Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 12 - Chosen


Sabi nga nila, everything happens for a reason. May negatibo mang nangyari sa'yo ngunit may positibong plano ang Diyos. Napagtanto ni Alice na kung hindi sila naghiwalay ni Kenndrick, hindi sana siya mapapadpad doon. Hindi niya sana makikilala si Genesis.

Tatlong buwan na rin ang lumipas simula noong mapadpad sila sa Fictional World. Ang dami ng nadiskubre ni Alice sa mundong iyon, gaya ng si Cif pala ang namamahala sa Fictional World.

Ito pa ang isang nalaman niya, hindi si Cif ang itinuturing nilang dyosa doon dahil may iisa silang kinikilalang Diyos at iyon ay ang Diyos na kinikilala sa totoong mundo. Alam din ng mga Fictional Characters na may iba pang mundo, ang Real World. Kilala nila ang mga sikat na artista, singers, at iba pa kaya ang mga musikang maririnig sa totoong mundo ay maririnig din sa Fictional World.

Dalawang buwan na ring nililigawan nina Genesis, Kenndrick, at Michael si Alice pero wala pa siyang sinasagot sa kanila kahit isa. Nahihirapan siya sa pagpili dahil alam niyang kapag sinagot niya ang isa, masasaktan ang dalawa.

"Alice hanggang kailan mo ba sila balak pahirapan? Masyado na silang kawawa sa panliligaw sa'yo," tanong ni Trisha habang nilalaro ang hibla ng buhok ni Alice.

Katatapos lang nilang kumain ng tanghalian nina Alice at Trisha sa isang fast food chain. Napagpasiyahan nilang dalawa lang muna silang kumain dahil gusto ni Trisha na mapag-usapan ang tungkol sa buhay pag-ibig ni Alice.

"Nalilito na talaga ako! Si Kenndrick niyaya niya ako na mag-date raw kami bukas ng alas otso hanggang alas dose, si Michael naman ay ala una hanggang alas singko, tapos si Genesis naman ay niyaya ako ng alas sais!" wika ni Alice sabay lakumos sa hawak niyang tissue paper.

"Iba rin ang karisma mo, Alice. Mabuti pa ako, isa lang ang nanliligaw sa akin kaya hindi na ako mahihirapang mag-isip kung sino ang sasagutin." Ngumisi nang malawak si Trisha at tinapik pa ang sariling balikat.

Nang mas dumarami na ang mga nagsisidatingang mga costumers ay napagpasiyahan na nilang umalis na roon. Sa katapat na building lang naman ang building ng kompanyang pinapasukan nila kaya mabilis silang nakabalik doon.

Pagkabalik nila sa kani-kanilang mga trabaho ay hindi pinansin ni Alice sina Genesis, Michael, at Kenndrick. Kapag pinansin niya kasi sila, siguradong magkakagulo na naman sila—mahilig kasing magpasikat sina Michael at Kenndrick.

Itinuon lamang ni Alice ang kaniyang tingin sa kaniyang iginuguhit na disenyo ng building at hindi nag-angat ng tingin. Tatlong oras siyang nakayuko at hindi pinansin ang tatlong binatang kanina pa tingin nang tingin sa kaniya.

Mayamaya'y tumayo muna si Alice para pumunta sa restroom. Papasok na sana siya sa cubicle nang may nabangga siyang babaeng mas matangkad sa kaniya.

"Hala! Sorry, Miss, hindi ko sinasadya!" paghingi ng tawad ni Alice at agad inalalayan patayo ang babae.

Hanggang leeg lamang ang kulot nitong buhok. Bilugan ang mga mata nito at manipis ang kaniyang labi. Napatingin si Alice sa suot niyang asul na sleeveless blouse at puting skinny jeans. Sigurado siyang hindi empleyado roon ang babae dahil wala siyang suot na ID.

"O-Okay lang," malamyang tugon ng babae at saka dali-daling umalis.

Pumasok na lang siya sa cubicle at umupo sa toilet bowl saka pinakawalan ang kanina niya pang pinipigilan sa kaniyang pantog. Matapos n'on ay nagmamadali siyang lumabas para sana sundan 'yong babae.

Noong makalabas siya ay hindi niya na natanaw pa ang babaeng nakabunggo niya kanina. Hindi niya alam kung bakit iba ang kutob niya sa babae. Hindi niya rin mawari kung masamang kutob ba o espesyal na koneksyon.

Bumalik na lamang siya sa desk niya at inayos ang kaniyang mga gamit. Malapit na rin kasi silang umuwi.

Lumapit naman sa kaniya si Trisha. "Alice, sasabay pala ako kay Carl tutal pupunta rin daw sila ni Martin sa bahay. Maglalaro daw kasi sila ng basketball ni Genesis."

Bago pa man makatugon si Alice ay nilapitan na siya ni Kenndrick, sabay hinila pa ang kaniyang kamay. "Uuwi ka na? Sama ako!"

Agad din namang lumapit si Michael at hinila rin ang isa pang kamay ni Alice. "Syempre, sasama rin ako!"

"Tsk, Alice, sasabay ka sa akin sa ayaw at sa gusto nila," ani Genesis, kaya imbes na sa kamay hilain si Alice, hinigit niya ang bewang ng dalaga kaya napabitaw ang dalawa.

Sa huli ay sabay-sabay silang umuwi ng bahay kasama sina Michael at Kenndrick. Nandoon na rin sina Carl at Martin. Nagbihis muna si Alice sa kuwarto niya, at nagsuot ng pink na shirt at black na short pants. Pagkalabas niya ng kuwarto ay nakabihis na ang mga lalaki ng pang basketball attire.

Kahit pa karibal ni Genesis sina Michael at Kenndrick, pinahiram pa rin niya sila ng basketball attire. Nagtungo na sila sa likod ng bahay dahil may mini basketball court doon.

Umupo na sina Alice at Trisha sa may bench malapit sa court, at pinanood ang mga binatang kanina pa parang mga aso't pusang nagbabangayan. Nandoon rin pala si Xander. Ang tagal na walang balita sa kaniya. Nalaman na lang nila noong nakaraang linggo na umuwi siya sa lugar nila dahil namatay ang mama niya.

"Hindi naman yata patas kung dalawa lang kami ni Michael tapos apat kayo!" pagrereklamo ni Kenndrick at binitwan ang bola na tila ba nagtatampo.

"Ayokong maki-team sa inyo, ano!" singhal naman ni Carl sa kaniya.

"Sino ba ang may sabing gusto nilang maki-team sa'yo?"

"Ako na nga lang makiki-team sa inyo!" sabi naman ni Xander kaya nag-umpisa na ang laro.

Pinanood lang nina Trisha at Alice ang mga binatang naglalaro. Gabi na pero trip pa rin nilang maglaro ng basketball. Mabuti na lamang ay maganda ang view dahil sa mga nagniningning na mga bituin kaya kahit papaano ay nalilibang si Alice dahil wala talaga siyang hilig sa basketball.

Gabing-gabi na noong matapos sila. Antok na antok na nga si Alice at kaunti na lamang ay pipikit na ang mga mata niya. Nakaalis na rin ang mga bisita kaya silang tatlo na lang ulit ang naiwan.

"Alice, kaya mo pa ba?" tanong sa kaniya ni Genesis kaya napatango siya.

"Kaya ko pang maglakad—" hindi na naituloy ni Alice ang sasabihin niya nang tuluyan na siyang napapapikit dahil sa labis na antok.

NAPAMULAT si Alice at inalala lahat ng nangyari bago siya bumagsak at makatulog. Napabaling ang tingin niya sa pinto at bumungad sa kaniya si Trisha na malawak ang ngiti.

"Bakit nakapangtulog ka pa? Hindi mo ba alam kung ano ang petsa ngayon? 'Di ba ngayon 'yong date niyo ni Kenndrick?" aligagang tanong ni Trisha at pilit siyang hinihila.

Agad siyang napabangon nang makita niya sa wall clock na 7:50 AM na at mamayang alas otso ang usapan nila ni Kenndrick.

"Trisha, bakit 'di mo ako ginising kaagad!?" Mabilis pa sa alas kuwatrong bumangon si Alice, at dali-dali siyang nagbihis at nag-ayos ng mukha.

Sampung minuto lamang ay tapos na siya. Naka-pastel pink blouse lang siya at skirt na puti at kulay rosas na flat sandal. Pagkalabas niya, agad niyang nakasalubong si Genesis na nagluluto.

"Good morning, Alice. Kumain ka muna," sabi niya at niyakap sa likuran si Alice. Naramdaman niya na naman tuloy ang mabilis na pagtibok ng puso niya.

"Ehem! Sa pagkakaalam ko, ako ang date ngayon ni Alice." Napaalis si Alice kay Genesis at humarap kay Kenndrick na nakapamewang.

"Mauuna na ako, Genesis! Ipagtira mo na lang ako ng niluto mo para matikman ko," pagpapaalam ni Alice at sa huling pagkakataon, bago sila umalis ni Kenndrick, binigyan niya muna ng matamis na ngiti si Genesis.

Sa amusement park siya dinala ni Kenndrick. Napatigil siya sa paglalakad nang maalala niya dati noong pumunta sila ni Kenndrick sa isang amusement park sa Real World. Ang saya nila noon. Hindi niya naisip na ang kasiyahang iyon ay 'di magtatagal at mawalala rin.

"Halika na, Alice," pag-aaya ni Kenndrick at hinawakan ang kamay ni Alice. Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang sa makarating sila sa roller coaster.

"Ayoko riyan! Kenndrick, alam mo namang ayoko yiyan, eh! Noong huling pumunta tayo noon eh nahimatay pa ako!" pagpupumiglas ni Alice pero napatawa lang ang binata.

"Alice, sige na! Gusto ko lang namang mag-enjoy kasama ka. Gusto ko lang namang maibalik 'yong dating tayo. Ngayon na nga lang kita ulit masosolo," pagdadrama ni Kenndrick kaya napilitan na lamang siya.

Naiisip tuloy ni Alice na hindi naman siguro masama kung bibigyan niya pa ng isang pagkakataon si Kenndrick na madama at iparamdam ang pagmamahal niya, pero natatakot siya sa kung ano ang susunod na mangyayari.

Pagkatapos nilang makakuha ng ticket ay sumakay na sila sa roller coaster. Gumuhit ang kaba sa puso ni Alice. Hindi niya ma-imagine kung ano ang magiging hitsura niya kapag umandar na ito.

Napasigaw si Alice nang umandar bigla nang mabilis ang roller coaster at halos hindi niya na makita ang nasa paligid niya. Parang umiikot pati ang sikmura niya kaya gusto niya ng maduwal.

"Ssshh... tahan na, Alice, nandito lang ako. 'Wag kang matakot," sabi ni Kenndrick at naramdaman ni Alice ang paghawak ni Kenddrick sa kaniyang kamay.

Makalipas ang ilang mga minuto ay natapos na ang kalbaryo ni Alice. Pagkababa nila ay tila umiikot ang kaniyang paligid at pakiramdam niya ay matutumba siya.

"Sakay ka na sa likod ko," sabi ni Kenndrick na agad namang sinunod ni Alice.

"Bakit gano'n? Kahit na sinaktan niya ako, komportable pa rin sa kaniya?" wika ni Alice sa isip habang nakasakay sa likod ni Kenndrick.

"Alam mo ba, Alice, nag-enjoy ako," malumanay na sabi ng binata.

"Hilung-hilo kaya ako!" singhal ni Alice at bumaba na sa likod niya.

"Saan pa ang gusto mong puntahan?"

"Gusto ko sa horror house!" tugon niya at nakita niya ang ekspresyon ni Kenndrick na halos hindi maipinta.

"S-Sure ka, Alice? S-sa i-iba na lang..." nauutal na sabi nito pero hinila siya ni Alice kaya wala siyang nagawa.

Entrance pa lang ay marami ng nagsisigawan. Malawak pa rin ang ngiti ni Alice at hindi natatakot dahil alam niya naman na hindi totoong multo ang mga iyon.

Naramdaman niya kumapit nang mahigpit sa braso niya si Kenndrick kaya napatawa na lang siya.

"AAAHH! ALICE AYOKO NA RITO! MAY HUMAHATAK SA PAA AKO!"

"Relax lang, Kenndrick!" ani Alice tapos ay may lumitaw nanaman na white lady sa harap nila kaya muntik nanaman siyang mapasigaw.

Habang nasa loob sila ay halos mabingi si Alice sa mga sigaw ni Kenndrick, samantalang siya ay tawa lamang ng tawa dahil sa binata. Makalipas ang ilang sandali ay nakalabas na sila sa horror house. Kung si Kenndrick ay takot na takot, si Alice naman ay tawa nang tawa.

"Oh, ayos ka na?" tanong ni Alice na natatawa pa rin.

"Ayos na ako. Pagod ka na ba?" tanong naman ni Kenndrick kaya napatango si Alice. Naupo muna sila sa isang bench at kinain ang binili nilang sandwich.

"Alice, ang saya-saya ko ngayong araw na ito. Salamat pala dahil pumayag ka na ma-date kita ngayon," sabi ni Kenndrick at hinawakan ang mga kamay ni Alice.

"Kenndrick, paano 'pag hindi ikaw ang sinagot ko?" diretsahang niyang tanong.

"Mahirap man pero tatanggapin ko na lang. Pero sana huwag mo akong kalilimutan dahil kahit paano naging parte ka ng buhay ko." Napabuntong-hininga pa si Kenndrick. "At saka, hindi sa lahat ng pagkakataon panalo ako. Hindi man kita nakuha pero nagpalasalamat ako na naging parte ka ng buhay ko. At gusto ko lang mag-sorry muli dahil hindi kita naipaglaban. Pinagsisisihan kong hindi ko ipinaglaban ang nararamdaman ko sa iyo noon, eh 'di sana tayo pa rin hanggang ngayon."

Halos maluha-luha pa ang mga mata ni Kenndrick nang tumitig siya kay Alice. Awang-awa tuloy ang dalaga dahil nararamdaman niya na malaki ang pagsisisi ni Kenddrick, ngunit huli na ang lahat.

"Kenndrick, mahal din naman kita eh kaso nga lang dahil sa nangyari hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Pero hindi ko naman sinasabi na busted ka na. Tinatanong lang naman kita," pagpapaliwanag ni Alice kaya unti-unting nabubura ang pagkalugmok sa mga mata ng binata.

"Pero, Alice kung sakali mang hindi ako ang pipiliin mo, tatanggapin ko. Alam ko naman na makakaya ko ito."

Sinubukan pa niyang pangitiin si Kenndrick. "Tama na nga ang ganitong usapan, ang seryoso na ng atmosphere! Siya nga pala, bukas nang tanghali, hintayin mo ako sa Make-Believe park."

Tumango naman ang binata at saglit na napatitig sa mga mata ni Alice pababa sa kaniyang labi. Pagkatapos n'on ay napaiwas na lang siya ng tingin.

"Tara na," pag-aaya ni Kenndrick.

Maya-maya pa ay may batang lalaking magulo ang buhok at gusgusin ang damit na lumapit sa kanila. Hinawakan niya ang kamay ni Alice gamit ang kaniyang kanang kamay na ubod nang dumi.

"Bata, bitawan mo ang kamay niya. Ang dumi ng kamay mo, oh," suway ni Kenndrick sa bata at hinila ang kamay ni Alice.

"Ayos lang, Kenndrick," wika ni Alice at saka bumaling sa bata. "Ano ba ang maitutulong ko sa iyo?"

Napahawak naman ang bata sa kaniyang tiyan. "Nagugutom na po kasi ako. Wala po akong pamili ng pagkain. Sinubukan ko na pong humingi sa iba pero ipinagtatabuyan nila ako."

"Heto, sa iyo na ito," wika naman ni Kenndrick, at inabot sa bata ang sandwich, na hindi niya kinain kanina, kaya tuwang-tuwa ang bata.

Maging si Alice ay napangiti dahil sa ginawa ni Kenndrick, lalo na noong yakapin siya ng bata pagkatapos nitong kumain.

"Maraming salamat po, Kuya! Sana po sagutin ka ni Ate." Nagbigay pa ng malawak na ngiti ang bata.

Nagtataka naman si Alice kung bakit alam nitong nililigawan siya ni Kenndrick. Tatanungin niya sana ito, ngunit tumakbo na papalayo ang bata at nawala sa paningin nila.

Ihinatid na siya ni Kenndrick sa tapat ng isang convenient store, kung saan sila magkikita ni Michael. Nakaramdam tuloy ng awa si Alice kay Michael dahil kaibigan lang ang turing niya sa binata. Dati ay humanga siya sa binate, subalit mabilis lang itong nabura sa puso niya. Kumbaga, infatuation lang ang lahat.

"Yow, Alice! Mabuti pumayag kang ma-date kita," saad ni Michael at inakabayan si Alice.

"Bakit ayaw mo ba? Sige, aalis na ako!" pang-aasar ni Alice at kunwaring aalis pero hinila siya kaagad ni Michael.

Napahawak pa si Alice sa kaniyang dibdib nang makadama siya ng pagod. "Saglit lang, pagod na ako, eh."

Dinala naman siya ni Kenddrick sa isang mamahaling restaurant para makapag-pahinga na si Alice.

Napaawang naman ang bibig ni Alice dahil sa kabuuan ng restaurant. Damo mismo ang tinatapakan nila at ang nasa paligid ay puro bulaklak. Transparent ang bubong ngunit hindi mainit dahil sa aircon. Kitang-kita tuloy ang asul na kalangitan at rose quartz na ulap.

Napagpasyahan nilang kumain na muna at pagkatapos ay saka sila nagkuwentuhan.

"Punta ka nga pala sa Make-Believe park bukas dahil may sasabihin ako. Siguro ay pagkatapos ng tanghalian," usal ni Alice habang inaayos ang kaniyang sarili pagkatapos nilang kumain.

"Alice, malaki ang pasasalamat ko dahil pumayag kang makasama kita ngayon. Isa pa, happy go lucky man ako 'pag titignan mo pero pagdating sa relasyon seryoso ako," seryosong sabi sa kaniya ni Michael, at hinawakan ang kaniyang mga kamay. Sa tuwing nagkakadikit ang mga balat nila ay parang wala lang. Walang tila boltaheng dumadaloy sa kanila.

"Michael, to be honest, may pag-hanga ako sa iyo noon pero hanggan doon lang iyon at noon lang iyon," tugon ni Alice at binawi ang kaniyang kamay.

"I think, may mas matimbang na sa aming tatlo. Pero kahit hindi ako ang piliin mo, mamahalin pa rin kita kahit one-sided love lang," malumanay at seryosong sabi ng binata sa kaniya. Ngayon niya lang itong nakitang gano'n kaseryoso.

MATAPOS silang kumain sa restaurant na iyon ay nanuod na lamang sila ng sine nang apat na oras. Dalawang pelikula kasi ang pinanood nila dahil mapilit si Alice. Magaganda kasi ang mga pelikula ngayon sa sinehan. Gusto niya nga sanang panooring lahat iyon doon, subalit kulang na sila sa oras.

Napatingin si Alice sa wrist watch niya at alas singko na pala ng hapon. Hudyat na tapos na ang date nila ni Michael.

"Ihatid mo na lang ako sa bahay para makspagpahinga muna ako saglit," ani Alice pagkapara nila ng taxi.

Makalipas ang kalahating oras ay nakarating na sila sa bahay at ihinatid na siya ni Michael hanggang sa gate.

"Bye, Alice. Thank you for the date," pagpapaalam ni Michael at niyakap si Alice.

Tumango na lang si Alice at dumiretso sa kwarto niya. Ibabagsak niya na sana ang katawan niya sa malambot na kama, ngunit biglang sumulpot si Trisha na parang uod na binudburan ng asin.

"Trisha, puwedeng magpahinga muna saglit? Pagod na pagod na ako," wika ni Alice at isinalampak ang likod niya sa kama at saka pumikit. Mabigat ang pakiramdam niya dahil dala niya ang pagod ng buong maghapon.

"Ayaw mong malaman ang ipinapasabi sa iyo ni Genesis?" tanong ni Trisha at aktong aalis ngunit mabilis na bumangon si Alice at lumapit sa kaniya.

"Ano raw?"

"Kasi sabi niya, hintayin mo raw siya sa Memorial Park—este, sa Make-Believe Park mamayang six o' clock," tugon ni Trisha na sobrang lawak ang ngiti, na animo'y mas kinikilig pa kesa kay Alice.

"Sige, magpapahinga muna ako ng 30 minutes," wika naman ni Alice at tuluyang humilata sa kama.

Napatingin siya sa cellphone niya at tunay nga na kay bilis na oras doon dahil 5:45 na pala. Nagpalit na siya ng damit. Suot niya ngayon ang long-sleeved blouse na kulay berde, at tinernohan niya iyon ng puting pants at putting rubber shoes.

Kailangan niya nang magsuot ng damit na may mahabang manggas dahil malamig na ang simoy ng hangin. Unang araw na ng Disyembre kaya lumalamig na. Ibig sabihin din n'on, siyam na araw na lang ay sasapit na ang kaniyang kaarawan.

Lumabas na siya ng bahay at naglakad papuntang Make-Believe park dahil walking distance lang naman ito. Saktong alas sais nang makarating siya roon. Lubog na ang araw, pero maliwanag pa rin ang paligid dahil sa mga ilaw at mga nakakabit na Christmas lights. Marami pa ring nagkalat na tao kahit gabi na.

Napatingala siya sa kalangitan. Ang kaninang asul na kalangitan at rose quartz na ulap ay naging mabituin at mas kitang-kita ang ganda ng kalawakan. Hanggang sa namatay lahat ng mga ilaw, pati na rin ang mga Christmas lights. Wala siyang makita bukod nagniningning na kalawakan.

Magpapanic na sana si Alice nang magliwanag muli ang paligid, at may nasulyapan siyang papel sa paanan niya, kaya agad niya itong pinulot at binasa. Wala pa kasi iyon kanina bago namatay ang mga ilaw.

(At the center of the park.)

Naguguluhan man ay sinunod niya na lamang ito. Unti-unti siyang nagkakaroon ng ideya na baka may kinalaman doon si Genesis.

Napatingin siya sa paligid at nakita niyang may mga nagkalat na mga speakers sa paligid. Hanggang sa may nag-play roong kanta. Pamilyar ang kantang iyon sa kaniya.

Inilabas niya ang kaniyang cellphone at ini-rerecord ang music. Hindi niya kasi alam ang titulo ng kanta, kaya naisipan niyang i-record iyon upang sa gan'on ay mapakinggan niya pa sa susunod. Laking gulat niya nang kaboses ni Genesis ang kumakanta.

Binilisan niya pang maglakad hanggang sa nakarating na siya sentro ng park kung nasaan may mataas na estatwa ni Cif. Doon ay namataan niya si Genesis na umaawait sa tapat ng mikropono. Dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa binata at dinama ang simoy ng hangin.

Hanggang sa nakalapit na nga siya. Kitang-kita niya ang mga ngiti sa labi ng binata kaya napangiti rin si Alice.

"Labis ang pag-ibig ko sa'yo," pag-awit ni Genesis sa pinakahuling linya ng kanta. Eksaktong pagkatapos niya ay nagsilabasan ang maraming mga taong kanina pa nanonood—kasama rin sina Trisha at Carl.

"Alice, ang haba ng hair mo!" tili ni Trisha, samantalang si Alice ay hiyang-hiya dahil ang daming taong nanonood sa kanila.

"Masaya ako dahil dumating ka nga," saad ni Genesis at hinalikan si Alice sa noo. Napatili naman ang mga tao sa ginawa niya.

Nakiusap si Genesis sa mga nanunood na mga tao na kung maaari ay bigyan sila ng privacy. Pati sina Trisha at Carl ay pinaalis niya rin. Napakaromantiko na ng paligid kaya hindi mapigilan ni Alice na kiligin.

"Nagustuhan mo ba?" tanong ni Genesis. Napatango siya at hindi niya maalis ang ngiti sa kaniyang labi.

"Genesis, sa inyong tatlo na nai-date ako, ikaw lang 'yong napaka-romantic," wika niya at kumapit sa braso ng binate, saka sila lumakad.

Narating nila ang hilera ng mga cherry blossom trees na pinalilibutan ng makukulay na mga Christmas lights. May naka-set na table at bench sa ilalim ng cherry blossom tree tapos may kandila at mga bulaklak sa gitna ng lamesa.

Inalalayan niya na umupo si Alice at binigyan ng pagkain.

"Luto ko iyan, Alice," proud na sabi nito at isinubo kay Alice ang steak na nakatusok sa tinidor.

"Ang sarap ng luto mo, Genesis," tuwang-tuwang sabi ni Alice habang ngumunguya.

Nagulat na lamang siya nang may iabot sa kaniya si Genesis na boquet ng bulaklak nang matapos silang kumain.

"Alice, may sasabihin sana ako—I mean, itatanong," nauutal na sabi ni Genesis at tumayo sa harap ni Alice.

"Go on."

"Alice, alam mo naman kung gaano kita kamahal. Alice, hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa, will you be my girlfriend?" tanong nito at lumuhod.

Napalunok naman si Alice at hindi alam ang isasagot. Biglang tumibok nang mabilis ang puso niya at nadama ang pamilyar na sensasyon.

"G-Genesis, paano sina Kenndrick at Michael?" tanong namam ni Alice kaya napasimangot si Genesis.

"Hindi ba puwedeng maging tayo? Tell me, please. Hindi naman maalis 'yong katotohanang isa lang sa amin ang pipiliin mo. Alice, do you love me? Can I be your The One?" sunud-sunod na tanong nito at marahang hinawakan ang kamay ni Alice.

Hindi na nag-alinlangan pa si Alice. Kung ano ang isinisigaw ng isip at puso niya ay iyong ang kaniyang sinunod.

"Yes, Genesis! I love you and I will be your girlfriend," matamis na tugon ni Alice kaya nasilayan niya ang malawak na ngiti ng binata.

Agad na napatayo si Genesis at nagtatalon na animo'y nanalo sa lotto at hinila patayo si Alice.

"Una pa lang kitang nakita iba na ang naramdam ko sa iyo," sambit naman ni Alice at na-realize niya na lang na ang lapit na ng mukha nila sa isat-isa.

Hinawakan ni Genesis ang pisngi ni Alice at unti-unting naglapat ang mga labi nila. Labis pa rin ang pasasalamat ni Alice na napadpad siya sa Fictional World, kung saan alam niya perpekto ang pag-ibig at may happily ever after...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro