Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 15 - Mistakes

NAGISING si Alice kinaumagahan na tila pinupukpok ng martilyo ang ulo niya. Napasapo siya sa kaniyang noo at bumuntong hininga. Dahan-dahan siyang bumangon at umupo sa dulo ng kama.

"Okay ka na ba? Inumin mo muna itong kape." Napalingon siya sa may pinto nang makita niya roon si Trisha.

Lumapit sa kaniya ang kaniyang kaibigang may hawak na isang tasang kape. Pagkalapit ni Trisha sa kaniya ay ibinigay sa kaniya ang hawak nitong kape. Agad itong tinungga ni Alice na parang alak.

"What the heck, Alice? Kapapakulo ko pa lang ng tubig na pinantimpla ko riyan!" litanya ni Trisha pero hindi iyon pinansin ni Alice. Pagkaubos niya n'on ay kinuha na ni Trisha sa kaniya ang tasa at umalis.

Pagkalabas ng kaniyang kaibigan ay naisipan niya ring lumabas din muna. Nagtungo siya sa likod ng bahay, sa may hardin, para magpahangin. Naupo siya sa bench kasabay ng kaniyang malalim na pagbuntong-hininga.

Hindi niya makayang manatili sa loob dahil naroon si Genesis. Kanina ngang palabas siya ay palinga-linga pa siya sa paligid at pasimpleng lumabas para hindi siya mapansin ng binata—para hindi sila magkasalubong.

Mayamaya'y napatayo siya nang makitang paparating si Angeline. Huli na ang lahat dahil nakalapit na ito sa kaniya. Akma pa rin siyang aalis, kaso hinigit ni Angeline ang kamay niya at itinulak siya sa damuhan.

Matalim na tingin ang ipinukol ni Alice kay Angeline at padabog siyang tumayo habang pinapagpagan ang kaniyang suot na pajama.

"Anong kailangan mo?" taas-kilay na tanong ni Alice.

Pinagkrus naman ni Angline ang mga braso niya. "Layuan mo si Genesis dahil ikakasal na kami!"

"Kasal? Hindi 'yan uso sa'yo dahil malandi ka!" singhal ni Alice.

Subalit, ilang segundo lamang ang lumipas ay parang namanhid ang pisngi niya nang sampalin siya ni Angeline. Kahit na masakit ang pinsngi niya ay hindi pa rin siya nagpatinag.

"Bakit ka pa bumalik? Masaya na kami ni Genesis! Iniwan mo siya noon tapos babalik ka ngayon na parang hindi mo siya inabanduna!"

"Hindi ko siya inabanduna!" giit ni Angeline at pinanliitan siya nito ng tingin. "Inuulit ko, layuan mo na si Genesis dahil higit na mas mahal ko siya."

"At anong alam mo sa pagmamahal ko kay Genesis? Wala kang alam kung gaano ko siya kamahal," pangisi namang tugon ni Alice. Napakunot din ang noo niya nang makitang nag-iba ang ekspresyon ni Angeline—ngayon ay nakangiti na siya na parang isang anghel.

Nararamdaman niya na may pinaplano si Angeline. Hindi ito maganda, alam niyang may balak siyang masama kaya siya nagkakaganyan.

"WHAT?! Napakawalang kuwenta mo kung gan'on? Hindi ka deserve ni Genesis, dahil lumabas na mismo sa bibig mo na niloloko mo lang siya at si Kenndrick pa rin ang mahal mo," usal ni Angeline.

Mas lalong kumunot ang noo ni Alice. "Ano? W-Wala naman akong sinabi—"

Naputol ang sasabihin niya nang biglang nagsalita si Angeline, at naramdaman niya ang ibang presensya ng taong papalapit sa likuran niya.

"Hey, Genesis!"

Napahakbang si Alice at humarap sa likuran niya. Halos maluha siya nang makitang nakatingin sa kaniya si Genesis gamit ang blangkong ekspresyon nito. Marahil ay narinig niya ang mga gawa-gawang salita ni Angeline.

"G-Genesis..." bulong ni Alice.

Tuluyang bumagsak nang sunod-sunod ang mga kuha niya nang hawakan ni Genesis nang marahan ang kamay si Angeline, at iniwan siyang nakatulala sa likod ng bahay. Napaupo na lamang ulit siya sa bench at pumikit kasabay ng pagpatak ng luha niya.

Naiinis siya sa sarili niya dahil nakipagrelasyon siya sa taong may fiancée na pala. Limang buwan na siya sa Fictional World, pero ngayon niya lang malalaman na may fianceé na pala si Genesis. Sampung araw pa lang ang nakakalipas simula ng sagutin niya si Genesis pero nauwi kaagad sa hinagpis ang relasyon nila.

"Alice, nalagpasan mo noon 'yong unos sa buhay mo noong naghiwalay kayo ni Kenndrick. Alam kong darating din ang sandal na malalagpasan mo itong pagsubok sa iyo ngayon!" pagpapalakas ng loob ni Trisha nang tabihan siya nito.

"Hindi ko kasi matanggap na gano'ng tao pala si Genesis. Kanina, si Angeline, gumawa siya ng salita na hindi ko naman sinabi pero siya ang pinaniwalaan." Pinunasan ni Alice ang mga luha niya at muling napahikbi. "Akala ko kasi 'yong mga lalaki rito, hindi katulad sa totoong mundo."

"Alam mo kasi, Alice, hindi naman lahat ng nasa Fictional World ay hindi manloloko. Parang hindi ka naman nagbabasa ng mga libro! May mga nababasa ka naman na manloloko sa libro, at tandaan mo, hindi lahat ng istorya ay nagtatapos sa happily ever after," pagpapaliwanag ni Trisha.

Mas lalong napasimangot si Alice sa sinabi ni Trisha na: hindi lahat ng istorya ay nagtatapos sa happily ever after. Siguro nga ay isa na ang love story niya roon.

"Siya nga pala, umalis na si Angeline. Tapos si Carl at si Xander naman pumunta rito at nagdala sila ng maraming beer." Napaangat ng tingin si Alice dahil sa sinabi ni Trisha. Inaya na siya ng kaniyang kaibigan sa loob ng bahay kaya sumunod na lamang siya.

Nakatungo siyang pumasok sa kaniyang kuwarto at mabilis na ini-lock ang pinto. Naupo na lang siya sa kaniyang kama at tumunganga na lamang doon. Nang magsawa siya ay naisipan niya na lamang ayusin ang kuwarto upang sa gan'on ay maging abala siya, at makalimutan niya pansamantala ang kaniyang mga problema.

Napatingin si Alice sa wall clock. Alas kuwatro na pala ng hapon; hindi niya na namalayan pa ang oras. Hindi pa siya nananghalian at limang oras ng mahigit siyang nasa loob ng kuwarto niya. Kaya naman ay naisipan niyang lumabas.

Pagkalabas ni Alice ay eksakto namang nilabas na ni Xander ang alak at inilapag sa mesa ng dinning room. Mabuti na lamang ay wala roon si Genesis, kaya doon siya naupo sa tabi ni Trisha. Naroon lahat ng miyembro ng banda ng Make-Believe Bar maliban kay Genesis.

"Oh, ano pa ang hinihintay natin? Tagay na!" masiglang saad ni Xander at kumuha ng isang can ng beer at binuksan iyon.

"Oo nga! Para sa pusong sawi!" Agad namang siniko ni Trisha si Carl dahil sa sinabi nito. Napatingin naman siya kay Alice na napangiti lang nang bahagya at kumuha ng isang can ng beer.

Agad na nilagok ni Alice ang beer pagkabukas niya roon. Naramdaman niya ang muling pagguhit ng mapait na alak sa lalamunan niya kaya napapikit siya.

"Alice, may problema ba?" tanong ni Martin. Wala siyang ideya sa nangyayari ngayon sa pagitan nina Alice at Genesis.

Napamulat naman si Alice at muling umismid. Tila wala siyang balak na sagutin ang tanong ni Martin. Hindi rin naman kasi ipinagsabi nina Carl, Trisha, at Kenndrick kina Xander, Martin, at Micheal ang nalaman nila.

"Sawi kasi ang kaniyang—"

Naputol ang sasabihin ni Carl nang batukan siya ni Trisha kaya napatahimik na lang ito. Binuksan naman ni Alice ang pangalawang can ng beer at muling nilagokang laman n'on. Kasabay ng pagdaloy ng alak sa lalamunan niya ay ang pagbagbasak ng mga luha niya.

Agad niyang pinunasan ang kaniyang mga luha. "Xander, Carl, Martin, may alam ba kayo tungkol kay Angeline?"

Nagkatinginan naman sina Xander at Martin. Ngayon ay nagka-ideya na sila kung ano ang ugat ng problema ni Alice.

"N-Nakilala mo na si Angeline?" Tila nakakita naman ng multo si Martin, tapos ay napaawang ang kaniyang bibig. Nagtaas-baba pa ang kaniyang adams apple.

Si Carl naman ang sumagot. "Nagbalik na si Angeline, at nalaman din ni Alice na engaged pala sina Genesis at Angeline kahapon. Nagkaroon pa nga ng eskandalo kahapon dito."

Patuloy lang naman sa pag-inom ng beer si Alice. Pinanliitan naman ni Trisha sina Carl, Martin, at Xander. "Sabihin niyo nga, alam niyo na bang engaged na si Genesis?" usisa ni Trisha.

"Wala akong alam diyan," mabilis na tugon ni Carl at itinaas pa ang dalawa niyang mga kamay na tila sumusuko sa mga pulis.

"Ang alam namin, close na close sila noon; para na nga silang magkasintahan. Pero, hindi namin alam kung naging sila o hindi. Hanggang sa bigla na lang umalis si Angeline at pumunta sa ibang bansa. Sobrang tagal na wala kaming natanggap na balita tungkol sa kaniya. Hindi nga naming alam na bumalik na pala siya," pagpapaliwanag ni Xander at muling nagbukas ng beer.

"Definitely, hindi rin naming alam na engaged na pala silang dalawa," dugtong ni Martin.

Tumango naman si Carl sabay sabi, "At saka, hindi rin namin alam na pamangkin pala ni Miss Agnes si Angeline."

Muling namayani ang katahimikan, at tila napako si Alice sa kinauupuan niya nang dumating si Genesis at umupo sa tapat niya. Hindi makatingin nang diretso si Alice, kaya naman ay kinuha niya muli siyang lumagok ng beer.

Pagkalapag niya n'ong lata ng beer sa lamesa ay biglang umikot ang kaniyang paligid. Doble-doble na rin ang kaniyang paningin.

"Alice, tama na. Nakarami ka na!" suway sa kaniya ni Trisha pero hindi siya nagpaawat. Kumuha pa ulit siya ng isa pang lata ng beer.

"Ah, guys, una na ako dahil nag-text sa akin si tita," pagpapalusot ni Xander habang nakatingin sa screen ng cellphone niya at agad umalis.

"Trisha, 'di ba ngayon natin pupuntahan 'yong client natin? Tara na!" Aangal pa sana si Trisha dahil wala naman talaga silang client, subalit kinaladkad na siya ni Carl palabas ng bahay.

"Sasama na ako!" Tumakbo na rin palabas si Martin.

Naiwan tuloy si Alice kay Genesis kaya naman ay akma siyang tatayo, ngunit agad siyang pinigilan ng binata.

"Umupo ka lang muna riyan," walang emosyong utos ni Genesis sa kaniya.

Hindi sanay sa gano'n si Alice dahil sa tuwing kausap siya ni Genesis ay laging may lambing, subalit ngayon ay naparam na ang lambing na iyon.

Pinipigilan niyang maiyak para maipakita na malakas siya, subalit bigo siyang pigilan ang kaniyang emosyon. Unti-unting tumutulo ang mga luha niya. Imibis na magsalita ay kinuha niya ang isa pang can ng beer at mabilis na inubos.

Mas lalong umikot ang kaniyang paningin dahil naka walong lata na siya ng beer. Napatingin siya kay Genesis na nakayuko lamang na naka limang lata na rin ng beer. Walang umimik sa kanila. Namayani ang katahimikan. Muli niya sanang kukunin ang panghuling beer, ngunit inagaw ito sa kaniya ni Genesis.

"Tama, na Alice. Lasing ka na!"

Babawiin sana ito ni Alice sa kaniya, pero agad itong ininom ni Genesis. Umiikot man ang kaniyang paningin ay pilit siyang at humwak sa upuan. Naramdaman niya na lang ang pag-akay sa kaniya ni Genesis.

Nanlaki ang kaniyang paningin nang agad siyang halikan ni Genesis. Nagpupumiglas siya, pero mas lalong lumalim ang halik ni Genesis sa kaniya. Hindi niya na alam ang sunod na nangyari dahil hilo na siya at malabo na ang lahat sa kaniya.

PAGKAMULAT ni Alice ng mga mata niya, agad na bumungad ang asul na kisame at naramdaman niyang binabasag ang ulo niya. Pilit niyang inaalala ang lahat, hanggang sa parang binuhusan siya ng isang timbang yelo nang maalala niya ang kanilang napalaking pagkakamali.

Unti-unting nangilid ang mga luha niya at bumangon, habang hindi maawat ang pagbundol ng kaba sa kaniyang dibdib. Napatingin siya sa gilid niya at kumpiramadong katabi niya ang lalaking niloko siya.

Napatingin siya sa malaking salamin na nasa tapat nila, at para siyang pinagsakluban ng langit at lupa sa nakita niya. Kumot lamang ang nakatakip sa hubo't hubad na katawan nilang dalawa. Nang silipin niya ang bedsheet ay gano'n na lamang ang kaniyang panlulumo nang makita niya ang mga pulang mantsa roon.

Kinakabahan man ay pinilit niyang bumangon, pero kasabay ng pagsakit ng ulo niya ay gano'n din sa pagitan ng dalawa niyang hita. May nangyari sa kanila kagabi. Napatakip siya sa katawan niya at isiniksik ang katawan sa headboard ng kama, habang tuloy-tuloy na rumagasa ang mga luha niya.

Hindi pa man naayos ang unang pagkakamali, subalit nasundan pa ito ng isa pang pagkakamali. Napahagulgol na lamang siya. Pakiramdam niya ay ang dumi-dumi niyang babae. Naramdaman niya namang umuga ang kama nang bumagon si Genesis.

"A-Alice..."

"Lumayo ka sa akin!" sigaw ni Alice sa kaniya at umatras.

Hindi niya alam kung anong kalalabasan ng pangyayaring iyon. Natatakot siya na baka magbunga ang nangyari sa kanila gayong may fiancée na si Genesis.

"Paano kung magbunga ito?!"

"A-Alice, sorry," tanging bulong ni Genesis, at agad na lumabas ng kuwarto nang maisuot niya ang kaniyang damit.

Ni hindi man lang nagpaliwanag si Genesis sa kaniya, o kaya naman ay ayusin ang nasira nilang relasyon. Hindi man lang siya sinabihang papanagutan siya nito.

Napahagulgol na lamang si Alice. Hindi siya kayang panagutan ni Genesis. Marahil ay totoo ngang mas mahal ni Genesis si Angeline kesa sa kaniya. Sa bagay, wala siyang karapatang magreklamo dahil si Angeline ang nauna, at lumalabas na siya ang kontrabida sa love story nila.

***

DALAWANG linggo na simula noong may mangyari kina Alice at Genesis. Dalawang linggo nang hindi pumapasok sa trabaho si Alice, lalo pa't pamangkin ng boss niya ang dahilan kung bakit nagkagulo ang lahat. Hindi siya kinikibo ni Genesis simula no'n.

Sa dalawang linggong iyon, marami na agad ang nangyari. Naging magkaibigan na sila ni Michaela na dati ay tila mortal niyang kaaway. Kabaliktaran ang nangyari dahil ang dating akala niyang magiging kaaway niya sa Fictional World ay siya palang isa sa mga dadamay sa kaniya kapag may problema siya.

Si Michael naman ay nanliligaw na kay Michaela, na ikinatuwa naman ni Alice dahil kahit papaano ay nakikita niyang masaya ang lalaking nais siyang makasama noon. 'Yon nga lang, siya naman ang lumungkot ang buhay ngayon.

Mas lalong tumindi ang kaba ni Alice dahil hindi pa siya dinadatnan ng monthly period niya. Dapat sana ay noong nakaraang linggo pa siya dinatnan.

"Alice, bakit ayaw mo pang kainin 'yang pagkain mo?" tanong ni Trisha sa kaniya.

Agad siyang napatayo nang maamoy niya ang pagkain, at tila babaliktad ang sikmura niya. Dali-dali siyang pumunta sa cr ng kuwarto niya para dumuwal pero walang lumalabas.

Umikot din ang kaniyang paningin, kaya ipinikit muna at sumalampak sa sahig. Ipinagdadasal na sana mali ang nasa isip niya.

Nag-aalangan niyang kinuha ang nakatagong pang preganancy test sa drawer niya na binili niya noong nakaraang araw. Palagi kasing may bumabagabag sa kaniya at naguudyok na bilihin iyon. Ngayon ay kailangan niya nang wakasan ang pag-aalinlangan niya.

Agad niyang sinunod ang instructions at hinintay ang tatlong minuto. Pabilis nang pabilis ang pagkabog ng dibdib niya habang inaantay ang resulta.

Halu-halong emosyon ang namamayani sa kanya. At tuluyan nan gang nanlambot ang kaniyang mga tuhod nang lumipas ang tatlong minuto. Dalawang guhit ang lumbas. Iisa lamang ang ipinahihiwatig nito: may bata sa sinapupunan niya; nagbunga ang pagkakamali nila ni Genesis.

Nanghihina siyang lumabas at tila nawala sa sarili. Buntis siya at si Genesis ang ama, gayong dalawang linggo na lamang ay ikakasal na siya. Hindi niya mapigilang mapaluha at napahawak sa tiyan niya.

Pahikbi-hikbi siyang lumabas sa sala, at nagulat ng malaglag niya ang pregnancy test. Pupulutin niya sana ito kaso may ibang kamay ang dumampot doon.

"Buntis ka?" walang emosyong tanong ni Genesis kaya napatango siya.

Halos mapatulo ang luha niya nang bitiwan ni Genesis ang pregnancy test kaya nalaglag ulit ito sa sahig.

"Nagbunga ang lahat, Genesis! Panagutan mo ang ginawa mo!"

"I'm sorry, Alice. Let's end up our relationship. Hindi ko mapapanagutan ang bata dahil hindi ko ginusto ang mga nangyari. Para din lang ito sa ikabubuti mo," pagkasabi niya ng mga katagang iyon ay dali-dali siyang lumabas, at naiwang lumuluha si Alice.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro