Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

📑The Felon Mark📑

Story: The Felon Mark
Author: WordsAreWisdom_
Parts: 24
Genre: Science Fiction

Sorry kung medyo natagalan itong paggawa ko ng critique sa story mo. Medyo bumagal ng kunti ang aking pagbabasa pero at last natapos ko din.

Sa short description pa lang ng story mo, nahatak mo na ako kasi gusto KO malaman paano magiging tagapagligtas ng mundo ang Marka ng isang kriminal. Galing ng pagkagawa mo dun.

Ang unang nakita ko sa story mo ay ang pagiging patient mo na writer. It totally tells about your attitude in writing. Nakakabilib Yong sobrang pasensya na ipinakita mo at dedication sa pagsusulat at pagsasalarawan ng bawat detalye ng mga tauhan, bagay, lugar, pangyayari at kahit emosyon. I salute you for that author. Hindi lahat may patience na gayan.

Wala akong masabi sa story, I mean language wise tama ang mga gamit na salita at punctuation. Hindi nakakalito Yong flow ng conversation kahit isang POV lang ang gamit mo at marami ang character.

Honestly, habang binabasa ko siya para akong nanonood sa isip ko ng divergent na may halong Allegiant. I'm not saying it's the same story but hindi maiwasang macompare. Pero alam kong iba Yong storyang ginawa mo. Maganda Yong development ng events. Magaling Yong pagkahimay himay mo sa mga susunod na pangyayari. Hindi ko nakitaan ng pag-aalinlangan Yong pagsusulat mo lalo na sa parte ng mga revelations ni Commander Elodia about sa truth behind having the felon group.

I love how you reveal truths and meanings of everything in your story. Sorry kung medyo generic pero nakikita kong pinaghandaan mo Yong bawat detalyeng sinusulat mo na gaya mga ng sabi mo, you always make sure na you cleared your mind from anything habang sinusulat mo Yong story at yon lang tanging focus mo. Congrats to that.

Suggestion:
📄 Siguro wag mo masyadong bagalan Yong usad ng story kasi may tendency na mabore Yong readers mo though I didn't find it boring because mahilig ako sa sci-fi but hindi kasi magkakapareho ang ugali ng mga readers.

📄 Thrill us more. More exciting scenes Yong mga makapigil hininga kasi nararamdaman namin yon sa ibang scenes like Yong muntik mahulog si Aurora, Yong nakita niya si Sea sa Elite Dome and Yong magpunta siya sa lighthouse na nabaril siya pagkatapos. I know marami ka pang ilalabas sa story mo and I will be counting to that. I even imagine the scene na mismong tatay niya ang makakaharap niya soon and how will she deal with it. Ibigay mo Yong hatak na kailangan para mas malulong Yong readers mo sa story kasi if nasa big screen ito mas madali sa manood na mafeel Yong intensity ng bawat scene dahil nakikita nila Yong overall expression and emotion. We are into writing the details so mas iexpress mo pa, andun ka na sa toktok Sana wag ka biglang bumaba tuloy mo lang Yong tinatahak ng storya mo ngayon.

I will expect more lalo na ngayong nasa Felon Jury na sila. I expect punishments and a lot more surprises. But sabi ko nga "more surprises" so surprise me.

Salamat sa paggawa ng isang magandang estorya. Nahatak mo na ang buong atensyon ko at ng iba. Wag mo hayaang bumitiw kami.

Guys follow WordsAreWisdom_ and check on his story The Felon Mark. Magugustuhn niyo talaga.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro