CHAPTER 1
Chapter 1
"MA'AM, pinapabigay po ng daddy ni'yo." Inabot sa 'kin ni Kuya Terry ang isang tasa ng kape at favorite cheese cake ko. May maliit na note sa ibabaw ng cheese cake kaya agad kong binasa iyon.
'Rest, sweetie.'
Hindi ko mapigilang may kumurbang ngiti sa labi at sinimulang kainin ang cheese cake habang tinititigan ang note.
Dad and his sweetness, oo. Kaya inlove na inlove si mommy sa kaniya, e.
I hope that I can found a man like my dad. Maalaga, mabait, ibibigay ang lahat ng pagmamahal sa akin at papahalagahan ako ng higit sa buhay niya.
Kapag nakikita ko sina mommy and daddy na naglalambingan, nararamdaman ko talaga na totoo ang pagmamahal nila sa isa't isa. Na hindi isang palabas lamang, na hindi mabubura kahit na ilang inog pa ang gagawin ng mundo.
Napabaling ako sa kape at inabot iyon para simsimin. Humalimuyak ang mabangong amoy ng brewed coffee na binigay niya sa puwesto ko na nakaagaw ng pansin sa iba naming katrabaho.
"Taray, mahal na mahal talaga ng tatay, oh!"
"Ang cute naman!"
"Suwerte ka sa daddy mo, Ridaya."
Napangiti ako sa mga narinig na komento mula sa kanila. Umingay silang lahat at pinag-usapan ang daddy ko—ang boss nila, na kung gaano ka ideal father sa akin at kung gaano ako kasuwerte dahil naging anak ako ng boss nila.
Oo, napakasuwerte ko nga talaga sa pamilya ko. Ano pa ba ang hihilingin ko? They never failed to give all I wanted eversince I was a child. They give me a happy life, favored for whatever choices I chose, and support me all their heart.
Ginabayan nila ako simula ng maliit pa ako hanggang pa rin naman ngayon. Binibigay nila ang lahat para sa ikabubuti ko and I was thankful for that.
Hindi ko alam kung ano ba ang ginawa ko noong past life ko at ganito ang buhay na binigay sa akin ngayon. Hindi ko lubos maisip na makukuha ko ang mga gusto sa isang kisap-mata.
At the age of 23, parang kontento na ako sa mayroon ako ngayon. All I can do was to enjoy my life everyday but there was a missing piece on my heart that I felt sometimes.
Sabi nga nila, nasa akin na raw ang lahat. Yes, indeed, nasa akin na nga talaga ang lahat pero may isang parte sa puso ko minsan na nagsasabi na wala pa sa akin ang lahat, na may kulang talaga kaya hinanap ko kung ano iyon sa mga nakaraang araw pero hindi ko malaman-laman ang sagot.
"Ridaya, pumunta ka raw sa office ng dad mo," ani Kuya Terry, bumalik ulit para sabihin iyon.
Terry was my dad's personal assistant, he was 15 years older than me at pinagkakatiwalaan ng lubos ni daddy. He was 21 years serving dad with his outmost loyalty.
Mabilis kong iniwan ang table at sinabayan si Kuya Terry na maglakad pabalik sa office ni dad. I was smiling when he opened the door for me and thank him. Pumasok na ako sa loob ng office ni daddy at sinalubong ang tingin nito.
"Yes, dad?" Prente akong naupo sa upuang nasa harap ng table nito.
"Nothing honey, I just want you to rest here." He smiled.
Napangiti ako sa narinig. "Si daddy talaga! Baka isipin nilang unfair ang treatment mo sa mga empleyado dahil sa 'kin," kunwa'y inis na singhal ko na ikinatawa niya.
Nag-usap kami ni dad ng ilang minuto nang may maputol iyon sa isang pagkatok. Bumukas ang pinto at niluwa no'n ang sekretarya ni daddy rito sa kumpaniya.
"Sir Rad, nandito na po si Sir Soliven," anunsyo niya at pumasok ang isang lalaki na ikinatigil ng mundo ko. Habang papalapit siya sa kinaroroonan ko ay mas lalo kong napapansin ang agaw-pansing mga katangian niya.
He was wearing a bussiness suit na hapit na hapit sa katawan nito. Nakasuot ang isang kamay sa bulsa at kitang-kita ang mamahaling relos.
Kahit na natatakpan ng tela ay alam kong maganda ang pangangatawan ng lalaking kaharap ko.
I stared on his face that made my mouth hanged opened. I first noticed his aqualine nose paired with that dark brown orbs. Sakto lang ang kaputian nito at pati na rin ang taas niya. Malalantik ang mga pilik mata, may kakapalan ang kilay ngunit maayos ang pagkakahulma. Sa totoo lang, walang kapintas-pintas ang mukha niya.
Parang nanghihipnotismo ang mga titig nito nang sandaling nagtama ang mga mata naming dalawa, ngunit siya ang unang pumutol nang titigang iyon at bumaling kay daddy.
"It was nice to see you, Mr. Soliven," bati ni daddy at tumayo para makipagkamay.
Nakipagbatian silang dalawa at nagkumustahan. Gustuhin ko man sanang manatili sa office ni daddy ay minabuti ko na lang na umalis dahil nagiging out of place ako sa usapan nilang dalawa.
I excused myself from both of them and headed to my desk. Usap-usapan sa mga katrabaho ko ang Mr. Soliven na iyon, kesyo napakaguwapo raw, kung gaano kagandang lalaki sa edad niya at kung ano-anu pa ang naririnig ko. Pati nga lovelife ay pinapakialaman nila pero s'yempre, interisado ako at palihim na nakikinig sa kanila.
Tumahimik lang ang tsismisan ng lahat nang bumukas ang pinto ng office ni daddy at lumabas na roon ang laman nang usapan ng lahat ng katrabaho ko.
Parang may dumaang anghel nang naglalakad na siya patungo rito. Nakabibingi ang katahimikan at lahat ay nakasunod ang atensyon sa kaniya.
When he was about to walked passed on my desk, I caught him glanced on my direction that made our eyes locked for a couple of seconds.
It made my heart skip a beat at halos mangarambola ang loob ko sa ginawang titigan na iyon. Napahawak ako sa dibdib.
Nang makalampas siya at mawala sa paningin naming lahat, binalot nang tilian ang buong paligid at halos magwala silang lahat.
Nakatulala pa rin ako sa titigan naming ng lalaking iyon. Tila nanghihipnotismo ang mga mata kung paano siya tumingin sa akin. It took seconds but for me parang matagal na minuto iyon.
Lutang ako kaiisip kay Mr. Soliven buong maghapon, but I was able to do my works smoothly on the finance department.
It was a tiring day but all worth it because of that man. Maybe after I got home, I will asked dad what his name. I badly wanted to know who he was. I am really curious about him.
***
"MA'AM, kumain muna kayo. Pinagluto po kayo ng mommy mo," saad ni Yaya Doring.
Napangiti ako at napatango. Naglakad ako papunta sa kusina saka binigay kay yaya ang mga gamit na dala.
May isang pizza na nakahanda at juice sa mesa. May pansit din na may kalamansi sa gilid na paboritong-paborito ko sa mga luto ni mommy.
Mabilis kong nilantakan iyon at inaya si yaya na sabayan akong kumain kaya wala siyang nagawa kung 'di ay kumain din.
"Na saan pala si dad, 'ya?" biglang tanong ko ng malapit nang matapos sa kinakain. Sinimsim ko ang juice at kumuha ng tissue.
"Nasa office niya, iha. Kararating niya lang kanina at mukhang problemado. May nangyari ba sa kumpaniya?" balik na tanong ni yaya.
Nangunot ang noo ko. Sa pagkatatanda ko ay parang wala namang nangyari kanina na dapat ay ikabahala ni dad. Walang bakas na problema ang mukha niya noong kaharap ko siya sa kumpanya kaya malabo namang may nangyaring hindi maganda. The company was going well and nothing bad happened and I can really assure that.
"Wala naman po. Si mommy?"
"Ah, naroon sila sa kuwarto nila, iha," sagot ni yaya at niligpit na ang pinagkaininan namin.
Pumunta na ako sa kuwarto at nagbihis ng pambahay saka pumunta sa room nina dad and mom. Akma na sana akong kakatok ngunit natigil iyon sa ere nang marinig ang hikbi ni mommy.
My forehead creased for what I've heard. Ang katanungang bakit siya umiiyak ay nasagot ng ganoon kadali nang marinig ko ang pagsasalita ni mommy.
"Hon, I can't tell this to Radiya. I can't. . ." Mom sobbed. Ramdam ko na nahihirapan nitong tinig habang sinasabi iyon na naging dahilan kung bakit parang pinupunit ang puso ko.
Boses pa nga lang niya na umiiyak ay parang hindi ko na kayang pakinggan pa, paano na lang kapag nakikita ko pa? Parang hindi ko kayang makita pa iyon.
"Shh. Hush, honey. Huwag mong pilitin ang sarili mo na sabihin sa anak natin ang sakit mo, hmm?" pag-aalo ni daddy.
Narinig kong mas lalo lamang umiyak si mommy. "I can't lie to, Radiya, hon. Hindi ko na kayang itago na may taning na ang buhay ko. Hon, I'm not ready for this, bakit naman ipagkakait sa akin ang buhay na 'to? Ayo'kong maiwan kayo ni Radiya, hon. I really. . . can't."
Napasapo ako sa bibig at pilit na pinigilan na may kumawalang hikbi sa bibig. Nanlalaki ang mata na napatitig ako sa pinto at tuluyang napaatras sa rebelasyong narinig.
Bigla akong nakarinig ng mga yapak na papunta sa pinto kaya mabilis akong tumakbo lulan ang mabigta na nararamdaman patyngo sa k'warto.
Nang marating ang loob ng kuwarto ay sinugurado kong nai-lock iyon at unti-unti akong natibag sa kinatatayuan. Ang kaninang pinipigilang mga luha ay nag-agusan na lamang ng walang humpay kasabay ng mga mahihinang hikbi na dulot ng sakit na nararamdaman.
Nananaginip lang ba ako? Mom can't be serious, right? Wala siyang taning! Kasinungalingan lang ang narinig ko kanina.
Hindi iyon totoo!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro