CHAPTER 19 - Almost Happily Ever After
MABILIS na lumipas ang mga buwan. Tumigil muna sa pagtugtog si Alice dahil sa kaniyang pagbubuntis. Malugod namang tinanggap ng buong team ng Make-Believe Band ang desisyon ni Alice, lalo na si Miss Eve.
Kasalukuyang nakaupo sa wooden bench sina Alice at Genesis, sa ilalim ng cherry blossom tree ng Make-Believe Park. Natatakpan na ng makapal na mga ulap ang malapit nang lumubog na araw.
Idinuduyan din nang marahan ng hangin ang mga sanga ng puno, kaya naman ay maya't maya ang pagbagsak ng mga bulaklak sa dalawang magkasintahan. Mas lalo tuloy naging romantiko ang paligig, subalit hindi pa rin mawaglit ang pag-aalala sa isip ni Alice.
"Ano ba kasi 'yong pinag-usapan niyo noon ni Miss Eve?" tanong ni Genesis sa kaniya. Napatingin lamang siya sa singkit na mga mata ng binata at umiling.
"Sa aming dalawa na lang iyon. Kahi pa hindi niya sinabi sa akin na huwag kung sabihin kahit kanino, responsibilidad ko pa ring itago ang nalaman ko," tugon niya't nilipat ang tingin sa malayo. Hindi naman na siya kinulit pa ni Genesis.
Siyam na buwan nang buntis si Alice at ilang buwan na ring hindi sila ginugulo ni Angeline, ngunit ang masaklap ay natanggal sila sa trabaho. Sinisisi ni Alice ang sarili niya dahil pati sina Kenndrick, Michael, Trisha, at Michaela dinamay rin.
Nalaman kasi ni Miss Agnes ang isyu tungkol kina Alice, Genesis, at Angeline. Dahil pamangkin niya si Angeline, mas pinaburan niya pa ito. Pare-pareho tuloy silang walang trabaho.
"Ilang linggo na lang ay manganganak na ako. Ano'ng ipapangalan natin sa baby natin?" Patuloy si Alice sa paghaplos ng kaniyang tiyan. Sa tiyan niya rin nakatuon ang kaniyang mga tingin.
Mayamaya'y idinampi na rin ni Genesis ang kaniyang palad sa tiyan ng dalaga. "Dahil lalaki ang anak natin, ako ang mgabibigay ng pangalan."
"Sige, ikaw ang bahala. Ano naman ang naisip mo?"
"Genesis Junior." Napaangat ng tingin si Alice habang nakakunot ang kaniyang noo dahil sa pagtataka.
"Bakit iyan ang napili mo?"
Matamlay na ngumiti si Genesis at tumingin sa malayo. "Dahil kung sakali mang paglayuin muli tayo ng tadhana, may isa pa ring Genesis na maiiwan sa iyo."
Muntik nang tumulo ang mga luha ng dalaga sa sinambit nito. Hindi na lang siya umimik pa dahil pakiramdam niya ay tuluyang papatak ang mga luha niya kapag ibinuka pa niya ang kaniyang bibig.
Kapwa sila napatayo nang makita nilang masyado nangg makulimlim at nagbabadiyng bumuhos ang ulan. Hanggang sa pag-uwi nila ay magkahawak ang kanilang mga kamay, na tila ba ayaw na nilang mawalay sa isa't isa.
Simula noong nakalabas si Alice sa hospital, at noong nagkaayos na sila ni Genesis, umuwi na siya sa bahay nila ni Genesis—pati na rin si Trisha. Tila naibalik ang dati nilang buhay roon.
Pagkarating nila ay nadatnan nila sa sala sina Trisha at Michaela na nagtatawanan. Dumayo pa roon si Michaela para dalawin at kumustahin si Alice, subalit si Alice naman ang unang nangumusta.
"Kumusta naman kayo ni Michael?" tanong ni Alice kay Michaela.
Pinagkrus ni Michaela ang kaniyang mga kamay. "Ayun ipinagpipilitan niyang 'kami' na raw, ni hindi nga siya nanligaw sa akin."
"Nakahanap ka ng katapat mo! Pareho kayong parang may sayad at ipinipilit ang gusto," pang-aasar naman ni Trisha kaya binatukan siya ni Michaela.
Gan'on palagi ang bonding ng dalawa. Mag-aasaran na humahantong sa batukan, pagpapalitan ng tsismis, at kung anu-ano pa. Minsan nga napapaisip na lang si Alice kung wala bang ibang ginagawa ang dalawa kundi sumagap ng tsismis. Kung trabaho lang siguro ang pagiging tsismosa, malamang baka mayaman na mayaman na ang dalawa.
Napailing na lang si Alice sa kalokohan ng dalawa, at nagpaalam na dahil nakadama siya ng pagod; gusto niya na ring magpahinga.
Tinabihan siya ni Genesis sa pag-upo sa kama. "Bakit ang tahimik mo?"
"Pagod lang siguro ito kaya ako ganito," sagot ni Alice at ipinatong ang ulo niya sa balikat ni Genesis.
"Naikuwento ko na sa iyo ang tungkol sa pamilya namin. Ikaw naman magkwento," hiling ni Genesis.
Naisalaysay na ni Genesis sa kaniya ang tungkol sa pamilya nila, na pareho nang namatay ang mga magulang niya, at pati na rin 'yong sa kanila ni Angeline noon. Dahil doon, napagtanto ni Alice na pareho na pala silang ulila ni Genesis.
Nag-aalangan naman si Alice kung ikukuwento niyang muntik na siyang nakapatay ng tao, at ang masama ay kakambal niya pa ang muntik niyang kitilan ng buhay. Ngunit, kailangan niya rin namang sabihin kay Genesis iyon dahil hindi magtatagal ay magiging isang pamilya na sila. Ayaw niyang magtago ng sekreto sa kaniya dahil baka iyon pa ang dahilan ng muling pagkasira ng relasyon nila.
"Genesis, kung ano man ang malalaman mo, huwag ka sanang magbago sa akin," bilin ni Alice; napatango naman si Genesis.
Natatakot kasi siya na baka kasi pag nalaman ni Genesis iyon, magbango ang pakikitungo nito sa kaniya.
"May kakambal ako," panimula ni Alice.
"Talaga? Anong pangalan niya? Identical twins ba kayo?" sunud-sunod na tanong ng binata.
"Mayroon akong identical twin. Siya si Ate Elize, at panganay siya sa akin ng ilang minuto. Bago ko makilala si Trisha, siya ang bestfriend ko. Sobrang close namin sa isa't isa at halos hindi kami mapag-hiwalay. Pareho kami ng likes at dislikes. Sobrang close namin sa isa't isa at walang naglilihim sa amin. Pati nga monthly period ng isat-isa sa amin ay alam namin. Sobrang saya naming dalawa, ang dami nga naming kalokohan, eh!" sabi ni Alice at napatawa nang mapait, subalit mayamaya ay tumulo ang luha niya.
"Pero ako ang sumira ng lahat ng iyon. Hindi ko sinasadya pero kasalanan ko kung bakit umabot sa gano'n," sabi pa niya at isinalaysay kay Genesis ang ginawa niyang krimen laban sa kakambal niya. Hindi niya napagilan ang pag-iyak habang nagsasalaysay.
"Oo, mali talaga ang ginawa mo, pero hindi naman tama na ikulong mo ang sarili mo sa bangungot ng nakaraan. Siguro, nagawa mo lang ang bagay na iyon dahil gusto mo kayong dalawa lang ng ate mo. Kung sakaling magkita ulit kayo, itama mo na lahat ng pagkakamali mo," pag-aalo ni Genesis sa kaniya.
Muling napahikbi si Alice. "Nami-miss ko na si ate. Gusto ko nang maibalik 'yong dati naming samahan."
"Balang araw, maibabalik din iyan—magkakaayos din kayo. Sa ngayon, ang pagbubuntis mo muna ang isipin mo." Muling hinaplos ni Genesis ang tiyan ni Alice. "Excited na akong lumabas si Baby Genesis Junior," pag-iiba niya sa usapan.
Pinunasan ni Alice ang kaniyang luha at ngumiti. "Hindi na nga ako makapaghintay sa paglabas niya. Genesis. At 'yong tungkol sa kasal natin, gusto ko pagkatapos ko na lang manganak."
"Ikaw ang bahala dahil maganda naman ang naisip mo. At saka 'pag naka-20 years na tayo, magpakasal ulit tayo."
"Basta ipangako mo sa akin na huwag mo akong kalilimutan at iiwanan, Genesis." Binabagabag pa rin si Alice. Hindi pa rin siya napapalagay sa kahihinatnan ng love story nila ni Genesis. Araw-araw ay natatakot siya sa puwede pang mangyari.
Hindi na lumabas ng kuwarto sina Genesis noong gabing iyon dahil nakatulog na si Alice. Magpapaalam na sana si Michaela nang marinig nila ang pagsigaw ni Alice mula sa loob ng kuwarto. Dali-dali silang pumasok sa loob ng kuwarto.
"Sobrang sakit ng tiyan ko!" Impit na napasigaw si Alice habang ang kanang kamay niya ay nakahawak sa tiyan niya. Ang kabila niya namang kamay ay mahigpit ang pagkakahawak sa bedsheet. Tumatagaktak na rin ang kaniyang pawis kasabay ng kaniyang mga luha,
"A-Alice! Anong nangyayari?"
"Manganganak na yata ako!"
Nanlaki ang mga mata ni Genesis at halos maestatwa na sa kinatatayuan niya. Kinuha naman ni Trisha ang cellphone niya at may tinawagan.
"P-Paano iyan? W-Wala tayong gagamiting sasakyan..." nauutal na sambit ni Genesis.
"Papunta na rito sina Xander at Carl. Tinawagan ko si Xander kanina at sinabi kong kailangan natin 'yong sasakyan niya dahil manganganak na si Alice," tugon naman ni Trisha kaya agad na binuhat ni Genesis sa labas upang doon na hintayin sina Carl at Xander.
Limang minuto lamang ang nakalipas subalit nariyan na agad ang sasakyan. Pagkapasok nila sa loob ng kotse ay mabilis na nagmaneho ni Xander, kaya mabilis silang nakarating sa ospital.
Dahil sa kaba ay napaupo na lang si Genesis sa upuan sa waiting area, at napasapo sa kaniyang dibdib. Magkakahalo ang emosyong nararamdaman niya: labis na kagalakan dahil sa wakas ay makikita niya na ang anak nila, at kaba dahil nag-aaalala siya sa puwedeng mangyari kay Alice habang nanganganak siya.
Hindi niya na namalayan pa ang mga sumunod na nagyari. Ngayon ay nakaupo na siya sa hospital bed na hinihigaan ni Alice. Dinala kasi siya roon kanina nina Xander at Carl, subalit hindi niya namalayan dahil tila wala siya sa sarili kanina.
Napahawak na lang siya sa kamay ni Alice gamit ang kaniyang kanang kamay, habang ang kaniyang kaliwang palad ay ihinaplos niya sa pisngi ng kanilang anak. Napangiti siya at hindi maiwasang maluha dahil sa labis na saya.
Mayamaya ay pumasok sina Trisha at Michaela na titili sana, ngunit agad na sinabi ni Genesis sa kanila na tumahimik sila dahil natutulog pa si Alice at ang baby nila.
"Ayieee... daddy na si Genesis," ngisi ni Trisha habang dahan-dahang binubuhat ni Genesis si Genesis Junior. Mahimbing kasi itong natutulog.
"Kailangan magdiwang tayo pagkalabas ng hospital nila Alice at Genesis Junior!" Pumalakpak pa si Michaela at kulang na lang ay sumayaw dahil sa tuwa.
"Ang cute talaga ni Genesis Junior!" tili ni Trisha kaya tuluyang nagising si Alice.
Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata niya at iginala ang kaniyang tingin. "Nasaan na ang baby ko?"
Napatingin si Genesis kay Alice na kagigising lang kaya agad niyang inabot kay Alice ang anak nila. Lumabas naman muna sina Michaela at Trisha. Sumilay ang ngiti sa labi ni Alice nang mayakap niyang muli si Genesis Junior.
Niyakap naman siya ni Genesis at hinalikan sa noo habang yakap niya ang anak nilang dalawa. Hindi maipaliwanag ang kanilang saya dahil dumating ang isang anghel na naging daan upang magkabalikan at maging masaya sila.
MABILIS namang lumipas ang mga araw. Isang buwan na matapos manganak si Alice, at sa loob ng isang buwan na iyon ay naging challenging sa kanilang dalawa ni Genesis. Tuwing gabi ay napupuyat si Genesis dahil tuwing gabi ang schedule niya sa pag-aalaga kay Genesis Junior. Sa umaga naman ay si Alice.
"Alice, bilisan mo riyan aalis na tayo!" Dinig ni Alice na sabi ni Genesis mula sa labas ng bahay. Mamamasyal sila sa Make-Believe Park ngayon kasama ang anak nila sa kauna-unahang pagkakataon.
"Saglit lang, inaayos ko pa ang mga gamit ni Genesis Junior!" pasigaw na sagot ni Alice, at agad-agad na kinuha ang bag na lalagyan ng mga gamit na dadalhin nila. Nakalapag iyon sa sofa sa sala.
Walang namang naiwang tao sa bahay nila dahil sina Trisha at si Carl ay may iba ring pinuntahan. Pagkarating nila sa Make-Believe Park ay agad silang dumiretso sa ilalim ng cherry blossom trees.
"Hindi ko talaga akalaing maaabot ko na ang pangarap kong happily ever after!" Itinaas pa ni Alice ang kaniyang mga kamay habang iwinawagayway sa ere. Abot-langit din ang kaniyang mga ngiti.
"Ako rin naman. Pasalamat tayo kayo Genesis Junior dahil siya ang naging daan," tugon ni Genesis at napatawa silang pareho nang makita nilang ngumiti ang kanilang anak na nakahiga sa stroller.
"Masaya akong kasama kita sa happily ever after mo, Alice. Higit pa sa mga salitang 'I Love You' ang pag-ibig na nararamdaman ko sa iyo," wika ni Genesis at hinaplos ang mahabang buhok ni Alice na nilalaro ng hangin.
"Genesis, mahal na mahal kita—dito man sa Fictional World at sa Real World. Hindi matitinag ng kahit anong mundo ang pagmamahal ko sa iyo," tugon naman ni Alice kaya agad siyang niyakap ni Genesis.
Hindi maipaliwanag ang kagalakan ni Alice dahil akala niya ay ipagkakait na ng tadhana ang happily ever after pero hindi pala. Mas humigpit pa ang yakap ni Genesis sa kaniya, hanggang sa makadinig sila ng isang putok ng baril.
"ALICE!" sigaw ni Genesis.
Biglang nanikip ang dibdib ni Alice. Hindi rin siya makahinga, at naramdaman niya na lang ang mainit na umaagos na likido sa likod niya kasabay ng pag-ubo niya ng dugo.
"G-Genesis," bulong ni Alice habang rumaragasa ang kaniyang mga luha, na sinasabayan ng pag-agos ng dugo mula sa kaniyang bibig at likod. Natumba siya sa damuhan at hirap niya nang imulat ang kaniyang mga mata.
"Sa tingin niyo hahayaan kong matapos ang istorya niyo sa happily ever after? No way!" Ngisi ni Angeline na mahigpit ang pagkakahawak sa baril habang papalapit siya sa kinaroroonan ni Alice.
"Hayop ka talaga, Angeline! Sinungaling ka! Isa kang traydor!" Ikinuyom ni Genesis ang kaniyang mga palad at handing sugurin ang dalaga. Subalit, narinig niya ang tuluy-tuloy na pag-ubo ni Alice. Naliligo na rin ito sa sarili niyang dugo.
Nilapitan ni Genesis ang bumagsak na katawan ni Alice at niyakap ito nang mahigpit. Mabilis din ang pagragasa ng kaniyang mga luha. "Alice! Please, don't die!"
Mabilis namang dumating ang mga pulis, dahil maraming saksi sa pangyayari, at dinakip si Angeline. Sumunod naman ang ambulansyang papalapit na sa kanila.
"S-Sana huwag mo... akong kalimutan..." bulong ni Alice at hinaplos ang pisngi ni Genesis. "Alagaan mo mabuti... a-ang anak natin."
Nanlulumo man ay kumalas si Genesis sa pagkakayakap kay Alice at kinuha ang anak nila. Inilapit niya si Genesis Junior na malakas na rin ang pag-iyak.
Kahit nanghihina si Alice ay sinikap niya pa ring haplusin ang pisngi ng kaniyang anak na ngayon ay nabahiran na ng dugo.
"Lumaban ka para sa amin, please, kumapit ka! Huwag mo akong iiwan!" pagmamakaawa ni Genesis.
Napahikbi naman si Alice dahil kung maaari ay ayaw niyang mamatay at maibalik sa Real World. Gusto pa niyang makasama nang matagal sina Genesis Junior at Genesis, subalit ramdam niyang pabagal na nang pabagal ang pagtibok ng kaniyang puso.
"'Til we meet again, Genesis," wika ni Alice hanggang sa tuluyan na siyang bawian ng buhay.
Kasabay no'n ay naalala niya ang sinabi sa kaniya ni Cif:
Isang buwan matapos ipanganak ni Alice ang anak ninyo ay mamamatay siya, at si Angeline ang dahilan ng pagkamatay niya. Sa isang putok lamang ng baril, maglalaho ang taong mahal mo, Genesis...
Pinagsisihan niyang naniwala siya kay Angeline na tanggap na niya ang relasyon nila ni Alice. Pero, kahit na magsisi siya ay huli na ang lahat: mawawala na sa kaniya si Alice.
"Mahal na mahal kita, Alice," lumuluhang wika ni Genesis at hinawakan nang mahigpit ang kamay ni Alice na tila ba ayaw pa niya itong pakawalan.
Matapos niyang sabihin iyon ay unti-unting nag-fade ang katawan ni Alice hanggang sa tuluyan siyang naglaho na parang bula; wala na ring nadatnang katawan ang mga medics...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro