Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 1 - New World

MALIWANANG na kulay kahel na kalangitan, na animo'y tuwang-tuwa ang araw dahil maaliwalas ang langit, ang sumilay kay Alice pagkatingin niya sa labas ng bintana. Ang maaliwalas na kalangitan ay kasing aliwalas ng mukha ni Alice habang nakaukit ang abot-taingang ngiti sa kaniyang labi.

"Dalian mo, Trisha, tara na!" Pagkatapos na bahagyang pagmasdan ni Alice ang kalangitan ay hinigit niya na ang kamay ng kaibigan niyang si Trisha.

"Halatang hindi excited," sarkastikong wika ni Trisha at hinila ang kaniyang kamay mula sa mahigpit na pagkakahawak ni Alice.

Pagkalabas nila ng kanilang silid-aralan, dumiretso sila kaagad sa cake shop para kunin ang pina-reserve ni Alice na cake. Graduate na sila ng kaibigan niya sa college, at ang kursong natapos nila ay Fine Arts, ngunit nasa eskuwelahan sila dahil kinuha nila ang mga naiwan nilang mga gamit.

Nang makuha na nila ang cake ay lumabas na sila mula sa shop, habang hindi pa rin matanggal ang nakapintang ngiti ni Alice. Kahit pa nakapapaso ang init ng araw, na tumatagos pa sa kanyang balat dahil nakasuot lamang siya ng sleevless red blouse at maong na paldang five inches above the knee, hindi pa rin no'n nabura ang kaniyang ngiti.

Si Trisha naman ay panay ang pagpunas niya ng panyo sa kaniyang noo dahil tagaktak na ang pawis niya. Kung si Alice ay malawak ang ngiti, kabaliktaran naman sa kanya dahil tila pinagsakluban siya ng langit at lupa. Mas lalo kasi siyang naiinitan dahil sa suot niyang itim na turtleneck longsleeved top na nakatucked-in sa kaniyang pantalon. Marumi na rin ang kaniyang puting sapatos na mas lalong nagpainit sa kaniyang ulo.

Dagdag pa sa nakapapasong sinag ng araw ang malalakas na busina ng mga sasakyan dahil marami na ang nagsisiuwian.

"Kung hindi lang kita bestfriend, eh," pagrereklamo ni Trisha.

Napahalakhak naman si Alice. "Kaya mahal na mahal kita, Trish!"

"Eh sinong mas mahal mo sa amin ni Kenndrick?" Napangisi lang naman si Alice sa tanong ng kaniyang kaibigan.

Pagkarating nila sa park ay umupo na sila sa bench na gawa sa semento. Napatingin siya sa cake na hawak niya na may nakasulat na "HAPPY MONTHSARY". Palinga-linga siya sa paligid dahil hinihintay niya ang pagdating ng kaniyang kasintahang si Kenndrick.

Ika-sampung monthsary nila ni Kenndrick ngayon. Hindi niya nga lubos akalain na umabot pa sila sa sampung buwan. Dati ay hinahangaan niya lang ang lalaking iyon. Ini-stalk niya lang sa mga social media accounts, ngunit ngayon ay kasintahan na niya. Kung tutuusin, masuwerte na siya kaya ginagawa niya ang lahat para mas mapatibay pa ang relasyon nila.

Ang kaninang tirik na tirik na araw ay unti-unti nang kumukupas. Ang kaninang maaliwalas na kalangitan ay natatakpan na ng makakapal na ulap.

"Sabi ni Kenndrick alas singko kayo magkikita! Alas sais na, oh!" pagrereklamo ni Trisha. Nakakunot ang kaniyang noo at magkasalubong din ang kaniyang mga kilay.

Napatingin si Alice sa kaniyang relo, alas sais na nga pala. Noong alas kuwatro pa sila naroon. Nangalay na nga ang pwetan niya, ngunit inisip niya na lang na baka naghahanda pa ang kaniyang kasintahan para sa isang surpresa.

"Trish, hintay lang, mamaya nandito na siya," wika ni Alice, at ngumiti sa kaibigan na tila ba sinasabi na darating din ang kaniyang kasintahan.

"Hintay? Wow!" Napatayo si Trisha at pinagkrus ang kaniyang mga braso. "Siya ang lalaki tapos siya ang magpapahintay!"

Napagisip-isip ni Alice na may point nga naman ang kaniyang kaibigan, kaya dumaloy ang kaba sa kaniyang dibdib. Hindi niya alam kung bakit niya nararamdaman iyon. Kung tutuusin naman, wala siyang dapat na ikabahala.

"Ayun na pala siya, oh!" turo ni Alice malapit sa puno sa may entrance, at natanaw niyang naglalakad papunta sa kinaroroonan nila ang kaniyang kasintahan.

"Oh, aalis muna ako saglit para naman makapag-date kayo," sabi ni Trisha atsaka umalis.

Ayos lang naman kay Trisha na maging third-wheel siya palagi sa date nina Alice at Kenndrick. Palibhasa kasi ay nalilibre siya ng mga pagkain kaya wala siyang reklamo. Isa pa, basta para kay Alice ay gagawin niya. Ang ayaw niya lang naman ay ang paghintayin nang matagal si Alice at magmukhang kawawa.

Todo naman ang ngiti ni Alice habang papalapit sa kaniyang kasintahan.

"Happy monthsary!" Niyakap niya si Kenndrick at ilang saglit pa ay kumalas lang din siya. "Akalain mo, going strong pa rin tayo at umabot ng 10 months!" masigla niyang sabi at pinisil ang pisngi ng kasintahan. Nagulat na lang siya nang marahas na tinabig ni Kenndrick ang kaniyang kamay.

Ni "Hi" o kaya naman, "Happy monthsary too," ay wala siyang narinig sa kaniyang kasintahan, samantalang noong nakaraan ay todo ang effort ng lalaki.

Magkasalubong naman ang kilay ni Kenddrick habang nakaismid. "May importante tayong pag-uusapan."

"Ano iyon? Kainin muna natin itong cake na binili ko," masigla pa ring sabi ni Alice kahit na seryosong-seryoso ang hitsura ng binata. Inisip niya na lang na baka pagod lang si Kenndrick kaya gan'on.

"May pag-uusapan nga tayo," giit pa ng binate.

"Mamaya na iyan, kumain muna tayo," pagpupumilit pa ni Alice habang binubuksan ang box ng cake pero marahas siyang ipinaharap ng binata.

Muntik pang natumba si Alice, mabuti na lang ay agad niyang nabalanse ang kaniyang katawan.

"A-Aray! Pwede mo namang sabihin nang maayos."

"Mamaya na nga kasi iyan! Ang kulit mo naman!" singhal ni Kenndrick sa kaniya, at nakita niya pang nakakuyom ang mga kamao ng binata.

"Tenth m-monthsary naman natin ngayon, eh. Atsaka, hindi mo pa nga ako binabati," may bakas na takot sa boses ni Alice habang sinasabi niya iyon sa kaniyang kasintahan.

Hindi niya mawari kung iyon ba ay takot o kaba dahil iyon ang unang beses na umakto ng gan'on si Kenndrick.

"Oo, umabot tayo ng 10 months at hanggang doon na lang yon!" sigaw ng binate.

Napaawang naman ang bibig ni Alice at isang minutong hindi nakaimik. "Ang galing mo talagang mag biro, Kenndrick!" Napapalakpak pa siya at ngumiti nang pilit.

Umaakto siya na parang wala lang; na parang nakikisabay lang siya sa trip ng kaniyang kasintahan dahil malay ba niya kung prank lang iyon. Pero kahit gano'n, nasasaktan pa rin si Alice sa mga sinabi ni Kenndrick sa kaniya.

"Hindi ba malinaw sa'yo? Break na tayo!" sigaw muli sa kaniya ni Kenndrick. Noong una, hindi pa magsink-in sa utak niya ang sinabi sa kaniya ni Kenndrick.

Hindi makapaniwala si Alice dahil wala naman siyang naaalala na may nagawa o nasabi siyang mali. Lahat nga ay ginagawa niya para lang mapatibay ang relasyon nila. Napakarami niya ng sakripisyo kaya wala naman siyang nakikitang rason para hiwalayan siya ni Kenndrick.

Tila may sariling utak ang mga luha niya at kusa na lang itong tumulo.

"No, don't cry, baka naman kasi parte ito ng surprise niya para sa monthsary namin. Alam ko naman na mahal na mahal niya ako," pangungumbinse niya sa kaniyang isip.

"Please, Kenndrick, huwag kang magbiro ng ganiyan. See, 10th monthsary natin ngayon. Ang Kenndrick Collins na kilala ko hindi ganiyan," sabi ni Alice, ngunit napangiwi siya nang marahas na pisilin ni Kenndrick ang magkabilaang pisngi niya gamit ang isa niyang kamay.

"Hindi nga ako nagbibiro, Alice Salvador! Hindi ba malinaw sa'yo na ginamit lang kita? Ginamit lang kita para mapaglapit kami ng dati mong kaibigan na si Janine. See, mag se-seven months na kami ngayon," ani Kenndrick sa kaniya at binitawan siya.

Hindi siya halos makapag-salita dahil tila may bumabara sa lalamunan niya. Pinunasan niya ang luha niya at pinigilang umiyak sa harap ng kasintahan.

"May nagawa ba akong mali? Sabihin mo sa akin, Kenndrick, kung saan ako nagkulang. Alam mo naman na mahal na mahal kita, 'di ba? 'Di ba sabi mo mahal na mahal mo rin ako?" umiiyak na tanong ni Alice at umaasa na bibigyan siya ng sagot na magpapagaan sa loob niya.

"Hindi totoong mahal kita! Wala na tayo at higit sa lahat, walang tayo!"

Sa puntong iyon, lahat ng lungkot niya ay nawala. Napakuyom ang mga kamao niya sa sinabi Kenndrick sa kaniya. Ginawa lang pala siyang tulay para magkatuluyan sila ni Kenndrick at ex-bestfriend niya. Ginamit at niloko lang siya ni Kenndrick. Simula pala sa una ay hindi pala siya minahala ng binata.

"Gano'n ba? Salamat na lang dahil kahit hindi mo ako totoong mahal, napasaya mo pa rin ako. Pero kahit niloko mo lang pala ako, mahal pa rin kita. Pakisabi nga pala kay Janine na kumusta siya. Congrats, pakasal kayo," wika niya at pilit na ngumiti.

Aalis na sana si Alice ngunit muli niyang hinarap si Kenndrick at malakas niya siyang sinampal sa kaniyang pisngi.

"Para 'yan sa pangloloko mo sa akin."

Pagkasabi niya no'n ay naglakad na siya papalayo, at eksakto namang unti-unti ng pumapatak ang mga ambon, hanggang sa tuluyan nang bumuhos ang malakas na ulan.

Sumabay ang kalangitan sa bugso ng damdamin niya. Habang lumalakas ang pag-iyak niya ay ang paglakas ng ulan. Ang malamig na tubig-ulan na humahaplos sa kaniyang balat ay hindi niya ininda.

Labis siyang nasasaktan dahil ipinagkatiwala niya ang puso niya kay Kenndrick. Hindi niya akalain na simula pala noong una ay niloloko na siya ng taong akala niya ay mamahalin siya.

Napagisip-isip tuloy ni Alice na sa mga libro lang talaga nag-e-exist ang mga perpektong lalaki, pag-ibig, at higit sa lahat, doon lang matatagpuan ang happily ever after. Gan'on naman kasi palagi sa mga nababasa niyang libro.

Si Kenndrick ang naging first boyfriend ni Alice; first na ka-text, at kalandian. Simula noong mawala ang mga magulang niya, si Kenndrick ang naging sandalan niya. Siya ang naging lakas at kalasag niya simula noong mawalan siya ng pamilya.

Hinayaan lang ni Alice na rumagasa ang mga luha niya habang nasa ilalim ng ulan. Naramdaman niyang tinapik ni Trisha ang likuran niya. Tama nga sila, maitatakwil ka ng kasintahan mo pero ang kaibigan ay hindi ka kailanman iiwan.

"Tara na, Alice," pag-aaya ni Trisha kaya tumayo siya habang umiiyak.

Umiiyak lamang si Alice habang naglalakad sila. Malabo na ang mata niya dahil sa luha at ulan. Natawa na lang siya dahil nakikisabay ang panahon sa damdamin niya. Abril na abril pagkatapos ay uulan.

Hindi siya makapaniwala na ang unang lalaking minahal niya ay lolokohin siya. Buong akala niya, mahal talaga siya ni Kenndrick. Willing naman siyang tulungan si Kenndrick kay Janine, pero sana ay 'di na siya pina-ibig at ginamit. Hindi niya maintindihan ang ibang mga lalaki kung bakit kailangan pa nilang manggamit ng iba para lamang makuha kung ano ang gusto nila.

Naglalakad sila sa ilalim ng ulan at 'di malaman kung ano ang gagawin dahil sa sakit na nararamdaman niya.

"Sana kasabay ng pag-agos ng tubig galing sa ulan ay ang pagtangay ng sakit na nararamdaman ko," hiling niya sa kaniyang isipan.

Nakatingin lang sa kaniya si Trisha, at hindi nakatingin sa dinadaanan dahil naaawa sa kaniya ang kaniyang kaibigan. Sinabihan na s'ya noon ni Trish na mag-ingat kay Kenndrick dahil hindi nila alam kung niloloko lang ba siya o seryoso nga siya sa kaniya, ngunit hindi iyon pinakinggan ni Alice.

At dahil hindi sila nakatingin sa daan, hindi nila napansin ang malaking butas sa damuhan kaya naman ay nalaglag sila doon.

"Aaaahhhhhh!!!"

Nalaglag sila sa butas pero parang may naramdaman si Alice na kakaiba. Parang may kung ano-anong mga bagay na humahampas sa kaniya, tapos ay samut-saring mga tunog ang naririnig niya.

Habang nalalaglag sila ay may tumangay na parang ipu-ipo sa kanila sa loob. Nag paikot-ikot lang sila at inisip kung katapusan na ba nila iyon. Habang nagpapaikot-ikot sila, nag-flashback lahat kay Alice ang mga katagang sinabi sa kaniya ni Kenndrick.

"Mahal na mahal kita, Alice."

"Ikaw lang ang mahal ko."

"Hindi ko kaya pag mawawala ka sa akin."

"Okay lang na maging corny ako, mapasaya lang kita."

"I love you always and forever."

"Nandito lang ako para sayo."

"Oo, umabot tayo ng 10 months at hanggang doon na lang 'yon."

"Hindi nga ako nagbibiro! Alice Salvador, ang tanga mo! Hindi ba malinaw sayo na ginamit lang kita? Ginamit lang kita para mapaglapit kami ng dati mong kaibigan na si Janine. See, mag se-seven months na kami ngayon."

"Hindi totoong mahal kita! Wala na tayo at higit sa lahat, walang tayo!"

Nag paikut-ikot lang sila habang iba't ibang mga tunog ang nadidinig nila. Maya-maya ay bumagsak sila at nawalan ng malay.


NAGISING si Alice sa nakasisilaw na liwanag na tumama sa mga mata niya. Napamulat siya at halos malaglag ang panga niya sa nakita niya. Iginala niya ang kaniyang panangin at bumungad sa kaniya ang malakawak na hardin na may iba't ibang uri ng mga bulaklak na tila nababalutan ng mahika.

Para siyang nasa isang paraiso! Naisip niya tuloy na baka langit na nga iyon.

Naisip niya pa na mabuti naman kung gano'n. Patay na siya. Ibig sabihin, hindi niya na mararamdaman ang sakit na ibinigay ni Kenndrick sa kaniya.

Muli na namang tumulo ang luha niya kaya agad niya itong pinunasan. Hindi pa siya patay dahil kung patay na sana siya ay hindi niya na iyon mararamdaman pa.

Agad hinanap ni Alice si Trish na naroon lang pala sa 'di kalayuan. Nanlalambot ang kaniyang mga tuhod na lumapit sa kaibigan. Hindi niya alam kung nasaan sila ngayon, pero wala na siyang pakialam basta kasama niya ang kaibigan niya. Tutal siya lang naman ang natitirang mahalaga sa buhay niya.

"Trish, gising!" sigaw ni Alice tapos ay niyugyog ang kaibigan, pero ayaw niyang magising, kaya sinubukan niya muli siyang gisingin. Naiiyak nanaman siya dahil hindi niya siya magising. Natatakot siya na pati ang kaibigan niya ay mawala sa kaniya.

Nawalan na nga siya ng pamilya, nawalan pa siya ng minamahal. Siguro nga pinagpala siya ng kamalasan sa buhay. May mga tao talaga na katulad niya na sunod-sunod ang dinaranas na kamalasan sa buhay. Iyon bang ipinanganak ka para danasin lang lahat ng iyon.

"TRISHA ANDRADE, GUMISING KA!" sigaw muli ni Alice sa tainga ng kaibigan kaya napabalingkwas si Trisha at unti-unting iminulat ang mga mata.

Napatigil si Alice nang biglang kuminang ang mga mata ni Trisha na parang may nakitang napakaganda.

Napatingin din si Alice kung saan nakatingin si Trisha. Hindi niya inaakala ang nasilayan niya. Hindi niya alam kung prank lang ba iyon o karatula lang na inilagay. Binasa niya ang nakasulat sa may malaking arko. Nakaukit ito sa pilak na arko na napakataas.

"WELCOME TO FICTIONAL WORLD"

"Alice, totoo ba ito?" hindi makapaniwalang tanong ni Trish.

Oo, pinangarap ni Alice na mag-exist sa totoong buhay ang Fictional World. Pinangarap niya ring mag-exist ang mga fictional characters, pero hindi niya naman inaakala na mag-e-exist talaga sila.

"Sandali lang, kailangan natin munang kumpirmahin kung totoo nga ba ito," sabi naman ni Alice, at hinigit ang kaibigan papunta sa arko.

Lalabas na sana sila nang parang may invisible barrier na sumasangga kaya itinutulak sila nito pabalik. Sinubukan ulit nila pero ayaw talaga silang palabasin.

"Masyado kayong atat."

Sabay silang napatingin sa likuran nila nang may biglang magsalita. Bumungad sa kanila ang isang babaeng napakaganda. Tila isang porselana ang kaniyang kutis. Mala rosas din ang kaniyang pisngi at may mapupungay na mga mata. Nangingislap din ang babae mula ulo hanggang paa na tila nababalutan din ng mahika.

Nakasisilaw din ang suot nitong mahabang long gown na kulay dilaw. Kasing liwanag n'on ang sinag ng araw, kaya hindi sila makatingin nang matagal sa kaniyang damit.

"Sino po kayo?" tanong ni Trisha.

"Ako si Cif, ang nangagalaga sa lagusan ng Fictional World," tugon ng babae sa kanila kaya naman ay manghang-mangha ang dalawa.

"Totoo palang nag-e-exist ang Fictional World!" halos himataying sabi ni Alice kaya tinapik siya ni Trisha.

"Oo, nagpapakita lang ang portal sa mga mahihilig sa mga nobela at mga istorya. Bihira lang magpakita ang lagusan dahil lumalabas ito every 5 years," sabi pa ni Cif na siyang pinakinggang mabuti ng dalawa.

"May tanong po ako, paano po ba nabuo ang Fictional World?" tanong ni Alice kaya nginitian siya ni Cif. Namamangha pa rin si Alice sa kagandahan ni Cif na tila ba puwedeng isabak sa isang beauty contest.

Paniwalang-paniwala rin naman silang dalawa na nasa Fictional World nga sila dahil halata naman sa kausap nilang si Cif na nababalutan ng mahika, pati na rin ang mala-paraisong kinalalagyan nila.

"Dahil ito sa mga manunulat. Hindi nila alam na sa bawat kabanata na isinusulat nila ay nagdudugtung-dugtong at doon nabuo ang Fictional World," paliwanag ni Cif sa kanila.

Napatango silang dalawa at lalabas na sana sila ngunit itinulak silang muli ng barrier.

"Binabalaan ko kayo na kapag namatay kayo dito sa Fictional World, maibabalik kayo sa mundo niyo. PERO dalawa ang posibleng mangyari, hindi niyo na makikita ang taong nakasalamuha niyo rito sa Fictional World o kaya ay hindi ka nila maaalala o ikaw ang hindi makaka-alala," dagdag pa ni Cif kaya napaisip si Alice.

"Hindi naman siguro kami mamamatay rito sa Fictional World," wika ni Alice sa kaniyang isip.

"May kabilang mundo pa ang Fictional World at iyon ay ang mundo ng mga mahika. Nandito naman kayo ngayon sa mundo ng pag-ibig dahil iyon ang hinahanap ni Alice," dagdag pa ni Cif na tila nababasa kung ano ang nasa isip at puso ni Alice.

Hindi naman nakaimik si Alice dahil tamang-tama ang sinabi ni Cif. Pag-ibig nga ang pinakaasam-asam niya.

"Sige, maaari na kayong lumabas." Pagksabi ni Cif n'on ay dali-dali na silang umalis nang hindi man lang nagpapaalam.

Humiling si Alice na sana nga totoo talagang nasa Fictional World sila at hindi sila pina-prank ni Cif. At least, doon ay alam niyang ang mga tao o lalaki roon ay hindi katulad sa mundo nila. Hindi katulad ni Kenndrick.

"Woah! Alice, ang ganda!" nakaawang ang bibig na wika ni Trisha habang nakatingin sa mga nagtataasang mga building na apat na beses na mas malaki kaysa sa mga building sa Manila.

Kapansin-pansin rin ang kakaibang kulay ng kalangitan. Kung sa Real World ay kulay puti ang ulap at asul na kalangitan, sa Fictional World naman ay kulay asul ang kalangitan at kulay rose quartz naman ang ulap.

Inisip na Alice na siguro ay nakatadhana talaga na mapadpad sila roon. New life, new atmosphere, new environment. Doon na siguro magsisimula ang bagong pahina ng buhay niya, at iiwanan lahat ng masasamang alaala mula sa nakaraan sa Real World.

Nagulat siya nang biglang tumili si Trisha kaya napatingin siya nang masama sa kaibigan. Tumingin naman siya kung saan tumitingin si Trisha at napatili rin ito nang malakas.

Hindi niya akalain na ang isa sa mga pinakapaborito niyang fictional character ay makakasalubong nila kaya agad nilang nilapitan ang karakter. Gusto na nilang magwala dahil sa sobrang kilig at tuwa pero nagpipigil lamang sila dahil tiyak ay pagtitinginan lamang sila ng maraming tao.

"May kailangan ba kayo sa akin?" tanong ng karakter sa kanila.

"Pwede pong pa-selfie?" tanong din ni Alice kaya napatango siya at bakas ang pagtataka sa kaniyang mukha. Walang kaalam-alam na sikat na sikat ang karakter na iyon sa totoong mundo at napakarami ang humahanga sa kaniya.

"Salamat!" tuwang-tuwang sabi ni Alice kaya pagkatapos no'n ay agad na silang umalis dahil agad din naman silang tinalikuran ng karakter.

"Alice, ang swerte naman natin!" tili ni Trish dahil sa kilig, ngunit may naalala si Alice na isang problema.

"Pero, Trisha saan tayo titira dito?" tanong ni Alice kaya napatigil sila sa paglalakad ni Trisha.

"Bahala na! Kung saan tayo dalhin ng mga paa natin, eh 'di doon tayo!" kampanteng sagot ng kaibigan.

Nakarating nga sila sa Fictional World wala naman silang matutuluyan. Ni wala nga silang ka-close na fictional character na pwede nilang puntahan. Puwera na lang kung may nakatadhana doon na tutulungan sila tapos ay magiging ka-love team ni Alice, na siyang hinihiling niya. Pero naisip niya rin na malabong magkaroon siya ng ka-love team doon. Baka kasi nakatadhana sa kaniya na zero love life siya dahil sa kasalanang nagawa niya noon.

Pakiramdam niya, ang kasalanang iyon ay siyang nagdadala ng sunod-sunod na kamalasan niya sa buhay, pati na rin sa kaniyang love life.

Naisip niya rin na bago niya problemahin ang lovelife niya ay dapat problemahin niya muna kung saan sila titira. Siguro nga talagang doon na sila. Doon na siya magmomove-on; magsisimula ng panibagong buhay na wala si Kenndrick.

Subalit hindi mawari ni Alice kung bakit kahit na niloko lang siya ni Kenndrick ay parang siya pa rin ang iniibig niya? Kahit nasasaktan si Alice ay ititnitibok pa rin ng puso niya ang lalaking iyon. Hindi niya na siya makikita pa. Doon na siya hanggang sa mamatay siya, at muling maibabalik sa totoong mundo.

"Kenndrick..." bulong na lamang ni Alice.

Hanggang bulong na lamang siya dahil hindi niya na muling makikita pa ang unang lalaking inibig niya nang lubos.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro