
koo junhoe
My Childhood Sweetheart
×
“I heard, he’s here!” Beshie whispered without looking at me. Nasa simbahan kami at kararating niya lang. She’s late. Halos patapos na kaya ang homily ni Father.
“Who are you talking about?” Kahit may idea na ako kung sino ang tinutukoy niya ay nagmaang-maangan pa rin ako.
Her lips twitched. “June! Sino pa ba?” pagmamaldita nito. Napataas ang boses niya kaya nilingon kami ng isang matanda na nakaupo sa harap. Nagkunwari ako na hindi kami iyon at humarap na ulit ang matanda sa harap.
Mamaya lang talaga, majojombag ko ‘tong babaitang ito. Her news brought something to my senses.
Just by hearing his name, abot-abot na inis na ang nararamdaman ko. That guy! Mapalad siya at dinala siya ng mga magulang niya sa Maynila. Kung hindi ay nabugbog ko na ang lokong iyon. Siya lang naman ang naglagay ng napakalaking bato sa bag ko noong elementary pa kami.
Hindi ko pa rin nakakalimutan iyon. Nako! Nadedemonyo na ako kaagad kahit nasa loob pa ako ng simbahan. Hindi na ako magtataka kung any time ay uusok ako rito.
“Wala akong paki, okay? Now, look at the front and shut your big mouth!” pasimpleng banta ko rito dahil baka lingunin na naman kami ng matanda. Mahirap nang mapagalitan. Nakakahiya!
“Tss! Kfine!”
It’s been years. Maybe, he changed for good. Hopefully! Jusko naman. No one can handle his childish-like attitude. Ako lang lagi ang katapat niya pagdating sa ganyan. I’ll end up being the loser dahil maiiyak na lang ako sa sobrang inis sa kanya. I hate him very much when we were kids.
Dahil ninang niya ang mama ko at ninang ko rin ang mama niya, madalas na magkasama kami sa iisang lugar. Kapag naglalaro kaming magpipinsan o ang mga pinsan niya kasama ako, pagdidiskitahan niya ang mga bagay na nilalaro namin. Like kapag nagsi-slipper games, ibabato niya nang malayo ang mga tsinelas. Kapag naman Chinese garter ay eeksena siya at biglang gagalawin ang garter kaya nasi-step namin iyon. A typical bully.
He’s also the loudest. Minsan, sisigaw na lang siya nang wala namang dahilan. A total JERK.
Hahabulin ko siya nang hahabulin hanggang sa masabunutan ko siya. Buti na lang at hindi siya makatakbo nang maayos dahil sa katabaan nito. Tawa pa rin ito nang tawa kahit na halos mabunot ko na lahat ng buhok niya sa anit.
“Besh, balita ko, ang gwapo na ni June ngayon! Ay Besh, makalaglag panty! Iba yata talaga ang tubig doon. May klorayn. Magpapadala nga ako kay Ate kapag umuwi siya ulit rito sa probinsya natin,” sabi kaagad sa akin ng best friend ko bago pa man kami tuluyang makalabas ng simbahan kasama ang mga pamilya namin.
Fiesta kasi ngayon kaya marami talaga ang mga nagsisiuwian. Mamayang gabi ay may pa-disco sa pavement. Masaya ang mga ganoon pero ako, hindi ko iyon nai-enjoy. Hindi nga sana ako pupunta mamaya kaso nag-aaya talaga ang makulit kong BFF kaya sasamahan ko na lang.
“Sira! Hindi tatalab ‘yon sa ‘yo. Araw-araw ka ba namang nagbibilad sa araw kaka-practice n’yo ng volleyball, eh.”
My bestfriend, Ayla is an athletic woman. Maganda ang hubog ng katawan nito, matangkad at maganda. Iyong tipo na panlaban sa beauty contest. Hindi lang siya laging sumasali dahil wala ito masyadong confidence. She hates her skin color na morena. Para naman sa akin ay bagay sa kanya ang kulay niya.
“Nagsisi nga ako at eto ang napili kong sport, eh. Badminton na lang sana kagaya mo para pwede sa covered court. Epal kasi ng barangay, ayaw magpalaro ng volleyball doon!”
“Ganoon talaga!” Mabuti na lang talaga at hindi sa initan ang practice namin. ‘Yon lang, namumula lang ako kapag nabibilad sa araw. Thank Dad for my fair complexion.
The night came. Sobrang lakas ng sound system na abot hanggang bahay ang dagundong. Busy na sa bawat tahanan ngayon kakaasikasa ng ihahanda para bukas. Ang iba, advance nang namiesta kaya kahit ngayon ay busy na rito sa bahay. Our relatives from other towns are present dahilan para maging crowded sa bahay. Nakakulong naman ako sa kwarto ko dahil ayokong makisiksik sa kanila sa labas. Isa pa, hindi ako sanay na makihalubilo.
Basta tapos na ang share ko. Nagawa ko na ang coffee jelly na dessert.
Nag-text naman si Ayla na malapit na siya. Kasama ang jowa niya at naka-motor daw sila. Edi ako na naman ang third wheel. May bago ba?
Mabilis na tiningnan ko ang sarili sa salamin. I wore a black pull over jacket and ripped jeans. Sinuot ko na ang white Stan Smith ko at kinuha ang itim ko rin na cap. Ayokong mahamugan. Hindi ko kasi trip na suotin ang hood ng jacket ko. Nilugay ko lang ang aking mahabang buhok, powder and liptint and I’m set.
Lumabas na ako at nagpaalam sa magulang ko. Pinayagan naman ako dahil malapit lang ang bahay namin at kasama ko naman si Ayla. Isa pa, halos kakilala na namin ang lahat dito sa baranggay. Some of my relatives are barangay kagawads.
Nginitian ko naman ang mga relatives namin na nasa sala. I have no choice kundi rito dumaan. Sa back door kasi nagpe-prepare ang mga nagluluto. Mas crowded doon.
Bago pa ako makalabas ay pumasok naman si Ninang Jen, June’s mom. I immediately noticed her and throw myself to give her a tight hug. Kahit hindi kami in good terms ng anak niya, siya naman ang paborito kong ninang! She’s the best ninang ever! She never missed my birthday or Christmas. Lagi niya akong binibigyan ng kahit na ano tuwing nagkikita kami. See? That’s how generous she is pati ang asawa niya. I really wonder where the hell June got his attitude. Maging ang ate niya ay mabait naman sa akin.
“Ninang! Miss na miss na kita!” I told her and kissed her cheek. Bumitaw ako saglit at nagmano sa asawa nito. “Pasok po kayo!”
She caressed my face and look at me warmly. “Miss din kita, Kristine! Dalaga ka na! Ang ganda-ganda mong bata!”
That makes me pout. “Sus! Ninang naman, eh. Syempre mana ako sa ‘yo”
Biglang may tumikhim naman sa likuran nito. “Ako, asan ang kiss ko?” sabi ng baritonong boses. Ngayon ko lang napansin na may kapre na palang nakapasok sa loob ng bahay namin.
Napangiwi ako at iritang inirapan siya. Okay! This is the best defense that I could do. I admit, ang gwapo nga ni June! He’s different. Those baby fats are gone. Mukhang babad ito sa gym. He looks manly pero napaismid ako nang makita ang mapanukso nitong ngiti.
“Who you?”
Natawa naman si Ninang. “Mga binata at dalaga na kayo pero para pa rin kayong mga bata!”
“Nakalimutan mo na ang pinakagwapo mong kinakapatid? LONG TIME NO SEE, Kristine!” bati nito sa akin. “Now, where’s my kiss?” He close his eyes and spread his arms like he’s also waiting for a hug.
“Naroon sa labas, may poste. Suit yourself!”
He opened one eye bago na-realize na hindi ko siya iha-hug. He exposed his mischievous gummy smile na parang tanga. As if!!!
“Suplada mo pa rin! Buti na lang, maganda ka na. Hindi ka na bungi na iyakin!” sabi nito sabay tawa nang malakas. OA na kung OA pero halos dumagundong ang halakhak niya sa loob ng bahay namin. Dumiretso naman sina Ninang sa loob dahil lumabas na sina Mama at nagbatian na sila. They’re bestfriends and seldomly see each other. It’s nice that they reunite once again.
This is what I love about celebrating fiesta. Nagkakasama muli ang mga dating magbabarkada at maging ang magpapamilya.
Going back to this JERK right here. “Sinong bungi at iyakin? Eh, ikaw nga matabang uhugin! Don’t me, June!” asik ko.
“Whoah, whoah! Is this history? ‘Wag na nating balikan iyon, okay?”
Ha! Kala niya, wala akong pambala sa kanya, ha?
Bigla namang tumunog ang ringing tone ko. The name BF♥flashed on my screen. Oh no! I almost forgot. Nasa labas na nga pala sina Ayla!
“You have a boyfriend?” June asked. Namali lang yata ako ng dinig pero nahimigan ko sa boses nito ang lungkot? Medyo lumukot din ang mukha nito na kanina ay sobrang liwanag.
Before I could answer the phone, sinagot ko ito. “Why do you care?”
“Hey, Besh! Remember M, remember E! Remember me? Hello? Alam ko nariyan sa loob ng bahay n’yo sina June at kilig na kilig ka ngayon but please? Ang daming lamok dito sa labas. Baka naman pwede mo na kaming labasin, ‘no?” mahabang litanya ni Ayla.
“Pahintay po, ah. Eto na, palabas na. Wait lang,” sabi ko sabay end ng call. “Ma, I’m going,” sigaw ko kay Mama sa dining table. Lumapit pa rin ako to kiss Ninang again. “Ninang, I’ll just go to the pavement with my bestfriend. Feel at home, okay?”
“Sure! Wait, ija. Please do ninang a favor? Tag that tall man right there along! I-tour mo naman siya ng kaunti rito. Ate, you wanna join them?” she asks June’s sister.
Umiling lang ito at ngumiti. Knowing his Ate, mahiyain ito kaya never mo talaga siyang aasahan sa mga ganito.
“But--”
Naramdaman kong nag-vibrate naman ang phone ko tanda na may message akong natanggap. Oh no! Eto na nga po. “Sure, Ninang.” Pilit na ngumiti ako at hinila na lamang palabas si June.
“Whoah! Wait up, lady! I might trip. Buti kung mahulog ako ta’s sasaluhin mo?”
“Asa ka, tsong!” Ang totoo, ang arte ko lang. If this jerk falls for me, pag-iisipan ko naman kung sasaluhin ko ba siya o hindi. Malandi na kung malandi! Pabebe na kung pabebe!
“Sus! Kilig ka lang, eh. HHWW na lang tayo kaysa ganito na hinihila mo ako.”
I glared at him and he raised his hands. “Whoah! Kalma! I’m just suggesting since you’re doing the first move!”
“Can you please shut up? Kahit saglit lang?” asik ko. Gwapo nga, ang daldal naman! Jusko! He never changed a bit. Except that he grew manly and yep, very handsome!
Nakita ko na kumaway si Ayla gamit ang ilaw ng phone niya. Shoot! Naka-motor nga pala sila at tatlo lang ang kaysa roon. I can’t leave this jerk alone.
“Hey! Okay lang ba na maglakad na lang tayo papuntang pavement?” I asked him.
“It’s June, not hey or tsong!” sabi nito na parang batang nagmamaktol. Iniikot pa ang eyeballs. Tsk. Kung hindi lang siya cute, natusok ko na ang mata nito.
“Alright then! Let’s walk.” pagbabalewala ko sa tantrums niya.
“Hi, June! It’s been a while! Remember me?” bati ni Ayla sa kanya.
Napaisip saglit si June bago sumagot. “Ah! Irene, right?”
Ayla growled. “It’s Ayla! And this is my boyfriend.”
Napapalakpak ito ito at biglang lumiwanag ang mukha ng mokong. “I see! So this is BF with a heart?”
Tinaasan ko ito ng kilay. “Obviously? Sino pa ba?” Alangan namang boyfriend? Edi nagulpi na ako ng tatay ko! Binalingan ko sina Ayla. “You better go first. We don’t have wheels! As if kasya tayo riyan!”
Tiningnan ako nito nang makahulugan as if saying sus-wag-ako-besh type of look. “Oh siya~ mauuna na kami at sulitin n’yo muna ang time n’yo sa isa’t isa.”
Sasabunutan ko sana ito pero agad itong umangkas sa likod at pinaandar naman ng boyfriend niya ang motor. She waved at us na parang nang-aasar!
Nilingon ko si June sa gilid na parang timang na ngiting-ngiti. “Why are you smiling like that? You look creepy!”
Nagkibitbalikat lang ito. “Tara na nga!”
We walk side by side while focused on the road. No one dared to speak. Mabuti at maingay ang sound system sa pavement at maya’t maya ang mga dumadaang sasakyan at motor.
Bigla niya akong hinapit and we switched our places on the road. Kanina kasi ay siya ang nasa gilid at ako ang malapit sa mismong daanan ng sasakyan. “Dito ka nga. Mahagip ka pa riyan!” Inakbayan niya ako at bigla akong napapitlag.
“Kumusta, Tine?” he asked sincerely. Napangiti naman ako.
“Just fine, June,” I answered. I held his wrist. “Ba’t may paakbay? Nangungumusta lang naman?”
He laughed. “Wala lang. Ayaw mo ba? Pagod ako galing sa byahe, eh!”
Hinayaan ko na lang ito. “Ang bigat kaya ng kamay mo!”
“Mas mabigat ang kamay mo! Nananabunot ka kaya!” sabi nito na mistulang inalala ang nakaraan. “Masokista ka!”
“Your fault! Kung hindi ka epal, hindi ka masasabunutan!”
Natawa kami pareho. Reminiscing our childhood fits the mood. May banderitas sa kalye at maliwanag ito dahil sa mga nilagay nilang colorful lights.
“’Wag na kaya tayong tumuloy sa pavement? Usap na lang tayo,” pagyaya nito.
“Masasabunutan ako ni Ayla! I promised to her.”
Napaismid ito. “Fine! Let’s go!”
Pagdating namin sa pavement, nagkakasiyahan na nga. Tapos na ang coronation. Sinakto talaga namin ito dahil ang habol lang naman ni Ayla ay disco afterwards. Past 10PM na. May nakikita kaming mga dating kaklase at binabati nila si June. Nakikipagbiruan namn ito sa mga kaibigan at pinsan namin.
I’m watching him from a far and I can say na kahit pa paano, he develop some communication skills. Kung dati ay bully ito, ngayon ay nakikipagbiruan na lamang.
“Besh, baka matunaw si June! I told you. Ang gwapo niya, ‘di ba?”
Pinaningkitan ko ito. Her boyfie might hear her at baka mag-away pa sila. Imagine, sabihan ng GF mo na ang gwapo nung isang guy, hindi ka ba magseselos?
“Uy! Makatingin naman ‘to. May jowa na ko besh! Hindi ko siya aagawin sa ‘yo!”
“Sira! That’s not what I mean--”
“Oo na! Defensive ka naman. Aminin mo na kasi, ang gwapo naman na talaga ni June. Especially when he smiles! Parang madadala ka rin sa positivity ng energy niya! Sayaw na nga lang tayo!”
Mag-e-explain pa sana ako per hindi na rin ako tumanggi. Nasa gitna na kami at sumasayaw nang biglang nag-change ng music into a love song. Tatabi na sana ako nang may humigit sa palapulsuhan ko. When I turned, it was June.
“Sayaw tayo, Tine?”
“Ako? Sure ka?”
Natawa ito. “Sino pa ba?”
“N-nakakahiya! Iba na lang!” It’s the truth. Medyo nakakahiya nga talaga. Ang dami kasing chismosa sa piligid. Baka ma-chismis pa kami.
“I only want you!” he pouted. “Please?”
I still hesitated. “Alam ko na!” sabi nito at bigla niyang sinuot ang cap na dala ko. Sinaklob niya rin ang hood ng jacket ko. “Ayan! Hindi na nila tayo makikilala kaya tara na!”
“Sira! Iilan lang ang mga tao rito. Makikilala pa rin nila tayo.”
“Doesn’t matter! Bahala sila!”
Nang marating namin ang ‘dance floor’, he placed my hands on his broad shoulders at pinulupot naman sa baywang ko ang kamay niya. Pansin kong nakatingin ito sa akin pero hindi ko sinasalubong ang mga mata niya.
I might fall. Mahirap na.
“Kung saan-saan ka nakatingin, nandito lang naman ako sa harap mo, oh?”
Naiilang lang talaga ako kasi pakiramdam ko, maraming nakatingin sa amin. “Sira! Ang dami kasing nakatingin sa atin. Naiilang ako.”
He pulled me closer at inayos niya ang hood ko. Ipinatong niya ang baba niya sa ulo ko. That gave me an access to his hard chest. I can smell his masculine scent na halos manuot na sa buong sistema ko.
“Tine, I--”
“Bro! Improving, ah? From enemies turned lovers? I remember what you say before. You like girls who hate you? Is that it?” sabi ng dati niyang classmate. May kasayaw itong babae pero nakuha niya pang makipagchismisan sa amin. Argh!
I suddenly felt unease. Ba’t ang init?
“Sabi nga nila, ‘the more you hate, the more you love. Bagay naman kami, ‘di ba?” he said and pulled me closer like he’s hugging me.
“Of course!” at nag-fistbomb. Mga baliw. “Oh siya. Mauna na kami sa inyo. Enjoy your stay here bro! Tagay tayo sa bahay next time kasama ang tropa.”
Sa wakas. Umalis na rin ang asungot! “What were you saying?”
“Ha? Ako? Ah, w-wala! Hayaan mo na ‘yon.”
Hindi ko naman siya pinilit. Niyaya ko na lamang ito na umupo muna. Tingin ko, tinakasan ako ng lakas sa tuhod. Muntik na akong mabuwal sa kabang naramdaman ko.
Oo inaamin ko. Kahit na naiinis din ako noon kay June, hindi ko pa rin magawang magalit sa kanya. Nagtatampo lang ako at naaasar pero that’s it. Medyo nagtampo lang din talaga ako noong umalis sila at hindi man lang ito nagpaalam sa akin.
Nalaman ko na lang kay Ninang just lately na iyak nang iyak si June noon. Kaya hindi na rin siya nagpakita dahil maga na ang mata niya. Natatawa nga si Ninang noong nagkukwento noon. Paulit-ulit daw na sinasabi ni June na ayaw niyang malayo sa akin. Nahihiya na siyang magpakita sa akin dahil sa mata niya. Ang singkit na nga, lalo pang hindi na makita, sabi rin ni Ninang.
Ni hindi ko pa naman siya kinukumusta man lang kahit sa social media. Hindi ko nga ina-accept ang friend request niya, eh. Na-guilty tuloy ako.
Things are different now.
I think I am now starting to like the man who I hated the most before. Or it's just, I'm in denial before? I don't know. That I'm afraid to find out.
×××
Featured song: JERK and LONG TIME NO SEE
Paki-stream na lang po ng Killing Me! Thankies! ×
Hello, hello! KOO JUNHOE staaans!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro