TATLO
NAGULAT si Jessica nang mabungaran niya si Andrei sa sala nila kinabukasan. Kalalabas niya lang kwarto at papasok na ng opisina.
"Ang aga mo ata."
"Hatid kita ng office." Nakangiti nitong turan.
"May lahi ka bang intsik, Ate Andrei?"" Sabad ni Kylie na nakabihis na rin ng school uniform nito.
"No. Why?"
"Ate, binabakuran ka na niyan. Hala ka." Asar ng kapatid. Kinindatan pa siya nito.
"Ang aga, Kylie."
"Mag-agahan ka na, Iska." Yaya na rin ng nanay niya
"Sa office na. 'nay. Late na ko." Nagmano na siya rito bago hinila si Andrei palabas ng bahay.
Pinagbuksan muna siya nito ng pintuan ng sasakyan bago tinungo ang driver's side.
"Do you drink coffee?" Tanong nito matapso mai-start ang sasakyan.
"Oo. Bakit?"
"There's coffee in the console. You choose between café Americano and latte."
Napasulyap siya sa sinasabi nito. May doughnuts din doon. Lahat classic doughnuts ang flavor.
"Salamat. This is my favorite."
"I know. You always order classic doughnuts in the cafeteria."
Napatingin siya dito. Napasulyap din ito sa kanya bago siya nginitian.
"Nagkasabay ba tayo noon?"
"Yes. Twice." Napakibit-balikat na lang siya nang hindi niya maalala. "Eat, Iska." Utos naman nito.
"Kumain ka na?" Umiling ito. "Here."
Iniumang niya ang doughnut sa bibig nito. Kumagat naman ito. "Thank you."
"Bakit nga pala ang aga mo sumugod sa bahay? Anong meron?"
"No reason."
"Hanggan kalian pala ang bakasyon mo?" Pag-iiba niya ng usapan.
"I have a month."
Sinubuan niya ulit ito. Wala na silang imikan hanggang sa makarating sila ng opisina.
++++++++++++++
INAAYOS ni Jessica ang mga files na nasa mesa niya nang maulinigan niya ang boses ng HR manager nila na si Mr. Anton Marquez. Malamang papasok pa lang ito ng pribado nitong opisina.
"Issa, nakita mo ba iyong kausap ni Sir Anton?" Si Cecille na sumandal pa sa tabi ng cubicle niya. Isa itong HR assistant.
Umiling siya. "Kilala mo?" Tanong niya habang patuloy sa ginagawa.
"Hindi. Ang ganda kasi. Parang model. Foreigner."
"Nagbago na ba ng preference si sir?" Nakangiti niyang tanong. Certified gay kasi ang manager nila.
Bago pa man makasagot sa kanya si Cecille tumunog na ang telepono sa tabi niya.
"HR. This is Issa."
"In my office, Ms. Gordon." Iyon lang at ibinaba na ng sa kabilang linya.
Tumayo na siya. Umalis na rin sa pagkakasandal si Cecille.
"Sino 'yun?"
"Si sir."
Iniwan na niya ang katrabaho. Malamang babalik na rin iyon sa sarili niyang cubicle.
After three knocks, pumasok na siya sa pribadong opisina ng manager. Napakunot ang noo niya nang makitang parang pamilyar sa kanya ang bulto ng katawan ng taong kausap nito
"Sir?"
Parehong napatingin sa kanya ang dalawa. At tama rin ang hinala niya.
"Miss Godon, please sit down."
She did. Nakaharap din siya sa bisita nito. Ngumiti naman ng matamis sa kanya ang kaharap niya.
"Miss Gordon, meet Andrei. Couz, meet Miss Jessica Gordon." Pakilala nito sa kanilang dalawa.
"Magpinsan kayo?"
"Yes." Matamis pa rin ang ngiting binigay nito sa kanya. "Our mothers were sisters."
"Did you hear anything about Gretch?" Tanong dito ng superior niya.
"Last I hear, she was dating that model from a certain brand."
"Again? That's her ex, right?" Kibit-balikat ang sagot ni Andrei. "What are we going to do with that wench? Her father is still against her sexual preference."
Napatingin siya sa kanyang manager. Nakatikwas ang kilay nito.
"She should have played volleybal, instead. Her career in that department is more promising than her father accepting her sexual orientation." Dagdag pa nito.
"Gretchen is still our cousin. She needs our support."
"Pinsan niyo si Gretchen Sy?" Hindi niya napigilang itanong. Ang binabanggit kasi nilang pangalan ay ang taong nalilink kay Andrei noong college.
"Our mothers were sisters. Were a bunch of mixed nationalities." Paliwanag ni Andrei. "Mines American. Anton here is of Spanish descent. Our other cousins were Italian and a Molatto."
"Benetton." Bulong niya.
Napahalakhak ang dalawa na narinig pa rin ang sinabi niya. Namula siya sa pagkakapahiya.
"Lesbian si Gretchen Sy?"
"Tama, Miss Gordon. Girlfriend niya ngayon ang Korean model ng isang sikat na apparel."
"Really? She's into chinky eyes now?"
"Wala naman preference ang bruhang iyon." Napairap pa si Sir Anton. "Kumusta naman kayo ni Jennifer?"
Napatingin naman siya kay Andrei. Sino naman kaya si Jennifer?
"We just had a date or two. She's into that director."
"But he's married?"
Pabalik-balik na lang ang paningin niya sa dalawa. Nagmumukha siya tsismosa dito.
Napatikhim siya bago pa man niya marinig ang mga juicy details nito.
"May iba pa po ba kayong kailangan, sir?"
"Gusto ka lang naman makilala ni Andrei nang personal. Also, magpapamerienda siya mamaya. Right, couz?"
Andrei rolled her eyes but nodded. Napangiti na lang siya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro