Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 17 - Letting Go


Napasabunot si Genesis sa kaniyang buhok at mabigat ang kaniyang bawat paghinga. Nakaupo siya sa lapag, sa sulok ng kaniyang madilim na kuwarto, at pinipigilan ang pagpatak ng kaniyang mga luha.

"H-Hindi... hindi ito totoo... hindi iyon totoo..." paulit-ulit na bulong niya.

Tirik na tirik ang araw sa labas, subalit napakadilim sa loob ng kaniyang kuwarto. Nakasarado ang mga bintana't pinto, at nakalugay rin ang makapal na asul na mga kurtinang nakaharang sa mga bintana. Ni hindi rin nakabukas ang ilaw roon.

Simula noong umalis kahapon si Alice sa kanilang bahay, hindi na siya lumabas pa sa kaniyang kuwarto noong pagkauwi niya roon. Wala rin doon si Trisha kaya mag-isa niya sa buong bahay. Gustong-gusto niyang umiyak, ngunit mas nananaig ang pagpigil niya sa kaniyang mga luha.

Para kasi sa kanya, wala siyang karapatang umiyak. Unang-una, si Alice ang labis na nasaktan. Higit sa lahat, siya mismo ang nananakit sa kaniyang pinakamamahal. Nadamay pa ang nasa sinapupunan ng dalaga.

"Hindi ito totoo..." muli na naman niyang sambit.

Mayamaya'y napakunot ang kaniyang noo dahil sa biglang pagsilay ng liwanag. Nang mag-adjust na ang kaniyang paningin ay tumambad sa kaniya si Angeline. Agad na napatayo si Genesis at dali-daling lumapit sa dalaga.

Marahas niya itong hinawakan sa magkabilaang braso. "Bakit ka pa bumalik?! Bakit mo sinabi kina Alice na ikakasal na tayo two weeks from now?!"

"W-Why? 'Di ba t-totoo namang fiancée mo ako?" Pilit na umaatras si Angeline, at bakas sa kaniyang mga ang sindak. Ngayon pa lamang niya kasing nakitang nagalit nang gano'n si Genesis.

Magkasalubong ang kaniyang magkabilaang kilay, at namumula na rin ang kaniyang buong mukha. Nanlilisik na rin ang kaniyang mga singkit na mata na dati ay napakaamo.

"Oo, fiancé kita pero to inform you, NOON lang iyon! Noong buhay pa sina mama at papa!" bulyaw ni Genesis.

"At ano? Susuwayin mo sila? Remember, bago nalagutan ng hininga ang tatay mo, binilin niya na magpakasal tayo kahit na anong mangyari!" Napabitaw si Genesis kay Angeline at ikinuyom niya ang kaniyang mga palad.

"Angeline, I never say NO to my late parents, kaya ngayon ko lang tanggihan ang hiling nila! Hindi naman sa lahat ng pagkakataon magiging sunod-sunuran ako!" pangangatiwaran ni Genesis.

"Wala kang kuwentang anak! Hindi mo man lang mapagbigyan ang dying wish ng mga magulang mo!" sumbat ni Angeline. Pinagkrus niya pa ang kaniyang mga braso habang nakaukit ang ngisi sa kaniyang labi at nakataas ang isa niyang kilay.

Ilang saglit lamang ay nabura ang ngising iyon. Nanlaki ang kaniyang mga mata habang magkasalubong na ang kaniyang mga kilay. Napahawak pa siya sa kaniyang pisnging namumula. Hindi niya inaasahang sasampalin siya ni Genesis.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay ngayon pa lamang nakasampal ng babae si Genesis. Hindi niya na napigilan ang galit at sarili niya kaya nagawa niya iyon kay Angeline. Walang namang bakas ng pagsisisi sa mukha niya.

"Bawiin mo ang sinabi mo! Wala kang karapatang sabihan na wala akong kuwenta dahil ginawa ko lahat ng sinasabi ng mga magulang ko! Sigurado namang maiintindihan nila ako kung hindi ako magpapakasal sa'yo. Hindi nila gugustuhing maipakasal ako sa isang demonyitang nagbabalat-kayo bilang anghel!"

Hindi nakaimik si Angeline sa sinabi niya. Nakakuyom na ang mga palad ng dalaga. Namumula na rin ang kaniyang mga mata, at tuluyan nan gang rumagasa ang kaniyang mga luha. Ang mga luha niya ang tuluyang bumura sa matapang na ekspresyon niya kanina.

"You're right! Isa akong demonyitang nagbabalat-kayo bilang anghel. Sa totoo lang, nakakasawa nang maging mabait! Kaya tama lahat ng mga sinabi mo tungkol sa akin!" pagsang-ayon ni Angeline. Walang pag-aalinlangan niyang ipinagtapat ang lahat-lahat—maging ang kaniyang mga sekreto't kahinaan.

"Lahat ng gusto ko at ikaliligaya ko ay hindi man lang mapasaakin!" Pinunasan ni Angeline ang kaniyang mga luha at itinuro si Genesis. "Ikaw, matagal na kitang pinangarap kahit sobrang layo mo sa akin. Kahit na hindi mo man lang ako magawang tanawin noon. Mabuti na lang magkaibigan ang mga magulang natin kaya napagkasunduan nilang ipakasal tayo sa isa't isa. Pero... hindi pa rin kita nagawang abutin hanggang ngayon."

Ang kaninang nag-aapoy na emosyon ni Genesis ay napalitan ng hindi maipaliwanag na lungkot at pagkadismaya. Bagsak na rin ang kaniyang mga braso. Namumula na rin ang kaniyang mga mata.

"Ikaw ang lumayo, Angeline. Nakalimutan mo na nang naging malapit na ako sa'yo—sobrang lapit. Tuluyan na bang nabura ng galit mo ang katotohanang iyon?" Hindi nakaimik ang dalaga sa winika niya.

Sa sobrang lapit nila noon, tuluyan na siyang nahulog sa dalagang hindi niya magawang tanawin noon. Labis na isinigaw ng kaniyang puso ang pag-ibig para sa kaniya. Subalit, naiwang durog ang kaniyang puso nang bigla na lang mawala sa kaniyang paningin ang iniibig niya.

"Umalis ka noong natutuhan na kitang mahalin. Minahal kita noon nang higit pa sa iniisip mo, pero bigla kang umalis at hindi na ako nakatanggap ng balita mula sa'yo. Hinintay kita nang matagal pero hindi ka bumalik. Ngayon, may iba nang itintibok ang puso ko 'saka ka manggugulo. Hindi na ikaw 'yong Angeline na nakilala ko," pangangatwiran pa ni Genesis.

"H-Hindi ko ginusto ang pag-alis ko. Isa pa, simula pa lang naman noong una ay hindi mo ako kilala. Sapilitan akong dinala nina dad sa ibang bansa para ipa-rehab ako dahil naadik ako sa ilegal na droga. Hindi nila ipinaalam iyon sa kung kahit kanino bukod kay Tita Agnes dahil isa raw iyong malaking kahihiyan!" pagtatapat ni Angeline.

Ilang minutong hindi nakaimik si Genesis dahil sa pagkabigla. Hindi niya akalaing ang babaeng minahal niya noon ay may gan'ong kaitim na sekreto. Hindi niya akalaing magagawa niya iyon. Dismayadong-dismayado siya hindi dahil sa pagiging illegal drug user ni Angeline noon, kundi dahil sa katotohanang itinago niya noon. Kung nalaman niya lang sana noon, susuportahan niya sana si Angeline sa kaniyang pagbabagong buhay nang hindi nagbabago ang kaniyang pag-ibig.

"Sana sinabi mo sa akin noon. Kilala mo ako, alam mong susuportahan kita sa pagbabago mo gaya ng pagsuporta ko sa iyo noong sumasali ka sa mga song competitions, na tinututulan ng mga magulan mo." Napasapo na lamang si Genesis sa kaniyang noo at napaupo sa kaniyang kama. Tama, palagi niyang sinusportahan noon si Angeline, kaya dismayado talaga siya dahil sa kawalan nito ng tiwala sa kaniya.

"Ito na sana ang pagkakataon mo para ipagpatuloy na magbago, pero nanggugulo ang ginagawa mo. Buo na ang desisyon kong hindi pagpapakasal sa iyo. Isa pa, may iba na akong iniibig ngayon," dagdag pa ni Genesis.

"Okay, fine! Kung ayaw mong magpakasal sa akin, sige! Pero titiyakin kong magiging miserable kayo ni Alice!" taas-noong saad ni Angeline at tinalikuran na si Genesis. "Hindi na rin pala kayo makababalik pa sa kompanya ng tita ko," dagdag pa niya at tuluyan nang lumisan.

Tuluyang napatulo ang mga luha ni Genesis na matagal niya nang pinipigilan. Mas lalong bumibigat ang problemang pinapasan niya. Akala niya ay hindi na sa maapektuhan ng mga masasamang pangyayari mula sa nakaraan, dahil nakaraan na iyon, subalit nagkakamali siya.

Mahal niya ang mga magulang niya pero mahal niya rin naman si Alice. At saka, natandaan niya naman niya 'yong huling habilin ng ama niya sa kaniya bago siya namatay dahil sa kanser sa dugo. Nabaon-baon pa sila sa utang dahil sa laki ng ginastos nila sa ospital noon, dagdag pa 'yong ginamit sa burol at libing ng kaniyang ama.

Ilang buwan matapos mailibing ang ama niya ay sumunod naman ang kaniyang ina. Nagpakalunod ito sa alak kaya isang araw ay inatake sa puso.

Lugmok na lugmok noong mga panahong iyon si Genesis dahil wala na siyang perang gagastusin sa burol ng kaniyang ina at sa pantustos niya sa pang-araw araw niya, kaya ibinenta niya ang hindi bahay nila. Nanirahan naman siya sa isang maliit na paupahang bahay.

Habang nilulunod naman siya ng kaniyang mga luha dahil sa labis na kalungkutan ay dinamayan pa rin siya ni Angeline, kahit na ipinagtatabuyan niya ito noon. Dahil doon ay tuluyan siyang umibig sa dalaga. Dahil sa kaniya ay nakaahon siya mula sa kalungkutan.

Nakilala niya rin si Eve nang minsan siyang pumunta sa Make-Believe Bar. Inanunsyo roon ni Eve na nangangailangan sila ng bass guitarist, kaya agad siyang nag-volunteer. Doon ay nakilala niya sina Carl at iba pang mga miyembro ng banda. Nabigyan din naman siya ng sariling bahay na tinitirahan niya ngayon.

Akala niya ay tuluyan nang magiging maayos ang buhay niya, subalit isang araw ay bigla na lang naglaho si Angeline nang walang pasabi. Hinintay niya ito ng napakatagal, pero walang Angeline na bumalik sa kaniya. Hanggang sa tuluyan na siyang naka-move on at nagsimula ng panibagong kabanata ng buhay kasama ang Make-Believe Band.

Tuluyan siyang napahagulgol dahil sa isa na namang unos sa buhay niya. Ngayon ay sobra niyang nasaktan si Alice. Nabuntis niya pa ito at hindi niya siya magawang mapanagutan. Kailangan niya lang namang gawin iyon para maiwasan ang naitakdang tadhana kay Alice sa Fictional World.

Binalaan siya ng nangangalaga sa lagusan ng Fictional World. Natakot si Genesis sa sinabi ni Cif, kaya agad siyang umisip ng paraan kahit na labag sa loob niya ang naisip niya.

Nakatakda na may mangyayari sa kanila ni Alice at magbubunga iyon, na hindi nila maiiwasan, at iyon ay nangyari na nga. Kailangan niyang takbuhan ang responsibilidad niya dahil ayaw niyang mawala si Aice sa kaniya. Sinabi kasi sa kaniya ni Cif na kapag inako niya ang responsibilidad niya kay Alice ay may mangyayaring masama sa dalaga.

Muli siyang napahikbi nang pumasok muli sa kaniyang isipan ang pag-uusap nila ni Cif noong araw pagkatapos na magpakitang muli si Angeline.

***

Nakaupo lamang si Genesis sa Make-Believe Park habang nakatingin lamang sa kawalan.

"Kasinatahan ka ni Alice na napadpad dito kamakailan lamang, 'di ba?"

Napatingin siya sa gilid niya at nakita niyang naka-upo sa tabi niya si Cif. Siya ang nangagalaga sa lagusan at nakakaalam ng mga posibleng mangyari sa isang taong napadpad sa Fictional World!

Napaawang ang kaniyang bibig dahil hindi niya akalaing lalapitan siya ng isang makapangyarihan.Hindi lang iyon, kinakausap pa siya!

"A-Ako nga po. B-Bakit?"

Tinignan siya ni Cif nang direto sa kaniya mga mata at diretsahang sinabi, "May masamang manyayari kay Alice dito sa Fictional world. Kailangan mong gumawa ng paraan para maiwasan ito."

Noong una ay hindi pa na-sink in sa kaniyang utak ang kaniyang nalaman. Pagkaraan ng kalahating minuto ay doon na nangatog ang kaniyang mga tuhod. Nanlalamig na rin ang kaniyang mga kamay.

"A-Ano po bang mangyayari? B-Bakit ganoon?"

"Bumalik si Angeline para bawiin ka niya at may masama siyang pinaplano. Mabubuntis mo si Alice at papanagutan mo ito, kaya hindi iyon lubos na matatanggap ni Angeline. Isang buwan matapos ipanganak ni Alice ang anak ninyo ay mamamatay siya, at si Angeline ang dahilan ng pagkamatay niya. Sa isang putok lamang ng baril, maglalaho ang taong mahal mo, Genesis. Maglalaho sa mundo niyo si Alice kung matutuloy ang itinakdang mangyayari. Kailangan mong iwasan ang lahat ng ito."

***

Labag sa loob niya na takbuhan ang responsibilidad niya kay Alice. Masaya siya dahil magkakaanak na sila pero hinding-hindi sila mapapasa kaniya. Ayaw niyang mapahamak at maglaho sa Fictional World si Alice.

Noong nalaman niyang buntis si Alice gustung-gusto niya siyang yakapin at magatatalon sa saya pero hindi puwede.

Napatigil siya sa pagmumuni-muni nang tumunog ang cellphone niya. Nakatanggap siya ng mensahe mula kay Trisha na kahapon pa niyang hindi rin nakikita.

Napatuon ang atensyon niya sa text message ni Trisha sa kaniya. Para siyang binhusan nang malamig na tubig dahil sa nabasa niya.

[Pumunta ka ngayon dito sa MD Hospital. Room number 20. Bilisan mo! May nangyari kay Alice!]

Agad siyang nagpunta sa sinabi ni Trisha na ospital at habang papalapit siya sa pinto ng room number 20 ay pabigat nang pabigat ang mga hakbang niya. Dahan-dahan niyang pinihit ang door knob at halos mapatulo ang luha niya dahil sa nakita niya.

Gustong-gusto niyang yakapin si Alice dahil naaawa siya sa kalagayan ng dalaga. May nakakabit na dextrose sa kaniya habang nakatulog ito.

"Sa labas tayo mag-usap usap," may diin na usalni Trisha na katabi ni Michaela. Sumunod na lamang si Genesis at naupo siya sa metal bench, sa labas ng kuwarto ni Alice. Nanatili na mang nakatayo sa harap niya ang dalawang dalaga.

"Ang kapal ng mukha mo, Genesis! Nabuntis mo pala si Alice, at nalaman ko na lang sa kaniya na ayaw mo siyang panagutan!" bulyaw sa kaniya ni Michaela.

Napatingin naman sa kanila ang ibang mga nurses at pasyenteng dumadaan sa hallway. Napayuko si Genesis. Gustong-gusto niya silang sumbatan pero hindi niya magawa. Gustung-gusto niyang ipagtanggol ang sarili niya pero feeling niya ay deserve niya talagang masigawan.

"Hindi ka iimik? Hindi ko lubos naisip na iresponsable ka palang tao! Mali ang pagkakakilala ko sa'yo!" litanya rin ni Trisha sa kaniya at itinulak pa nito ang kaniyang balikat.

Pero napagtanto niyang karapatan ding malaman ng mga kaibigan ni Alice kung ano talaga ang totoo, lalo na't buhay ni Alice ang nakasalalay rito.

Humugot ng malalim na hininga si Genesis at tinignan sina Michaela at Trisha nang seryoso. "Kung sasabihin ko ba ang totoo sa inyo maniniwala kayo?"

"A-Anong totoo? Ano ba'ng dapat naming malaman na pinaabot mo pa sa ganito?" usisa tuloy sa kaniya ni Trisha at tinabihan siya.

"Kasi natatakot ako na mas mapahamak si Alice. Pero na-realize ko ngayon na kailangan niyong malaman ito," halos pabulong na sagot ni Genesis.

Ipinaliwanag niya ang lahat sa dalawa. Pati 'yong dying wish ng ama niya, na alam niyang hindi niya magagawa. Ikinuwento niya rin 'yong pangitain na sinabi ni Cif sa kanya, kaya maging ang dalawang dalaga ay napaawang ang kanilang bibig.

Namutla naman si Trisha sa nalaman niya at napahawak pa sa kaniyang dibdib. "Ano na naman ba'ng pagsubok ang daranasin ni Alice?" Napatulo pa ang kaniyang mga luha.

"You mean, hindi mo totoong mahal si Angeline hanggang ngayon? Ibig sabihin, ginawa mo lang iyon para maiwasan ang pangitain ni Cif?" paglilinaw naman ni Michaela kaya napatango siya.

"Paano na ngayon si Alice? Paano 'pag inako mo 'yong responsibilidad? Baka patayin nga siya ni Angeline." Malalim na buntong-hininga ang isinagot ni Genesis sa mga tanong ni Trisha.

Hindi niya rin alam ang gagawin niya. Tingin niya ay hindi niya kaya ang dilemma na kinahaharap niya ngayon. Kapag namili siya sa sitwasyong kinahaharap niya, parehong may kaakibat na consequences.

Kung hindi niya papanagutan si Alice at papakasalan niya si Angeline ay magiging miserable siya. Gan'on din 'pag pinanagutan niya si Alice, mamamatay ang iniibig niya at parehong magiging miserable siya.

"Mahal na mahal ko si Alice. Pero ayaw ko siyang mamatay—"

"—ENOUGH, Genesis."

Napatingin silang tatlo sa pintuan ng kuwarto ni Alice, at gano'n na lamang ang pagkabigla nila nang nakatayo pala roon si Alice. Nakahawak siya sa stand na pinagsasabitan ng dextrose. Hindi nila siya napansin kanina dahil kapwa sila nakatalikod sa pinto.

"A-Alice, k-kanina ka pa ba?" nauutal na tanong ni Genesis pero imbis na sumagot si Alice ay hikbi lamang siya nang hikbi at umiiyak. Hindi na ito matiis ni Genesis kaya agad niyang niyakap ang dalaga.

"Nadinig ko ang lahat, Genesis. Bakit hindi mo agad sinabi sa akin ang totoo?" Mas lalong humigpit ang yakap ni Alice sa kaniya habang binabanggit ang mga katagang iyon.

"Patawarin mo rin sana ako kung hindi ko sinabi sayo ang totoo noong una pa lang. Natatakot lang ako na baka mawala ka sa akin. Please, patawarin mo sana ako."

Sina Trisha at Michaela naman ay maluha-luhang nanonood sa kanila. Mabuti na lang ay mangilan-ngilan na lamang ang dumaraang tao roon.

"A-Anong ibig sabihin nito?!"

Agad napakalas sa pagkakayakap si Genesis kay Alice nang madinig nila ang boses ni Angeline.

"Angeline, please, huwag kang gumawa ng gulo rito," awat sa kaniya nina Michaela at Trisha sa mahinahong paraan upang hindi na magkaroon ng eskandalo.

"Sagutin...niyo ako." Ngayon ay naging mahinahon na ang boses ni Angeline. Namumula na rin ang kaniyang mga mata, at bakas sa boses niya ang pamimighati. Mabibigat ang kaniyang paghinga at nangingilid na ang kaniyang mga luha.

Agad na pinapasok ni Genesis sa loob ng kuwarto si Alice, at pagkatapos n'on ay kinaladkad niya si Angeline papalabas ng hospital.

"Angeline, mahal ko si Alice! Tama ang narinig mo, nagbunga ang pagmamahalan naming dalawa," saad ni Genesis. Naging marahan siya sa pagbanggit sa mga salitang iyon dahil kita niyang nasasaktan din si Angeline.

Tuluyan nan gang rumagasa ang mga luha ni Angeline at ngumiti nang mapait. "Alam ko namang mapagbalat-kayo't sinungaling ako. Naging mapangpanggap ako, pero kailanman ay hindi naging kasinungalingan ang pagmamahal ko sa iyo. Iyon na lang ang totoong nagawa ko dahil ikaw lang talaga ang gustong-gusto ko, pero hindi ko pa rin kayang makuha ang pag-ibig mo hanggang ngayon."

Napailing naman si Genesis at tinignan si Angeline nang tila may kasiguraduhan. "Nagkakamali ka sa paniniwala mo. Alam kong totoong minamahal mo ako kaya ka nagkakaganiyan. Isa pa, hindi totoong hindi mo nakuha ang pag-ibig ko dahil minsan mo na itong nakuha. Kaya lang ay hindi naging mabait ang tadhana sa atin."

Hindi pa rin makasagot si Angeline. Tanging pagluha at paghikbi na lamang ang nagagawa niya. Tunay na matigas ang kaniyang puso, pero sa pagkakataong ito ay nadudurog na ang ito.

"Sorry talaga dahil iba na ang minamahal ko ngayon—si Alice. Buntis siya at kailangan niya ako dahil ako ang ama ng batang dinadala niya," dagdag pa ni Genesis.

Napatingin lamang sa kaniya si Angeline at tila ba sinasabing wala na talaga siyang pag-asa. Kahit ipilit niya ay talong-talo na siya, at kung ipipilit niya pa rin talaga ay patuloy na madudurog ang puso.

"May mga bagay talagang hinding-hindi mapapasaakin. Kung saan ka sasaya, 'yon ang piliin mo, isa pa ay ayaw ko rin namang madamay ang isang inosenteng bata. Kaya, ito na lang ang huling magagawa ko para sa iyo bilang tanda ng totoo kong pag-ibig," bulong ni Angeline at niyakap si Genesis.

"Sorry kung hindi ko na magagawang suklian ang pagmamahal mo," sagot ni Genesis at niyakap pabalik si Angeline.

Tumango naman ang dalaga at kumalas sa pagkakayakap kay Genesis. "I... I am letting you go. Sana, sa pagpapalaya ko sa'yo ay sumaya na rin ako." Ngumiti pa siya nang malawak habang rumaragasa ang kaniyang mga luha.

Kitang-kita ni Genesis ang sinseridad sa mga mata ni Angeline. Naging maamo na rin ang mukha nito gaya noong iniibig pa niya ang dalaga. At sa huling pag-ngiti niya kay Genesis ay ang pagtakbo niya papaalis.

Malungkot man ang paghihiwalay nila nang tuluyan ni Angeline, subalit masaya pa rin siya dahil mapapanagutan niya na si Alice. Sa wakas ay magiging masaya na rin sila at nalampasan na nila ang pangitain ni Cif...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro