Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 9 - Truth and Confessions

NAKAKURBA paibaba ang labi ni Kenndrick, habang ang mga mata niya ay namumula. Maaga siyang pumasok, kaya naman ay mag-isa pa lamang siya sa area nila. Makailang beses na rin siyang napalunok dahil pinipigilan niya ang pagtulo ng kaniyang mga luha. Naaalala niya ang kaduwagang ginawa niya. Dahil sa takot ay nasira ang lahat.

Simula noong iwanan ni Kenndrick si Alice ay naging miserable na ang buhay niya. Labag sa kaniya na hiwalayan si Alice pero kailangan talagang pakawalan ang kaniyang iniibig. Para sa kapakanan iyon ni Alice dahil ayaw niyang mapahamak ang dalaga.

Tinakot ng mga magulang ni Janine si Kenndrick. Masyadong makapangyarihan sina Janine. Kung ano ang gusto niya ay nakukuha niya; kinukuha niya sa dahas. Wala siyang pakialam kung may matatapakan siyang iba o kahit kapalit nito ay buhay ng isang tao.

Tinakot siya ng mga magulang ni Janine na kapag hindi niya hihiwalayan si Alice, manganganib ang buhay ng dalaga. Ayaw niyang mapahamak si Alice kaya mas minabuti niyang hiwalayan na lang siya at palabasin na hindi niya na mahal si Alice.

Palibhasa ay nag-iisang anak ng matapobreng pamilya si Janine, kaya kahit ang taong nagugustuhan niya ay nakukuha niya. Dahil iyon sa tulong ng kaniyang mga magulang na walang pakialam basta mapasaya lang ang anak nila.

Noong araw na hiniwalayan niya si Alice, naroon ang magulang ni Janine. Isang kamali niya lang ay patay na si Alice. Kaya, dinudurog man ang puso niya ay pinili niyang durugin din ang puso ng iniibig niya. Nasasaktan man ay wala siyang nagawa. Takot pa man din siyang mapahamak ang kaniyang sarili, lalo na si Alice.

Matapos niyang hiwalayan si Alice ay hinanap niya ito kung saan-saan pero hindi niya matagpuan. Sunud-sunuran man siya sa gusto ni Janine ay nakuha niya pa ring tumakas para sana ay makausap si Alice nang maayos. Hinanap niya nga si Alice, pero hindi siya natanaw ng kaniyang nangungulilang mga mata.

Hanggang sa napadpad siya sa park kung saan niya tinapos ang ugnayan nila ni Alice. May nakita siyang butas doon, at tila ba hindi yun nakikita ng ibang tao. Tila may nag-udyok pa sa kaniya na lumapit doon. Hindi niya alam sa sarili niya kung bakit niya nilapitan ang butas at parang hinihigop siya ng malakas na puwersa.

Tuluyan siyang nahigop at nagpaikot-ikot sa loob hanggang sa malaglag siya sa damuhan. Napamulat siya at laking pagkamangha niya nang mapadpad siya sa tila isang paraiso.

Nalaman niya na lamang na nasa Fictional World na pala siya. Akala niya, ang mga tao lang na mahihilig sa mga istorya at nobela ang napupunta doon. Napadpad siya roon dahil sa isang kadahilanan. At 'yon ay ang tunay na pag-ibig, iyan ang sinabi sa kaniya ni Cif.

Nabanggit din ni Cif sa kaniya na may dalawa ring babaeng napadpad doon. Isinalaysay niya na ang isa ay naghahanap ng kasiyahan pamalit sa pamilyang wala siya, at ang isa naman ay babaeng sawi sa pag-ibig, dahil sa pagtataksil ng kaniyang kasintahan at dating kaibigan, at naghahanap ng tunay na pag-ibig.

Pagkasabi pa lang iyon ni Cif ay alam na niyang sina Trisha at Alice iyon. Alam niya na si Trisha ay naghahanap ng pagmamahal at kasiyahan mula sa pamilya, at mas lalong alam niyang si Alice ang pingtaksilan ng kasintahan at dating kaibigan dahil siya at si Janine ang tinutukoy.

Namalagi siya roon ng isang buwan. Naghanap siya ng trabaho at nakitira sa pakainan na pinagtrabahuan niya.

Hinanap niya si Alice pero bigo siya. Alam niya naman na marahil ay galit sa kaniya ang dalaga. Gusto niya lang naman ng pagkakataon na mayakap niyang muli si Alice at ipaliwanag ang lahat ng nangyari.

Ngayon ay magkatrabaho na sila, pero labis ang galit niya sa kaniya ni Alice. Nagsisisi si Kenndrick dahil hindi niya ipinaglaban ng pagmamahal niya sa dalaga. Akala kasi niya ay mas magiging ayos ang lahat kung hahayaan na lang niyang palayain ang isang tao.

Kaya naman, ipinangako niya sa sarili niya na simula ngayon, patutunayan niya na ang pagmamahal niya kay Alice. Kung kailangan niyang ligawan siya muli ay gagawin niya.

Matapos nang muling pagkikita nila kahapon ay hindi na maipaliwanag ang kaniyang saya. Subalit, mas malaki pa rin ang parte ng pagkalungkot sa kaniyang puso dahil alam niyang baka hindi na siya tatanggapin pa ni Alice. Lalo na at nariyan si Genesis para sa dalaga.

Mas lalo siyang napasimangot noong makita niyang magkasabay na dumating sina Alice at Genesis na maaga ring pumasok. Hindi nila kasabay si Trisha. Kita niya ang matamlay na mukha ni Alice na tila ba magdamag na umiyak.

Napatingin na lamang si Kenndrick sa boquet ng bulaklak na nakapatong sa kaniyang desk—binili niya iyon kanina bago siya pumasok. Balak niya sanang ibigay iyon kay Alice, pero mukhang hindi na kailangan. Naiisip niyang itatapon niya na lang siguro iyon mamaya.

Alam ni Kenndrick sa kaniyang sarili na siya ang dahilan ng pag-iyak ni Alice. Ramdam niyang umiyak si Alice dahil sa muli nilang pagkikita kahapon.

"Mahal na mahal kita, Alice, at hindi ako susuko. Pero ang tanong, mahal mo pa ba ako o 'yong Genesis na nandiyan para sa'yo at hindi katulad kong gago at duwag?" Iyan ang tumatakbo sa isipan niya ngayon.

Nakasimangot lamang si Kenndrick habang pinapanood niya sina Alice at Genesis sa sulok na gumagawa ng kanilang trabaho. Ang saya nilang dalawa. Tila may iginuguhit naman si Alice ngunit nakailang gusot at tapon na siya ng papel.

"Wala ka pa ba talagang mabuong sketch?" tanong ni Genesis kay Alice.

"Siguro madami lang akong iniisip na bumabagabag sa isip ko," sagot ni Alice, at muling pinunit ang papel. Alam ni Kenndrick na kasalanan niya kung bakit napakaraming bumabagabag sa isip ni Alice.

"Kailangan siguro habang nagde-design ka, isipin mo ang mga naging masayang nangyari sa buhay mo. Gawin mong inspirasyon 'yon," suhestiyon ni Genesis kay Alice at mukhang sinunod iyon ni Alice.

Napaisip tuloy si Kenndrick kung ano ang masayang nangyari sa buhay ni Alice ang naisip niya. Iyon ba ay noong naging silang dalawa o noong mga sandaling nakilala niya si Genesis?

"Salamat, Genesis, dahil nandito ka para pagaanin ang loob ko," pagwawari ni Alice. "Minsan talaga naiisip ko kung bakit wala kapang jowa. Humanap ka na kaya! Basta FRIEND, pag may girlfriend ka na gusto ko 'yong magiging close ko," biro pa ni Alice kaya napangiti naman nang pilit si Genesis.

Nararamdaman ni Kenndrick na may pagtingin na si Genesis kay Alice, ngunit si Alice ay kaibigan lang ang tingin sa kaniya. Alam na alam niya iyon dahil gaya kay Genesis, gan'on din ang paraang ng pagtingin niya kay Alice.

"Wala pa sa isip ko 'yon. Atsaka, hindi naman ako gusto ng gusto ko. Iba ang gusto niya kaya mamahalin ko na lang siya ng 'di niya alam. Kahit na masakit sa akin," malungkot na wika ni Genesis at nag-iwas ng tingin.

Inalis naman ni Alice ang pagkakatingin sa kaniyang sketch pad. "Eh, sino ba kasi 'yon—"

"Just focus on your goal, Alice," pamumutol ni Genesis habang nakatingin sa malayo.

Nakita ni Kenndrick na kinuha muli ni Alice ang kaniyang sketchpad at lapis, at inumpisahan na niya ang mag-design. Naalala niya pa noon, sinabi sa kaniya ni Alice kung bakit naging passion niya ang pagdedesenyo ng mga bahay at building.

Dahil daw kasi kay Kenndrick, naging hilig niya ang pagde-design. Si Kenndrick ang naging inspirasyon niya. Sinabi pa niya na siya mismo ang mag dedesenyo ng bahay nila. Pero ngayon, mukhang malabo na iyong mangyayari.

"See, may natapos ka na!" tuwang-tuwa na sabi ni Genesis. Nagulat si Kenndrick nang napayakap si Alice kay Genesis, kaya dali-dali siyang pumunta sa kinaroroonan nila.

"Bro, iwan ko muna kayo," magalang pang saad ni Genesis at tumayo 'saka lumakad papalayo.

Naiiwan silang dalawa ni Alice. Ngayon naman ay hindi alam ni Kenndrick ang sasabihin niya. Kusang gumalaw ang mga kamay niya, at agad niyang niyakap si Alice. Naramdaman niya ang pagtulo ng luha ng dalaga sa balikat niya.

Niyakap siya pabalik ni Alice habang rumagasa ang luha sa mga mata niya. 'Yong pamilyar na init ng yakap ni Alice. Isang buwan pa lang ang nakalipas pero tingin niya ay isang taon niyang hindi nakita si Alice.

Malaya naman silang yakapin ang isa't isa dahil maaga pa. Wala pang ibang tao roon bukod sa kanila. Si Genesis naman ay nakita ni Kenndrick na lumakad papalayo.

"K-Kenndrick, I missed you so much!" paghikbi ni Alice. "Naiinis ako sa sarili ko dahil iniiyakan ko pa rin ang taong nanakit sa akin." Mas lalo naman siyang napayakap nang mahigpit sa dalaga.

"Sorry dahil hindi kita ipinaglaban. Sorry kung naduwag ako," bulong ni Kenndrick at tuluyang pumatak ang mga luha niyang kanina pa niya pinipigilan.

"A-Anong ibig mong sabihin?" tanong sa kaniya ni Alice.

"Mahal pa rin kita, Alice," tugon niya kaya napakalas si Alice sa pagkakayakap sa kaniya.

Agad na pinunasan ni Alice ang kaniyang mga luha. "A-Ano? Anong ibig mong sabihin?"

Napalinga si Kenndrick sa paligid. Nang makita niyang wala pa rin talagang ibang tao ay ikinuwento niya ang nangyari. Maging ang pagbabanta ng magulang ni Janine.

Napatakip na lamang si Alice sa kaniyang bibig at hindi nakaimik. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya. Ni hindi niya nga rin alam kung ano ang sasabihin niya. Naaawa siya para sa kaniyang sarili, pero mas naaawa siya kay Kenndrick dahil sa ginawa nina Janine sa kaniya.

Buong akala niya ay kasalanan talaga ni Kenndrick ang lahat; sinisi niya siya noon. Subalit ngayon, nalaman niya ang katotohanan—biktima rin ang ang binata, at hanggang ngayon ay mahal pa rin siya nito.

"Sorry, please give me another chance to court you again. Ngayon ay ipaglalaban na kita," sabi ni Kenndrick at ibinigay ang boquet ng bulaklak kay Alice.

Nag-aalangan si Alice kung kukunin niya ba ito, pero sa huli ay kinuha niya ito at niyakap ang binata. Sa pagkakataong iyon, pakiramdam ni Alice ay may pag-asa pang maayos ang relasyon nila ni Kenndrick. Umaasa siyang maibabalik pa sa dati ang lahat.

"Buong pamamalagi ko rito, sinisi kita sa lahat-lahat. Ikaw ang dahilan ng paghinagpis ko, pero may parte sa puso ko na ikaw pa rin ang itinitibok nito," pagwawari ni Alice.

"Ibig bang sabihin nito, puwedeng mag-umpisa tayo ulit?"

Napailing naman si Alice. "H-Hindi ko alam. May naiwan ng takot at pag-aalinlangan sa puso ko."

Natatakot siya dahil baka hindi na naman siya kayang ipaglaban ng binata. Takot siya na baka masaktan siya ulit. At pag-aalinlangan dahil may parte sa kaniyang puso na pumipigil sa kaniya. Naisip niya, paano na lang si Genesis?

Muli namang niyakap ni Kenndrick si Alice. Lingid naman sa kanilang kaalaman na pinapanood pala sila ni Genesis...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro