Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 7 - Trapped


Inis na inis si Alice sa sarili niya dahil sa dinami-rami ng mga araw na dalawin siya ng katangahan ay ngayon pa. Dalawang oras na ang nakalipas simula noong na-trap siya sa loob ng kuwarto ni Genesis, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakaiisip ng paraan upang makaalis doon.

Napaawang ang bibibig niya nang mapagtanto niyang katatapos lang palang maligo ni Genesis dahil naka-pajama lamang siya at basing-basa ang kaniyang buhok. Nakatulala lamang kasi siya habang nakasalampak sa tapat ng pinto kaya hindi niya napansin ang pagpasok ni Genesis sa sariling cr niya sa kuwarto. Ni hindi niya nagawang tignan o kausapin siya kanina.

Gustong sapukin ni Alice ang kaniyang sarili dahil hindi niya maalis ang pagkakapako ng tingin kay Genesis—sa topeless na katawan ng binata. Kitang-kita niya tuloy ang abs ng binata.

"No, Alice! Huwag kang mahuhumaling lang sa ganiyan! Remember, galit ka sa kaniya!" panenermon ni Alice sa kaniyang isip.

"Nag-e-enjoy ka na yata sa pagtitig sa akin," nakangising sabi ni Genesis sa kaniya. Tumutulo pa sa sa kaniyang pisngi, pababa sa kaniyang leeg, ang mga patak ng tubig galing sa kaniyang basing buhok.

Nag-iwas naman ng tingin si Alice at itinuon ang pansin sa nakapatay na flat-screen TV sa tapat ng kama ni Genesis. "So? Ano ang pake ko sa topeless mong katawan?" Pinagkrus niya pa ang kaniyang mga braso. "Baka nakakalimutan mong may atraso ka pa sa akin!"

"'Di nga? Bakit ka ba nag-iiwas ng tingin?" Ngisi naman ni Genesis. "Aminin mo na lang na nag-e-enjoy ka talaga," pang-aasar naman sa kaniya ni Genesis kaya tinaasan niya ito ng kilay.

"ASA! Ang kapal mo! Hindi naman nakaka-attract iyang abs mo dahil taba lang iyan!" sagot niya kaya mas napangisi ang binata. Tumalikod na si Alice at pinilit na namang binubuksan ang pinto ngunit bigo pa rin siya.

"Tungkol nga pala kanina... sorry na, Alice," malumanay na wika ni Genesis.

Naninikip ang dibdib ni Alice sa mga pinagsasabi ni Genesis. Iniisip niya na baka hindi bukal sa kalooban niya ang paghingi ng tawad. Na baka niloloko lamang siya. Kahit bigkasin niya ang salitang patawad ay hindi pa rin agad naghihilom ang sugat sa kaniyang puso.

"Sorry? Genesis, buong buhay ko, ngayon pa lang ako nasabihan ng malandi. Eh 'di sana naghabol ako kay Kenndrick na parang isang desperada." Ngayon naman ay nakapamewang na siya. "Genesis, wala kang karapatang sabihin na may pake ka sa akin dahil una sa lahat, nasaktan mo rin ang damdamin ko."

Sa pagkakataong iyon ay hindi na tumutulo ang mga luha ni Alice. Kayang-kaya niya nang pigilan, subalit tila tinutusok ng tinik ang kaniyang lalamunan hanggang sa kaniyang dibdib. Hindi rin niya tinaasan ng boses si Genesis, subalit bakas sa kaniyang boses ang paghihinagpis.

Hindi kasi sapat ang salitang "sorry" sa masakit na nasabi sa isang tao, dahil hindi na maibabalik ng sorry ang katagang nabanggit. Inaamin naman ni Alice sa sarili niya na naging ganoon din siya kay Genesis, pero mas masahol naman ang sinabi ng binata sa kaniya.

"I didn't mean it. Please Alice, patawarin mo na ako," pagmamakaawa naman ni Genesis.

"Patawad? Sa tingin mo gano'n kadali, Genesis? Oo, naging harsh din ako sa pagsasalita sa iyo, pero hindi naman kasing sahol ng sinabi mo sa akin!" sumbat ni Alice, at sa pagkakataong iyon ay nataasan na niya siya ng boses.

"Pasensya na, alam ko namang hindi mo ako kaagad mapapatawa. Sana ay makabawi ako sa iyo at maipakita ang totoong ako. At saka, gusto kong maitama ang nagawa kong mali," tugon ni Genesis at hinawakan pa sa balikat si Alice.

Nanlaki ang mga mata ni Alice nang lumuhod pa si Genesis. "Please, Alice, ano ba ang pwedeng gawin ko para lang mapatawad mo ako."

Naramdaman ni Alice ang sinseridad ng binata nang sabihin niya iyon sa kaniya. Lalo na noong lumuhod siya. Sa ginawa niyang iyon, unti-unting natitibag ang pader na pumapalibot sa puso ni Alice. Unti-unting lumalambot ang puso niya.

Isa pa, kung mas tataasan pa niya ang pride niya at lalayas sa bahay na iyon, walang mangyayari. Wala rin silang matutuluyan ni Trisha. Pati ang kaibigan niya ay madadamay pa.

Saglit na napatahimik si Alice. Mayamaya'y sabi niya, "Kung bibigyan ba kita ng chance, maipapangako mo ba na hindi ka na gagawa ng ikasasakit ng damdamin ko?"

"Oo, masisigurado ko. Alice, ilang araw pa lamang tayong nagkakakilala pero nasaktan na kita, kaya sana hayaan mong maipakita ko pa saiyo ang totoong ako. Gusto ko na sa pagtira mo rito sa Fictional World ay magiging masaya ka, at magiging memorable ang bawat sandaling nandito ka."

Unti-unti namang napangisi si Alice. "Aasahan ko iyang mga sinabi mo Genesis, pero may nais akong hilingin sa iyo."

Hindi naman maipinta ang ngiti sa labi ni Genesis, tapos ay tumayo. "Ano iyon? Kahit ano ay gagawin ko para lang makabawi sa iyo."

"Ipagluto mo ako nagugutom na ako, at tinatanggap ko na rin ang apology mo" sagot ni Alice, sabay hawak sa kaniyang tiyan. Kaninag umaga pa kasi ang huling kain niya.

"Iyon lang ba? Kayang-kaya kong magluto! Masarap kaya ang luto ko!" tuwang-tuwang saad ni Genesis tapos ay niyakap pa niya si Alice.

Nanlaki naman ang mga mata ni Alice at tila naging estatwa habang nararamdaman niya ang boltahe ng kuryenteng dumadaloy sa katawan niya. Patuloy pa ring tila may dumadaloy na kuryente sa buong katawan niya dahil sa pagkakadikit ng mga balat nila.

"Ano bang nangyayari sa akin at parang may biglang dumaloy na kuryente?" tanong ni Alice sa kaniyang isip habang pinipigilan ang sarili na tumili.

"Sorry," nahihiyang wika ni Genesis, nang mapagtantong nakayakap siya sa kay Alice kaya agad siyang humiwalay. Maging siya ay namumula rin ang pisngi.

"Friends?" tanong ni Alice at iniabot ang kamay niya.

"Friends... only," malumanay na tugon ng binata at nakipagkamay.

"Labas na tayo?" tanong ni Genesis kaya naman nagtataka si Alice kung paano sila lalabas dahil naka-lock ang pinto at na-trap sila.

NAPANGISI si Trisha dahil siya talaga ang may pakana kung bakit na-trap sina Alice at Genesis sa kuwarto. Hindi kasi siya mapakali hanggat hindi nagkakaayos ang dalawa. Isa pa, ayaw niya ring maging palaboy sila ni Alice.

(Flashback)

Nang sunod na tumakbo papalabas si Genesis ay umalis na rin si Michael. Kaya naman ay naiwang mag-isa sa bahay si Trisha. Naisip niya tuloy na kailangan niya talagang makagawa ng paraan upang magka-ayos ang dalawa.

"Bakit ba kasi bigla na lang nagka-gano'n si Genesis? Wala namang mali kung magkausap sinaa Michael at Alice. Nagseselos kaya si Genesis?" tanong niya sa sarili at napakamot sa ulo.

Apat na oras yata siyang nag-iisip ng paraan ngunit wala pa rin siyang maisip. Naka-limang episode na nga siya ng drama dahil sa pag-iisip niya ng paraan.

Magdidilim na nang makarating si Genesis sa bahay, at sa kasamaang palad hindi niya kasama si Alice.

"Nasaan na si Alice? Bakit di mo kasama? Naku, 'pag may masamang nangyari sa kaniya matataga kita!" sigaw ni Trisha kay Genesis habang hahawak-hawak ang cellphone niya dahil nanunood pa rin siya ng drama.

"Bakit ba ang ingay mo? Hindi ko alam! H-Hindi ko siya nasundan kanina!" tugon naman ni Genesis.

"Ano? Hindi mo siya hinanap? Genesis, naman! Magagalit-galit ka sa bestfriend ko tapos ngayon mag-aalala ka lang din," sermon ulit ni Trisha.

Mayamaya ay pumasok na si Genesis sa loob ng kwarto niya, samantalang si Trisha naman ay lakad lang nang lakad, at hindi mapakali sa loob ng bahay. Natatapos niya na naman ang isang episode ng drama ngunit hindi pa rin dumadating si Alice.

Ilang saglit pa ay napatingin siya sa gate nang marinig niyang bumukas iyon. Natanaw niya si Alice kaya napahinga siya nang maluwag. Bago tuluyang makapasok ang kaibigan ay naka-isip siya ng plano. Pinatay niya lahat ng ilaw at pumasok muna sa kwarto niya.

Nakita niyang pumasok si Alice sa sala at dire-diretso sa kwarto niya—sa kuwarto pala ni Genesis! Gumana ang plano ni Trisha!

Kinuha niya ang padlock na nahanap niya sa stock room kanina, at agad niyang ikinandado ang pinto ng kwarto ni Genesis.

"Hindi kayo makalalabas hanggat hindi kayo nagkakaaayos!" litanya ni Trisha at bumungisngis pa.

Tuwang-tuwa siya at nagtatalon sa sala nang bigla niyang naisip na parang may kulang sa plinano niya.

"Bakit hindi ko naalala? May verandah pala ang kwarto ni Genesis. Puwede silang makalabas doon. Plan A failed!" inis na wika ni Trisha at umupo sa sofa.

(End)

Gumuhit naman ang pagtataka sa isip ni Trisha dahil alam naman ni Genesis na upwede silang makalabas sa pamamagitan ng pagdaan sa verandah, pero bakit ang tagal nila sa loob? Naisip niya tuloy na baka gusto talaga ni Genesis na ma-trap sa loob kasama si Alice.

Nanood na lang ulit siya ng drama. Kanina lang episode 4 pa lamang siya, ngunit ngayon ay episode 10 na siya.

Napatingin si Trisha sa main door at nakita niya si Alice na may benda sa paa at nakangiti kasama si Genesis.

"Hulaan ko, pagkalipas ng ilang buwan ay magjowa na 'yang dalawa," bulong ni Trisha sabay bumungisngis.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro