Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prolouge

Prolouge

Pakiramdam ko lalabas ang puso ko sa dibdib ko dahil sa sobrang bilis ng tibok nito. Tinignan ko yung orasan na nakalagay sa kaliwang braso ko at nakita kong magiiisang oras na akong naghihintay.

Darating pa kaya sya?

Maya-maya ay may biglang humawak sa braso ko at pinaharap ako sa kanya. Nagulat ako ng makita ko yung Captain ng Basketball team na nakatingin sa akin ng masama.

Binitawan nya yung braso ko at hinawakan yung mga pisngi ko saka ako hinalikan. Nanlaki ang mga mata ko dahil doon.

Matapos nya akong halikan ay may kinuha sya sa bulsa ng pantalon nya at ibinato sa akin ang mga iyon.
"Ayan naman ang gusto mo di ba? Pinagbigyan na kita! Pwede ba tigilan mo na yung paglalagay ng mga walang kwantang bagay sa locker ko? Nakakainis na kaya!" matapos yon ay umalis na sya.

Napatungo ako at nakita ko yung mga pamilyar na papel na gabi-gabi ay pinagpupuyatan kong lagyan ng design at gandahan ang sulat para sa mas maintindihan nya yung gusto kong sabihin.

Isa-isa ko itong pinulot at tumingin doon sa Captain ng Basketball Team na naglalakad na palayo sa akin.

Ang tanga mo Mira.

-----------------

I can't help it!!

Gusto kong gumawa talaga ng Seventeen FF dahil naaadik ako sa kanila ngayon!!!

Seungkwan-ah!! Mahal ka ni Noona!!!

P.S: Happy Birthday Hong Jisoo/Joshua ♥♥♥

Wag mong sirain ang Bias List ko maawa ka T^T




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro