Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

APAT



                 PAGPASOK pa lang ni Andrei sa bahay nila Jessica nakita na agad niya na magkausap ito at si Greg. Tinanguan na lang niya ang mga ito.

"Tara sa kitchen." Yaya ni Kylie na nakasabay niyang pumasok. Nagkita sa labas ng bahay nang bumaba siya ng sasakyan.

Ibinaba niya ang dalang pizza sa mesa. Binuksan naman agad iyon ng dalagita.

Napasulyap siya kay Issa. Natatanaw niya ang dalawa mula sa kinaroroonan niya. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan ng dalawa.

"Is he courting your sister?"

Napasulyap din si Kylie sa dalawa. Ngumuya muna ito bago ibinalik ang tingin sa kanya.

"Matagal na. Selos ka?"

"Should I?"

"Nanliligaw ka ba?"

Hindi siya nakaimik sa deretsahan nitong tanong.

"What's her problem?

Napalingon siya sa kasama nang marinig niya ang malalim nitong buntong-hininga.

"Bayaran na naman kasi sa school. May field trip pa kami next month Due na rin iyon next week." Malungkot na turan nito.

"What does it have to do with him?"

"Matagal na niyang inaalok ng kasal si Ate. Sabi ni Kuya Greg, malaking ginhawa kay Ate kung share sila sa gastusin."

Sinulyapan niya si Greg. Mukha namang maykaya ang lalaki.

"Naaawa na rin ako kay Ate. Gusto ko na rin lumipat ng school pero ayaw naman niya."

"Where do you go to school?"

"Sa St. Martin."

Katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa. Nakita rin niyang lumabas si Issa at si Greg. Wala pang isang minuto bumalik na si Issa na mag-isa. Tumuloy na ito sa kwarto nito.

Nagpaalam na rin siya kay Kylie. Sinundan niya kapatid nito.

Nakaupo na si Issa sa gilid ng kama nang pumasok siya sa kwarto nito. Sinulyapan lang siya nito at tumungo lang ulit.

"Hey."

Naupo siya sa tabi nito. Sumandal naman ito sa balikat niya. She put her arm around her and pulled her closer. Hinalikan niya ang noo nito.

"Tell me."

Humugot ito nang malalim na buntong-hininga. "I might accept Greg's offer." Sinubsob nito ang mukha sa balikat niya.

"Do you love him?" Umiling ito. "Then why?"

"I need his help. Gusto kong maranasan ni Kylie ang buhay na marangya na naranasan ko noon kay Tatay."

"What does Greg wants?"

"Ako. Pakakasalan niya ako."

"How much is his worth?"

"He is a senior engineer in the company. His family owned a hardware business that supplied some part of the metro." She answered. "He can provide for my family."

Hinawakan niya ito sa balikat at bahagyang inilayo sa kanya. Tinitigan niya ito. She looked back with sadness.

"Do you know how much I'm worth?"

Napakunot ang noo nito. Iniwas na niya ang tingin dito. Tumayo na rin siya.

"Don't worry about Kylie. I'll take care of everything she needs."

Lumabas na rin siya ng kwarto nito. Hinanap na rin niya si Kylie para makapagpaalam.



++++++++++

PUMASOK na ng opisina ni Anton Marquez si Issa matapos makapagbigay ng warning knock.

"Yes, Ms. Gordon?" Anang superior niya nang makita siya.

May pinipirmahan itong papeles sa ibabaw ng mesa nito. Sinenyasan na rin siya nitong maupo sa silyang nasa tapat ng mesa nito.

"Gusto ko lang pong malaman kung may alam kayo kung nasaan si Andrei." Nahihiya niyang tanong. Alam niyang namumula ang pisngi niya.

Mataman muna siya nitong sinulyapan bago nagsalita.

"She flew to Singapore two days ago. Hindi niya ba nasabi sayo?" Umiling siya. "Di ka ba niya natawagan?"

"We don't have each others number."

"What?!" Gulat nitong tanong. "Ang hina naman talaga ng lukaret na 'yon."

Nilabas nito ang cellphone. May pinindot ito sa screen bago nilagay sa tainga ang nasabing aparato.

"Asan ka?" tanong nito sa kausap. Tumango pa ito pagkatapos. "Sige, sige. Ok."

Ibinaba na nito ang cellphone bago siya binalingan. "Nasa meeting daw siya."

Siyan naman ang napatango. "Alam niyo po ba kung kalian ang balik niya?"

"I don't know, Miss Gordon."

Nginitian na lang niya ito bago tumayo. "Salamat po, sir."

"No problem."

Tinungo na niya ang pintuan nang tawagin siya nito. Nilingon naman niya ito.

"Do you like my cousin?" Namula siya sa tanong nito. Hindi rin niya alam ang isasagot. "She never hide her sexual preference."

"I don't know, sir." Matapat niyang sagot. Sinalubong niya ang titig nito. "Would she catch me if I fall?"

"That I don't doubt." He answered with confidence.

Bumalik na rin siya sa kanyang cubicle. May kunting kalituhan sa nararamdaman niya sa sarili at malaki ang kinalaman ng magandang babae na kasalukuyang nasa Singapore.

Isang linggo na rin kasi ang lumipas mula nang mag-usap sila sa kwarto niya. Nakapagtataka lang dahil halos every other day ito magparamdam sa bahay nila.

Samantala, si Greg naman ay halos nasa bahay nila gabi-gabi. Kinukulit na siya nito sa inaalok nitong tulong sa kanya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro