Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

To The Moon and Back








"Why are you leaving?" Tanong ko pa habang umiiyak at nagmamakaawa sa'yo no'ng gabing iyon. Hawak ko nang mahigpit ang mga kamay mo at nakatitig nang deretso sa iyong mga mata. A faint smile broke in my lips, when I felt your hands holding mine too.


"Please July, don't make this hard for me," sabi mo pa habang nakayuko.



"Hindi mo na ba ako mahal?" Tanong ko ulit sa garagal na boses.



"I love you and I will always do. Pero alam mo namang matagal ko na itong pangarap hindi ba? Sorry, but I have to go."



Tila nabingi ako sa mga katagang binitawan mo nang mga sandaling iyon. Pakiramdam ko'y unti-unting gumuho ang mundo ko. At ang tangi ko lamang naririnig nang mga oras na 'yon ay ang malalakas kong paghikbi. Ni hindi ko alintana ang mga taong nagdaraan at napapatingin sa akin. Wala na rin naman akong pakialam doon eh dahil hindi naman sila 'yong iniwan. Hindi naman sila ang nasaktan kundi ako.





I still remember that night when you walked away out of my life. Its been three years but the memories are still fresh. I just can't moved on. Kinuha ko mula sa aking drawer ang isang letrato at maigi itong pinagmasdan. Ito 'yong picture natin noong 2nd anniversary natin. Masayang-masaya tayo sa araw na iyon at tila ba walang problema. It was just a normal day, but for us it was the best and unforgettable one.


I will never ever leave you July. You are my one and only love. You are my everything. I love you to the moon and back.



Napapikit ako at napaluha nang mabasa ko ang mga salitang nakasulat sa likod ng larawan natin.


I quickly wipe my tears and faked a smile as I look up and saw my bestfriend at the door. Nakataas ang isang kilay nito at nakapamewang pa.


"Hoy, babaeng bilanggo ng nakaraan! Para kang tanga d'yan. Lagi mo na lang sinasabi sa akin na I've already moved on, pero tingnan mo ang sarili mo ngayon? 'Yan ba ang hitsura ng naka-moved on?" Seryoso pa nitong sabi kaya napailing na lamang ako at minabuting huwag na lamang siyang pansinin.



Alam ko naman kasi kung saan patungo 'yong mga pinagsasabi niya. Nahiga na lamang ako sa aking kama nang mapansin kong wala na rin siya sa aking silid. Hayyy! Tama naman kasi siya eh. Hanggang ngayon hindi pa rin ako nakaka-move on kay August. Mahal ko pa rin kasi ang lalaking 'yon kahit iniwan niya ako para sa pangarap niya.


I was about to close my eyes when I heard my phone beep. A text message from December. Binuksan ko ito at binasa ang laman no'n.


Hi July! I just want to remind you for my incoming engagement party this coming Saturday. I'm expecting you to be there. Alam mo na, ikaw ang isa sa pinaka-close ko sa school publication no'ng college tayo, kaya gusto ko ando'n ka. Parang reunion na rin ng org natin 'to kasi inimbitahan ko ang ilan sa mga kasamahan natin. So, I hope you'll come!


Hindi ko maintindihan, pero bigla akong nalungkot matapos kong mabasa ang text ni December. Mabuti pa sila ni September ikakasal na, samantalang kami. Hayyy! Masakit mang aminin pero naiinggit ako sa kanila. Gusto ko rin kasing maranasan iyon. Ilang saglit pa'y napatigil ako sa aking pag-iisip nang pumasok uli sa aking kuwarto si April.



"Natanggap mo ba 'yong message ni Des?" Bungad nitong tanong kaya tinungahan ko na lamang siya.


"Well, sana naman 'di na niya inimbitahan pa si August para hindi na ito mag-abala na umuwi dito sa Pilipinas no? Oo nga pala hindi ako makakapunta kasi may importante akong lakad," sabi pa nito bago tuluyang lumabas nang silid. My heart skip a beat when I hear his name. Thinking that he will be there, really tense me. I heave a deep sighed and shook my head.



No July, you should act normal. Act like you're okay and already moved on. I keep saying it on my mind. Ayaw kong isipin nila na naging miserable ako dahil lang sa pag-alis niya.




---



"Thanks." sabi ko pa sa driver ng sinakyan kong taxi matapos kong magbayad nang aking pamasahe. So here I come hooh! 'You can do this July. Andyan man siya o wala kailangan maging compose ka at umarte na parang ayos lang ang lahat.' Paala ko pa sa aking sarili bago pumasok nang tuluyan sa loob ng hotel.




Halos lahat ay nakatingin sa akin nang makapasok na ako. But then I realized I was not the one they were looking. Natigilan ako ng ilang saglit nang maamoy ko ang pamilyar na pabango mula sa aking likuran.



I didn't look back. Instead I continue walking.


"Hey, August! Long time no see. Mabuti at nakarating ka," salubong na bati sa 'yo ni Sep.




"Pwede ba naman 'yon eh ikaw ang bestfriend ko," rinig kong tugon mo. Halatang masaya ka base sa tono ng boses mo.






Nagkamustahan pa kayo at pagkuwa'y nagpatuloy na sa paglalakad. Tila nag-slow mo naman ang buong paligid nang lagpasan niyo lamang ako. Ni hindi mo man lang ako nilingon. Marahil ay hindi niyo lamang ako napansin o baka nga wala kana talagang pakialam sa akin.




Halos manikip ang dibdib ko dahil sa ginawa mong 'yon. Kung bakit kasi hindi sumama si April sa party na 'to eh. Wala tuloy akong kasama ngayon. Feeling ko talaga hindi ako belong dito eh. Wala man lang kasing nakakapansin sa presensya ko.



I need to get out of this place. Sabi ng maliit na parte ng utak ko kaya naman instead na magpatuloy ako sa paglalakad ay tumalikod na lamang ako atsaka mabilis na tumakbo palabas ng hotel. Mukhang hindi pa nga talaga kita kayang harapin. Hindi ko pa kaya August.


Pero bago pa man ako makalayo ay isang braso na ang pumigil sa akin.



"Let go of me!" Sabi ko pa habang umiiyak. Pero hindi ka nakinig bagkus ay niyakap mo pa ako. You hug me tight, while wiping my tears.


"Shhh! Stop crying. Nandito na ako," sabi mo pa kasabay noo'y hinagkan mo ang aking noo.



"I missed you." bulong mo pa kaya agad akong bumitaw mula sa pagkakayakap mo nang marinig ko ang katagang 'yon.




"No. you're not," mapakla kong tugon at pagkuwa'y mabilis na tumakbo palayo sa 'yo.



I run as fast as I could. Ni hindi ko pinansin ang paulit-ulit na pagtawag mo sa aking pangalan.
Naging malabo na rin ang paningin ko dahil sa mga luhang kanina pa nag-uunahan sa pagbagsak. Kaya naman bigla akong natigilan nang makita ko ang humaharurot na sasakyan palapit sa kinaroroonan ko.
At bago pa man ako makapag-isip nang lubusan ay tuluyan na nga akong nahagip ng sasakyang iyon. It feels like the time stops from ticking. I can't even breathe properly as I feel the pain all over my body.




"Nooooooooo!!!" I saw you running towards me, with eyes full of fear and concerned.




"July! No no no no. Tatawag ako ng ambulansya, please kumapit ka lang," turan mo pa habang umiiyak. You carried me in your arms. Those touch that I've been longing for so long. I missed being with your arms again, it feels like I'm home now.



"H-hanggang d-dito n-na lang s-siguro ako August," pautal-utal kong wika. Nahihirapan na rin kasi akong magsalita at nauubos na rin ang lakas ko.


"Stop it July, paparating na ambulansya. Huwag ka munang bibitaw. Please!" It makes me silent for a moment as I heard those words coming from you.




Napatingin ako sa maamo mong mukha. Naalala ko pa rin ang bawat detalye non. 'Yong matangos mong ilong, 'yong mapupungay mong mga mata kapag nakatingin sa akin. 'Yong mahahaba mong pilikmata at maging ang mga makakapal mong kilay. 'Yong malalalim mong mga dimples kapag nakangiti ka o kapag nagsasalita ka, higit sa lahat ang mga labi mo na tila ba inuudyok ako palagi para aking hagkan. Lahat ng iyon ay memoryado ko pa hanggang ngayon. Then I realized, hindi na talaga ako magtatagal.


"A-august. K-kung mawawala man ako ngayon, g-gusto kong h-hanapin mo ako sa susunod mong buhay. I l-love you." I said in almost out of breathe.



I smiled bitterly, as I keep my eyes open. Ayaw kong isara ito dahil gusto ko pang manatili sa piling mo. Gusto pa kitang makasama. Pero tila mapaglaro ang tadhana dahil pakiramdam ko bumibigat na ang talukap ng mga mata ko. At alam ko anumang oras ay bibigay na rin ito.



"Yes, I promise. I will find you in our next life. I love you to the moon and back," sabi mo pa habang umiiyak.


I look straight to your eyes and a genuine smile plaster on my lips. Ipinikit ko na rin ang aking mga mata kasabay ng isang hiling na nabuo sa aking. Sana nga magkita pa tayo sa susunod kong buhay. I love you to the moon and back August.












Votes and comments na mga bess.. Thank you for reading. Lovelots! 😘😘

-CapriceKiara

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro