📑Tell Me, Voodoo Doll📑
Story: Tell Me, Voodoo Doll
Author: @nymphox
Parts: 42
Genre: Romance
Ang haba din nang nilakbay ko dahil sa kwentong 'to. But anyway, natapos din sa wakas and congrats dahil may ranking na ang story mo.
Okay! Gora na tayo sa critique ko!
Unang napansin ko 'yong pambato mong story description. I wonder what you're trying to say but I really got confused of the term you used. Honestly, every time I open your story sa ilang araw kong pagbabasa, sumasabit yong mata ko sa salitang "Owing". I guess that word supposedly ay "Flowing with desire"? Tama ba? Hope ma-enlighten mo kami sa word na yan.
Next, yong genre mo says it's Romance but as I go along my journey of reading it, wow, ang dami kong nasalubong. May romance nga naman talaga and it's the main focus but I didn't expect the mystery, action, humor and slight fantasy na kasama sa kwento mo.
Nakakaaliw, nakakaexcite and nanggayuma talaga 'yong pagkagawa mo ng character ni Nymphette, kahit na nahihirapan akong ipicture out siya as the "maitim na parang uling", "pangit na buhaghag ang buhok" at "petite na flat chested at flat all over" na babae. And it's all because of the picture you use in your book cover. Kahit anong gawin kong pag-iimagine at pagkondisyon ng utak ko na ganoon siya ay hindi ko maiwasang mag-iba ang perception ko pag nakikita ko yong picture ng babae sa cover. I'm thinking baka gaganda siya in the end kaya super ganda ng nasa cover. Sana ma-enlighten mo din ako diyan.
Napansin ko sa kwento mo na napaghandaan mo talaga ito. Maganda ang plot mo. Halatang hindi mo minamadali ang lahat nang nangyayari. Klaro ang conflict at hindi nakakalito. 'Yong mga plot twist at pa mystery effect mo ay very good. Swabe ang flow at sana marating mo talaga 'yong gusto mong marating sa kwentong 'to.
Bet na bet ko 'yong mga Banat ni Nymphette at Calum sa isa't-isa. 'Yong kilig na dala ng pantali ng buhok at 'yong sinuot ni Calum na parang bracelet. I like the ideas that you created.
'Yong sa panggayuma, unique siya pagkagawa kasi di mo ginawang instant ang effect. Nilagyan mo parin ng twist at kulay dahil despite the desire he felt for nymphette, still he was able to distinguished her kapintasan and that's a unique idea.
Sobra ako naaliw sa mga batuhan ng lines at narrations na ginawa mo in every POV.
Though hindi ikaw ang una but you belong to those writers na naglalagay ng maraming kulay sa kwento mo. Kumbaga sa pagluluto, nilagyan mo nang maraming rekados ang niluluto mo making it tasteful. Hindi ka 'yong pabebe na writer na nakafocus lang sa romance kasi 'yon 'yong napili mong genre. Hindi ka natakakot mag-explore at mag-mix up. Thumbs up ako sa ginawa mo.
Areas to check/improve:
▶ Grammar and spelling - review/re-read para masalubong mo 'yong mga dapat icorrect dahil medyo matinding bakbakan ang gagawin mo dito.
▶ Punctuation - same thing to do. Review or re-read mo kasi sa first few chapters pa lang para na akong umaakyat sa bundok sa paghingal dahil ang hahaba ng mga pangungusap mo. Remember, hindi ka makukulong kung chop-chopin mo 'yong sentences. Bigyan mo naman ng chance huminga ang readers mo. Tulad nalang nitong nasa baba na sample, nag comma ka nga pero pwede mo namang tadtarin 'yan ng diretso.
So watch out ka sa mga ganito mo. Maybe na-carried away ka lang sa excitement sa pagsusulat kaya nawala sa isip mong magtuldok at magsimula ng bagong pangungusap.
▶ Excess words - napapansin ko 'to lagi and you need to work on this para hindi awkward basahin ang sentences mo. An example of this ay ang pagiging "a" factory mo. Napansin ko talaga 'tong pagkahilig mo sa vowel letter na "a" sa mga sentences mo. Nagiging awkward ang mga sentence dahil dito.
Ilan lang iyan sa nga nakita ko. Tanggalin mo yan para mas maging kaaya-aya ang mga sentences mo.
▶ Wrong use of word - gamitin mo ang mas tamang word.
entrance exam - entrance fee
tinamaan - tumama
pagamutin - pagamot
bangkete - bangketa
hapong-hapo - sapo-sapo
▶ Missing words - fill in the missing words to make your sentence more understandable. Huwag mong hayaan na yong reader mo ang pagpuno ng kung anong kulang.
"I won't risk my life just for a piece of shit!"
▶ check sentences that needs rephrasing para hindi awkward basahin.
So, I guess I've made my points clear naman. Aabangan ko talaga kung among kahihinatnan ni nymphette at calum ha. Ang dami ko pang tanong na gustong masagot. Sino ba talaga pumatay Kay Nunally? Ano laman ng flash drive? Bakit unti-unting nawawala ang memory ni Calum?
Update na tapos pa-tag ako ha. Hahahahah.. Excited! Demanding masyado.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro