Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 8 - Coming Back


MABILIS na lumipas ang mga araw. Magkaayos na sina Alice at Genesis. Isang buwan na rin nila ni Trisha na naninirahan sa Fictional World. Siya na rin ang tumutugtog ng piano tuwing sabado sa Make-Believe Bar. Dalawang beses sa isang linggo naman ay nagpa-practice sila kasama ang banda.

Subalit, hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ni Alice ang dahilan kung bakit tuwing sabado lamang nakabukas ang bar.

Masaya at nag-e-enjoy talaga si Alice sa Fictional World. Ibang-iba ang buhay niya roon sa totoong mundo. Kung sa Real World ay puro pasanin ang dala niya, ngayon naman ay tanging kasiyahan.

Naka-move on na rin siya kay Kenndrick, at greatest achievement iyon para sa kaniya. Mahirap mag-move on lalo na kung minahal mo ang isang tao, pero para rin lang ito sa kapakanan niya. Siya ang mahihirapan kung patuloy pa rin siyang kakapit sa nakaraan.

Si Genesis naman ay over protective sa kaniya. Hindi niya nga alam kung anong nangyayari kay Genesis dahil lagi siyang over protective. Panay na rin ang pag-titig ni Genesis sa kaniya.

At araw-araw ay asar na asar siya dahil sa presensya ni Michael. Lagi siyang dikit nang dikit at nangungulit kay Alice. Mabuti na lamang ay agad siyang pinapalayo ni Genesis.

"Bilisan mo, Alice! Male-late na tayo!" apuradong sabi ni Trisha. Excited na rin si Alice dahil ngayon ang unang araw nila sa trabaho. Isa na silang ganap na interior designer ni Trisha.

Nalaman kasi ni Trisha na nag-apply si Alice, kaya ang ginawa niya ay nagpasama rin siya para mag-apply. Talagang desidido na silang doon na mamuhay hanggang sa mamatay sila.

Good news nga na katrabaho nila si Genesis dahil engineer siya roon. Sa lahat ng good news, mayroong bad news. Katrabaho nila si Michael. Hindi nga nakapaniwala si Alice na tatanggapin siya bilang engineer dahil baka mamaya ay gumuho ang ginagawa nilang building.

"Alice!" muli na namang tawag ni Trisha kay Alice mula sa sala.

"Oo na, papunta na!" Dali-dali niyang sinuot ang heels niya (nabili niya noong nakaraang linggo dahil sumuweldo na sila sa Make-Believe Bar), at sumunod sa labas.

Saglit muna siyang napatigil dahil hindi niya na-i-tuck in ang kaniyang puting chiffon long sleeve blouse sa kaniyang gray slacks.

May naghihintay na palang taxi sa kanila sa labas, kaya naman ay mas binilisan niya pa ang paglalakad papalapit na roon. Hindi nila kasabay sa pag-alis si Genesis dahil mas maaga itong pumasok; kasama niya kasi kanina si Carl.

Pagkababa nila ay agad na silang pumunta sa working place nila. Ang mga kasama nila ay mga designers din, at may mga baguhan ding kagayan. Magkatabi sila ng workplace ni Trish, tapos si Genesis naman nasa malapit sa working place niya.

Napahinga naman nang maluwag si Alice dahil malayo si Michael sa kaniya. Walang gagambala sa kaniya, at mas magiging komportable siya sa pagtatrabaho. Buong akala niya ay walang gagambala sa kaniya, subalit nagkakamali pala siya ng akala.

"So, kayo pala 'yong mga baguhan dito. Nice to see you," wika ng isang babae kaya napaangat si Alice ng tingin at maging si Trisha ay napataas ng kilay.

Mas matangkad ang babaeng iyon kay Alice. Mas mahaba rin ang unat na buhok nito na umaabot hanggang sa bewang. Agaw pansin din ang labi niyang pulang-pula dahil sa lipstick. Makapal din ang suot niyang make up. Higit sa lahat, kapansin-pansin ang mahahaba at makikinis nitong mga binti dahil sa suot niyang maiksing pencil cut skirt.

Maganda n asana siya, subalit base sa tono ng boses ng babae ay mataray ito. Tinignan niya pa sina Alice at Trisha mula paa hanggang ulo.

"Why? May problema ba roon?" nakataas na kilay na tanong ni Trish. Hindi rin siya patatalo sa katarayan n'ong babae.

"Wala naman," tugon ng babae at pinagkrus ang kaniyang mga braso. "Tignan lang natin kung makakapagtatagal kayo rito."

Inis na inis naman si Alice sa presensya niya, sa totoo lang. Parang wala kasing sense of professionalism ang babae.

"May problema ba kung baguhan kami dito? Umalis ka na bago pa kita sipain papalayo!" panunupalpal sa kaniya ni Trisha kaya lumayo siya, at sunod naman na pumunta sa kinaroroonan ni Alice.

"Honestly, I don't like your face—"

"Hindi ko kailangan ng opinion ng iba," entrada ni Alice gamit ang kaniyang boses na tila bagot na bagot na. Napailing na lamang siya dahil unang araw pa lamang ay may gumugulo na kaagad sa kaniya.

"May araw ka rin sa akin," taas-kilay na sabi no'ng babae saka nag-walk out.

Mas lalong namula sa inis si Alice dahil sa sunod na ginawa ng katrabaho niya. Lumapit ito kay Genesis at siya naman ang isinunod niyang kinukulit. Blangko lamang ang ekspresyon ni Alice, ngunit namumula na ang kaniyang pisngi hanggang noo. Sa loob-loob niya ay gustung-gusto niya nang sumabog sa inis.

"Hi, I'm Michaela Villanueva, nice meeting you," pagpapakilala niya kay Genesis at hinahaplos pa ang balikat ng binata.

"Ang sarap niyang iumpog-umpog sa pader hanggang sa dumugo ang mukha niya, saka ko siya pagsasampalin. Tatadyakan at sasabunutan ko pa!" inis na wika ni Alice sa kaniyang isip at mahigpit na napahawak sa ballpen na kanina ay nakapatong sa desk niya.

"Halos magkapangalan pa sila ni Michael. Sabagay, pareho naman silang dalawa na nakakairita," inis pang wika ni Alice.

"Relax, Alice," sabi sa kaniya ni Trisha, kaya napabuntong-hininga na lang siya.

Inalis niya na lamang ang pagkakatingin kina Genesis at sa katrabo niyang Michaela pala ang pangalan. Ilang minuto lamang ang nakalipas ay napatayo silang lahat nang dumating ang chairman ng D&C Corporation. Agnes Villareal ang pangalan niya, ang founder ng D&C.

Nasa edad singkuwenta na siya. Base pa lang sa tindig at facial expression niya ay halatang strikto siya. Madalang din ang pagngiti niya. May katangkaran siya at kutis morena. Ang buhok niyang hanggang balikat ay namumuti na rin, kaya't halatang may katandaan na siya.

"I am here to announce new big projects," pambungad niya, tapos ay tinignan niya silang mga bagong pasok. "Narito rin ako para bisitahin ang mga baguhan."

Bumati naman sina Alice at iba pang mga bago roon. Saglit na ngiti lang naman ang iginanti sa kanila ng Chairman Villareal.

"In addition to my announcement, may new employee tayo na ka-a-apply lang kanina ngunit pinag-uumpisa ko na kaagad," dagdag pa niya at tumingin sa sliding glass door na pinasukan niya kanina. "Please come in, Mr."

Nakayuko lamang si Alice kaya sapatos pa lang ng lalaki nakita niya. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin, ngunit tila nabato siya sa kaniyang kinatatayuan nang makita niya kung sino ang lalaking iyon. Nanuyo ang kaniyang lalamunan at nanikip ang kaniyang dibdib.

"Hindi ito maaari! Paano siya napunta dito?" pagpoprotesta ni Alice sa kaniyang isip.

Nagtama ang tingin nilang dalawa. Nang mga sandaling iyon, tila sa kanilang dalawa lamang umiikot ang mundo. Kung sa ibang mga eksena ay kilig ang dulot ng gan'ong sandali, para sa kanya ay isa iyong parusang may dalang poot at dalamhati. Hindi siya makagalaw at pinipigilan niyang tumulo ang mga luha niya.

"He is Mr. Kenndrick Collins." Pagkasabi no'n ni Chairman Villareal ay tila bumalik sa tama ang pagtakbo ng oras.

Napahawak si Alice sa edge ng desk dahil nanghina ang kaniyang mga tuhod niya. Pakiramdam niya, ano mang segundo ay babagsak siya sa marmol na tiles. Pagkatapos ianunsyo ang tungkol sa mga bagong proyekto ay umalis na ang chairman.

Doon ay napaupo si Alice sa kaniyang upuan. Napatingin si Alice kay Trisha na takang-taka rin sa nakita niya. Naninikip ang dibdib niya at gusto niyang umalis sa kinaroroonan niya. Lumapit naman kaagad si Genesis sa kaniya nang mapansin ang kalagayan niya.

"M-Mag babanyo lang ako," pagpapaalam niya, at nanghihina may ay tumakbo siya papuntang rest room. Ni-lock niya ang cr at doon tumulo ang mga luha niya.

Sobrang sakit ng loob niya dahil ang akala niya ay naka move on na siya. Sa loob ng isang buwan, akala niya ay limot niya na ang lahat. Maaaring limot na ng isip niya pero ang puso niya ay hindi pa. Minahal niya si Kenndrick nang sobra kaya gayon na lamang ang hinanakit niya! Wala siyang ginawa kundi magmahal pero siya pa ang nasaktan.

Gustung-gusto niyang malaman kung paano napunta roon si Kenndrick; kung paano siya nasundan ng isang bangungot na iniwan niya sa totoong mundo. Subalit, mas gusto niyang malaman kung bakit buong akala niya ay nakapag-move on na siya, tapos ngayon ay iiyak-iyak ulit siya.

Pagkatapos niyang ilabas ang kinikimkim niyang mga luha ay napatingin siya sa malaking salamin ng restroom. Doon ay nakita niya ang maputla niyang mukha at namumugtong mga mata. Agad niyang inayos ang sarili niya, at binuksan ang pinto nang marinig niya ang pagkatok doon.

"Alice." Lumapit sa kaniya si Genesis na bakas ang pag-aalala sa kaniyang mukha.

"P-Pilitin kong m-maging okay..." pabulong na wika ni Alice.

"Siya ba ang walang hiyang lalaki na iniyakan mo?" tanong sa kaniya ni Genesis at niyakap siya. Hindi siya nakaimik, bagkus ay tumango lamang siya.

"Tahan na, Alice. Hindi ka man okay ngayon, pero tutulungan kitang gumaan ang pakiramdam mo," saad pa ni Genesis sa kaniya at marahang tinatapik ang kaniyang likod.

"Salamat, Genesis. H-Hindi ko alam kung paano kita pasasalamatan." Napayakap na lang din si Alice nang mahigpit kay Genesis.

Para bang sa bawat segundong magkayakap sila ay tila binubunot ang maliliit na mga tinik na nakatarak sa puso niya.

"Ehem..."

Naphiwalay siya kay Genesis nang makita niyang nakatayo sa gilid nila si Kenndrick. Napatingin siya sa mukha ng binate, at unti-unti na namang binabasag ang puso niya. Gustung-gusto niyang yakapin si Kenndrick dahil labis-labis siyang nangulila sa binate, subalit alam niyang mas masasaktan lamang siya.

Napatingin siya sa mga mata ng dati niyang irog na malungkot ding nakatingin sa mga mata niya. Sobra-sobrang na-miss ni Alice ang gano'ng pagtitig ni Kenndrick. 'Yong mga tingin niyang nagpapagaan ng loob niya noon. Dati sa tuwing nakikita niya ang mga pares ng mga mata ni Kenndrick, na parang bituin sa langit ay nasisiyahan siya, ngunit kabaliktaran na ngayon. Sa tuwing nakikita niya ang mga matang iyon ay unti-unting dinudurog ang puso niya. Naalala niya lamang ang kahapong nasayang.

"Maaari na ba tayong mag-usap?" malakas na loob na tanong ni Kenndrick.

Hindi naman umimik si Alice. Labag man sa loob ni Genesis ay iniwan na niya sila upang makapag-usap sila nang masinsinan. Dalawa lang tuloy sina Alice at Kenndrick sa walang katao-taong pasilyong malapit sa restroom.

"A-Alice, sorry," paghingi ng tawad ni Kenndrick at hinawakan sa kamay si Alice.

Pagkadampi ng mga palad nilang dalawa ay agad na binawi ni Alice ang kaniyang kamay. "Kenndrick, labis akong nasaktan. Sorry, pero hindi kita kayang makausap ngayon," wika ni Alice. Nilagpasan niya si Kenndrick at lumakad papalayo.

Natatakot kasi siyang muling masaktan. Labis-labis siyang nagulila sa kaniya, subalit hindi niya rin pala kayang harapin siya dahil sa mga tingin ni Kenndrick. 'Yong mga tingin niya ngayon ay para ng mga pakong tumatarak sa dibdib niya.

Nangingibabaw man ang sama ng loob niya, ngunit sigurado siya sa nararamdaman niya ngayon. Hindi pa man niya kayang makita si Kenndrick, subalit malinaw sa kaniya ang ibinubulong ng puso niya—hanggang ngayon ay may pag-ibig pa rin siya sa kaniya.

Akala niya ay tuluyan niya nang nalimutan ang sakit at pag-ibig na dulot ni Kenndrick. Iyon pala ay namanhid lamang siya, subalit ngayon ay nakaramdam na ulit siya. Nararamdaman niya pa rin ang pag-ibig para sa lalaking nanloko sa kaniya.

Nagsisisi tuloy siya dahil hindi siya naglakas-loob na harapin si Kenndrick. Gulung-gulo ang isip niya kanina kaya niya nagawa iyon. "Alice, nasa parte 'yan ng pagmamahal. Handa kang magmahal ng isang tao kahit na masakit na, Alice," wika naman ni Genesis.

Pagkarating niya sa desk niya ay agad na lumapit sa kanya si Genesis at inabutan siya ng bottled water. Pagkaabot niya n'on ay binigyan pa siya nito ng isang matamis na ngiti—tila nagpapagaan ulit sa loob niya.

"Salamat talaga, Genesis dahil lagi kang nandito para sa akin. Kaya nga gustung-gusto bilang kaibigan, eh," sagot ni Alice at tumawa.

"No problem, Alice. Gagawin ko ang lahat para sa'yo," tugon ni Genesis at pilit na ngumiti.

Ngayon ay malinaw na sa binata. Sa mga mata ni Alice, isa lamang siyang mabuting kaibigan. Malinaw niya ring nakikita sa mga mata ni Alice ngayon—iniibig pa rin niya hanggang ngayon si Kenndrick.

Aaminin niya, nasasaktan siya dahil sigurado siyang mahal niya na si Alice...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro