CHAPTER 21 - Sorrowful End
LUMIPAS ang isang buwan at gano'n pa rin ang nararamdaman ni Alice. Labis pa rin siyang nangungulila kay Genesis at Genesis Junior. Isang buwan na ang nakakalipas ngunit hindi pa rin magawang mag move on ni Alice.
Hindi niya pa rin magawang kalimutan si Genesis na isa na lamang fictional character na hindi niya na makikita kahit pa naging parte na siya ng buhay niya. Iniisip niya rin na tama si Sir Henry, malamang ay hihintayin siya ni Genesis. Dinudurog ang kaniyang puso sa tuwing iniisip niyang baka magdusa rin siya habang naghihintay gaya ni Miss Eve.
Napatingin siya sa salamin at kita niya ang repleksyon ng namumugtong mata at maputlang mukha. Nagsuklay at naghilamos lang siya at lumabas ng bahay. Napagpasyahan niyang bumalik sa park kung saan sila pumunta ni Trisha bago sila napadpad sa Fictional World.
May mga pinagbago na ang park na iyon. Ang round table kung saan niya dati hinintay si Kenndrick ay napinturahan na ng bagong kulay. Mas dumami na rin ang mga namumulaklak na mga halaman.
Naupo na lang siya sa isang upuan ng round table na gawa sa semento. Natanaw niya sa damuhan, sa 'di kalayuan kung saan sila nalaglag ni Trisha. Bagamat open ang area roon ay tandang-tanda niya ang spot—sa gitnang-gitna mismo.
Agad siyang pumunta roon at nagbabakasaling nandoon pa ang butas. Kung naroon man, ipinapangako niya sa sarili niyang tatalon talaga siya roon. Subalit, para siyang binuhusan ng malamig na tubig dahil wala na ang butas na lagusan doon. Hindi na siya makakabalik pa sa Fictional World. Hindi na sila magkikita pa.
Luminga siya sa paligid para humanap pa ng butas ngunit wala siyang nakita. Ang tanging umagaw sa atensyon niya ay ang freedom wall sa dulo ng open area. Hindi naman gan'on kalawak 'yong open field kaya mabilis siyang nakalapit sa freedom wall na may lilim.
May mga pailan-ilang papel na nakadikit doon at may mga nakasulat. Dati ay walang gan'on doon. Agad siyang kumuha ng apat na asul na sticky notes at ballpen sa lalagyan at sumulat ng tula.
Wala pang sampung minuto ay natapos ni Alice ang tula. Bawat saknong ay isinulat niya sa separate sheet ng sticky notes—apat na saknong lahat. Idinikit niya na iyon sa freedom wall nang magkakasunod at binasa.
"I Love You, Goodbye"
In the most terrible moment of my life,
Where I use to isolate and lock myself in,
I have found you during my endless rants—
The one who is willing to be with me battling struggles with
Genesis, thank you...
Thank you for thinking I will look good at midnight,
For accepting the weird things I do,
And for doing your best to make our dreams.
Thank you for staying with me;
It is just saddening to know that I have left you now,
But always remember that you will always be in my heart
Forever...
I hope you are happy where you are today;
Wherever you are, I promise to love you.
Despite the world between us,
My love will always be there for you
--Alice
Inalis niya ang pagkakapako ng tingin sa mga isinulat niya nang may tumabi sa kaniyang babaeng tantsa niya ay nasa edad singkuwenta na. Mahaba ang buhok nitong maitim pa rin. Bagamat nangungulubot na ang balat nito ay halata pa rin ang kaniyang kagandahan, lalo na't maputi ito tapos ay singkit ang kaniyang mga mata.
"May dumi ba ako sa mukha?" tanong ng babae sa kaniya.
"Ah.. w-wala po. Pasensya na po," magalang na tugon ni Alice. Sinundan pa rin niya naman ito ng tingin nang kumuha ito ng sticky note ay may isinulat doon.
Mayamaya pa'y idinikit niya na iyon malapit sa mga notes ni Alice. "Alalahanin mo ako, anak ko. Miss ka na ni Mama Eulysis." Iyan ang nakasulat doon.
"Miss ko na ang anak ko, eh. Ilang beses na akong nagsulat ng ganiyan dito, nagbabakasakaling mababasa niya," saad ng babae. Bago siya umalis ay nginitian niya muna si Alice.
Limang minuto pagkatapos na umalis n'ong babae ay napagpasiyahan niya na ring umuwi dahil makulimlim na. Wala pa man din siyang dalang paying.
Malalaki ang kaniyang mga hakbang at matuling naglakad para sana ay hindi maabutan ng ulan, ngunit tuluyan nang umiyak ang kalangitan. Basang-basa na tuloy siya tapos ay umiikot na rin ang paningin niya dahil hindi siya kumain. Nahawak siya sa dibdib niya dahil nararamdaman niya ang pagguhit ng sakit sa puso niya.
Napayuko na lang siya habang nakahawak sa kaniyang dibdib. "Aray!"
Ngayon naman ay sa noo niya na siya nakahawak dahil bumangga siya sa dibdib ng isang matipunong lalaki. Inangat niya ang kaniyang tingin at ibinaba niya ang kaniyang kamay na nakahawak kanina sa kaniyang dibdib.
Bigla na lamang kumabog nang mas mabilis ang puso ni Alice. Nagkasalubong ang mga mata nilang dalawa n'ong lalaki. Bagamat nanlalabo ang kaniyang paningin ay kitang-kita niya pa rin ang bilugan subalit maliit na mga mata nito. Dumako ang kaniyang tingin sa matangos na ilong nito pababa sa kaniyang labi...
Kilala niya ang mukhang iyon; alam niya kung kanino.
"Tumingin ka kasi sa dinaraanan mo." Bumalik sa reyalidad si Alice nang marinig niya ang boses ng lalaki.
"Genesis," bulong ni Alice. Tuluyang humalo sa tubig-ulan ang mga luha niyang naglalandas pababa sa kaniyang pisngi.
Kumunot ang noo ng binate. "Paano mo nalaman ang pangalan ko?" Blangkong tingin pa ang ipinukol sa kaniya nito.
"Genesis, ako ito, si Alice!"
"Hindi kita kilala at wala akong kilalang Alice," walang emosyong tugon ng lalaki at nilagpasan si Alice; lumakad siya patungo sa freedom wall. Hindi siya kilala ni Genesis; hindi siya nakikilala ng lalaking iniibig niya.
Mas lalong rumagasa ang kaniyang mga luha nang lagpasan lang siya ni Genesis. Noong mga sandaling dumaan siya sa tabi niya, parang nag-slow motion ang lahat kasabay ng malakas na ulan at pagtulo ng luha niya.
"Genesis, hindi mo ba talaga ako naaalala? Ako 'yong babaeng iniibig mo!" pasigaw na saad niya dahil sinasapawan ng malakas na ulan ang kaniyang boses.
Lumingon naman pabalik sa kaniya ang binata at tinignan siya samit ang kaniyang blangkong ekspresyon.
"Nababaliw ka na! Umuwi ka na sa inyo!" sigaw nito pabalik.
Tila patalim na sumaksak iyon sa puso ni Alice, subalit hindi niya masisisi si Genesis kung hindi siya nito makilala. Si Cif na mismo ang nagsabi na kung sakali mang magtagpo muli ang mga landas nila, hindi na siya nito maaalala.
Kinagat ni Alice ang kaniyang labi upang pigilan ang kaniyang paghikbi. Nang mga sandaling iyon, napag-isipan niyang ihakbang ang kaniyang mga paa palapit kay Genesis. Noong tagumpay siyang nakalapit ay agad niya itong niyakap nang mahigpit. Sabik na sabik na siyang yakapin si Genesis.
Sigurado siyang si Genesis na mula sa Fictional World nga iyon at hindi ibang tao. Mabilis ang pagtibok ng kaniyang puso at nakakaramdam din siya ng kasabikan—kay Genesis niya lang iyon nararamdaman. Labis-labis siyang nangulilala sa lalaking niyayakap niya ngayon kaya naman ay hindi niya na napigilan pa ang humikbi.
Hinayaan siyang yakapin ng binata. Niyakap siya nito pabalik at naramdaman niya ang pagtapik nito sa kaniyang likod nang marahan. Pamilyar na pamilyar talaga kay Alice ang gan'ong yakap kaya sigurado na talagang si Genesis na iniibig niya ang lalaking iyon.
"Sorry, miss pero hindi talaga kita kilala," saad ni Genesis gamit ang malamyos na boses.
Unti-unting tumigil ang ulan pero hindi pa rin tumitigil sa pagluha ang mga mata ni Alice. Tuloy-tuloy ang pag-agos ng kaniyang mga luha.
Kumalas sa pagkakayakap si Alice. "Kilala mo ako, Genesis, pero nakalimutan mo ako n'ong ikaw rin ang napadpad dito. Ako ito, 'yong kaisa-isang babaeng iniibig mo sa Fictional World," pagpapaliwanag niya.
"Hindi ko talaga alam ang sinasabi mo, miss. At saka, wala rin akong alam sa sinasabi mong Fictional World—sigurado akong walang gan'on. Baka ibang tao ang tinutukoy mo." Marahan siyang itinulak ng lalaki at nagpatuloy na sa paglalakad papalayo.
Muling rumagasa ang luha ni Alice. Hindi niya na kaya dahil hindi na siya maalala ng taong mahal niya. Napadpad siya sa totoong mundo pero hindi niya na nakikilala si Alice.
"A-Alice, si G-Genesis ba iyon?" gulat na tanong ni Trisha na bigla na lamang sumulpot na may dalang payong, at tinanaw si Genesis na nasa lilim na ng freedom wall. Napatango siya bilang pagtugon at niyakap ang kaniyang kaibigan.
Ang totoo ay hinanap siya ni Trisha. Sa park na iyon ang alam niyang pupuntahan ni Alice. Pagkarating niya roon ay nasaksihan niya si Genesis na tuluyang iniwanan si Alice at nagtungo sa freedom wall.
"Nangako siya sa akin na hindi niya ako kalilimutan, pero bakit ngayon tila tinalikuran niya na ang pangakong iyon?" Pinunasan ni Alice ang kaniyang mga luha at tinanaw sa malayo si Genesis.
"Hindi mo ba naalala ang sinabi ni Cif noon na kapag naibalik tayo dito sa mundo natin, 'yong mga taong nakasalamuha natin sa Fictional world ay 'di tayo maaalala?"
"Pero nangako siya sa akin noon na 'pag naibalik ako rito susundan niya ako at hindi niya ako kalilimutan!" giit niya.
"Alice, kumalma ka, please. Kahit na ayaw ka niyang kalimutan, kung 'yon talaga ang nakatakda ay wala siyang magagawa."
Hindi na nakaimik pa si Alice. Muling rumagasa ang kaniyang mga luha kaya inuwi na siya ni Trisha. Pagkauwi nila ay masama na ang pakiramdam niya. Umiikot ang kaniyang paningin at tila binabasag ang ulo niya dahil natuyo na ang damit niyang nabasa ng ulan kanina. Tingin ni Alice ay inaapoy na siya ng lagnat.
Agad siyang nagbihis ng damit, at pagkatapos n'on ay nagtungo siya sa kusina upang kumain. Madali niyang tinapos ang kinakain niya at dumiretso sa kuwarto niya at agad humiga. Nagtalukbong siya gamit ang kumot niya dahil nagbabadya na namang bumagsak ang luha niya.
Dahan-dahan namang pumasok si Trisha sa kuwarto ni Alice at umupo sa tabi ng kaniyang natutulog na kaibigan.
Sa totoo lang, maging siya ay labi na ring nagungulila kay Carl. Ayaw niya lang ipakita kay Alice na pinanghihinaan na rin siya ng loob dahil siya na lang ang makakapitan ng kaibigin niya. Hindi siya nakikita ni Alice na umiiyak pero sa loob niya ay hinagpis na hinagpis na siya. Parang sinasaksak ng milyun-milyong mga karayom ang puso niya.
Napabuntong hininga na lamang siya at napatulo na rin ang mga luha niya. Lumabas siya sa kuwarto ni Alice at bumalik sa kuwarto niya. Naluluha siya sa tuwing naaalala niya kung kumusta na si Carl—kung umiiyak pa rin ba ito sa pagkawala niya sa mundong iyon.
Noong huling araw nila ni Alice sa Fictional World, noong nakaalis na kasi sina Alice at Genesis dala ang kanilang baby papunta sa Make-Believe Park, dumating naman sila ni Carl sa bahay.
Nadatnan nila si Angeline na may dalang baril at palinga-linga sa loob ng bahay na tila may hinahanap. Bakas ang nag-aapoy na galit sa kaniyang mukha at mahigpit ang pagkakahawak niya sa baril.
"A-Angeline... a-anong binabalik mong gawin?" nauutal pa na tanong noon ni Carl at ihinarang niya ang kaniyang katawan kay Trisha.
Hindi siya sinagot ni Angeline, bagkus ay itinapat nito sa kaniyang dibdib ang baril, at bago niya nakalbit ang gatilyo ay ihinarang din ni Trisha ang kaniyang katawan.
Naisip niya kasing hindi puwedeng si Carl ang tamaan ng bala dahil tuluyan siyang mamamatay.
Kapag si Trisha ang sasalo ng bala, mamamatay siya roon subalit mabubuhay rin lang siya kapag naibalik na siya sa totoong mundo.
Bago siya binawian ng buhay roon ay nakita niya pa ang pagtakas ni Angeline. Nasilayan niya rin sa huling pagkakataon si Carl na nakayakap sa kaniya at labis ang pagtangis. Ni hindi man lang niya nabanggit sa huling pagkakataon ang "mahal kita" o kaya ay "paalam" bago siya naglaho.
Nauna siyang nakabalik sa totoong mundo, sa bahay mismo ni Alice, na nakahawak sa kaniyang dibdib at umiiyak. Pagmulat niya ay wala na siyang nasilayan pang Carl.
Hanggang ngayon ay pilit niyang tinatanggap na wala na si Carl sa buhay niya; na hindi na maibabalik pa ang dati nilang pag-iibigan...
NOONG sumunod na linggo ay nagtungo na naman si Alice sa freedom wall dahil nagbabakasakali siyang magagawi ulit doon si Genesis. Araw-araw siyang nagtutungo roon at hinihintay si Genesis mula umaga hanggang hapon, subalit wala siyang napapala.
Pareho nga silang nasa totoong mundo pero hindi siya maalala ni Genesis. Hindi na siya nage-exist sa buhay ng binata. Malapit na sila sa isa't isa pero parang ang layo pa rin ng minamahal niya.
Sinubukan niya nang makalimot pero hindi niya alam kung saan siya magsisimula. Hindi niya alam kung paano niya kalilimutan si Genesis, kaya naman ngayon ay naghihintay ulit siya sa freedom wall.
Papalubog na naman ang araw. Nawawalan na siya ng pag-asang susulpot pa ulit si Genesis, subalit gayon na lamang ang pagtatalon ng puso niya sa tuwa nang makita niyang papunta rin si Genesis sa freedom wall.
Hindi niya na siya hinintay na makarating doon. Patakbo niya siyang nilapitan at ihinarang ang kaniyang mga kamay.
"Genesis, hindi mo ba talaga ako naaalala?" Iyana ng agad na tanong niya. "Ako nga ito, si Alice at may anak tayo. Please, alalahanin mo ang lahat," dagdag pa niya.
Napailing-iling naman si Genesis at tinignan si Alice mula ulo hanggang paa. "Hindi nga talaga kita kilala! Nahihibang ka na ba?"
"Gensis, naman! May anak tayo! Si Genesis Junior!" giit naman ni Alice.
"Kita mo, pati anak ko nadamay rito!" Nabuhayan ng loob si Alice nang sabihin iyon ni Genesis. Ibig sabihin ay alam pa nito ang katotohanang may anak sila.
"Ako ang mommy niya!"
Nakita niyang nagsalubong ang dalawang kilay ni Genesis. "Sigurado akong hindi ikaw ang mommy niya dahil wala akong kilalanh Alice."
Hindi na alam ni Alice ang sasabihin niya. Kaya naman ay inilapit niya ang labi niya kay Genesis at hinalikan siya, subalit itinulak siya nito. Muntik pa nga siyang natumba.
"G-Genesis, please alalahanin mo naman ako!" pagmamakaawa ni Alice at kulang na lang ay lumuhod siya sa damuhan.
"Hindi nga kasi kita kilala! Baka ibang Genesis ang sinasabi mo!" bulyaw sa kaniya ni Genesis. Please tantanan mo na ako at huwag ka nang magpapakita sa akin!" dagdag pa niya at saka iniwan ulit si Alice. Imbis na magtungo sa freedom wall ay nagtungo siya sa exit ng park.
Napahagulgol na lamang si Alice habang pinapanood si Genesis na lumakad papalayo.
Kaya naman ay nasabi niya na lang sa kaniyang isip, "Kailangan ko na talaga siyang kalimutan. Hindi niya na ako maalala at gusto niyang lumayo ako sa kaniya. Siguro hindi ko na makakamit ang happily ever after. I guess, this is the sorrowful end of my story..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro