Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 17

Chapter 17






"IS THIS really okay, anak? Baka hindi bagay sa 'kin? 'Yong white dress na lang kaya ang suotin ko?" I asked him.

Nakarinig ako ng tawa mula sa kaniya. "Mom, pang-ilang ulit mo na bang natanong iyan? At pang-ilang ulit mo na ring palit iyan? You're the most beautiful woman in my eyes, mom. Kahit ano pa ang suotin mo, you're a goddess to me."

"Asus, binobola mo lang ako, e," I jokingly said, hindi ko mapigilang mapangiti.

"It's true, mom, not kidding." He raised his right hand tila nanunumpa talaga.

Napailing ako sa kalokohan ng anak ko. Nang magpasya kaming bumaba ay ganoon din ang paglabas ni Juvian a kwarto niya.

He's wearing a mint green long sleeve that tucked on his pants. His pants is khaki color at nakasuot ng itim na sapatos. His hair is not as style as I usually see kaya nakakapanibagong tingnan. Naka-brushed up ito at mahihiya yata ang isang hibla na tumakas sa noo niya kung sakali man.

Juvian is insanely handsome in that outfit. It's a grave sin not to look into that god-like features.

Napatingin ako sa napiling suotin na dress, hindi rin nagkakalyo ang kulay naming dalawa. Doon ko rin napansin ang kulay na suot ni Daneil na kakulay ng mga damit namin.

"Mom, bakit kasama si dad?" mahinang tanong ng anak ko.

"It's a family day, right? He should be."

"But—"

I cut him off. "Make up with your father. Ayokong nagtatanim ka ng sama ng loob sa kaniya," pinal na utos ko.

Hindi nakaimik si Daneil sa sinabi ko. Kahit na may lamat ang pagitan namin ni Juvian ay hindi ko maatim na manatiling nakakulong sa galit at puot si Daneil.

Juvian had problems from the start but it doesn't mean that Daneil will involved himself with this. I love the both of them and I can't bear looking at Daneil glaring every time he see his father.

Juvian drove the car to Daniel's school. Habang nasa byahe ay nahuhuli kong nakatingin si Juvian sa akin.

I can't understand why he's looking at me like that. Hindi ko alam kung ano ba ang ibig sabihin ng mga salitang nasa mata niya. Isinawalang-bahala ko na lang iyon ngunit hindi ako mapakali sa kinauupuan.

Kinalabit ko si Daneil kaya nabaling ang tingin nito sa 'kin at nawala ang atensyon sa nilalaro sa cellphone.

"Am I ugly today?" inosente kong tanong.

Daneil's forehead knotted. "Who told you, mom?  Of course not! Ikaw ang pinakamagandang babae sa mundo ngayon."

"I'm. . . I'm just conscious." Napaangat ako ng tingin nang marinig ang mahinang tawa ni Juvian.

Mas lalong nangunot ang noo ko. Wala namang nakakatawa, bakit naman siya natatawa?  Hindi iyon rinig ni Daneil dahil naka-earpods na ito at tutok na tutok sa nilalaro.

Napanguso tuloy ako at mas lalong naging hindi kumportable sa suot. Nawala lamang ang pagkailang ko nang makatapak kami sa eskwelahan ni Daneil.

Juvian plays his role again as a sweet and caring husband in the eyes of everyone. Marami akong narinig na bulong-bulongan na may kabit daw siya at kawawa ako.

Mapait akong napangiti. Kung alam niyo lang talaga ang lahat.

May bumalatay na sakit sa dibdib ko dahil nagmumukha akong tanga sa mata ng lahat dahil sa sistwasyon ko.

Juvian tainted his own reputation and I can't do anything with it. Wala na dapat akong pakialam sa kaniya sinula pa lang pero ano ang magagawa ko? Tao lang ako, nahuhulog din, tinatamaan ng pagmamahal.

The program begin with the mc announcing the arrival of some important person. Naging kwela ang mga speech ng guess speaker at ang gagaling ng mga estudyanteng nag-perform.

Pasulyap-sulyap ako kay Juvian at lihim na napapangiti sa kagandahang lalaki nito. Hindi ko maiwasang humanga sa kabila ng mga pinaggagagwa niya sa akin.

Ang kaninang nagchismiss sa kaniya ay sila rin naman ang panay tingin kay Juvian na may paghanga. Napaismid ako. Ang plastic!

Gusto ko tuloy tusukin ang mga mata ng mga kababaihang dikit na dikit sa kaniya ang paningin.

Mas lalo akong nainis nang may kumurbang ngisi sa labi nito. Napatitig tuloy ako sa stage para alamin kung ano iyong tinatawanan niya pero seyosong mensahe lang naman iyon para sa mga magulang.

I returned my gazed to Juvian and surprisingly he is looking towards me. Kamuntikan na akong mapatalon sa tingin niyang iyon na naging dahilan para sumilay ang isang hilaw ngunit matipid na ngiti.

Napabalik ang tingin ko sa stage at inayos ang sarili, nagkunwaring normal sa paningin niya.

Napatigil ako bigla sa naisip. Hindi ba ako normal? Tanga ka talaga, Ridaya!

Hindi ko namalayan na tapos na ang program at palaro na. Knowing Daneil, ayaw niya sa mga ganoon kaya nagyaya itong kumain sa isang restaurant.

Sinusunod naman agad iyon ni Juvian at doon nga kami kumain at nagpalipas ng oras. Nang tapos na kami ay biglang may lumapit na babae sa table namin.

"Hi, DM! Who are you with?" I can sense the sarcasm there. Nilibot niya ang paningin sa amin at mapanuya siyang napatitig sa kabuuan ko kahit na nakaupo pa.

I scanned her body. She's sexy, have the height and have a good visual. Maputi ang balak at maikli ang buhok na hanggang tenga lamang.

Nangunot ang noo ko sa babaeng ito. What's her problem?

"Ah! I know na! She's your mistress ba?" natatawa niyang dagdag na ikinakuyom ng kamao ko.

"Miss, mawalang galang na. Hindi ako magbibingibingihan sa pambabastos mo sa ina ko!" diing sabat ni Daneil habang matalim na tinititigan ang babae.

"Stop it, Step! I'm with my wife, fucking leave!" malamig na sambit ni Juvian pero tumawa lang ang babae.

"After those hot nights? I will leave you? No! That woman should leave you dahil buntis ako!" malakas na sigaw niya na naging dahilan para mapukaw ang atensyon ng mga tao.

The moment I heard it, hundred of spears stabbed my chest. Unti-unting nangiligid ang luha ko at pilit na pinipigilang huwag malaglag iyon.

I looked at Daneil.

Mabilis kong naisawalang bahala ang naratamdaman dahil sa anak kong iyon. Taranta kong hinawakan ang kamay niyang nakakuyom dahil nanlilisik ang mata nitong nakatitig sa ama nito.

"Anak. . ." tawag ko ngunit parang bingi na ito. Nakikipagtagisan ito ng tingin sa ama.

"At nang buntis ka pa talaga ng ibang babae, dad?! How could you do this to our family?! Palagi mo na lang sinasaktan si mommy!" sigaw niya.

Napatayo ito at pilit ko siyang pinipigilan. Veins are now visible on his face. "Anak, please," pakiusap ko.

"No, mom! This is enough proof that dad will never love you! Hindi ko na maatim pang saktan ka niya! Let's leave him!"

"Pero anak—"

"Daneil enough," kalmadong usal ni Juvian at napatayo na rin.

Daneil threw him a dagger look. "And who are you to tell me that?!"

"Daneil!" malakas na saway ko.

"Mom, kakampihan mo pa 'yan? Ginagago ka na ni dad pero heto ka at dikit pa rin nang dikit sa kaniya! Will you live your life like this, mom?!"

Hindi ako nakaimik sa sinabi ng anak ko. Will I lived like this for the rest of my life? That I will be the least of Juvian's priority and will be his other one?

Hindi namin napansin na pumagitna na sa amin ang may ari ng restaurant. "Ma'am, sir, I don't have the right to interfere in this matter but can you all calm down for a bit? P'wede ni'yo naman po iyang pag-usapan ng mahinahon. Some customers are complaining already—"

"I will buy this restaurant so shut the fuck up!" inis na asik ni Juvian. "Ridaya," tawag niya.

But Daniel suddenly punched Juvian's face. Napasapo ang kamay ko sa bibig at dinalahik ng kaba ang buo kong sistema. Nanginginig ang buo kong katawan at tila naitulos ko na lang ang sarili sa kinatatayuan.

Naramdaman ko na lang ang mainit na kamay ng anak kong nakahawak sa kamay ko at iyon na rin ang oras na hinila na ako ni Daneil kaya wala akong nagawa kaya nagpatianod na lang.

Habang naglalakad ay para akong nakaapak sa kawalan. I can't feel my feet at the moment. Tila namanhid ang buo kong katawan at nabablangko ang isip ko.

Daneil and I take a cab headed to my father's house. Doon kami nagpalipas ng gabi.

Thank God na roon pa rin si Yaya Doring at Kuya Terry kaya meron mag-aasikaso sa 'min ng anak ko.

Pinaulanan kami ng tanong ni yaya pero si Daneil lang lahat ang sumagot no'n. Gulat na gulat pa ang matanda dahil ganoon pala ang relasyon naming dalawa ni Juvian.

Of course she wouldn't know dahil hindi ko naman iyon lahat sinasabi sa kanino man.

Nang mag-isa na ako sa kwarto ay doon ulit nag-replay ang mga nangyari kanina. Napatakip ako sa bibig at dumaloy ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

Maaatim ko pang  ginagalaw niya ang mga babaeng dinadala niya, kung ginagalaw niya man! Pero hindi ko na kayang isipin na may magiging anak pa siya.

Tila sinasaksak nang malalim ang puso ko na magkakaanak siya sa ibang babae.

Napahikbi ako at paulit ulit na sinusuntok ang dibdib ko.

Napakasakit! Tangina!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro