CHAPTER 13 - Surprise
LABIS ang pasasalamat ni Genesis dahil siya ang pinili ni Alice. Ang tagal niyang hinintay ang pagkakataong maging 'sila.' Kahit na matagal ay nag-tiis siya at naghinaty.
God has a perfect time and a perfect plan for him. At iyon na nga 'yon. Sinagot na siya ni Alice. The long wait is over. Nagbunga ang kaniyang matiyagang paghihintay. Hindi maipaliwanag ang saya sa kaniyang puso nang sagutin na siya kanina ni Alice.
Matagal niyang pinaghandaan at pinagplanuhan iyon. Nag-ipon pa siya ng sapat na lakas ng loob upang masabi niya ang mga katagang iyon.
"I love you, Alice," wika niya at marahang hinalikan si Alice sa noo.
"I love you too, Genesis. Thank you for everything. Thank you dahil nandito ka sa tabi ko noong sandaling may problema ako. Salamat dahil nakilala kita, dahil doon ko na-realize na everything happens for a reason. Kung hindi kami naghiwalay ni Kenndrick ay hindi kita makikilala," tugon naman ni Alice.
Naglatag si Genesis ng makapal na kumot sa damuhan at humiga silang dalawa doon at pinagmasdan ang kalanagitan. Magkatabi silang dalawa at magkahawak ang mga kamay.
"Ang ganda talagang pagmasdan ng kalangitan dito. Mas makikita ang kagandahan ng kalawakan dito kumpara sa mundo namin. Noon, pangarap ko ring maging astronaut at makalabas dito sa Earth... ang ganda talaga," sabi ni Alice habang nakatitig sa kalangitan at nakangiti. Nagniningning ang mga mata nito habang nakatingin sa mga bituin.
"Wow! May meteor shower!" tili pa ni Alice kaya napatingin din si Genesis sa kalangitan. Iyon ang unang pagkakataon niya na manood ng meteor shower kasama ang babaeng mahal niya. Sunud-sunod ang pagdaan ng mga bulalakaw.
"Hinihiling ko sa Diyos, at hindi sa shooting star, na sana forever na ito. Forever sana ang pagmamahalan namin ni Genesis, at sana kung mamatay man ako rito sa Fictional World at maibalik ako sa mundo namin, sana hindi niya ako makalimutan," narinig niyang bulong ni Alice habang nakatingin sa kalangitan kaya napangiti siya.
"Hinihiling ko na sana magkatotoo lahat ng mga hiling ni Alice," hiling rin ni Genesis at mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak niya sa kamay ng dalaga.
"Genesis, 'pag nawala ako rito sa Fictional World, sana huwag mo akong kalilimutan," wika ni Alice habang nakatingin sa mga mata ni Genesis. 'Yong mga tingin na tila nagmamakaawa.
"Alice, hindi kita kalilimutan. Susundan kita sa mundo niyo kahit ano pang mangyari," tugon naman ni Genesis habang hinahaplos ang buhok ni Alice.
"Pero sabi ni Cif, kapag naibalik daw ako sa mundo namin, 'yong mga taong nakasalumha ko rito ay hindi ako makikilala."
"I won't let that happen. Malilimutan ka man ng isip ko pero ipapaala 'yon ng puso ko."
Makalipas ang ilang mga minuto ay humiwalay na si Genesis sa pagkakayakap kay Alice at nakita niyang nakatulog na pala ang dalaga. Pinagmasdan niya ang maamong mukha nito at hinawi ang buhok niyang tumatakip sa mukha niya.
KINAUMAGAHAN ay nagising na lamang si Alice na nasa kuwarto niya na siya. Napalinga siya sa paligid at nahagip ng mga mata niya ang wall clock. 6:30 AM pa lang. Inalala niya ulit 'yong mga nangyari kagabi.
Hindi niya inakala na ang lalaking na-meet niya unexpectedly noon ay magiging kasintahan niya at magmamahalan sila.
Napagtanto niya na sa Fictional World, hindi ka mapapadpad doon para ma-meet ang mga Fictional Characters, kundi napapadpad ka roon para maransan mo ang napakagandang love story, na doon lang matatagpuan.
Naligo na si Alice at nag-ayos. Pagkalabas niya ay nakita niya rin si Genesis na naghuhugas ng kamay sa lababo. Nilapitan niya ito at niyakap sa likuran.
"Good morning, Alice!" masayang sabi ni Genesis sa kaniya habang naghuhugas.
"Good morning too, Genesis!" sagot ni Alice at niyakap siya nang mahigpit.
"GUYS, KAYONG DALAWA NA?" tili ni Trisha kaya napakalas si Alice ng yakap kay Genesis.
"Yes, beshie! At ikaw, sagutin mo na rin si Carl," pang-aasar naman ni Alice kaya hindi mapigilan ni Trisha ang mapangiti.
"Sige na, mag-almusal na tayo dahil may pupuntahan pa kami mamaya," pang-iiba ni Trisha sa usapan habang pigil pa rin sa pagngiti.
Napagpasiyahan nina Alice at Genesis na um-attend ng mass, dahil linggo naman, tapos ay makikipagkita na sila kina Michael at Kenndrick. Kinakabahan man si Alice ay kailangan niyang harapin ang dalawang mga binata.
Pagkatapos ng misa ay agad na nagtungo sina Alice at Genesis sa Make-Believe Park. Ekaskto namang naroon na sina Michael at Kenndrick. Hinawakan ni Genesis ang kabilang kamay ni Alice habang papalapit sila.
"Alice—" napatigil si Michael at napatingin sa kamay nina Genesis at Alice.
"K-Kayo na?" Bakas naman sa boses ni Kenndrick ang kabiguan. Handa na ngang bumgasak ang mga luha nito.
Napalunok si Alice at may kung anong kumukurot sa kaniyang puso. Wala sa plano niyang saktan ang dalawa, lalo na si Kenndrick. Pero sadiyang gan'on talaga dahil isa lang talaga ang puwede niyang piliin.
"Kenndrick, Michael, sorry pero nakapili na ako—s-si Genesis..."
"Alice, tanggap ko naman, eh. Mahal kita pero tama na ang hayaan kitang sumaya ka sa iba. Isa pa, ako naman 'yong mali dahil sobra kitang nasaktan. Kaya deserve mong mapunta sa taong pasasayahin ka at hindi ka sasaktan." Hindi na napigilan ni Kenndrick ang sarili niya. Humakbang siya papalapit kay Alice at niyakap siya.
Naramdaman ni Alice na may tumulong luha sa balikat niya. Alam niyang luha iyon ni Kenndrick.
"Kenndrick, makahahanap ka pa ng ibang babaeng magmamahal sa iyo," pangungumbinsi ni Alice pero umiling siya.
Kumawala sa pagkakayakap saka tumingin nang diretso sa mga mata ni Alice. "How could I find someone better if you are already the best for me?"
"Trust me, makahahanap ka rin," tugon ni Alice kaya pilit siyang tumango saka bumuntong-hininga.
Lumapit naman sa kaniya si Michael at hinawakan niya sa balikat si Alice. "Igagalang ko na lang ang desisyon mo, Alice, dahil pagbali-baliktaran ko man ang dalawang mundo, alam ko namang hindi ako ang pipilin mo. Sana manatili pa rin tayong magkaibigan." Ibinaling niya ang kaniyang tingin kay Genesis. "Bro, once na paiyakin mo si Alice kukunin ko siya sa'yo."
Dahil sa sinabi ni Michael kay Genesis ay napatawa silang apat na siyang bumasag sa namamayaning kalungkutan.
***
SIYAM na araw na ang lumipas simula noong sagutin ni Alice si Genesis. Sa mga nagdaang mga araw, mas naging masaya pa si Alice. Doon niya mas naramdaman ang saya simula noong napadpad sila sa Fictional World. Maging si Trisha ay sinagot niya na si Carl na matiyaga ring nanligaw sa kaniya.
"Kailan na nga ba ulit ang birthday ko?" tanong ni Alice kay Genesis na tila ba nagpaparining. Pareho silang nakahiga sa damuhan ngayon—sa ilalim ng cherry blossom tree.
"Bukas," matipid na sagot ni Genesis at lihim na napangiti.
"Hay... ano kaya ang surprise nila sa akin bukas? Siguro may pa-party tapos may cake. Siguro mayroon na namang surprise na magaganap rito sa Make-Believe park," sabi pa ni Alice na para bang kinakausap niya sarili, pero nakatingin lang siya sa ulap.
"Actually, wala kaming napagplanuhan, eh. Pero sige ba! Masu-surprise ka talaga bukas!" Ngumisi pa nang malawak si Genesis na tila may naiisip na kalokohan.
Simula noong sagutin ni Alice si Genesis ay palagi na silang nakatambay roon. Kahit pa may trabaho sila ay naglalaan sila ng kahit kaunting oras para sa isa't isa.
Ang kaninang kalangitang kulay asul at rose quartz ay nagiging madilim na kaya napag-pasiyahan nilang umuwi na. Umuwi na sila sa bahay at pagkarating nila ay walang tao. Marahil ay gumala rin si Trisha kasama si Carl.
"Uy Genesis, gutom na gutom na ako," nakangusong sabi ni Alice kaya mabilis siyang hinalikan ni Genesis.
"G-Genesis! Nakakailan ka na, ah!"
"Ang cute mo kasi pag nakanguso, eh! Lalo na kapag nagba-blush ka," sagot ni Genesis at pinisil ang ilong ni Alice.
"Bakit ikaw hindi ba nagba-blush? Sus, imposible baka kapag nag ano tayo—'yong alam mo na yun! Imposible naman na hindi ka mamula!" ganti niya kaya muntik pang maibuga ni Genesis ang iniinom niyang tubig.
Napahagalpak naman ng tawa si Alice kaya napaiwas ng tingin si Genesis.
"ALICE SALVADOR!!!"
"Genesis, kalma lang. Kung anu-ano ang iniisip mo, eh!" natatawang sabi ni Alice kaya sinamaan siya ng tingin ni Genesis na kasalukuyang naghahanda ng pagkain nila.
Napangiti naman si Alice habang pinagmamasdang naghahain si Genesis ng pagkain. Sobrang saya niya dahil natagpuan niya si Genesis na magmamahal sa kaniya nang totoo at handang mag-alay ng tunay na pag-ibig.
Matapos kumain nina Alice at Genesis ay hindi na nahintay pa ni Alice si Trisha dahil gabi na at inaantok na siya. Pumasok na siya sa kaniyang kuwarto at natulog nang may ngiti sa labi.
KINAUMAGAHAN, pagkamulat pa lang ni Aice ng mga mata niya ay napangiti na siya agad. Bumalik siya sa pagkakapikit at nagdasal muna.
"Panginoon, salamat po sa panibagong taon na ibinigay Niyo sa akin. Salamat din po sa paunang reagalo na ibinigay Niyo sa akin na si Genesis. Gabayan Niyo po ako at protektahan sa aking pamamalagi dito. Inaalay ko po sa Inyo ang pagmamahal ko, at mataas na papuri at pagsamba. Amen.
Nagmamadaling bumangon si Alice at napatingin sa wall clock. Alas sais pa lang ng umaga. Sampung araw na ang nakalipas simula noong sagutin niya si Genesis. Ibig sabihin ay ngayon na rin ang kaarawan ni Alice.
"Good morning, everyone!" masiglang bati niya sa mga kasama niya sa bahay, sabay diretso sa kusina para kumuha ng pagkain.
Awtomatiko namang napangiti si Genesis. "Good morning, my beloved Alice."
"Wala ba kayong nakakalimutan ngayon?" tanong pa ni Alice.
Lumawak ang pagkakangiti ng mga kasama niya. Pakiramdam tuloy niya ay may itinatagong surpresa ang dalawa.
"Ah! Nakalimutan naming ngayon pala 'yong—!"
Agad na napabungisngis si Alice. "'Yong?"
"May meeting ngayon kaya kailangan nating pumunta ng trabaho," sabay na sambit nina Genesis at Trisha na tila walang espesyal na okasyon ngayon.
Napasimangot na lang si Alice na nag-walk out. Padabog siyang nagtungo sa cr ng kuwarto niya at saka naligo. Pagkatapos ay nagbihis na siya at inayos ang kaniyang sarili. Habang isinusuot niya ang heels niya ay biglang tumunog ang kaniyang cellphone.
[From: Kenndrick
Happy birthday, Alice! More birthdays and blessings to come! I love you—as a friend!}
"Nakakainis, mabuti pa si Kenndrick naalala niya. Samantalang si Genesis at Trisha wala!" Ihahagis niya na sana ang kaniyang cellphone sa kama, subalit muli na naman iyong tumunog.
Sa pagkakataong iyon ay si Michael naman ang nag-message sa kaniya.
[Happiest birthday! Alice ko—este, Alice, manatili sana ang kagandahan ng iyong mukha't kalooban!]
Mas lalo tuloy napasimangot si Alice dahil mabuti pa sina Michael at Kenndrick naalala nila 'yong birthday niya! Hindi niya tuloy maiwasang mainis kina Trisha at Genesis—lalo na kay Trisha na matagal niya nang kaibigan.
Nag-commute na lamang si Alice papuntang trabaho at hindi na sumabay kina Genesis. Ni magpaalam nga na aalis na siya ay hindi niya ginawa.
Habang nasa trabaho ay nakasimagot lamang siya. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa, at parang dala niya lahat ng kalbaryo sa mundo.
Sakto naman na dumaan si Michaela sa tabi niya. Mas lalo tuloy siyang napasimangot. Iirapan niya sana ito, subalit nagulat siya nang yakapin siya bigla ni Michaela.
"Happy birthday, Alice. Sorry pala kung naging rude ako sa'yo. Iyon talaga ang paraan ko ng pag-welcome sa inyo." Matapos sambitin niyon ni Michaela ay kumalas siya mula sa pagkakayakap at ngumiti.
"Thank you! Mabuti ka pa naalala mo," maluha-luhang tugon ni Alice. "By the way, friends?" Tumayo siya at inabot ang kamay kay Michaela para makipagkamay. Agad naman iyong tinanggap ng dalaga habang may ngiti sa labi.
Uupo na sana si Alice ngunit bigla siyang piniringan ni Trisha na kararating lamang. Dinig niya ang tilian ng mga ibang empleyado at nakadinig rin siya ng pagtugtog ng gitara. Narinig niyang kumanta si Genesis kaya mas napatili ang ibang empleyado.
"Sabi ko na ng aba, may pasorpresa naman pala, eh!" tili ni Alice sa kaniyang isipan.
"Maligayang kaarawan sa iyon, nag-iisang sinta ko." Nadinig niyang sabi ni Genesis nang matapos siyang kumanta.
Tinaggal ni Trisha ang piring ng mga mata niya. Nang makita niya kung ano ang nasa harap niya ay nanlaki ang kaniyang mga mata at napaawang ang kaniyang bibig.
"Blow the candle, my loves!"
Mula siyang napatingin sa cake na nasa harap niya, na hawak ni Trisha. Hindi pala ito cake na gaya ng inaasahan niya, kundi isang maliit na cupcake!
Mas nadismaya tuloy si Alice dahil hindi gano'n ang inaasahan niya. Malayo sa kaniyang ekspektasyon ang nangyari.
"T-Thank you," matipid niyang sabi at pilit na ngumiti.
Pagsapit ng hapon ay umuwi sila sa bahay na nakasimangot. Hindi niya rin kinain 'yong cupcake kanina, bagkus ay ibinigay niya iyon kay Michael. Dumiretso na lang siya sa kuwarto niya at nagkulong.
SUNOD na araw naman ay wala sa mood na gumising si Alice. Nagtatampo pa rin siya kina Genesis at Trisha, pero mas naiinis siya sa sarili niya dahil choosy pa siya sa ginawang sorpresa sa kaniya.
Naligo na siya at nagbihis 'saka lumabas ng kwarto niya. Hindi naman na siya nakasimangot, subalit wala pa ring ngiting nakaukit sa kaniyang labi. Takang-taka naman ang dalawa kung bakit siya nagkagano'n. Kahit sa sasakyan ay hindi niya sila pinapansin.
Pagkarating nila sa trabaho ay nagtaka si Alice dahil wala pa halos tao samantalang pasado alas otso na ng umaga. Ang nadatnan niyang naroon pa lamang ay sina Michael at Kenndrick, kasama rin si Michaela, na nagkakape pa.
"Good morning, Alice," bati sa kaniya ni Kenndrick.
Nginitian niya si Kenndrick at binatin rin. Nakita niya naman sa peripheral vision niya si Genesis na nakasimangot.
"Bakit siya pinansin mo? Samantalang ako hindi mo pinapansin kahapon pa," nadinig niyang bulong ni Genesis.
Dahil sa sobrang guilty niya ay napagpasiyahan niya munang pumunta sa rest room para mag-cr. Pumasok siya sa isang cubicle at pagkatapos ay nagsalamin muna siya.
Napagtanto niya na dapat ay i-appreciate niya na lamang kahit pa maliit na sorpresa iyon. Naisip pa niyang hindi batayan kung gaano kalaki ang sorpresa para masabing mahal ka ng isang tao o mahalaga ka sa isang tao.
Pagkalabas niya ng rest room ay laking gulat niya nang masilip niya sa malaking bintana na ang daming sasakyan ng pulis sa ibaba. Iyon ang mga pulis na rumiresponde tuwing may nagaganap na hostage.
Dali-dali siyang bumalik sa working place niya at laking gulat niya nang nakadapa ang ilang mga empleyado tapos nakatali sila at may takip din ang mga bibig. Mas lalong nanlaki ang mga mata niya nang makitang nakahiga sa lapag si Genesis at nakatali rin.
"GENESIS!" Nabato siya sa kaniyang kintatatayuan nang napatingin sa kaniya ang mga armadong lalaki na naka-bonet—nasa likuran sila ni Genesis. Isa lamang ang ibig sabihin nito. Na-hostage sila.
Bago pa man siya makatakbo ay may sumunggab sa kaniya mula sa likuran niya at hinawakan siya nang mahigpit sa braso.
"Bitiwan mo ako!" pagpupumiglas niya, kaso tinakpan ng lalaki ang kaniyang bibig hanggang sa hilain siya papuntang likod ng building at isinakay sa van.
"Pakawalan niyo ako!" sigaw niya ngunit tinakpan ng panyo ang ilong niya.
Nakaramdam siya nang matinding pagkahilo nang makasinghot siya ng amoy kemikal, hanggang sa nandilim na ang paningin niya.
Naalimpungatan si Alice. Wala siyang ibang nakita dahil nakapiring ang mga mata niya. Eksaktong namang naramdaman niyang hindi nakatali ang mga kamay at paa niya. Agad niyang tinanggal ang piring ng mata niya, at agad na bumungad sa kaniya ang isang kuwartong walang laman kundi mga agiw at kaunting liwanag na nagmumula sa maliit na butas.
Napatingin siya sa pinto at agad niya itong nilapitan. Laking pasasalamat niya nang hindi ito naka-lock. Pagkabukas niya ng pinto ay doon niya nakita na madaling-araw na pala. Tanging mga punong kahoy ang nasa paligid.
Halos mapatalon siya nang may madinig siyang pagtugtog ng gitara at may kumakanta. Pamilyar sa kaniyang pandinig ang bpses kaya nanigas siya sa kinatatayuan niya. Sigurado siyang si Genesis iyon. Luminga siya sa paligid kaso bigla itong tumigil. Nanlaki ang mga mata niya nang biglang nagliwanag ang paligid dahil sa mga pailaw.
Halos magtatalon siya sa tuwa nang makita niya si Genesis na may hawak na cake. Halos maluha siya nang magsilabasan ang tao sa paligid. Naroon sina Kenndrick, Michael, Trisha, Carl, Michaela, at iba pang mga empleyado ay naroon din. Buong akala niya ay na-kidnap na sila.
"You deserve the best, Alice. You deserve surprises and great love. Again, happiest birthday to you," wika ni Genesis at lumuhod sa harap niya habang hawak ang cake.
Kumanta na rin ng happy birthday ang mga tao sa paligid kaya manlambot ang mga tuhod ni Alice at napaiyak.
"T-Thank you, Genesis. Hindi ko ito in-expect! Akala ko na-kidnap na ako tapos akala ko mamatay na ako. Akala ko mawawala ka na sa akin." Hindi na napigilan pa ni Alice ang pagluha,
Kumawala na nga ang kaniyang luha at hindi na siya nakapagsalita pa. Inabot naman ni Genesis kay Trisha ang cake at tumayo. Pagkatayo niya ay agad niyang niyakap si Alice upang patahanin siya. Hindi tuloy mapigilan ng mga nanonood sa kanila ang pagtili.
Mayamaya ay tumahan na si Alice at humarap sa kaniyang cake na hawak ni Trisha. Napapikit siya at humiling muna bago niya hinipan ang maliit na apoy sa birthday candle.
"God, isa lang po ang hiling ko. 'Yon ay ang makasama siya habang buhay. 'Wag sana naming makalimutan ang isa't isa dahil hindi ko alam ang gagawin ko kapag nangyari iyon. Siya ang naging dahilan ng kasiyahan ko, at ang pagkalimot niya sa akin ay parang pagkalimot ko na rin kung paano maging masaya."
Nagpalakpakan ang mga katrabaho nina Alice pagkamulat niya ng kaniyang mga mata. Sina Trisha, Carl, at Martin ang nakatoka sa mga pagkain kaya silang tatlo ang naghanda ng mga pagkain para sa mga dumalo. Tumulong naman sa kanila sina Michael at Kenndrick.
Sisikat na ang araw kaya naman hinila siya ni Genesis papalayo sa mga tao. Ngayon lang napagtanto ni Alice na nasa bundok pala sila. Tanaw na tanaw niya ang view sa kabilang bundok at iba pang mga view sa baba pagkarating nila sa cliff ng bundok.
"Ikaw ang lahat-lahat sa akin, Alice. Ang aking buhay, kasiyahan, at tanglaw. Labis-labis na ang dulot mo sa akin, subalit isa lang ang maipapangako ko sa iyo—ang tapat kong pag-ibig," saad ni Genesis habang hinahaplos ng kaniyang mga palad ang magkabilaang pisngi ni Alice.
Hindi naman mapigilang ngumiti ni Alice habang nangingilid ang kaniyang mga luha dahil sa galak. "You are my everything too, Genesis. Mahal kita nang sobra."
Pagkatapos nilang magpalitan ng matatamis na mga salita ay napatitig sila sa isa't isa. Parehong nangungusap ang kanilang mga mata, at nagsusumamo na sana ay huwag nang matapos ang pagkakataong iyon. Mas lalong naging malapit ang kanilang mukhang kapwa namumula, hanggang sa tuluyang naglapat ang kanilang mga labi.
TAGUMPAY ang pinagplanuhan nina Genesis at Trisha na pagsorpresea kay Alice. Nakasabwat din nila ang ibang mga pulis at palabasin na may hostage na nangyari.
Napatingin si Genesis kay Alice na natutulog sa tabi niya. Nakatulog kasi Alice pagkauwi nila sa bahay dahil sa pagod. Habang natutulog ang dalaga ay nagkaroon muli siya nang pagkakataon para titigan siya. Hinaplos niya ang pisngi ni Alice at hinalikan ito.
Alas nuwebe ng umaga pero tulog pa rin si Alice. Samantala, napabangon si Genesis nang may mag-dorbell sa gate kaya agad siyang lumabas para buksan ito.
Pagkabukas niya ng gate ay nanlambot ang kaniyang mga tuhod nang makita niya kung sino ang nag-doorbell. Hindi niya magawang ihakbang ang mga paa niya at nakaawang lamang ang kaniyang bibig.
"Bakit ngayon pa? Bakit pa siya bumalik? Masaya naman na ako kay Alice, 'di ba?" usal niya sa kaniyang isipan at naikuyom niya ang kaniyang mga kamay.
"Long time no see, Genesis. I'm back." Nginitian pa siya ng babae. Hahakbang sana siya paatras, subalit mas lalo siyang hindi nakagalaw ng halikan siya ng babae.
Huli na nang itulak niya ang babae papalayo.
"G-Genesis..."
Napatingin siya sa likuran niya at nakita niya si Alice na lumuluha.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro