Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 11 - The One


HINDI talaga inaasahan ni Alice na liligawan siya ni Genesis. At mas lalong hindi niya ini-expect na tatlo ang manliligaw niya. Everything is unexpected. Ni minsan, hindi dumapo sa isip niya na makakasunod doon si Kenndrick, at sasabihing mahal pa siya nito at ipaliliwanag kung ano ang totoong nangyari.

Napatingin si Alice kina Kenndrick nang i-play ni Genesis 'yong phone conversation nila kagabi. Hiyang-hiya siyang umupo sa sofa at napatakip ng mukha sa sobrang kahihiyan, at para na rin matakpan ang mukha niyang pulang-pula.

Nang makakuha si Alice ng tiyempo ay agad niyang tinangkang agawin kay Genesis ang cellphone, pero mas matangkad si Genesis sa kaniya kaya sa huli ay hindi niya ito nakuha.

"Ano'ng ibig sabihin ng pag-I Love You mo kay Genesis, Alice?" tanong sa kaniya ni Trisha at kinikiliti siya sa tagiliran kaya sinipa niya ang kaibigan nang mahina.

"Tell me, Alice, kayo na ba?" tanong naman ni Kenndrick habang nakakunot ang kaniyang noo. Halos pumiyok pa siya habang binibigkas ang kaniyang katanungan.

"Hindi, ah! Ano ako easy to get? At saka, ano... 'yong ano—ah basta, wala lang iyan!" nauutal na saabi ni Alice dahil wala na talaga siyang maisip na palusot.

Habang busy si Genesis at wala sa cellphone ang atensyon, agad niyang hinablot ang phone niya at dinelete ang record.

"Deleted na! Wala na, happy na?" wika ni Alice, at isinuot na ang heels niya, at handa ng umalis ngunit napatigil siya nang muli niyang marinig ang recording

"G-Good night. I love you."

"G-Good night. I love you."

"G-Good night. I love you."

Napalinga siya sa paligid at nakita si Trish na halos mamatay na kakatawa kaya sinamaan niya ito ng tingin.

"Alice, Marami akong kopya niyang voice record. Sa katunayan ay may kopya na rin si Trisha. S-in-ave ko na rin sa flash drive ko 'yong file. Pati sa laptop mayroon din. Tapos naalala ko s-in-end ko rin iyon sa FriendlyBook account ko."

Halos malaglag ang panga ni Alice sa narinig niya kay Genesis na nakangisi. Pinagsisisihan niya tuloy ang pagiging padalos-dalos niya kagabi. Nadala kasi siya ng kaniyang sariling emosyon—ng kilig.

"Tara na?" tanong ni Genesis kay Alice at aabutin na sana ang kamay, kaso hinablot ni Kenndrick ang dalaga bago pa niya siya mahawakan.

"Sa akin sasama si Alice," giit ni Kenndrick at hihigitin na sana si Alice para lumabas, pero lumapit din si Michael at hinila ang kabilang kamay ng dalaga. Mukha tuloy may tug-of-war at si Alice ang tali.

"Sa akin sasama si Alice. Baka kasi mapahamak siya 'pag sa'yo siya sasama," sabi ni Michael ka Kenndrick kaya nakita ni Alice na kumunot ang noo ni Kenndrick.

Mukhang nagkakaroon tuloy ng tension sa pagitan ng dalawang magkaibigan habang hawak nila si Alice. Masama ang titig nila sa isa't isa at kulang na lang ay magbuno sila.

"GO, ALICE!" sigaw ni Trisha kaya sinamaan siya ni Alice ng tingin.

"Ano ba kayo? Bitiwan niyo nga ako!" panunuway ni Alice sa kanila pero deep inside ay sasabog na siya sa sobrang kilig. Pakiramdam niya, siya na yata ang pinakamasuwerteng babae dahil tatlong lalaki ang nanliligaw sa kaniya.

Ang problema nga lang, na-trap siya sa tatlong sitwasyon at ang nahihirapan kung ano ang pipiliin niya.

Unang sitwasyon, si Kenndrick na ex niya na mahal pa pala siya ay liligawan siya. Pangalawa, si Michael na kaibigan noon ni Kenndrick na laging inirereto sa kaniya ni Trisha ay liligawan din siya. Pangatlo ay si Genesis na handa para sagipin siya. Siya 'yong tipo ng lalaki na mahal na mahal siya at handang gawin ang lahat para sa kaniya.

"Sandali nga. Ikaw, Kenndrick, anong sasakyan ang dala mo?" tanong ni Alice kaya napangiwi si Kenndrick.

"Wala, ang balak ko sana ay quality time, maglalakad tayo," tugon ni Kenndrick.

Bahagya namang natawa si Alice sa tugon ni Kenndrick. Ang yabang pa niyang sabay na silang pupunta sa trabaho, samantalang wala naman palá siyang dalang sasakyan. Napatingin naman si Alice kay Michael at hinihintay ang sagot niya.

"'Yong motor ko," nakangiting wika ni Michael na tila proud na proud pa sa kaniyang tugon. Naalala tuloy ni Alice 'yong huling beses na nakiangkas siya kay Michael tapos ang ending ay naglakad sila.

"Ayaw ko nga! Mamaya masira na naman 'yang motor mo tapos maglalakad na naman tayo nang malayo," pag-rereklamo naman ni Alice, ngunit nagulat siya nang higitin siya ni Michael sa beywang niya kaya nagkalapit ang mukha nila.

Napatingin siya sa mga mata ng binatang seryosong nakatinigin sa kaniya. Hindi niya tuloy maiwasang mapaawang ang bibig sa tuwing nagiging seryoso si Michael.

"Ah, sorry!" panghingi ng tawad ni Michael at nag-iwas ng tingin nang mapagtanto niya kung ano ang kaniyang ginawa.

"Sa akin ka na lang sasabay si Alice dahil may kotse diyan. Pinahiram ni Xander kanina sa akin 'yong kotse niya kaya may gagamitin na tayo," sabi ni Genesis na siyang sinang-ayunan ni Alice.

Dahil dati namang magkaibigan sina Kenndrick at Michael, pinasakay na si Kenndrick sa motor ni Michael tapos si naman ni Trish ay nakisakay na kina Genesis at Alice.

Nakarating na sila si D&C Corporations at agad naman silang nag-umpisa sa trabaho. Ipinaliwang ni Alice 'yong design kay Genesis at matapos no'n ay sinimulan ng gawin ni Genesis ang blueprint.

Nang makabalik si Alice sa kaniyang puwesto ay agad siyang nilapitan ni Michaela na magkasalubong ang mga kilay

"Alice, mag-usap nga tayo," usal ni Michaela, at base sa tono ng boses niya ay mukhang galit ito.

"Go on, sabihin mo na kung ano ang gusto mong sabihin," mataray rin na sabi ni Alice. Hindi magpapatalo sa kaniya si Alice pero kailangan ay ipakita pa rin niya ang professionalism.

"Kayo na ba ni Genesis?" diretsahang tanong ni Michaela sa kaniya pero hindi siya umimik.

"May the best woman win, Alice, dahil magiging akin lang si Genesis," pagbabanta ng katrabaho niya.

Napaisip tuloy si Alice kung bakit kaya may mga babaeng nagiging mukhang desperada kahahabol sa lalaking hindi naman sila gusto. Katulad na lamang ni Michaela. Kung makaasta siya parang hindi siya propesyunal.

"Well, Michaela, walang sa'yo dahil akin lang si Genesis," sagot naman ni Alice at nginitian siya 'saka tumayo at lumakad papalayo.

Nakaramdam kasi siya ng tawag ng kalikasan. Isa pa, nanuyo bigla ang kaniyang lalamunan.

Halos mapatalon si Alice sa gulat nang may humigit sa kaniya habang naglalakad siya sa tahimik na hallway.

"A-Aray!"

Napasinghap siya dahil sa mahigpit na pagkakahawak ni Kenndrick sa pulsuhan niya at saka siya hinigit papalayo ng binata. Dinala siya nito sa isang bakanteng opisina.

"Ano ba'ng problema mo?" tanong ni Alice at pilit na binabawi ang kamay.

"Alice, siya na ba? Wala na ba akong pag-asa sa'yo? Tell me, pinapaasa mo lang ba ako? Wala na ba akong puwang sa puso mo?" tanong ni Kenndrick sa kaniya at sa pagkakataong iyon ay tinaasan siya ng boses ng binata.

Lingid palá sa kaalaman ni Alice ay narinig kanina ni Kenndrick ang pagsasagutan nila ni Michaela. Kaya naman noong lumakad siya papalayo ay sinundan siya ng binata.

"Ikaw pa ang may ganang magalit ngayon? Iniwan mo ako noon; naging miserable ako! Si Genesis ang nagtiyagang pasayahin ako—siya ang naging sandigan ko. Imposibleng... imposibleng hindi ako magkagusto sa kaniya," mahabang tugon ni Alice at napakagat sa kaniyang labi. Parang tinutusok kasi ng maliliit na pako ang kaniyang dibdib at kaniyang lalamunan.

Napabuntong-hininga si Kenndrick. "Sorry kung nataasan kita ng boses. Sorry dahil mali ang mga nasabi ko; mag-iingat na ako sa susunod kong sasabihin."

Napalunok si Alice nang hapitin ng binata ang bewang niya kaya sobrang lapit nila sa isa't isa. Limang pulgada na lamang ang layo ng mukha nila, kaya naman ay ramdam na ramdam ni Alice ang hininga ni Kenndrick hanggang sa unti-unting nagkakadikit ang mukha nila. Akmang hahalikan siya ni Kenndrick ngunit itinulak niya ito.

Tuluyan niyang tinalikuran si Kenndrick at lalakad na sana palayo, subalit laking gulat niya nang malapit lang pala sa likuran nila si Genesis. Gumuhit ang kaba sa puso ni Alice dahil baka nakita ni Genesis 'yong muntik ng paghahalikan nila ni Kenndrick.

"G-Genesis," kinakabahang bulong ni Alice.

"It's okay, Alice. Nakita ko naman na itinulak mo siya at hindi mo hinayaan na mahalikan ka," wika ni Genesis. Napaiwas ng tingin si Alice at tumungo na sa workplace niya.

Napatitig siya sa blueprint na nasa ibabaw ng mesa niya. Kahit na nakatingin siya sa blueprint ay lumilipad pa rin ang isip niya.

Napakamot si Alice sa batok niya at lumumbaba. "Paano kung nagtatampo nga si Genesis pero ayaw niya lang ipahalata?" tanong niya sa sarili.

"Bakit parang nawawala ang atensyon mo? Anong kailangan mo, Alice?" tanong ni Genesis sa kaniya.

Tumingin siya kay Genesis at halos mapasigaw siya nang ang lapit lang pala ng mukha ni Genesis sa kaniya, kaya muntik ng maglapat ang labi nila.

Halos hindi makahinga si Alice dahil sa bilis ng pagtibok ng puso niya. Tila ba may dumaloy na mataas na boltahe ng kuryente sa buong kawatan niya, at tila ba umakyat lahat ng dugo niya sa mukha niya.

"Ah, wala may naisip lang ako. At saka, parang sumama ang pakiramdam ko," pagpapalusot ni Alice at napagat sa labi niya. Ngumiti naman si Genesis at ginulo ang buhok niya.

"Gusto mo bang ibili kita ng gamot?" tanong ni Genesis, at agad namang lumapit sina Kenndrick at Michael at muntik pang nagkatulakan nang marinig nila iyon.

"Sasamahan kitang magpahinga!" sabi naman ni Michael at nag-puppy eyes.

"Count me in, pero si Michael forever nang mamamahinga," nakakalokong wika ni Kenndrick kaya sinamaan siya ng tingin ni Michael.

"Baliw ka talaga, pre!" singhal sa kaniya ni Michael sabay binatukan si Kenndrick.

Agad naman silang sinuway ni Alice dahil nasa trabaho sila. Kapag nasa trabaho, bawal na bawal ang pakikipag-tsismisan.

Pagsapit ng hapon ay nag-ayos na si Alice dahil uuwi na sila. Sa wakas ay natapos din ang araw na ito para sa trabaho. Lumapit sa kaniya si Trisha na halos mangisay sa sobrang kilig dahil nakita niyang nginitian siya ni Carl.

"Trish, may tanong ako," panimula ni Alice.

"Bakit gano'n? May sakit na 'ata ako," kinakabahan niyang sabi at napasimangot. Nakita niya rin na kinabahan si Trisha.

"What? Pero bakit? Paanong may sakit ka?" tarantang tanong ni Trisha sa kaniya kaya imbes na kabahan siya ay napatawa pa siya.

"Kasi kahapon noong kasama ko si Genesis bigla na lang bumilis nang sobra ang pagtibok ng puso ko. Tapos may insomnia pa ako, hindi na ako makatulog nang maayos," kinakabahang tugon ni Alice pero tumawa lamang si Trisha. Binatukan niya ang kaniyang kaibigan kaya napatigil ito sa pagtawa.

"Confirmed, Alice!" tili niya kaya napatingin si Michaela kaya agad siyang lumapit sa kanila.

"Magsitahimik nga kayo! Nakakaasar na, Alice! Una, si Genesis na dapat akin ay nilalandi mo. Pati ba naman si Michael? Hindi ko tuloy mai-discuss 'yong design kay Michael dahil dikit siya nang dikit sa iyo," naiinis na sabi ni Michaela kaya inirapan siya ni Alice.

"Tumahimik ka nga, Michaela! Mind your own monkey business!" panunupalpal ni Alice, mabuti na lang ay hindi sila naririnig ng iba dahil malayo sila.

"Hindi pa tayo tapos, Alice! I'll make sure na hindi kayo magiging masaya ni Genesis," naiinis na sabi ni Michaela at lumakad papalayo.

Napahalakhak silang dalawa ni Trish nang matapilok si Michaela kaya muntik na siyang napasubsob sa sahig. Napatawa rin ang iba pang mga empleyado kaya hiyang-hiya siyang tumayo at sinamaan ng tingin si Alice.

"Balik na tayo sa usapan. Kinakabahan talaga ako dahil baka mamaya may sakit na ako," kinakabahang sabi ni Alice.

"Ano ka ba, Alice? 'Yan ang signs ng in love!" sagot ni Trisha.

"Teka, bakit ang tagal nila? Sa katabing building lang naman ang drugstore, ah. Atsaka iisang paracetamol lang naman ang bibilihan nila," pag-lilihis ni Alice sa kanilang pinag-uusapan ngunit nagkibit-balikat lamang si Trisha.

Mayamaya ay nandiyan na sila at napailing na lamang si Alice nang nag-uunahan na namang pumunta sa tabi niya sila Michael at Kenndrick.

"Bakit ang tagal ninyo?" tanong ni Alice kay Genesis.

"Iyang dalawa kasi, palaging nagtutulakan at nagtatalo. Parang mga bata, eh 20 years old na sila," nakasimangot na tugon ni Genesis kaya napatingin si Alice kila Michael na nakangisi.

"Sorry na. Ito na nga pala, Alice. Bumili na ako ng limang box ng paracetamol," sabi ni Michael at inabot kay Aice ang supot na may lamang gamot.

"Binili ko iyan para saiyo. Fresh from the bottom of my heart," sabi pa ni Michael.

"Baliw! Fresh from the bottom of my heart ka diyan! Galing 'yan sa mall hindi sa puso mo!" pambabara ni Kenndrick kay Michael.

"Ito 'yong binili kong paracetamol, Alice. Ten boxes na iyan para may reserba ka. Isa pa, hindi ako kuripot katulad ng dalawa diyan," sabi pa ni Kenndrick at ibinigay rin kay Alice ang supot na may lamang sampung boxes ng paracetamol.

"Bakit ang dami niyong binili? Anong gagawin ko sa pagkarami-raming gamot?" tanong ni Alice at tinaasan silang dalawa ng kilay. Puputi yata ang mga buhok niya dahil sa dalawa!

"Ikaw, Genesis huwag mong sabihing kinseng boxes ng gamot ang binili mo?" tanong niya naman kay Genesis ngunit napailing siya.

"Isang piraso lang ng paracetamol ang binili ko. I believe that once is enough. Hindi ko kailangan magbigay ng maraming paracetamol para ipakita ang pag-big ko sa iyo," tugon niya at kinuha ang kamay ni Alice at inilagay doon ang gamot.

Hindi naman mapigilang mapangiti ni Alice. Gusto niya ng sumabog dahil sa sobrang kilig.

"Ang swerte mo naman, Alice. Tatlo ang manliligaw mo. Ako kaya, kailan kaya may manliligaw sa kaniya?" naiingit na tanong ni Trish kaya napatawa si Alice. Mayamaya naman ay lumapit sa kaniya si Carl.

"Ngayon may manliligaw na sa'yo." Napatingin si Trisha kay Carl at nagulat silang lahat nang halikan niya si Trisha sa pisngi.

"Yieeeee! Ayan, dream come true na, Trisha," pang-aasar ni Michael.

"S-Sino naman?" nauutal na tanong ni Trisha kay Carl.

"Ako. Ako si Carl Guevarra, at pormal akong manliligaw kay Trisha Andrade," nakangiting sabi ni Carl subalit nanatiling nakaestatwa si Trisha dahil sa pagkabigla. "Silence means yes. Halika na sabay na tayong umuwi," dagdag pa niya at kinuha ang bag ni Trisha.

Sabay na silang lumakad palayo. Madalas din silang magkasama dahil nagiging malapit sila sa isa't isa. Iyon nga lang, hindi ine-expect ni Trisha na liligawan nga siya ni Carl.

"Alice, puwede ba kitang yayain bukas?" sabay na tanong nina Kenndrick at Michael. May balak yata silang sumali sa sabayang pagbigkas.

"Hindi ako puwede bukas dahil tutugtog kami ni Genesis sa Make-Believe Bar," sagot ni Alice kaya medyo na-disappoint ang dalawa niyang manliligaw.

GABI na nang makarating sila sa bahay nila. Dadalawa pa lang sila ni Genesis doon dahil si Trisha ay male-late daw dahil kumain sila ni Carl sa labas.

"Good night, Alice. I love you," sabi ni Genesis at hinalikan si Alice sa noo.

"Nakakailan ka na, ah!" kinikilig na sabi ni Alice sa kaniyang isip.

"G-Good night," tanging nasabi ni Alice at pumasok sa kwarto niya at nagpalit ng damit. Matutulog na sana siya kaso 'di na naman siya makatulog kaya bumangon siyang muli.

Hindi niya pala nai-lock ang pinto ng kuwarto niya kaya isasara niya na sana ang pinto ngunit nahagilap niya si Genesis na hawak ang violin niya sa sala at tumutugtog.

Nagulat si Alice nang makita na napatingin si Genesis sa kaniya at ngumiti. Napaiwas siya ng tingin at isasara na sana ang pinto nang biglang tumakbo papalapit ang binata at pinigilan ang pagsara n'on.

"G-Genesis..." bulong ni Alice at laking gulat niya nang umupo si Genesis sa kama niya habang hawak ang violin.

"Humiga ka na at tutugtugan kita hanggang sa makatulog ka," utos ni Genesis sa kaniya kaya sumunod na lamang siya sa gusto ng binata.

"Genesis, bakit ganyan ka sa akin? Hindi mo ba alam sa ginagawa mong 'yan nahuhulog ang loob ko? Natatakot ako na baka isang araw 'pag nahulog na ang loob ko sa'yo, hindi mo na ito sasaluhin," iyan ang nais na sabihin ni Alice ngunit hindi na lamang siya umimik.

Napapikit si Alice at napahinga ng malalim habang pinapakinggan si Genesis na tumutugtog. Imumulat na sana niya ang mga mata niya nang tumigil sa pagtugtog ang binata, kaso naramdaman niya na lang na may humalik sa pisngi niya.

"Good night, Alice. Mahal na mahal kita." Narinig niyang sambit ni Genesis. Mayamaya pa'y naramdaman niya na ang pag-alis nito.

Akala ni Genesis ay tulog na siya, pero hindi akalain ni Alice na hinahayaan niya lamang ang binata para halikan siya...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro