Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

ANIM


                     NGINITIAN na lang ni Issa ang kanyang superior nang magkahiwalay sila sa reception area ng resort.

Company outing nila ngayon at sa isang resort naisipan na gawin. Ang ilang staff ng HR department sa kanilang manager na lang sumabay since meron itong sariling sasakyan. Kasama na si Issa doon.

"Ano po ang pangalan nila, ma'am?" magalang na tanong ng receptionist nang makalapit siya.

"Jessica Gordon."

"For a while, Miss Gordon." Tinawag nito ang isa pang staff. "Please assist Miss Gordon in her suite. Thank you."

Kinuha naman ng nasabing staff ang kanyang bagahe. Nagulat pa siya nang sa ibang direksiyon sila pumunta. Ang mga katrabaho niya ay sa ibang building tumungo.

"Sandali lang. Bakit dito tayo?" Tanong niya nang mapansin na individual cabins na ang nakikita niya.

"Dito po kasi ang room assignment niyo, Ma'am."

"Bakit?"

"VIP po kasi kayo."

"Sino nagsabi? Sigurado ka?"

"Yes, ma'am. Iyon din po ang bilin ni sir Anton."

Napatanatag siya ng kunti nang mabanggit ang pangalan ng HR manager nila. Pero ang sumasagi sa isip niya ay si Andrei. Siguradong may kinalaman si Andrei dito.

"This is your cabin, Miss Gordon." Inilapag na nito ang bagahe niya niya sa tapat ng isang cabin. "Enjoy your stay, ma'am."

Tuluyan na siyang iniwang ng staff. Napatitig na lang din siya sa pintuan ng ilang sandali bago nagpasyang pihitin ang seradura.

"Ate!"

Nagulat siya sa pagbungad ng kapatid. Niyakap naman agad siya ng dalagita. Halos tulala pa siya nang makita ang nanay niya na lumabas sa isang pintuan na malamang ay isang kwarto sa loob ng cabin.

"Anong ginagawa niyo rito?" Tanong niya nang matauhan.

"Inimbitahan kami ni Andrei." Ang nanay na niya ang sumagot.

Napansin niyang nakasuot na rin ito ng sarong. Handang-handa ang nanay niya magbeach!

"Hindi ako na-inform." Pinanlakihan pa niya ng mga mata ang dalawa.

"Surprise nga, di ba?" Inirapan naman siya ng kapatid.

"Kanina pa kayo?" Pagbabago niya ng usapan. Wala na rin naman siyang magagawa dahil mukhang handa na lumusong ang dalawa sa dagat.

"Mga 30 minutes na din."

Talagang nauna pa talaga sila.

"Asan si Andrei?"

"Umalis na muna. Ayusin mo na rin mga gamit mo du'n sa isang kwarto." Anang nanay niya na tinuro pa ang isang pintuan.

Inirapan niya muna ang dalawa bago pumasok sa nasabing kwarto.

Naupo siya sa gilid ng kama. Naiinis siya. Maano bang sabihin sa kanya na dadalhin dito ang pamilya niya. Wala rin namang masama doon.

Inilabas niya ang cellphone. Tatawagan niya ang salarin. Yes, meron na siyang contact number ni Andrei.

Lalo siyang nagngitngit nang panay lang ang ring ng telepeno ng babae.

Nagpalit na lang siya ng panligo. Pinatungan niya iyon ng board shorts na asul at racer back na sandong puti. Niyaya na rin ang nanay at kapatid na lumabas.

Natagpuan niya ang mga katrabado malapit sa tabing-dagat. Inaayos na rin ng staff ng resort ang ilang mesa sa lilim ng mga puno ng niyog. Malapit na ring mananghalian.

"Sir anton, ang ganda dito, in fairness." Masayang puna ni Cecille.

Ngumiti naman ang kanilang superior bilang pagsang-ayon. Tinanguan din lang siya nito nang makalapit siya. Pansamantala na muna niyang iniwan ang kapatid at nanay.

"Okay lang din ba ang sister at mother mo?"

Alam din niya? O ako lang din ang di nakakaalam?

"Yes, sir. Thank you."

"You should thank that girl."

Inginuso nito bandang likuran niya. Nalingunan niya ang nanay at kapatid. May kasama na itong isa pang tao.

Just the person she's looking for.



+++++++++++++++

NILAPITAN ni Andrei ang magnanay na nasa dalampasigan. Katatapos lang niyang kausapin ang ilang staff ng resort.

"Gutom na kayo?"

Parang nagulat pa ang dalawa nang makita siya pero kaagad ding napangiti.

"Wow!" Bulalas pa ng dalagita. "Ang sexy mo, Ate Andrei."

"Ikaw din."

Naka-one piece na itim racerback bathing suit si Kylie. May board short na puti lang ito pambaba.

"Abs ba 'yan, 'te?" Nguso nito sa tiyan niyan nakalabas.

She is wearing her dark blue two-piece bikini. Just like the younger girl, she has her board shorts, too.

"Yes."

"Gusto ko rin 'yan."

Natawa siya sa sinabi nito. Nakapout pa ang nguso nito.

"Kain na lang tayo."

Napalingon siya sa likuran nang mapansin na nandoon na ang atensiyon ng dalawa niyang kasama.

Lumawak ang pagkakangiti niya.

"Hi."

"Hi mo mukha mo." Mataray nitong turan na kinagulat niya.

"What's wrong?" Hinawakan pa niya ang baba nito para matitigan niya ang mukha nito.

"Hmmp! Dapat sinabi na dadalhin mo sina nanay dito. Inform dapat ang office kung sino ang mga nandito."

"Don't worry about it." Pinisil pa niya ang cute nitong ilong. Muli siya nitong inirapan na lalo nitong kina-cute.

"Lagi na lang, Andrei."

"Huwag ka na sumimangot. Sige ka, hahalikan kita." Banta niya na kinatahimik nito. Natawa naman siya. "Ayaw pahalik, 'nay?"

Napailing na lang si nanay Linda nang masulyapan niya. Inakbayan na lang niya ang magandang babae na nasa harap niya.

"Let's go and find something to eat."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro