Fita
Fita will do the way..
Date uploaded: February 8, 2014
Dedicated sa aking kinakapatid na si Dwarven :))))
----
Monday na naman, ang paboritong araw ng mga may crush sa eskwelahan dahil makikita na naman nila ang kani-kanilang apple of the eye. But not for me, dahil ito ata ang araw na pinaka ayaw ko dahil bukod sa may pasok na eh sigurado din akong 'di rin aabsent 'yong adviser namin.
Pumasok na ako sa room at umupo na sa seat ko, pero bago ko pa nagawa 'yon ay tumambad na naman sa aking harapan ang isang FITA CRACKERS. Kinuha ko ito at naupo, tapos nakita kong may note na nakadikit sa likod ng crackers, kinuha ko naman ito at binasa.
"Para ka talagang Crayola, binigyan mo kasi ng kulay ang buhay ko" :) ❤
Pagkatapos kong mabasa 'yong note ay nagpalinga-linga ako sa paligid. Alam ko na kung kanino galing 'to sa isip ko. Tapos ay nagawi ang paningin ko sa kinaroroonan niya, bigla naman siyang ngumiti sa 'kin, na siya namang kinainit ng ulo ko.
Tss! Wala talagang ibang ginawa ang lalaking ito kundi bigyan ako nitong FITA CRACKERS na may kadikit pang baduy na pick up lines.
Grrr! Inirapan ko siya dahil sa sobrang inis.
Natapos na ang klase namin, halos patakbo akong lumabas nang classroom pero 'di ko pa rin siya naabutan. Ang bilis talaga niyang maglakad, tss! Hindi ko na naman maisusuli 'tong binigay niya. Nakakainis!
Kaya itinapon ko na lamang ito sa basurahan.
Kinabukasan, nadatnan ko na naman ang FITA sa aking upuan, at sa likod nito may nakadikit na namang pick up line.
"Bakit ba napakabastos mo? Di ka man lang kasi nagpaalam na papasok ka pala sa isip ko." :))))))) ❤
Napabuntong hininga na lamang ako at napatingin sa kanyang direksyon and as usual nginitian na naman niya ako.
Tsss! Nakakairita! Hindi ba talaga siya nagsasawa?
Lunch break na, at patakbo na naman akong lumabas nang classroom pero 'di ko na naman siya naabutan.
Nakakainis talaga! Grrr!
Akmang itatapon ko na sana ang biskwit na hawak ko nang bigla namang dumating ang bestfriend kong si Mae.
"Hoy! Angel, bakit ka nagtatapon ng pagkain? Akin na nga yang biskwit na 'yan." sabi pa nito at kasabay noo'y inagaw na niya mula sa'kin ang biskwit. Kaagad naman niya iyong binuksan at kinain. Napailing na lamang ako dahil sa ginawa niya.
"Bakit ka ba kasi nagtatapon ng pagkain huh? Hindi mo ba alam na maraming bata ang nagugutom?" Pagrereklamo pa niya.
"Oh? tapos? Ano naman ang kinalaman ko do'n? Iritableng tugon ko.
"Naku, Naku! Angel Marie Lopez! Pasalamat ka nga at may nakakain ka! Atsaka mas mabuti pang ipamigay mo na lang sa iba, kesa naman sa tinatapon mo lang, and beside kanino ba galing 'to bakit parang araw-araw may nakikita akong ganito sa desk mo? Sabihin mo nga, bigay ba yan ng suitor mo? Ang cheap huh?" Mahabang litanya niya.
Hindi ko na lang siya sinagot, instead, hinila ko siya papuntang canteen.
"Tara na nga! Nagugutom na ako eh?" Pagrereklamo ko.
Kinabukasan, Wednesday, pumasok ako ng maaga.
Halos wala pa atang estudyanteng pumapasok, pero okey lang atleast ako naman ang nauna kesa sa kanya, sigurado ako hindi na siya maglalakas loob na maglagay pa ng FITA sa upuan ko. Napangiti ako sa iniisip kong 'yon!
Dumarami na ang mga estudyante at isa-isa na ring nagsisidatingan ang mga kaklase ko, pero hindi ko pa rin siya nakikita.
After nang mga ilang minuto, wala pa ring Dwarven Espiritu na dumarating.
Mukhang hindi na siya papasok ah? Bulong ko sa aking sarili.
Napabuntong hininga ako lamang ako dahil do'n.
Teka bakit ko ba siya hinahanap? Namimiss ko ba ang bwisit na yun oh baka naman yung biskwit na lagi niyang iniiwan sa desk ko or baka naman yung mga pick-up line na nakadikit do'n sa biskwit.
Aminin mo na kasi, kinkilig ka din minsan sa mga banat niya 'di ba? Sabi pa ng isip ko kaya binatukan ko naman.
"Tss! NO Angel A BIG NO!" At tuluyan na talaga akong napasigaw. Kaya naman lahat ng mga kaklase ko eh napalingon naman sa'kin at halatang nagtataka.
Nag-peace sign na lang ako atsaka humingi ng tawad.
Hay! Nakakahiya! Ano ba naman 'tong pinaggagawa ko?
Kinabukasan, THURSDAY Wala pa ring Dwarven Espiritu akong nakikita.
Hanggang sa sumunod na araw biyernes, gano'n pa rin ang nangyari, hindi pa rin siya pumapasok.
Nagtataka naman ako, kasi hindi naman siya 'yong tipo ng estudyanteng laging nag-aabsent, hindi niya kasi ugali 'yon.
Kaya nag-decide akong puntahan ang pinsan niya mula sa kabilang seksyon. Pero bago ko ginawa 'yon, nagpaalam muna ako kay Mae, nagpaalam akong di muna kami sabay uuwi ngayon, pero bilang kapalit kailangan kong ikwento sa kanya ang lahat pag-uwi ko.
Napailing nalang ako. Wala talaga akong takas sa bestfriend kong 'yon.
Tamang-tama uwian na rin ng kabilang seksyon.
"Ah? Hi LJ!" Bati ko agad sa kanya.
"Oh? hello Angel! Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong niya.
"Ah? Eh?" Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan bago nagsalita uli. "Ah? Si Dwarven.. kasi.."
"Ah? hinahanap mo ba si Dwarven?" Nakangiting tanong niya.
"Oo eh? Nasaan pala siya? Bakit hindi siya pumasok nitong nakaraang araw?" Nahihiyang tanong ko.
"Uy! hinahanap niya si pinsan, siguro nami-miss mo siya no?" Panunukso pa nito.
Pakiramdam ko'y bigla akong namula dahil sa sinabi niya, feeling ko umakyat lahat ng dugo sa mukha ko.
"Uy! Joke lang ah? Baka mapikon ka." biglang bawi niya kaya sinenyasan ko lang siya ng ayos lang.
"Nasa bahay siya ngayon, gusto mo ba siyang puntahan? Sasamahan kita." masayang sabi pa nito. Kaya tinanguhan ko na lamang siya.
Sa bahay nila Dwarven.
Namangha naman ako nang makita ko ang loob ng bahay nila. Ang ganda at ang laki nito mayaman pala talaga sila, pero bakit FITA Crackers lang binibigay niya sa akin? Napasimangot naman ako dahil sa kaisipang iyon.
"Tara pasok tayo sa loob." aya niya sa'kin kay tumalima naman ako.
"Wala pa ata dito ang parents niya teka at tatawagin ko siya ah?"
"Dwarven!" Tawag niya dito.
"Pinsan! May bisita ka."
Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko may kabayo sa dibdib ko, halos mabingi na ako dahil sa sobrang bilis ng pagdagundong nito.
Napabuntong hininga ako atsaka kinalma aking sarili. Relax, Angel, nandito ka na wala ng atrasan 'to! AJA! Sabi ko pa sa sarili ko.
Napatingin naman ako sa hagdan nang makita kong bumababa na siya.
Ang guwapo pa rin niya kahit naka simpleng pambahay lamang siya.
"Oh? pinsan dinadalaw ka ni Angel, mukhang na-miss ka ata niya eh? Ilang araw ka na raw kasing di pumapasok," nakangiting sabi ni LJ.
Habang ako nama'y parang kamatis na ang mukha dahil sa sinabi niyang iyon.
"Oh? Pa'no maiwan ko na kayo," sabi pa nito atsaka niya ako kinidatan bago tuluyang umalis.
Pagkatapos ng mahabang katahimikan.
"Oh? Bakit andito ka?" Seryoso niyang tanong.
"Ah? eh? Wala lang.. Namamasyal" Pagsisinungaling ko pero mukha namang 'di siya naniniwala dahil bigla na lang siyang tumawa ng malakas habang hapo ang tiyan niya.
"Namamasyal? Dito sa bahay namin? O baka naman nami-miss mo lang ako kaya nandito ka?" Nakangising wika niya kaya nagkulay kamatis na naman ang pisngi ko.
"Ang cute mo talaga kapag nagbu-blush ka." nakangiti niyang sabi sabay akabay sa akin.
"Teka! Teka!" Sabi ko pa sabay alis ng kamay niya sa balikat ko.
"Bakit ka nga ba hindi pumasok nang tatlong araw, atsaka bakit lagi kang naglalagay ng FITA do'n sa upuan ko tapos may nakadikit pang pick up lines." nakangusong wika ko pero nginitian niya lang ako. 'Yong ngiting lagi kong nakikita matapos kong makuha 'yong iniiwan niyang FITA sa desk ko.
Makalaglag panty sa totoo lang..
"Wanna know why?" Nakangiti pa rin niyang tanong kaya tinanguhan ko na lamang siya.
"Hindi kasi maganda pakiramdam ko this past few days, ngayon nga lang gumanda ulit at naging okay no'ng makita na kita," masaya nitong sabi dahilan upang maihampas ko sa kanya ang hawak kong folder pero mahina lang syempre.
"Hmmm bolero!"
'Hindi pambobola 'yon ah? Totoo kaya 'yon!"
"Whatever! Eh? teka 'di mo pa sinasagot 'yong isa ko pang tanong."
"Teka, pumunta ka lang ba dito para tanungin ako? Hindi ka man lang ba nag-aalala?" Dismayadong sabi niya.
"Bakit pa ako mag-aalala eh 'di ba sabi mo okay kana? Atsaka gusto ko talagang malaman ang sagot mo eh? Bakit mo ba kasi ak--- "
"Ssssshhh!" He placed his finger tip on my lips atsaka huminga nang malalim.
"Binibigyan kita ng FITA kasi gusto kita. Simula pa lang no'ng una kitang makita. Angel iba na ang nararamdaman ko para sa'yo." seryoso nitong wika.
"Anong nararamdaman mo? Natatae ka gano'n?" Natatawang tugon ko naman.
"Makinig ka kasi muna." saway pa niya.
"Ah okay." sabi ko na lang.
"Matagal na kitang gusto.. Sa tingin ko hindi lang simpleng paghanga nararamdaman ko para sa'yo Angel. Sa tingin ko mahal na talaga kita, lalo na no'ng malaman ko dati na magiging kaklase pala kita, natuwa talaga ako no'n at no'ng malaman kong Angel ang pangalan mo, nasabi ko sa sarili kong bagay nga sa 'yo ang pangalan mo para ka kasing ANGHEL na bumaba sa lupa," mahabang paliwanag niya.
"Eh? Ano naman ang kinalaman no'n sa FITA na binibigay mo?" Tanong ko ulit.
Kaya naman kumuha siya ng ballpen at papel kasabay no'n ay may isinulat siya.
Pagkatapos niyang magsulat, ipinakita niya sa akin ang nakasulat do'n.
.
.
.
.
.
.
.
F - Faithfully
I - Inlove
T - To an
A - Angel
In short FITA.
After kong mabasa 'yon ay napatitig ako sa kanya.
"Yan ang dahilan kung bakit kita binibigyan ng FITA, hindi kasi kita malapitan eh? Wala kasi akong lakas na loob, kaya 'yan na lang ginagawa ko. Na kahit hindi ko masabi sa'yo ng harap-harapan ang totoong nararamdaman ko, nasa biskwit namang 'yon ang totoong mensahe ng puso ko," nakangiti niyang paliwanag.
Halos hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko, matagal na pala siyang may gusto sa 'kin.
All these years akala ko simpleng pagpapa-cute lang ang ginagawa niya. Pero may mas malalim na dahilan pala kung bakit 'yonn ang binibigay niya sa'kin, instead na mga mamamahaling chocolates at teddy bears.
Ngumiti naman ako sabay bulong sa kanya ng "THANK YOU."
"You're welcome. Eh teka? Tayo na ba?" Pag-iiba niya ng usapan kaya agad napakunot ang noo ko.
"Huh? Anong TAYO? Ligawan mo muna ako no? Anong akala mo sa 'kin easy to get?" Sabi ko pa at nagkunwaring inirapan siya.
"Joke lang, kahit 'di mo naman sabihin 'yon talaga ang gagawin ko, para saan pa ang paghihintay ko ng halos apat na taon 'di ba?"
Kaya napangiti na lamang ako at ganoon din siya.
WAKAS
Author's Note:
Bow! Sabaw! First one shot ko po yan. Kaya gusto kong magpasalamat sa mga nagbasa at bumoto ng story na 'to.. Naisip ko lang ang kuwentong ito no'g minsang kumakain ako ng FITA crackers.. Sinulat ko pa to sa notebook tsaka inincode sa may internet cafe.. 😁😁😁 Akala ko nga dati walang makakapansin nito kasi ansabaw nung title pero nagulat talaga ako nung magrank siya ng #88 sa short story category. Grabe sobrang tuwa ko that time! Daig ko pa nanalo sa lotto. Biruin mo sa libo-libong one shot dito sa watty nagtop siya ng #88. Oh di ba ang saya? 😂😂😂 Kaya naman sobrang mahal ko talaga ang kwentong ito. So yun lang, gusto ko lang talaga i-share. 😘😘😘
PS: Jeje days pa nang ipublish ko ito kaya napaka informal. 😁😆
CapriceKiara
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro