Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

LIMA

PINAGPAG ni Issa ang payong na basa bago inilapag sa may pintuan. Inabutan na siya ng malakas na ulan kaninang paglabas niya ng opisina.

Hinatid na rin ni Greg. Naghihintay na rin kasi ito sa baba ng building ng opisina. Pareho lang din ang kumpanyang pinapasukan nila.

Hindi na niya ito pinababa ng kotse. Baka abutan pa ito ng pagbaha sa daan.

"Ate, tingnan mo kung sino ang nandito." Halata ang katuwaan sa boses ni Kylie.

Nilingon naman niya ito. Nagulat siya nang makitang nasa tabi nito si Andrei.

Simpleng ngiti ang binigay nito sa kanya. Ganoon din ang ginawa niya.

"Gusto mo ng chocolate, Ate?" Anang kapatid na nilalantakan ang paborito nitong toblerone.

"Why don't you take a quick shower? Naulanan ka." Ani Andrei bago pa man siya makasagot.

"Hinatid ka ni Kuya Greg?"

Tumango siya bago iniwan ang dalawa. Pumasok na siya sa kwarto para maligo.

Mag-isa na lang si Andrei na naabutan niya nang lumabas siya ng kwarto. Nakasandal ito sa upuan at nakapikit ang mga mata.

Pumunta na rin siya ng kusina para magtimpla ng kape. Bahagya siyang nakakaramdam ng lamig.

Nagulat siya nang may yumakap sa beywang niya mula sa likuran.

"I miss you." Bulong ni Andrei.

She relaxed. Sumandal na rin siya dito. It was ten days ago the last time they talk.

"I know what you did."

Humigpit ang yakap nito sa kanya. Isinubsob na rin nito ang mukha sa buhok niyang medyo basa pa rin.

Niluwagan niya ang pagkakayakap ng braso nito sa kanya. Humarap siya dito. Nilipat naman nito ang mga kamay sa magkabila niyang balakang.Yumuko ito sa kanya.

"Hindi mo naman kailangan gawin 'yon."

"Would you accept it without question if it was from Greg?"

Iniwas nito ang tingin nang hindi siya sumagot. Nakita niya ang pagdilim ng mukha nito bago siya bitawan. Tumalikod na ito at tumingin sa labas ng bintana na malapit sa may pintuan.

"Are you going to marry him?"

Muli itong sumulyap sa kanya nang walang marinig na sagot. Napayuko siya. Hindi niya kayang tingnan ang mga mata nitong tila nang-uusig.

"Marry me, instead."


++++++++++

NAGISING si Andrei na may nakayakap sa kanya. Napangiti siya ng mukha ni Issa ang kanyang nabungaran.

What a great way to wake up.

Nakaunan ito sa braso niya habang ang isa pa niyang braso ay nasa beywang naman nito.

Hinalikan niya ito sa noo bago muling pumikit. Hinapit pa niya ito lalo.

Malamig pa rin at medyo madilim pa sa labas. Bahagya pa rin umuulan. Hindi na rin siya nito pinauwi kagabi matapos nilang mag-usap.

Napangiti siyang muli nang maalala ang nangyari kagabi.

She asked Issa to marry her. Imbes na sagutin siya nito, iniwanan siya nito sa kusina. Pumasok na lang ulit sa kwarto.

Sangkatutak na irap ang binibigay nito sa kanya. Hindi na rin siya iniimkan. Aalis na dapat siya since hindi na rin naman siya nito kinakausap pero pinigilan siya nito sa lakas ng ulan.

Buti na lang palagi siyang may spare clothes sa kotse. Kinuha na lang niya iyon.

Alas sais na ng umaga nang magising siyang muli. Mahimbing pa rin ang tulog ni Issa sa tabi niya. Bumangon na siya at tinungo ang en suite bathroom nito.

Nagluluto na ng agahan si nanay Linda nang lumabas siya ng kwarto.

"Good morning, 'nay." Bati niya.

"Magandang umaga din." Nakangiti naman nitong tugon. "Salamat sa pasalubong."

"You're welcome po." Naupo na rin siya sa isang silya na nakapalibot sa mesa.

"Kape?"

Umiling siya. "I'll wait po kay Issa."

"Late na ang gising n'un lalo at walang pasok sa opisina. Pupunta rin iyon school ni Kylie mamaya."

"Bakit po?"

"Baka magbibigay ng promissory note. Malapit na rin kasi ang exam ng kapatid niya."

"Po?" Gulat niyang tanong.

Wala ng problema sa school si Kylie. Naayos na niya lahat iyon bago pa man siya pumunta ng Singapore.

"Naaawa na rin kasi ako sa batang 'yan. Alam ko na nahihirapan na siya. Dagdag pa ang pangungulit ni Greg sa kanya. Matagal na rin kasing nanliligaw sa kanya ang binatang iyon."

Inilapag na rin nito ang sunny side up na itlog at fried hotdog. May umuusok na ring sinangag sa tabi nito.

Filipino foods that she missed so much.

Pagtingala niya nakatitig pala sa kanya ang nanay ni Issa. She suddenly felt nervous.

"Tapatin mo nga ako, Andrei. May gusto ka ba sa anak ko?"

Napalunok siya pero sinalubong niya ang mga mata nito. If there is a right time to be honest, this is it.

"Yes po."

"Medyo mahirap ang tatahakin niyong landas."

"Po?" Ang lalim namn ni nanay Linda. Napakamot siya ng batok niya.

"Ang ibig ko sabihin, medyo mahihirapan kayong dalawa." Parang naiintindihan naman nitong tugon sa language barrier nilang dalawa. "Hindi gaanong tanggap ang ganyang relasyon dito sa atin."

"I know, 'nay. Nasa kay Iska naman po iyon. Handa naman po akong lumaban para sa kanya."

Napapabungkal siya ng mga naitago niyang Filipino language dito sa nanay ni Issa. Her own mother would be very proud of her.

Tumango si nanay Linda. "Mahal mo ba ang anak ko, Andrei?"

Napangiti siya kahit nahihiya. "Matagal na po. Noong college pa po kaya lang medyo busy lang po sa school. Kaya nga po binabakuran ko na ngayon." She uttered grinning wider.

The older woman smiled back.

"Hindi kayo tutol, 'nay?"

Kinabahan siya nang matagal bago ito sumagot. Napalunok siya. Nawala ang ngiti sa mga labi niya.

"Basta huwag mong lolokohin ang anak ko. Bubulagin ko ang maganda mong mata." Seryoso nitong turan na tinutok pa sa mukha niya ang hawak nitong spatula.

"Promise po." Nakangiti niyang turan na nakahinga na ulit nang maluwag. Itinaas rin niya ang kanang kamay.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro