CHAPTER 21
Chapter 21
"DEX, tulungan mo na lang ako sa pagtitinda ko. Ako na ang bahala sa mga gastusin mo."
"Hindi iyan pupwede, Aya. Problema ko 'to."
"Problema ko rin ang problema mo. Pansamantala lang naman ito, pwede ka rin namang umalis kapag may nakita ka nang trabaho," I explained.
"Nakakahiya, Aya. Ayos lang talaga ako," pilit niyang pagtatanggi sa mga alok ko.
"Dexter! Mas mabuti nang may income ka kahit papaano. Ako na rin ang bahala sa mga gastusin sa gamot ng nanay mo, okay?"
Narinig ko ang pagbuntonghininga nito. Wala na yatang katapusan ang pagtanggi niya sa tulong ko.
Halos isang oras na kaming nagbabatuhan ng salita para sa usaping gastusin at pera. Napakamot na lang ako sa ulo dahil hindi yata ito magpapatalo.
"Tanggapin mo na ang tulong ko, Dex. Magtatampo talaga ako kapag hindi ka pumayag," kunwa'y may samang loob na aniko.
Napaangat ng tingin si Dexter at nakarinig na naman ako ng buntonghininga. "Kung matitiis lang talaga kita."
I smile widely when I heard his defeated voice. Iyon lang naman pala ang katapat.
Hinanda namin ang paglulutuan at sako ng uling. Sinet-up ko na rin ang isang maliit na electric fan para hindi na kami mahirapan kakapaypay.
"Ate Rad, magsisimula na po kayo?" tanong ni Ikay, anak ng pagawaan ng talyer sa 'di kalayuan.
Ngumiti ako kay Ikay at pinisil ang magkabila niyang pisngi. Ang cute na bata. Kulot ang itim na itim na buhok at maputi ang balat. Mahahaba rin ang pilik mata ang malaki ang mga mata.
"Oo. Anong bibilhin mo?"
"Gaya rin po ng dati!" masayang aniya. "Eto po ang bayad, ate! Si papa na kukuha mamaya!" hagikhik nito at naglaro ng bola nito.
Napakabibong bata, oo. Ilang segundo lang ay narinig ko ang nagsisisgaw na ina nito dahil nauna na naman ito papunta rito.
"Naku, ikaw na bata ka! Sabi nang hintayin ako dahil baka masagasaan ka! Juskong batang ito, oo!" sermon ng ina na ngisi lang ang sinagot ng bata.
Nawala lamang ang atensyon ko sa mag-ina nang may humahangos na binata papunta sa amin. Agad kaming nagkatinginan ni Dexter kung may alam ba siya sa nangyayari dahil tila nagpa-panic ang lalaki.
"Dexter! Aya!" sigaw niya.
Wala pa mang nalalaman ay biglang dinalahik ng kaba ang buo kong sistema. Pawis na pawis si Maykel at parang pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha.
Nang marating nito ang kinaroroonan namin at lumunok muna ito at binato ako ng nangsisimpatyang tingin.
"Si Daneil! Naaksidente!" saad niya na nagpagimbal sa buo kong mundo.
Nabitawan ko ang pinggang dapat ay paglalagyan ng nalutong inihaw. Narinig ko ang pagkakapira-piraso nito sa semento at wala sa sariling hinakbangan ito na naging dahilan para tumusok iyon sa manipis kong tsinelas.
"Aya!" agap ni Dexter at dinaluhan ako.
Ramdam ko ang hapdi sa paa ko ngunit wala roon ang isip ko. Tinangay iyon ng pag-aalala sa anak ko at nanginginig na napahawak kay Dexter.
Hindi ko alam kung kailan kami nakarating sa lugar ng aksidente. Isang kanto ang layo kung saan sila naroon ngunit parang nilipad namin iyon ni Dexter.
Panay rin ang pigil niya sa 'kin dahil sa dumudugo kong paa ngunit pagkakaabalahan ko pa ba ang sarili kong kalagayan kaysa sa anak ko?
Nadatnan namin ang sobrang daming taong nakiusyuso sa pangyayari at may kanya-kanyang hawak na cellphone para idokumento ang aksidente.
"Kawawa naman."
"Grabe oh! Sira 'yong bike ng bata."
"Sa ulo ba nadale?"
"Oo, eh. Kawawa."
Hindi ko pinansin ang mga taong nagkukumpol-kumpulan at pilit na binaliwala ang mga naririnig na usapin.
Ayaw kong maniwala ngunit may nagsasabi sa 'kin na totoo ang mga pinag-uusapan nila dahil sila ang unang nakakita.
"Makikiraan lang po," pakinig ko kay Dexter habang hila ang kamay ko. "Makikiraan."
Nang tuluyan kaming malampas sa kumpulan ng tao ay halos mawalan ako ng malay nang masilayan ang sitwasyon ng aksidente.
"Aya," pakinig kong sambit ni Dexter at siniportagan ako sa pagtayo nang kamuntikan ng mawalan ng balanse.
Nanginginig kong hinakbang ang paa patungo sa bisekletang yupi ang unahan habang nakaipit iyon sa malaking truck sa ilalim.
Kilalang-kilala ko ang desisnyo ng bisekletang ito. Pati rin ang katawang nakaipit pa rin sa ilalim ng truck. I know Daneil's shoes! Ako ang bumili ng kulay itim na sapatos na iyon!
"Oh my God!" Napasapo ako sa bibig at nangiligid ang luha. "Daneil! Dexter, ang anak ko! Si Daneil!" palahaw ko.
Tila tumigil bigla ang mundo ko sa tanawing iyon. Kinakapos ako ng hininga at hindi nararamdaman ang buo kong katawan.
Lalapit na sana ako ngunit may pumigil sa 'kin.
"Ma'am, doon po muna kayo. Kami na po ang bahala."
"Aya, halika muna rito. Wala tayong maitutulong d'yan," malumanay na pagpapaintindi ni Dexter.
Tears filled my face seing my Daneil in that state. Wala akong maisagot sa mga sinasabi at pampalubag loob na salitang binibitiwan ni Dexter dahil ang isip ko ay puno ng pagsisisi at awa sa sinapit ng anak ko.
Please, Daneil live for mommy. Please. . .
Habang maingat na kinukuha ang katawan ni Daneil sa ilalim ng truck ay naaaninaw ko na ang dugong nasa katawan niya. Mas lalo akong pumalahaw sa iyak at tanging hagod na lamang ang nagawa ni Dexter sa likod ko.
Sobrang sikip ng dibdib ko habang maingat na nilalagay sa stretcher ang anak ko at ipasok sa loob ng ambulansya.
Halos hindi ko siya makilala dahil sa dugong bumabalot sa mukha niya. "Anak, please, hang in there," pagmamakaawa ko habang marahang hinawakan ang kamay nito.
Mabilis kaming pumasok ni Dexter sa loob at sinamahan ang anak ko sa ospital. Sinalubong kami ng mga nagmamadaling doctor at maingat na sinuri ang anak ko.
Nagmamadaling itinakbo sa operating room ang anak ko pagkatapos no'n.
"Ma'am, sir, dito na lang po kayo. Bawal pong pumasok," pigil ng isang doctor.
"Doc, please, save my son. Save my son, please. . ." basag na tinig na pagmamakaawa ko.
Napatango ang doctor. "We will do our best, ma'am."
After he said those words, he entered the operating room.
Doon ko rin naramdaman ang pagkawala ng lakas ko at kamuntikan pagdilim ng paligid ko.
"Aya!"
I cried again when Dexter hold me. I hugged him tightly thinking Daneil if would be okay in the operating room.
Kamusta kaya siya? Alam kong sobrang sakit no'n. My poor Daneil.
"Dex, kaya ni Daneil, right? Malakas na bata 'yon." Nanginginig kong sinapo ang mukha ni Dexter. Patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha ko at hindi ako makahinga ng maayos.
"Aya, magiging okay rin si Daneil, hmm? Pero kailangan muna nating gamutin ang sugat mo sa paa, dumudugo pa rin 'yan."
Doon ako napatingin sa paa ko. Puno na nga ng dugo ang kaliwang tsinelas ko. Marahil ay malaki ang sugat no'n dulot kanina pero parang wala akong nararamdaman sakit mula roon. Tila namanhid ako para isipin ang sariling kalagayan.
Ayaw ko pa sana ngunit nagpumilit si Dexter na pumuntang emergency room para doon ako pagpahingahin at gamutin.
I remembered Juvian for a sudden. Ginapangan ako ng kaba dahil kapag nakaabot sa kaniya ang balitang ito ay baka tuluyan na niyang makuha si Daneil sa 'kin.
Napakagat ako sa pang-ibabang labi ng balikan ko ang alaalang iyon.
"Aya, may box oh. Nag-order ka online?" sabi ni Dexter matapos na makapasok sa loob ng apartment namin.
Nangunot ang noo ko at napatigil sa paglalaba. Mabilis kong pinatuyo ang kamay at takang binalingan ng atensyon amg kahon.
It's just a plain brown box and nothing attached on it except for my name and address.
My forehead frowned in which I didn't purchased anyhting online for the past few days.
"Saan mo nakuha 'to, Dex?"
"May nag-abot sa 'king lalaki, e. Una nagtanong kung kilala ba kita kaya kinuha ko na para sa 'yo. Wala namang bayad, e. Nabayaran mo na yata."
Napatango na lang ako dahil wala namang magpapadala sa 'kin dito at ang tanging pumapasok sa isip ko ay si Juvian.
Nilagay ko muna iyon sa isang tabi at tinapos ang arawna ito bago buksan. I can't let Dexter see what's inside the box, tila may nagsasabi sa 'kin na ganoon kaya ginawa ko.
When I'm going to bed, I opened the box carefully. Tumambad sa 'kin ang ilang litrato ko na nakatayo sa gilid ng bintana, nagtitinda at kasama si Dexter.
Mayroon ring tulak-tulak ni Daneil ang bike nito at may bandage ang kaliwang paa.
Heat almost escape my body when I saw a letter. Hibdi ko pa man nabubuksan iyon ay nanginginig na ang kamay ko.
Walang pag-aalinlangan ko itong binuksan at binasa. Tila mas lalo akong manutla sa tumambad na mga salita na nasa papel.
I'm taking you back soon, both of you.
Kahit walang pangalan ang sulat na iyon ay alam kong kay Juvian galing ang lahat ng iyon. Alam niya ang bawat galaw ko at kung saan man ako magpunta.
Dinalahik ako ng kaba sa isiping iyon kaya agad napatingin si Dexter sa 'kin nang akma akong bababa sa kama.
Dexter doesn't know about the letter. Wala siyang kaalam-alam regarding to that matter and I felt guilty about it.
"Saan ka pupunta, Aya? Magpahinga ka muna." Pilit niya akong pinigilan ngunit hindi niya magawa iyon.
Paika-ika akong naglakad patungo sa operating room. It's almost an hour but the operation is still going on.
I pray for Him to save my son from danger. Kung pupwede lang isakripisyo ko ang sariling buhay ay agad ko itong ibibigay para kay Daneil.
He's my life now. Hindi ko kayang mawala siya.
Sa ilang oras na paghihintay namin sa labas ay bigla na lamang bumukas ang pinto ng operating room.
"You're the parents of the patient?"
Agad akong napatayo at kasunod si Dexter. "Yes, doc," agap ko.
My heart beat race for the news he will going to say. Hinanda ko ang sarili sa anumang sasabihin niya at nananalangin na sana ay narinig Niya amg pagsusumamo ko.
"We succesfully removed some debris from the truck that stayed in his head. He have a severe head injury and loss too much blood. He's in coma right now, ma'am. I'm sorry."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro