Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

DALAWA

NAPABUGA ng hangin si Jessica matapos sulyapan ang oras sa kanyang relos. Alas-otso na ng gabi. Tatlumpong minuto na siyang naghihintay ng masasakyang taxi.

Siguradong magagalit na naman ang kanyang kapatid. Birthday pa naman noon ngayon. Natapat kasi na may tinatapos siya sa opisina.

May humintong sasakyan sa harapan niyxa. Ibinaling niya ang kanyang paningin sa bandang likuran ng kotse bakasakaling may dumaang taxi.

"Hey."

Napatingin siya sa nakababang bintana ng sasakyan.

Nakasalubong ng kanyang paningin ang isang pares ng kulay abong mga mata. Isang tao lang ang kilala niyang may ganoon.

She met that person six years ago.

"Jessica, right?" Nakangiti nitong tanong. Wala sa sariling napatango siya. "It's Andrei. Were from the same school in college." Tumango ulit siya. "Do you need a ride?"

Napalunok siya. Nagulat pa siya nang bumusina ang sasakyang nasa likuran ni Andrei.

"Come on."

Binuksan na nito ang pintuan sa tabi ng passenger seat. Di na rin siya nag-atubili na sumakay.

"Seatbelt please."

Napalingon siya dito nang maikabit ang nasabing seatbelt. Nakatingin lang din ito sa kalsada.

"Thank you."

Andrei chuckled. "We should stop meting like this."

Napangiti din siya. Ganito rin halos ang nangyari noong niyaya siya ni Lorie Ann na manood ng gig.

Itinuro niya ang daan patungo sa bahay nila habang nagkukwentuhan sila sa mga nangyayari sa bawat isa sa nakalipas na taon.

"Ate, bakit ngayon ka lang?"

Iyon agad ang salubong sa kanya ng kaisa-isang niyang kapatid na si Kylie. Fifteen years old na ito ngayong araw.

"May tinapos pa ako sa opisina. Nahirapan din akong sumakay."

Napalingon din siya dito nang hindi na ito nagsalita. Nakatingin ito sa likuran niya. Nakaawang pa ng kaunti ang bibig nito.

"May kasama ka pala, Iska." Anang nanay niya na nakasunod pala sa kapatid niya.

"Opo, 'nay." Nagmano pa siya rito.

"Good evening." Bati naman ni Andrei sa nanay Linda niya. Nagmano rin ito na kinagulat nila. Napatitig pa dito ang nanay niya.

"Kylie, 'nay." Untag niya sa dalawa. Kurap lang ang nagging sagot ng mga ito.

Namatanda na ang dalawa sa kagandahan ni Andrie.

"Foreigner pala ang kasama mo, anak. Asikasuhin mo na muna."

"Ate, ang ganda niya." Puri naman ng kapatid niya nang matauhan.

Napangiti siya nang bahagyang mamula si Andrei.

"Andrei, ang nanay ko, si nanay Linda. Siya naman si Kylie, ang kapatid ko." Pakilala naman niya. "Siya naman si Andrei. Dati ko po siyang schoolmate."

"Magandang gabi po ulit." Slang na bati naman ng kasama niya.

"Totoo ba ang mga mata mo?" Kulit ng kapatid niya na parang nakahiga nang maluwag nang marinig na nagsasalita ng wikang Filipino si Andrei.

"Yes."

"Pakainin mo na ang kasama mo, Iska." Anang nanay niya. "Asikasuhin mo na rin ang mga bisita mo, Kylie."

"Opo, 'nay."

"Thank you po, 'nay." Sagot naman ni Andrei.

"Nanay ka dyan. Girlfriend ka ba ni Ate?" Saway dito ng kapatid niya.

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ni Kylie. Tumawa naman ang magandang babaing kasama niya.

"No but I could be."

Napatingin siya dito. Sinalubong naman ni Andrei ang tingin niya. May mga ngiti pa rin ito sa labi.

"Straight si Ate."

"Spaghetti noodles were straight but with the right cooking, they become putty."

"Ewan ko sa'yo. Dumudugo ang ilong ko sa'yo." Inirapan pa ito ng bunso nila. "Mas maganda ka pa sa Ate ko."

"We're bagay. We're both maganda."

"Tama." Sang-ayon naman ng baliw niyang kapatid. Nag-high five pa ang dalawa.

"Tama na nga 'yan." Saway niya sa dalawa.

Niyaya na niya si Andrei na kumain. Iniwan na rin sila ni Kylie para balikan ang mga kaibigan nito.

+++++++++++++++++

"TULOY ka, Greg." Yaya ni Jessica sa katrabaho.

Hinatid siya nito since pareho naman sila ng daan pauwi.

"Magandang gabi po." Bati nito sa nanay niya na siyang lumabas ng bahay nang marinig ang pagbukas niya ng gate.

"Magandang gabi rin."

Nagmano siya rito. "Si Kylie, 'nay?"

"Nasa loob na. Mabuti at nakauwi ka na."

"Sumabay na po ako kay Greg."

Tumango na lamang ang nanay niya bago sila iniwan. Sumunod na lang sila papasok ng bahay.

Nagulat siya nang makita kung sino ang nasa sala nila. Napatayo rin ito nang makita siya.

"Hay, salamat at dumating ka na, Ate. Nagdudugo na ang ilong ko dito." Nakairap na turan ng kapatid niya.

Walang bahid ng ngiti ang labi ni Andrei nang tumingin siya dito. Nakatingin ito sa kasama niyang dumating.

"Magandang gabi, Kylie." Bati ni Greg sa kapatid niya. Tango lang din ang tugon dito ng dalagita.

"Hey. " Bati ni Andei sa kanya. Tumikhim ito bago bumaling ulit sa kasama niya. "I'm Andrei."

Inabot nito ang kamay kamay kay Greg na inabot naman ng lalaki.

"Greg." Tumingala pa ito. Halata sa mga mata ng lalaki ang paghanga sa kagandahan ni Andrei.

"Ang haba ng buhok mo, Ate." Basag ni Kylie sa namumuong tensiyon sa paligid. Pinanlakihan niya ito ng mga mata pero tawa lang ang sinagot sa kanya.

"Mauna na ko, Jessica." Paalaman na rin ni Greg bago pa man siya makaimik ulit.

"Sige. Salamat sa paghatid."

"Walang anuman. Daanan kita bukas?"

Umiling siya. "Huwag na. Nakakahiya na sa'yo. Pero salamat, ha." Nakangiti niyang saad habang sinasabayan ito ng paglakad palabas ng bahay. "Ingat sa pagmamaneho."

"Salamat." Nakangiti rin nitong turan bago tuluyang umalis.

Mag-isa na lang si Andrei sa sala nang makabalik siya sa loob. Nakayuko lamang ito. Naupo siya sa tabi nito.

"Napadalaw ka?"

"I brought Kylie's gift." Sagot naman nito. Napatango na lang siya. "Is that your boyfriend?"

"Si Greg?"

"Walang boyfriend si Ate." Si Kylie na ang sumagot.

Hindi nila namalayan na nasa sala na ulit ito. May dala itong isang basong tubig.

"Ate Iska, hindi pa kumakain si Ate Andrei. Baka gusto mo siyang alukin." Anito bago sila muling iniwan.

Napatingin siya sa kasama, Nakangiti na ito.

"Kanina ka pa rito?" Umiling naman ito. "Kain tayo."

"Lead the way."

Tinungo na nila ang kusina. Pinaupo na muna niya ito bago tingnan ang pwede nilang kainin.

"Is that sinigang na bangus?" Tanong nito nang ilapag niya ang mangkok. Tumango naman siya. "I miss this food."

Lumawak ang pagkakangiti nito. Napapasulyap na lang siya dito habang kumakain.

"This is good. Did nanay cooked this?"

Tumango siya. Napapailing na lamang siya sa tawag nito sa nanay niya.

"You're not eating."

"Busog pa ako. May pakain kanina sa opisina."

"Alright. What time should you at work tomorrow?"

"Eight. Bakit?" Umiling lang din ito bago itinuloy ang pagkain.

"Ano 'yong binigay mo kay Kylie?"

"Stuff that teenagers like her enjoy."

"Ano nga pala ang pinagkakaabalahan mo ngayon?" Tanong niya makalipas ang ilang sandali.

"Mostly work. Ikaw?"

"Ganu'n din."

"Ano work mo now?"

Napangiti siya sa kagustuhan nitong magsalita ng Tagalog. "Sa HR."

"You used your degree." Nakangiti nitong turan.

Alam kasi nitong tapos siya ng BS Psychology. Tapos din naman ito ng BS Accountancy.

"Ikaw?"

"Most of the time I did." Nakatawa nitong sagot.

"Saan ang work mo?"

"I'm not base here. I'm on vacation."

"Hanggang kalian?" Nagulat niyang tanong.

Wala kasi siyang nalaman tungkol dito mula nang makapagtapos ito. Ahead kasi si Andei ng dalawang taon sa kanya.

Napansin niyang napatitig sa kanya ang kausap. Ngumiti pa ito. "Are you going to miss me, Iska?"

"Di naman masyado."

Andrei pouted. Hindi niya napigilan ang sarili. Kinurot niya ang pisngi nito.

"Ouch!" Gulat din nitong turan.

"Ang cute mo." Natatawa niyang sabi.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro