SAMPU (WAKAS)
"ATE? Ate!"
"Sa kusina." Sagot ni Issa sa sigaw ng kapatid.
Kararating lang ni Kylie mula sa school. Kaninang umaga rin lang sila dumating mula US.
"I miss you, Ate Iska." Yumakap pa ito sa kanya nang mahigpit.
Naiintindihan naman niya ito dahil tatlo na lang sila sa pamilya at bihira mangyari na umaalis siya ng matagal.
"Namiss din kita."
"Asan ang pasalubong ko?" Inilahad pa nito ang palad matapos bumitiw sa kanya.
"Nasa kwarto mo na."
"Thank you. You're the best." Napailing na lang siya nang iwanan na agad siya nito.
"Is that Kylie?"
Napalingon siya kay Andrei na pumasok na ng kusina. Tumango siya rito. Tumayo ito sa tabi niya at hinalikan siya sa labi.
"Coffee?"
"Yes please."
Naupo na ito nang ipagtimpla niya ito ng kape. Ginawan na rin niya ang sarili. Naupo na rin siya sa tabi nito.
"Ate Andrei, I miss you, too." Sigaw na naman ni Kylie na nasa kusina na ulit. Nakabihis na ito ng pambahay.
"Mama!"
Nagkatinginan sila ni Andrei. Ito na ang tumayo para pumunta sa kwarto niya.
"May bata dito?" Takang tanong ng kapatid. Tumango na lang siya.
"Mama! I want my mama!"
Pareho silang napalingon nang pumasok si Andrei na karga ang umiiyak na si Ike. Nanghahaba pa ang nguso ng bata habang kinukusot ang mga mata.
Kinuha na niya ang bata sa mommy nito. Niyakap naman agad siya ni Ike nang makalapit. Tumigil na rin ito sa pag-iyak. Malamang naalimpungatan ito sa ingay ng kapatid niya.
"Kaninong anak 'yan?" Gulat na tanong ni Kylie.Napatingin din dito si Ike na namumula pa ang mukha. "Huwag niyo ng sagutin. Obvious naman."
"Bakit umiiyak ang apo ko?" Tanong naman ng nanay niya na bagong dating.
"Lola." Si ike na ang sumagot kahit na tunog 'low-la' ang pagkakasabi nito.
Nagpout pa ito sa nanay niya na parang naiiyak ulit.
"Don't cry, baby." Alo naman ng nanay niya na kinuha sa bisig niya ang bata. "Lola will take care of you."
Nakasunod lang ang tingin nila dito nang iwanan sila ng nanay niya. Hindi man lang lumingon si Ike sa kanila.
Kaninang pagdating nila, matapos nilang magpaliwanag kay nanay, agad na nagkagaanan ng loob ang maglola. Nakuha kaagad ni Ike ang loob ng nanay nila palibhasa sabik sa bata.
"Hala! Anong nangyari kay nanay?" Ani kylie na naunang nakabawi.
"Sabik sa bata."
"Ano 'yan?" Nginuso nito ang kamay niya. "Two weeks ka lang nawala, Iska."
Nakangiting nagkatinginan sila ni Andrei. Lumapit pa ito sa kanya at inakbayan siya. Muli nitong hinarap si Kylie.
"I married your sister in Vegas."
"What?!" Pinandilatan siya ng nakababatang kapatid. "Two weeks lang na nawala ka. Anyare?"
"Hindi na ko nakahindi."
"I told you, your idea was great. I make tanan your Ate." Natatawang tugon pa ni Andrei.
"So, pamangkin ko na ang imported nabatang 'yon?" Tumango siya. Lumawak ang ngiti ng kapatid niy. "Dito kayo matutulog?"
"Yes."
"Tabi kami. Pabor 'yun sa inyo since honeymoon stage pa ang peg niyo."
Minsan napapaisip siya kung fifteen years old nga lang talaga ang kapatid niya. Ganito na ba talaga ang mga bata ngayon?
"Are you sure?" Narinig niyang tugon ni Andrei.
"Oo naman. Huwag kayong ano, ha. Lawak ng ngiti mo, Ate Andrei. " Natawa sila pareho. "Ate, pwede ko bang imbitahin ang mga friends ko bukas dito sa bahay?"
"Walang problema."
"Good. Ipapakilala ko ang pamangkin ko sa kanila." Proud pa nitong turan na kinatuwa niya. "Ano nga pala ang pangalan ng imported kong pamangkin?"
"Ike."
"Sige, puntahan ko muna si baby Ike baka nilamog na iyon ni Linda."
Napapailing na lang siya na sinundan niya ng tingin ang papalayong pigura ng kapatid.
Tiningala niya si Andrei nang yakapin siya nito. Hinalikan pa siya nito sa labi.
"I love your family."
"Mahal ka rin nila."
Matiim siya nitong tinitigan. Nakangiti lang siya ditto.
"Do you know how much I love you, Mrs. James?"
"I'm beginning to see how much, Mrs. James."
Napangiti rin ito. "I'm glad, Iska." Inilapit nito ang mga labi sa tainga nila. "Maybe we can start on Kylie's offer."
"What offer?"
"That honeymoon. She volunteered on babaysitting"
Inakay na rin siya nito patungo sa kwarto niya. Natatawang kinurot niya ito sa tagiliran.
------ FIN ------
Guys,
Please read also my other books.
* Sweet surrender
*The homecoming of Kayla King
Both were completed.
Thank you.
Lovelots,
- JM
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro