Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

O

O

Habang naglalakad kami ni Mira papuntang Guidance Office, napansin namin na may nagkakagulo sa gym. Ang daming tao na nakasilip sa nagyayari sa loob ng gym, at dahil dakilang tsimosa si Mira dahil nasa lahi nila tumigil kami sa paglalakad at nagtanong sa mga estudyanteng nakikiusyoso.

"Hindi ko alam eh" sagot nung pinagtanungan namin, magtatanong sana ulit kami ng biglang mahawi yung mga tao at makita ko si Mingyu at Jungkook Oppa na naka-alalay kay Team Captain na ika-ika maglakad ngayon.

"Kawawa naman si Team Captain" sabi ni Mira habang sinusundan ng tingin sila Mingyu na akay-akay si Team Captain. Isang linggo na rin simula nung huli kaming mag-usap. Ewan ko, simula nung ibigay ko sa kanya yung panyong ko, iniiwasan ko na sya. Pakiramdam ko kasi nagsasayang lang ako ng oras at panahon sa kanya. Siguro natauhan na ako, baka nga.

Pero habang nakatingin ako sa kanyang nahihirapang maglakad ngayon hindi ko maiwasang hindi mag-alala. Sa loob din naman ng isang linggo na hindi namin pag-uusap, hindi sya nawala sa isip ko. Minsan nga hindi ako makatulog dahil iniisip ko kung nagkasakit ba sya dahil nagpa-ulan sya ng mga panahong iyon o kung ano-ano pa. Basta ang dami kong iniisip tungkol sa kanya.

Ipinagpatuloy namin ni Mira ang pagpunta sa guidance office at pagkatapos nun ay bumalik na kami sa klase.

***
Nakatingin lang ako sa sinusulat ng teacher namin habang lumilipad ang isip ko. Wala ako sa mood mag-aral ngayon, palagi naman pala pero iba talaga ngayon.

"Sumumpong daw yung injury ni Wonwoo kanina" narinig ko yung usapan ng mga kaklase ko sa likuran. Injury? Yung sa tuhod nya?

"Oo nga eh, napwersa ata yung tuhod nya kanina. Pano yan? Last place na naman ba tayo?"sabi nung isa. Agad akong tumayo mula sa kina-uupuan ko kaya napatingin sa akin lahat ng classmates ko at pati yung teacher namin.

"Yes Miss Moon?" Tanong nya sa akin. Bumuntong hininga muna ako bago magsalita.

"May I go out sir?" Nagtawanan sila dahil sa sinabi ko, naramdaman kong hinihila ako papaupo ni Mira pero inalis ko yung pagkakahawak nya.

"May masakit ba sayo?" Wala Sir, pero pakiramdam ko mababaliw ako kapag hindi ko pinuntahan si Team Captain ngayon.

Tumango ako, pumayag naman sya na lumabas ako kaya agad akong tumakbo palabas at nagpunta sa clinic.

Kumakot muna ako bago sumilip, pagtingin ko sa loob ay walang tao sa loob. Wala yung nurse at wala din si Team Captain sa loob. Pumasok ako sa loob at nagtititingin, pero mukhang walang tao talaga. Saan kaya nila dinala si Captain?

"Aray!" Narinig kong may bumulong sa likuran ko at pagharap ko sakto nandoon si Team Captain na pilit na humahakbang papalapit sa akin.

"Oh!" Sabi ko ng bigla syang matumba sa akin kaya pareho kaming bumagsak. Pagmulat ko ng mata ko ay nasa ibabaw ko sya kaya dali-dali ko syang itinulak para makatayo.

"Ah, aray!" Daing nya. Agad ko naman syang inalalayan para maka-upo sya sa kama.

"Ano ba kasing ginagawa mo sa likod ng pinto?" Galit na tanong sa kanya habang ingat na ingat na huwag masanggi ang paa nya.

Tumingin sya sa akin tapos ngumiti kaya nagulat ako. Ito ang unang beses na nakita ko syang nakangiti, bagay naman pala sya. Mas lalo syang pumogi dahil sa pag-ngiti nya.

"Akala ko wala ka ng pakielam sa akin eh, isang linggo mo na kaya akong hindi pinapansin" sabi nya, nagkasalubong ang mga tingin namin at nakaramdam ako ng pagka-ilang kaya umiwas din agad ako.

"Aalis na ako, magpahinga ka na lang dyan"paalam ko, pakiramdam ko sobrang pula na ng mukha ko at sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Maglalakad na sana ako palabas ng clinic ng hawakan nya ang kamay ko, napatigil ako at napalingon sa kanya.

"Aubrey" tawag nya sa pangalan ko, mas bumilis tuloy ang tibok ng puso ko. Ano bang ginagawa mo Team Captain?

"Kajima"

***
Matagal ko ng pinagplanuhan itong bagay na ito, maka-ilang beses kong sinubukan kausapin sya pero sya talaga ang naiwas.

Nalaman ko rin na nagkakamabutihan na sila ni Jimin Oppa pero baka sakaling may konti pa, may konti pang pag-asang bumalik sya kay Team Captain. Kanina sa clinic, binantayan ko si Captain at kwento lang sya ng kwento tungkol ay Kara, kita kong masaya sya at gusto kong makitang palagi syang masaya. Ako yung naging dahilan kaya nawala yung kasiyahan nya kaya ako din ang gagawa ng paraan para bumalik sa kanya ang kasiyahan nya.

"Kara sunbae" tawag ko sa kanya ng lumabas sya ng classroom nila, tinignin nya ako at halata na hindi nya nagustuhan ang makita ako.

"Wae?" Balik na tanong nya sa akin, nagpaalam yung mga kaibigan nya at nauna na silang umalis.

"Waeyo?" Naglakad ako papalapit sa kanya at pinaglaruan yung mga daliri ko sa likuran ko, hindi kasi ako magkapag-isip kung anong sasabihin ko sa kanya.

Alam kong malaki ang kasalanan ko sa kanya dahil ako ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Captain pero hindi naman masamang subukan di ba? Malay mo maitama ko na yung pagkakamaling nagawa ko noon na hindi ko naman sinasadya, hindi naman kasi para kay Team Captain yung sulat na iyon, nagkataon lang na pareho sila ng apelido ni Jungkook Oppa.

"Alam kong galit ka sa akin dahil malaki ang kasalanan ko sayo, pero pwede ba akong makahingi ng pabor sayo?" Nilakasan ko na ang loob ko para sabihin ang gusto kong sabihin. Hindi ko din alam kung magugustuhan ni Captain ang gagawin ko pero sana kahit papaano ay magustuhan nya.

Tumingin sa akin si Kara sunbae at nagcross-arm. "Ano ba yon?" Balik na tanong nya.

Nagbilang muna ako ng lima bago bumuntong hininga at magsalita.
"Gusto ko sanang suportahan mo si Team Captain sa nalalapit na Competition. Alam kong mabigat para sayo pero sana pagbigyan mo ko"

"Bakit ako? Hindi ba ikaw na yung bagong girlfriend nya?" Umiling agad ako.

"Yeojachingu aniya, isa pa ikaw ang gusto nyang makita, hindi ako" hindi ko na hinintay yung sagot ni Kara Sunbae, habang sinasabi ko yung mga salitang iyon ay ramdam ko ang pagbigat ng dibdib ko.

Pagtalikod ko sa kanya ay bigla na lang tumulo ang mga luha ko, hindi ko din alam kung bakit.

----

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro