walang audio ay hindi ko malaman-laman kung ano ang pinag-uusapan nila dalawa hanggang sa ibigay ni Juvian ang kahon na iyon.
I remembered! 'Yan 'yung pinaglalagyan ng mga damit na may nagpadala sa 'kin na hindi ko alam kung sino!
Sa kaniya galing lahat iyon?
Halos hindi na mag-sink in ang lahat ng nalaman ko sa mga oras na ito. Wala ako sa wisyo kung ano ba at paano ba ako magre-react sa mga pangyayari.
Isa na lang ang natitirang video na hindi ko nabubuksan. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at pinindot iyon para magplay.
Halos mapatalon ako sa kinauupuan nang marinig ang malakas na audio nito.
Naghihiyawan ang mga taon at malakas ang tugtog ng music sa background.
"Hey, Step! Say hi!" sabi ng nagbi-video at tinutok ang camera sa babae.
Halos magulantang ako nang makilala iyon dahil siya yung nag tag kay Juvian sa facebook at mabilis na nawala ang video pagkalipas ng ilang minuto.
She's wearing a silk dress at bakat na bakat ang kurba ng katawan nito. Halos makita na rin ang kaluluwa niya at tila lasing na lasing na.
She give a flying kiss to the camera man. "Hi! Where's Juvian?"
"Ah, nandoon." Tinuro nito kung na saan ang asawa ko at nabaling din sa kaniya ang camera
"I-video mo ako, ha?" she smiled like an evil.
"Sure!" Tumawa ang magbi-video na parang alam na alam na ang gagawin ng babae.
Sumunod lang ang lalaki sa babaeng iyon at kitang-kita ko paano ito kumandong sa asawa ko.
"Hi, Juvian! This is just a dare lang, ha? They dared me kasi na i-french kiss ka. Can I?" malanding aniya at nilingkis ang kamay sa asawa ko.
Juvian didn't respond kaya agad na hinalikan ng babae si Juvian. Naghiyawan ang mga tao at mas lalo lamang lumakas ang music.
Nagtatawanan silang lahat ng biglang hawakan ni Juvian ang babae at sapilitang nilayo ang mukha nito ngunit malakas ang pagkakakapit ng kamay nito sa leeg ni Juvian pero nakuha naman niya ang babae.
"Who told you to kissed me?!" galit na sigaw ni Juvian.
Napatigil bigla ang pagchi-chear ng lahat at napatahimik. Hindi rin makapaniwala ang babae dahil nasigawan siyang ng guwapong nilalang.
"I thought you like it!" maarteng ani ng babae.
"Fuck it, whore! Umalis ka sa harap ko at baka hindi ko pa mapigilang sapakin ang isang katulad mo! I have a fucking wife! Don't you dare kissed me!" Juvian shouted at Step.
May sasabihin pa sana ang babae pero agad siyang tumingin sa kumukuha ng video at umalis na silang dalawa. Doon na rin natapos ang video.
So, this is the whole video? Clip lang iyon ang napost ng babaeng iyon.
"Are you done?" pumailanlang ang malalim na boses na iyon sa buong kwarto.
Nanigas ako sa kinauupuan at hindi alam ang gagawin kung lilingon ba o hindi. Nagtatalo ang sistema ko kung ano ba ang dapat gawin ngunit sa huli ay pinili kong lingunin ang may ari ng boses.
I stand straight and turned my body to see him. I bit my lower lip when I meet his blanked gazed towards me.
"J-Juv. . ." utal na saad ko, kinakbahan dahil sa pangingialam ko sa gamit niya at pagpasok dito sa kwarto niya.
"I'm asking, are you done?" he asked again in his serious tone.
Hindi ko batid kung galit ba siya o hindi dahil sa blangkong ekspresyong nasa mukha niya.
Biglang nag-ulap paningin ko at napayuko. Maybe he's mad. My heart thump loudly as I embraced myself for Juvian's wrath. "Juvian. . .I. . . I'm sorry p-pinakialam ko—"
My eyes widened when I felt his warm hands engulfing my body. Agad na napaangat ang paningin ko sa kaniya at napansin ang ekspresyong nasa mukha nito.
It's a sign of relief, longing, love and an apologetic smile curved on his face.
"I'm sorry!" I burst into tears ang hugged him. Hindi ko alam pero iyon agad ang lumabas sa bibig ko.
"Shhh. It's my fault. I didn't say anything my love for you since then. I. . . I'm a coward. . ." he said
"Did you not have s-sex to anyone?" tanong ko.
He moved his head sideways. "No, I didn't do that. Ikaw lang ang babaeng uulit-ulitin kong galawin."
"W-wala kang. . . anak sa iba? Yung sa restaurant tayo? Hindi mo anak iyon?"
He chuckled and look at my eyes. "It's not my child. Hindi ko nga ginalaw ang babaeng iyon. She's not my type."
"Totoo?"
He nodded again.
"Those videos. . ." pinalo ko sa sa dibdib. " bakit may hidden camera sa kwarto ko? Manyak ka!"
"I just want to know what you are doing—"
"Pati pagbihis ko ay nappaanood mo?!" inis na sabi ko.
"Yes, but I'm deleting those footage and not all the time ay naka-on amg camera doon sa kwarto mo."
"Kahit na! So. . . nakita mong umiiyak ako? N-nakakainis ka!"
Pinagpapalo ko siya sa dibdib pero kalaunan ay dinakip niya ito at hinalikan ako para mahinto ako.
Lumalim ang halik nito at mas lalong akong nilapit sa katawan niya. He even put my hand on his arms and he snaked his arms around my waist.
"I love you."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro