Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

ISA

                         NAPATAYO agad si Lorie Ann nang makita si Jessica na papasok sa pintuan ng malaking hall na pinagdadausan ng reunion ng kanilang batch sa high school.

Sampung taon na ang nakalipas mula nang makapagtapos sila.

Nakangiti naman si Jessica nang makita ang dating kaklase.

"Namiss kita, Jessica." Tuwang-tuwa na turan ni Lorie Ann na niyakap pa ang kaibigan.

"Same here. Kumusta ka na?" Aniya na naupo na sa tabi nito.

"I'm good."

Napatingin siya sa mga kasama nila sa pabilog na mesa. May ilang tao na din doon at nakangiti pang nakatingin sa kanila.

"Hi. Mark, right?" Bati niya sa isang lalaki na nasa harap niya. Tumango naman ito. "Jessica."

"Friend, 'wag mo masyadong ngitian. Plano ko iuwi 'yan after the reunion." Sita ng kaibigan.

Napailing na lang siya at tuluyan itong hinarap. Ganun din ang ginawa nito.

"Buti at nakarating ka, Issa." Anito gamit ang palayaw niya noon.

"You threatened me, remember." Sagot naman niya na sinimangutan pa ito.

Napatawa ito sa sinabi niya.

Tinawagan siya nito two weeks ago para ipaalala na mayroon silang reunion. Binalaan din siya nito na kapag hindi siya pumunta susugurin siya nito sa opisina. Gagawa daw ito ng eksena.

"Grabe, naniwala ka naman." She flipped her hair after she said that.

"I learned the hard way. Last time I didn't believe you, I dated a certain guy from tourism department.

Nahahati sa dalawang campus ang school nila. Ang Saint Martin University kung saan sila nakapagtapos ay may high school at college campus.

Mas madalas na may pinupormahan ang mga college students sa high school. Siyempre, kinikilig naman ang mga high school students na may kasintahan silang mature, ika nga.

Sa St. Martin University na din siya nagtapos sa kolehiyo at kasama pa rin niya si Lorie Ann pero magkaiba sila ng kursong kinuha.

Way back in college, nangako siya sa kaibigan na sasamahan niya ito na pumunta sa isang gig ng paborito nitong banda. Sinabi ni Lorie Ann na kapag hindi siya sumama kailangan niyang makipagdate sa isang manliligaw niya na nasa college of tourism.

Hindi siya nakahabol sa gig dahil nasiraan iyong sinakyang niyang taxi. Ibang banda na ang kumakanta nang makarating siya.

"Sino nga pala ang naghatid sa'yo noon sa venue?" Naalala rin nitong tanong.

"Si Andrei."

"Iyong hot babe ng college of finance?" Gulat nitong tanong. Tumango siya. "Magkakilala kayo?"

Tumango ulit siya. Tinitigan siya nito.

"Bakit?" Nagtataka niyang tanong.

"Hindi siya snob?"

"Hindi naman. Ang bait nga niya. Hindi lang talaga palaimik na tao."

"Nakakaasiwa kasi siya kausapin. Starstruck ang beauty ko dun kapag nasa tabi ko siya. Ang ganda pa ng mga mata niya."

Napangiti siya. Tama naman kasi ang kaibigan.

Andrei has a pair of beautiful gray eyes. She is also very pretty and tall. Sa height niyang 5 feet and 2 inches, hanggang baba lang siya nito.

Half American, half Filipino si Andrei. Namana daw nito sa ama ang height at kulay ng mga mata.

"Hindi ko nakita na may ka-date siya noon sa school natin."

"I heard she was dating a varsity player of La Salle back then." Dagdag ni Mark sa usapan nila.

"Sino?"

Pareho pa silang napatingin dito na kinapula ng pisngi nito. " Si Gretchen Sy."

"What?!"

Lalong namula si mark. "Haven't you heard? She's a lipstick lesbian."

"Ha?" Nakakunot ang noo na tanong ni Lorie Ann.

"Meaning, femme siyang lesbian." Paliwanang naman niya.

"Merong ganu'n?"

Tumango siya. "Meron ding tinatawag na butch. Naalala mo 'yong nanligaw sayo noong third year tayo?" Tumango naman ito. "Siya iyong butch type."

"You mean, iyong maton na walang ginawa kundi ang magbasketball at pumorma?"

Tumango rin siya. "Hindi lahat ng butch tulad niya. Sila lang iyong tipo na lalaki pumorma."

Lorie shrugged then suddenly uttered whens she remember something. "Muntik na ako i-harrass ng maton na'yon, ah."

"Talaga?"

Napangiti ito bigla. "Andrei actually saved me."

"Ow?"

"Oo kaya. Natulala nga ang kagandahan ko nang humarap siya sa akin. Parang hinihigop ako ng mga mata niya." Napabuntong-hininga pa ito pagkatapos. "Teka nga, bakit alam mo iyong mga lipstick at butch na 'yan, Jessica?"

Hindi na niya nasagot ang tanong nito nang magsalita na ang emcee.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro