Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 10 - Courtships

Sa totoo lang, awang-awa si Genesis kay Alice. Hindi niya alam kung bakit may nararamdaman siyang kakaiba. Sa tuwing nakikita niyang masaya si Alice, sumasaya rin siya. Nasasaktan din siya sa tuwing umiiyak si Alice. 'Pag nadiyan na ang dalaga, tila kinakabahan siya na hindi niya maintindihan ang sarili niya.

Hindi niya maintindihan kung may paghanga ba siya sa dalaga o wala, o kaya naman ay pag-ibig na ang nararamdaman niya. Gusto niyang makumpirma ang nararamdaman niya dahil ayaw niyang masaktan si Alice. Inggit na inggit si Genesis kay Kenndrick dahil mahal na mahal talaga siya ni Alice—kahit pa nasaktan niya ito.

Mahal na mahal niya na nga yata si Alice, ngunit mas minabuti niya na lang na ikubli ang nararamdaman niya dahil mahal pa rin ni Alice si Kenndrick. Masakit man para sa kaniya, pero para kay Alice ay handa niyang tiisin ang lahat. Kaibigan lang ang turing sa kaniya ni Alice at wala siyang magagawa roon.

Hindi niya magagawang diktahan ang puso ng pinakamamahal niya. Magmaktol man ang pag-ibig niyang tila paslit, wala pa rin siyang magagawa. Subalit, ayaw niya namang tangayin na lamang ng hangin ang kaniyang pag-ibig papalayo.

Para sa kanya, ito na ang pinakamagandang nararamdaman niya, kahit pa may kalakip itong sakit. Gan'on naman talaga ang pag-ibig: pinaghalong kasiyahang tila umaabot sa alapaap, at dalamhating tila bumubulusok hanggang sa kailaliman ng baha ng mga luha.

Hindi niya na kinaya ang nakita niyang eksena kung saan magkayakap sina Alice at Kenndrick. Lumakad na lang ulit siya papalayo, at eksakto namang nakasalubong niya si Trisha at ibang empleyado. Lumapit sa kaniya si Trisha na mukhang may itatanong.

"Naasan si Alice?" tanong sa kaniya, pero hindi niya na siya pinansin.

Dumiretso siya sa rooftop ng building, at tinanaw ang pagsikat ng araw. Napahawak siya sa dibdib niya, at kung may anong naramdaman na naman siyang kakaiba.

"Posible kayang mahal ko na talaga si Alice?" tanong niya sa sarili, at kasabay n'on ay ang pagbuntong-hininga niya.

Matagal siyang tumambay sa rooftop nang mag-ring ang cellphone niya. Tumatawag si Carl.

"Hello, Genesis. Naasan ka na ba? Hinihintay ka na nila Alice!" sigaw ni Carl kaya nailayo niya sa tainga niya ang kaniyang cellphone.

"Umiiyak pa ba siya?" tanong naman ni Genesis, at nag-aalangan sa maririnig niyang sagot.

"What do you mean? Hindi siya umiiyak, pumunta ka na rito dahil 'yong manlolokong si Kenndrick ay balak landiin itong si Alice. Alam ko namang gusto mo si Alice, kaya papayag ka bang mapunta siya sa kay Kenndrick?" Katrabaho nga rin pala nila si Carl, kaya malamang na alam na niya rin ang tungkol sa pagdating ni Kenddrick—at pagbawi sa babaeng minsan niya nang pinakawalan.

Hindi na sumagot si Genesis. In-end niya na agad ang tawag at dali-daling bumaba.

"A-Alice, 'yong a-ano." Biglang nautal si Genesis at hindi na malaman kung ano ang sasabihin nang makarating na siya sa kinaroroonan ni Alice.

Sa pagdapo pa lang kasi niya ng tingin sa mga ngiti ni Alice ay napapatigil siya. Napapaurong din ang kaniyang dila habang mabilis ang pagkabog ng kaniyang puso.

"Buti nandito ka na para maipaliwanag ko na itong design," wika ni Alice at mas lalong nilawakan ang kaniyang ngiti.

"Hay, Alice! Hindi mo lang alam na sa 'pag ngiti mong 'yan, tuluyan akong nahuhulog sa'yo," sabi naman ni Genesis sa kaniyang isip at napailing.

Nagmumukha na tuloy siyang baliw, pero wala na siyang pakialam. Ang mahalaga sa kaniya ngayon ay ang nararamdaman niya kay Alice. Habang nagpapaliwanag nga si Alice ay parang walang pumapasok sa utak niya dahil nakatitig lamang siya sa dalaga.

Mabilis lumipas ang oras at lunch time na kaya agad tumayo si Genesis at inalalayan si Alice sa pagtayo.

"Oh, dahan-dahan lang, Alice, baka hindi mo pa kaya. Alam ko naman na labis kang nasaktan, pero huwag kang mag-alala nandito lang ako at hindi kita pababayaan," wika ni Genesis at kinuha ang bag niya 'saka tumingin kay Kenndrick na magkasalubong ang mga kilay.

Sinadya niya talagang sabihin iyon dahil gusto niyang patamaan si Kenndrick. Gusto niyang ipahiwatig na sa pananakit ni Kenndrick kay Alice ay handa siyang maging kalasag hanggang sa mapaibig niya rin ang dalaga.

"Salamat talaga, Genesis! Hulog ka talaga ng langit sa akin!" masayang sabi ni Alice at nagulat na lamang si Genesis sa sunod niyang ginawa. Nag-init ang mga pisngi niya nang hinalikan siya ni Alice sa pisngi sa harap mismo ni Kenndrick!

Nanlaki ang mga mata ni Kenndrick at napaawang ang kaniyang bibig. Si Trisha naman ay napatakip sa kaniyang bibig. Maging si Alice ay nagulat sa ginawa niya—nagulat siya sa sarili niyang kahangalan. Hindi na lamang ipinahalata ni Alice na maging siya ay nagulat sa ginawa niya. Mabuti na lang ay hindi sila napansin ng iba nilang mga katrabaho.

"O-Oh may lagnat ka ba, Genesis?" tanong ni Alice, subalit nanatiling nakatulala si Genesis habang namumula ang kaniyang mga pisngi.

"Tara, sabay na tayo kina Trish," sabi na lamang ni Alice, at hinigit ang kamay ni Genesis. Tila kasi naestatwa ang binata at hindi magawang ihakbang ang kaniyang mga paa.

Sabay-sabay silang apat, sina Alice, Trisha, Genesis, at Carl, na pumunta sa isang malapit na pakainan. Dala pa rin naman ni Alice ang boquet na ibinigay sa kaniya ni Kenndirck. Para kay Genesis, iyon na ang perpektong pagkakataon para isagawa ang plano niya. Bagamat inuunahan na siya ni Kenndrick ay hindi siya magpapatalo.

"May gagawin ka ba mamaya?" tanong ni Genesis kay Alice pagkaupo nila matapos silang mag-order ng pagkain.

Susubo na sana ng pasta si Alice, subalit napatigil siya at bahagyang napaisip. "Wala naman."

"Good. Pupunta tayo mamaya sa Make-Believe Park dahil may importante akong sasabihin," wika ng binata sa seryosong tono, at saka bigla niyang hinalikan sa pisngi si Alice.

Napaawang ang bibig ni Alice at nabitawan ang kaniyang tinidor. Kumalansing pa tuloy iyon sa kaniyang plato, at lumikha ng ingay. Si Trisha naman ay hindi maiwan ang kaniyang pag-ngiti. Maging si Carl ay napaawang ang bibig sa ginawa ng kaniyang kaibigan. Mabuti na lamang ay wala roon si Kenndrick, malaking gulo sana iyon.

"Don't blush, Alice, bumabawi lamang ako," pang-aasar niya, at hinaplos pa ang buhok ng dalaga.

Nag-iwas naman ng tingin si Alice, ngunit hindi niya maikubli ang mga ngiti sa kaniyang labi dahil sa ginawa sa kaniya ni Genesis.

Noong matapos na silang kumain, nagpaalam na si Alice kay Trisha dahil sasama siya kay Genesis sa Make-Believe Park. Pagkarating nila roon ay unti-unting nagiging kulay abo ang kalangitan dahil nagbabadyang umulan kaya ramdam ni Alice ang malamig na simoy ng hangin na humahaplos sa kaniyang balat.

Relaxing ang view doon dahil nagsisilaglagan ang mga bulaklak ng cherry blossom kasabay ng pag-ihip ng hangin. Dala-dala pa rin ni Alice ang boquet na ibinigay ni Kenndrick kaya hindi maiwasan ni Genesis na mailang. Mabuti na lang ay may binili rin siyang boquet ng red roses kanina.

Samanatala, mas lalong namangha si Alice dahil sa presensya ng mga cherry blossom trees. Wala kasing gan'on sa lugar na kinalakihan niya dahil sa mainit na temperature. Hindi naman nalalayo ang temperatura ng Fictional World kumpara sa Real World. Iyon nga lang, mundo ng mga kathang-isip ang ginagalawan nila, kaya naman ay posible ang pagkakaroon ng cherry blossom trees kahit hindi mababa ang temperatura.

"Ang ganda rito!" manghang-manghang sabi ni Alice at humiga sa damuhan.

Napatingin siya sa kalangitang makulimlim at sumilay ang malawak na ngiti sa kaniyang labi. Gustung-gusto niya talagang tumitig sa kalangitan habang nakahiga. Naramdaman niya namang humiga si Genesis sa tabi niya, kaya napalunok siya at muling bumilis ang pagtibok ng kaniyang puso.

"Oo nga, ang ganda," narinig niyang bulong ni Genesis kaya napatingin si Alice sa binate, at nagulat na lamang siya nang nakatingin din pala ito sa kaniya. Nagkalapit tuloy ang mga mukha nila.

Bagamat naisip niyang gasgas na ang mga gan'ong eksena sa mga libro at palabas, biglang dumaloy ang init sa pisngi niya nang haplusin ni Genesis ang pisngi niya.

"G-Genesis," bulong ni Alice at hindi niya na alam kung ano ang sasabihin.

"Alice, hindi ko na talaga kayang pigilan pa ang nararamdaman ko. Ngayon ko lang ulit ito naramdaman, at sa'yo ko ito nararamdaman sa pagkakataong ito," usal ni Genesis kaya napaawang ang bibig ni Alice.

"What do you mean, Genesis?" tanong niya habang nakatitig sa mga mata ng binata.

Bumuntong-hininga si Genesis. "Hindi ko alam, Alice, kung paano ko sasabihin, pero mahal na kita—malalim at mahirap ipaliwanag."

Nanlaki ang mga mata ni Alice, at biglang kumabog nang mas mabilis ang puso niya. Napakagat na lamang siya sa kaniyang pang-ibabang labi at hindi nakaimik.

"Alice, as time goes by, hindi ko na maipaliwanag ang nararamdaman ko sa iyo. Nasasaktan ako sa tuwing umiiyak ka dahil kay Kenndrick. Minsan nga inisip ko na sana ako na lang siya. Alice, I want you to be mine. Can I court you to show that I really love you?" tuloy-tuloy na saad ng binata nang walang pag-aalinlangan.

Hindi alam ni Alice ang isasagot niya. Una, si Kenndrick, tinanong niya kung pwede niya ba siyang ligawan. Tapos si Genesis naman.

Napaisip si Alice. Wala naman sigurong mawawala kung bibigyan niya ng chance si Genesis. After all, si Genesis ang naging sandalan niya. Si Genesis 'yong tipong lagi siyang inaalagaan at pinapagaan ang loob niya. Kaya lang, napakakomplikado ng sitwasyon ngayon.

"H-Hindi ko alam ang isasagot ko, sa totoo lang. Hindi ko inaasahang ganito pala ang nararamdaman mo sa akin," tugon ni Alice.

"Kaya nais kong hilingin sa iyo na sana ay bigyan mo ako ng pagkakataong ligawan ka," saad naman ni Genesis. May kung anong humaplos sa puso ni Alice dahil sa nagungusap na mga mata ni Genesis.

"Wala naman sigurong mawawala kung hahayaan kitang ligawan ako. Sa totoo lang, 'pag kasama kita laging gumagaan ang loob ko—malaki ang pasasalamat ko roon," sagot ni Alice.

Napangiti nang malawak si Genesis, at nagulat muli si Alice nang higitin siya nito at niyakap. Tila kakapusin na siya ng hininga. Hindi niya rin maunawaan kung bakit tila may kakaiba siyang nararamdaman. Gaya ng sinabi ni Genesis, malalim at mahirap ipaliwanag.

"Thank you, Alice. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya." Halos mangiyak-ngiyak pa ang boses ni Genesis.

Hinigit siya patayo ni Genesis. Ang lapit nila sa isat-isa tapos ay hinaplos pa ng binatang may malawak na ngiti ang pisngi niya. Mayamaya'y may dinampot si Genesis na isang boquet rin ng red roses sa damuhan, at inilahad iyon kay Alice.

Buong-giliw na tinanggpan iyon ni Alice, at inamoy pa ang mga bulaklak. Dalawang boquet na tuloy ang hawak niya ngayon. Humangin nang malakas at kasabay nito ay ang pagbuhos nang malakas na ulan.

"Takbo na, Alice!" sigaw ni Genesis at hinila siya.

Para silang mga batang tumatakbo sa ilalim ng ulan. Basang-basa na sila pero masaya pa rin sila. Maging ang mga dalang bulaklak ni Alice ay tuluyan na ring binasa ng ulan. Iyon na 'ata ang pinakamasayang araw niya sa Fictional World.

Maging ang malamig na ulan ay hindi makapagpapabura sa mga ngiti ni Alice. Masaya siya dahil unti-unti ng natutupad ang kahilingan niyang kasiyahan sa Fictional World. Hindi niya pinagsisisihan ang pagkakapadpad nila roon dahil hindi niya akalaing gan'on pala kasaya roon.

Pagkauwi nina Genesis at Alice ay nadatnan nilang nakatayo sa harap ng gate si Michael na tila ba may hinihintay. Nang makita ni Michael na nakarating na sila ay umayos siya ng tayo at nakangiting tumingin kay Alice.

"Bakit ka na naman nandito?" naiiritang tanong ni Genesis kay Michael.

Napakamot si Michael sa ulo niya gamit ang kaniyang kaliwang kamay dahil ang kanang kamay niya ay nakatago sa kaniyang likod. Tila may bagay siyang itinatago roon. Mayamaya pa'y tuluyan niyang inilahad ang kaniyang kanang kamay na may hawak na boquet ng red roses.

"Alice, bulaklak nga pala para sa'yo," wika ni Michael, at ibinigay niya ang boquet ng bulaklak kay Alice.

Hindi naman makapaniwala si Alice sa nangyayari kaya nag-aalangan niyang kinuha ang bulaklak. Si Genesis naman ay halos malaglag na ang kaniyang panga dahil sa ginawa ni Michael. Mukhang hindi lang si Kenndrick ang magiging karibal niya!

"Sa ayaw at sa gusto niyo, liligawan ko si Alice," giit ni Michael at kinindatan ang dalaga.

"B-Bakit... a-anong—"

Hindi na naituloy ni Alice ang sasabihan niya dahil pinutol na iyon ni Michael. "M-Matagal na akong may gusto kay Alice. Noon pa sa Real World, noong sila pa ni Kenndrick."

Sabay na napaawang ang bibig nina Alice at Genesis sa isiniwalat ni Michael na rebelasyon. Sasagot sana si Alice, subalit ngumiti lamang nang matamlay si Michael at lumakad na papalayo.

Tatlong boquet of flowers tuloy ang bitbit ni Alice. 'Yong isa ay galing kay Kenndrick, ang isa ay kay Genesis, at ang isa naman ay mula kay Michael.

Ibang-iba na talaga ang buhay ni Alice sa Fictional World. Doon ay pinag-aagawan siya ng tatlong lalaki, samantalang doon sa mundo nila ay single siya sa pagkahaba-habang panahon, hanggang sa dumating sa buhay niya si Kenndrick na iniwan naman siya.

"Anong ginawa niyo? Bakit kayo basang-basa? Nag-alala ako nang sobra, Alice!" pasigaw na litanya ni Trish pagkapasok nina Alice at Genesis sa bahay.

Magtatalak pa sana siya ngunit napatingin siya sa hawak ni Alice na tatlong boquet ng bulaklak. Nanlaki ang mga mata niya at napatingin kay Genesis.

"Ikaw rin, Genesis? Sabi na nga ba, may gusto ka sa bestfriend ko!" wika ni Trisha kaya pinipigilan ni Alice na mamula, ngunit bigo siya nang akbayan siya ni Genesis.

"Uhm, I really love this girl. She's my everything," tugon ni Genesis kaya pareho silang napangiti ni Trisha.

Pagkatapos ng eksenang iyon ay pumasok na si Alice sa kuwarto niya para magpalit ng damit. Kahit pa hindi niya na kaharap si Genesis ay hindi niya pa rin mapigilang mapangiti. Napaisip tuloy siya kung sino ang sasagutin niya sa kanilang tatlo.

Kung si Kenndrick, mahal niya pa rin ito pero natatakot siyang masaktan muli. 'Pag si Michael naman, puro kalokohan lang ang nasa utak niya. Playboy siya dati sa school nila at marami ng napaiyak na mga babae. Iyon nga lang, napansin niya ang pagiging seryoso niya kanina—na malayo sa nakikita niya araw-araw. Tapos ay ipinagtapat pa nitong matagal na siyang may gusto sa kaniya.

Kapag si Genesis naman, siya 'yong tipo ng lalaki na puro words of wisdom ang lumalabas sa bibig. Ang problema nga lang ay hindi niya pa naman siya nakasama ng matagal. Hindi tuloy makatulog si Alice. Napatalon siya sa kama at gumulung-gulong nang biglang mag-ring ang cellphone niya dahil tumatawag si Genesis.

"Genesis, bakit? Patulugin mo ako!" saad ni Alice sa kaniyang isip at napakagat sa kaniyang labi.

"H-Hello?" nauutal niyang sabi at napatakip ng bibig at pinipigilan na mapatili.

"Alam ko, hindi ka makatulog. Kakantahan na lang kita," tugon ni Genesis.

"Hindi naman. Actually, inaantok na ako eh," pagsisinungaling ni Alice at kunwari ay napahikab pa.

"Ah, gano'n ba? Sige, bukas na lang kita kakantahan. Good night, Alice! I love you."

Napatakip si Alice sa bibig niya at parang baliw na pinagsisipa ang mga unan dahil sa sinabi ng binata sa kaniya.

"G-Good night. I love you." Nanlaki ang mga mata ni Alice nang mapagtanto niya kung ano ang nasabi niya kay Genesis. In-end niya tuloy ang tawag.

"Ano'ng sabi ko? Nag-I love you ako sa kaniya? BAKIT KO GINAWA IYON?! Nahihibang ka na, Alice Salvador!" singhal ni Alice sa sarili at muling nagpagulong-gulong sa kama.

KINAUMAGAHAN ay halos hindi malaman ni Alice kung paano siya iiwas kay Genesis dahil sa sinabi niya kagabi.

Pagkatapos magbihis ni Alice ay dali-dali siyang lumabas ng kuwarto niya at nagtungo sa kusina.

Naalala niya na magkakasabay pala sila ni Genesis mamaya kaya napapadiyak na lamang siya. Muli niyang naalala 'yong pagsabi niya ng I love you sa binate, kaya napapikit siya at napabuntong-hininga habang nakangiti.

Binilisan na ni Alice na kumain at patakbong pumunta sa lababo nang bigla siyang nabangga kay Genesis! Napatingin siya sa mga mata ng binata na may malaking eye bags. Pinipilit niyang huwag tumawa ngunit nabigo siya.

"Tsk, tama na iyang tawa. Buti na lang mahal kita. At saka, tignan mo nga rin 'yong mata mo, malaki rin eyebags mo!" natatawang sabi sa kaniya ni Genesis kaya napatakip siya sa mukha niya. Nabulabog sila nang may nag-doorbell nang sunud-sunod.

"Alice, pumunta ka sa labas, dali!" pasigaw na utos ni Trisha kaya agad namang pumunta si Alice sa pinto, at nakita ang dalawang lalaking magkaibigang nag-uunahang pumasok.

"Hoy! Tabi ako ang nauna!" sabi ni Kenndrick at itinulak si Michael.

"Kapal mo, Kenndrick! Ikaw ba ang may ari ng bahay?" singhal naman ni Michael kay Kenndrick.

"Anong kaguluhan ito?" tanong ni Alice, kaya napatigil ang dalawang magkaibigan sa pagtutulakan.

"Ah, Alice, sabay na tayong pumasok," sabay na sabi nina Kenndrick at Michael.

"Hay naku, Alice! Ang haba talaga ng hair mo at tatlo ang manliligaw mo!" pang-aasar sa kaniya ni Trisha kaya binatukan niya ang kaibigan.

"Tatlo?" naguguluhang tanong ni Kenndrick.

"Bakit, bawal ba akong manligaw kay Alice?"

Napatingin si Alice kay Genesis na umakbay sa kaniya. Nagulat na lang siya nang may i-play si Gensis sa phone niya. Umakyat lahat ng dugo ni Alice sa mukha niya at hindi alam ang gagawin.

"G-Good night. I love you."

"G-Good night. I love you."

"G-Good night. I love you."

"G-Good night. I love you." 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro