O
O
"Aubrey! Si Mingyu nasa baba!" Sigaw ni Unnie sa baba kasabay non ang pagtahol ng pagtahol ni Dane. Yung asong yun talaga, sa amin lang mabait, kahit na si Mira ay kinakahulan nya.
Tumayo ko mula sa pagkakahiga at bumaba. Nakita ko si Mingyu na naka-upo sa sofa at nilalaro si Yanyan. Inalis ko yung headset sa tenga ako. "Waeyo? Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya. Nilingon nya ako at ngumiti. "Nood ka ng practice namin, dyan sa may court dyan. Yaya nya sa akin, agad akong umiling. Ayoko ko ngang lumabas ng bahay nakakatamad.
Tumayo sya at lumapit sa akin "Sige na Bree, saglit lang naman eh" pagmamaka-awa nya, tinignan ko sya ay nakuha nya pang magpuppy eyes, batukan ko nga.
"Ayoko, makikita ko na naman yung pagmumukha ng Team Captain nyo at ni JiHoon, masisisra na naman ang araw ko" aba, baka sisihin na naman nya ako kung bakit hindi sya naka-uwi noon, Hello! Akala nga ni Umma nakipagtanan na ako kasi hindi din ako naka-uwi dahil sa kanya. Gawin ba namang unan hita ko? Alam kong pata yung hita pero wala pa rin syang karapatan na gawing unan yon.
"Sumama ka na Aubrey, isama mo si Dane. Matagal na rin na di nakakalabas si Dane eh" singit naman ni Unnie habang inaayusan si Yanyan. Tinignan ko si Mingyu at nakangiti na ang loko, ambahan ko nga ng suntok.
"Hintayin mo ko"sabi ko sa kanya saka nagsimulang umakyat.
"Wag ka masyadong magpaganda ne?" Sigaw nya, nilingon ko sya at ipinakita ko yung kamao. Kapag minamalas ka nga naman, minsan ka na nga lang maging malaya sa pagmumukha ng Team Captain ng Basketball Team saka ka pa uutusan.
Nagpalit ako ng damit saka nagtali ng buhok. Kinuha ko yung collar ni Dane at saka inilagay iyon sa kanya.
Naunang maglakad si Mingyu dahil late na daw sya sa usapan nila, samantalang kami ni Dane dahan-dahan lang na naglalakad. Isang Siberian Husky si Dane, niregalo sya sa akin ni Halmoni noong 15th birthday kaso nga lang wala na si Halmoni ngayon. She died a week after my 15th birthday. Kaya nga alagang-alaga ko si Dane kasi she reminds me of Halmoni.
Bigla ko tuloy namiss si Halmoni, sya yung nag-alaga sa akin simula bata pa lang ako. Sya yung palaging nandyan para sa akin tuwing pinapagalitan ako ni Umma, sobrang nalungkot nga ako nung namatay sya eh. Hindi ako kumain ng isang linggo at iyak lang ako ng iyak.
"Dane!" Napukaw yung pag-iisip ko kay Halmoni ng bigla na lang tumakbo si Dane at mabitawan ko yung collar nya. Mabilis syang tumakbo kaya naman hinabol ko sya pero bigla syang lumiko at ng makaliko na rin ako ay wala na sya doon. Saan naman kaya sya nagpunta?
"Dane! Dane!" Sigaw ko habang hinahanao sya, nalibot ko na ata tong park pero wala sya.
"Ahh shoo! Get off me! Tulong!" May narinig akong sumigaw at kasunod noon ang pagkahol ng isang aso, agad kong sinundan yung tunog at sa may di kalayuan ay nandoon si Dane, nakapatong sa isang tao.
Dali-dali akong tumakbo, ang laki-laki ni Dane at baka hindi makahinga yung nasa ilalim nya.
"Dane!" Tawag ko sa kanya, nilingon naman nya ako, kumahol sya at dinilaan yung mukha nung tao. Pagkalapit ko sa kanya ay pinilit kong mapahiwalay sya dun sa lalaki, naku nakakahiya naman!
"Hajimayo!" Kusa namang umalis si Dane sa ibabaw nya, hinawakan kong mabuti yung tali nya at nagbow doon sa harap ng lalaki na nakatayo na ngayon.
"Wag mong ilalapit sa akin yang aso mo!" Sigaw nya, nalapit na naman sa kanya kasi si Dane kaya pinigilan ko si Dane na lumapit sa kanya
"Mianheyo" hingi ko ng paumanhin sa kanya. Napansin kong nakarubber shoes sya at jersey shorts. Baka isa to sa mga naglalaro sa court dito.
Inangat ko yung tingin ko at pareho kaming nagulat ng makita namin ang mukha ng isa't-isa.
"Neo! Ah jinjja!" Sigaw ng Team Captain nila Mingyu. Yung pipilitin ko ngang umiwas sa kanya pero sya pa yung una kong nakita? Malas! Malas na araw!
"Ah Jinjja! Yung aso mo!" Sigaw nya na para bang takot na takot sya kay Dane.
"Dane, hajimayo!" Sigaw ko kay Dane at umupo naman sya. Nagkasalubong yung tingin namin at ang sama na naman ng tingin nya sa akin at tinaasan pa ako ng kilay.
Inilabas ko mula sa bag ko yung panyo ko at inabot sa kanya, "Mianheyo" ayaw nyang tanggapin yung panyo kaya kinuha ko yung kamay nya at inilagay iyon saka kami umalis ni Dane doon.
***
"Bakit hindi ka makapagsalita ha?"
Kanina pa ako nagpipigil na huwag tumili dito, paano ba naman. Napansin ako nung crush kong senior. Yung nakita ko sa Cafeteria ngga Seniors at nalove at first sight ako. Yung taong dapat nakabasa ng mga sulat ko at hindi yung iba dyan.
Tumabi sya sa akin kaya kalkulado lahat ng kilos ko. Tama naman pala yung desisyon ko na pumunta kahit may hindi magandang nangyari kanina.
"Mingyu-sshi! Girlfriend mo ba sya?" Tanong nya kay Mingyu, pano ba naman bawat pagshoshoot nya ay sisigaw ng "Para sayo to Bree!" Epic fail naman sa 5 shinoot nya 2 lang ang pumasok.
"Ne/ aniyo!" Magka-iba pero sabay naming sagot ni Mingyu, nakita kong lumapit sa amin si Jihoon at ayan na naman ang mapang-asar nyang ngiti.
Nakita kong kumunot ang noo ni Crush kaya nagpaliwanag ako.
"Ah ganon ba? Haha bakit? Sayang ang cute nyo pa namang tignan" akala ko masakit na yung hindi ka pansinin ni crush, mas masakit pala yung ipamigay ka nya sa iba. Gusto ko sanang sabihin na ikaw ang gusto ko at hindi si Mingyu kaso sensitive si Mingyu kaya tumahimik na lang ako.
"Dapat sa susunod kayo na ha?" Nagulat ako ng sabihin nya iyon kaya agad akong umiling.
"Ani, may iba akong gusto eh" bulong ko sa kanya, mukha namang nagets nya na ayaw kong iparinig kay Mingyu yung sinabi ko.
"Guys!" Tawag ni Captain sa kanila. Uminom ulit sya ng tubig at hinarap ako.
Inilahad nya yung kamay nya sa harapan ko at "Jeon Jungkook imnida"
Jungkook pala ang pangalan nya.
--------
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro