Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

📑Taming Alexandria📑

Story: Taming Alexandria
Author: blitzkrieg_08
Parts: 13
Genre:

Wew!!!! Natapos ko din sa wakas. So here na ang review ko sa kwento mo beh.

Catchy ang story description mo. Super nahatak mo ko papasok and it gave me a feeling na dapat ko basahin to kasi kailangan ko malaman kung bakit nagkaganoon si Alexandria. Gusto ko malaman yong puno't dulo ng pinagkakaganun niya at kung bakit naging parang kabuti itong si Heinz na bigla nalang umentra sa chaotic life niya. Feeling ko kasi may hidden agenda siya eh though yong isang parte ng utak ko ang sinasabi eh kapalaran yong may gawa ng pagkrus ng landas nila, pero di ako convinced.

Pagpasok ko sa pinto ng kwento mo bumungad sa akin ang iyong prologue. First thing I noticed was how Alexandria's emotion flow. Naipakita mo dito 'yong pagiging matapang niyang babae yet vulnerable inside. Kahit sinasabi nang utak niya na dapat malakas siya at hindi dapat umiyak sa nangyayari but still her heart gave in. Magaling yong pagkagawa mo sa prologue mo.

On your characters, swabe lang yong pagpapakilala mo sa kanila. Hindi todo bigay na halos ilapag na lahat sa harap mo. Parang sibuyas na unti-unti mong binabalatan para feel na feel mo yong hapdi sa mga mata mo hanggang sa mapaluha ka talaga ng tuluyan. Parang ganun yong feeling ko habang nami-meet ko yong MC mo.

Napapalakpak ako dun sa Chapter 5, as in wow! Binalatan mo si Heinz doon ng bonggang-bongga at feel na feel ko yong sakit na naramdaman ni Heinz bilang asawang nangungulila sa asawang nawala sa piling niya. I admire how you open his heart to your readers.

F na F ko yong pagmamahal niya sa asawa niyang si Kylie habang memoryado niya pa rin sa utak niya yong mga bagay, pagkain pati kulay na gusto at ayaw ng asawa niya. Pero dun talaga ako natamaan sa puntong ginagawa niya ang mga bagay na ginagawa niya tulad ng pagluluto ng mga paborito ni Kylie everyday for the last five years sa dahilang doon siya masaya at wala siyang pakialam kung magmukha man siyang tanga sa paningin ng ibang tao.

I can't imagine how he did that and I told myself na meron pa kayang lalaking ganyan na kahit na nasaktan ay ginagawa niya pa rin ang lahat ng yon to make himself happy. Kita ko kung paano niya tiningnan ang mga bagay on the brighter side. It's really amazing! Pero I wonder hanggang kailan niya ito gagawin?

Naisip ko din na totoo kaya yong sinabi niya kay Alexandria na misyon lang talaga ang lang tingin niya dito?

Well, I hope you'll let us discover that kasi sa unang pagkikita nila nagpakita na ng mga uncontrollable feelings si Heinz and he said it's not his usual self even when he's with his own wife. So maybe, attracted talaga siya kay Alexandria and nasagi lang siguro yong ego niya dahil sa sinabi ni Alex sa kaniya na ginamit lang siya nito. Ouch talaga!!!

Lastly, I admire how you elaborate everything. Detalyado mong naisasalaysay ang gusto mong makita ng iyong mambabasa. Kahit yong simpleng pagpunas ni Rodney Saavedra ng puting towel sa mukha hanggang sa pagkamot ni Seiichi sa kaniyang uko dahil sa pagkayamot niya.

Though I have to tell you honestly na minsan ang pagiging sobrang detalyado lalo na ang sobrang haba ng narration at nagiging negative point ng isang kwento because readers tend to skip reading dahil sa haba. I'm not saying or telling you to stop it because tama yong ginagawa mo and I for one (as a reader) love what your doing with your story.

It gave me a good grasp of the whole scenario na gusto mong ipakita sa akin thru your being descriptive.

Your on the right track beh. Maganda yong plot mo. Sana wag ka lumihis ng landas. Hinihintay ko yong pagpapakilala mo kay Cyrus. Sana hindi naman magtatagal 'yon. Naku-curious na din kasi ako kung ano ba talaga ugali niya.

Sana mabasa ko yong next update mo. Aabangan ko to for sure.

Areas to check/improve:
∆ Spelling - napansin ko yong mga wrong spelling ng words na ginamit mo. Maybe sa pagmamadali mo or what but please do check this.

∆ Grammar - Mostly, nagkaka-wrong grammar ka because of missing word/words though meron ding dahil tenses ng words. Re-read your work and I'm sure makikita mo iyong mga sinasabi kong cause nito.

∆ Missing letter/word - awkward basahin kapag nagkakaroon ka ng missing letter sa isang word o kaya at missing word in a sentence. Aside from being awkward, nagiging mali grammatically as what I have mentioned earlier sa taas.

∆ Wrong use of word - double check mo 'to cause I have seen some both in English and Filipino. Careful ka din sa words na gagamitin mo kasi may nakita akong word siguro two or three na iba yong spelling but same sound, in the end iba ang naging meaning kaysa gusto mong ipaabot sa amin. If you'll re-read your story, makikita mo to for sure.

Bantas (punctuation) - I noticed na mahilig kang gumamit ng kudlit ( ' ) and may times na mali yong pagkakagamit mo dito. Re-check mo yong rules sa paggamit ng kudlit and check words na kailangan lagyan ng kudlit kasi baka may mga words ka nang nilagyan ng kuwit na hindi naman dapat sana.

∆ Consistency - be consistent on your way of writing. Sa Prologue, pansin ko yong BOLD AND ITALICS mo sa own view ni Alex pati na sa dialogue. Then nag change ka sa chapter 1 to 11 kasi you use it para sa self-thinking ni Alex but on the last chapter, ginawa mo nalang na ITALICS. Siguro you have to be consistent kasi baka malito yong readers mo. Kung gagamit ka ng BOLD AND ITALICS, gawin mong consistent. Like, para sa dialogue lang or para sa own view ng character na may POV para iwas lito.

Regards,

Ate B

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro