Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

N

N

Masaya akong naglalakad sa hallway ng building ng Seniors. Nangako kasi ako kay Jungkook Oppa na ipagluluto ko sya ng specialty kong Kimchi Fried Rice at pumayag naman sya. Sabi nya sa chat, wag kayo may progress kami. Friends na kami sa Kakao Talk at palagi kaming magkachat gabi-gabi kaya palagi akong puyat eh pero ok lang, Jeon Jungkook yun eh.

So ayun nga sabi nya, hintayin na lang daw nya ako sa cafeteria ng mga Seniors dahil maeextend ang klase nila kay Mr. Kim, kanina pa ako nasa Cafeteria at nabagot na ako kaya nagpasyahan kong puntahan na lang sya sa room nila.

Pagdating ko sa 3rd floor ay nakita kong lumabas na ng room si Mr. Kim kaya dali-dali akong lumapit sa room nila. Nagsisipag-ayusan na ng gamit ang mga kaklase nya, sinilip ko sya sa loob pero hindi ko sya nakita.

"Oh Aubrey!" Bati sa akin ni Hoseok Oppa na nakakita sa akin sa labas ng room nila.

"Annyeong Oppa, nandyan ba si--"

"Jungkook?" Dugtong nya sa sinabi ko kaya tumango ako, napadako yung tingin nya sa lunch box na daladala ko at nanlaki ang mga mata nya.

"Oh, pinagluto mo sya? Haha lagot ka kay Yoora kapag nalaman nya to" sabi ni Hoseok Oppa? Sino si Yoora?

"Yoora?" Tanong ko, tinapik nya yung balikat ko. "Basta, nandoon sya sa loob tulog. Gisingin mo na lang" sabi nya tapos iniwan na ako. Hinintay ko maubos yung mga classmates nya bago ako pumasok sa loob.

Papasok na sana ako ng makita kong palabas na ng room nila yung Team Captain ng Basketball team, may dala-dala din syang lunch box na may ribbon pang pink. Nung nakita nyang nakatingin ako doon ay agad nya itong tinago at tuluyan ng lumabas ng room pero binangga nya pa ako.

Napamake face na lang ako, ampalaya talaga yung lalaking yun. Dahan-dahan akong lumapit sa natutulog na si Jungkook oppa, nakapatong yung cellphone nya sa ibabaw ng mesa nya at nakabukas. Nacurious ako kaya sinilip ko kung ano, nakabukas yung Kakao Talk nya at may kausap sya na ang username ay Yoora Noona ❤. Hindi ko pa nababasa yung conversation nila ay nagchat yung kausap na nya bumasag sa puso ko.

"Jungkook-ah, wag kang masyadong magpapakapag ha? Kumain ka ng marami ne? 사랑해 😚😚😚"

Muntik ko ng mabitawan yung lunch box na dala ko dahil sa nabasa ko, nakatingin lang ako kay Jungkook oppa na hindi nagising kahit nagvibrate yung cellphone nya.

Naiiyak na ako, minsan na nga lang magkagusto sa taong may gusto na ring iba ang masaklap isa Noona pa! Anong panama ko dun? Malamang mas magaling na magluto yun kesa sa akin at mas maggaling na syang mag-ayos ng sarili nya at baka mas magaling syang mag-alaga kesa sa akin.

Tumingala ako para hindi pumatak yung luha ko, dahan-dahan kong inilapag yung lunch box na dala-dala ko sa lamesa nya at walang buhay na lumabas ng classroom nila.

Dumiretso ako doon sa may gazeebo, kung saan ko nasaksihan ang pagbebreak ni Kara at Team Captain. Umupo ako at hindi mawala sa isip ko yung message na para kay Jungkook Oppa, siguro ang ganda-ganda nung babaeng yun para magustuhan sya ni Jungkook Oppa. Samantalang ako, eto mababa ang grades at wala pang pangarap sa buhay.

"Kara!" may narinig akong sumigaw kaya napatingin ako sa unahan ko, nakita ko si Team Captain na hinahabol si Kara at hawak-hawak nya yung lunch box na nakita ako kanina.

Palagi kong nakikita si Team Captain na may dala-dalang kung ano-anong bagay para kay Kara. Minsan roses,chocolates, teddy bear pero madalas lunch box. Narinig ko kasi na nung sila pa ni Team Captain palagi syang ipinagluluto nito.

Nakita kong nilingon ni Kara si Team Captain at inabot nito sa kanya ang lunch box pero kaya ng araw-araw na pageefort ni Team Captain ay araw-araw din itong tinatapon ni Kara sabay alis.

"Pwede ba Wonwoo! Tama na! Hindi ko na kailangan yang mga pagkain mong walang lasa!" Sigaw ni Kara tapos umalis na sya, napatulala naman ni Team Captain sa mga pagkain na nagkalat sa lapag.

Tumayo ako mula sa kina-uupuan ko at pinulot ang nga iyon sabay tapon nun sa malapit na basurahan. Pagbalik ko sa kanya ay masama na naman ang tingin nya sa akin pero halatang umiyak na naman sya.

Inalabas ko mula sa bulsa ko yung panyo ko at inabot sa kanya, kalalaki nyang tao umiiyak sya.

"Aahin ko yan, Ms. Relationship Ruiner" sa tuwing nanonood ako ng practice yan ang palagi nyang tawag sa akin, nakakasawa na rin kaya.

"Huwag mo kong tignan ng ganyan, umiiyak ka naman? At ano to? Panyo to, pamunas ng luha mo" nakakatawa nga lang na sa tuwing umiiyak sya ako lang ang palaging nakakakita.

Nangangalay na yung kamay ko dahil hindi nya pa rin kinukuha yung panyo kaya lumapit ako sa kanya at ako na ang nagpunas ng mga luha nya para sa kaya.

"Team Captain ka pa naman tapos naiyak ka? Ikaw lang ba broken hearted sa mundo? Ako rin kaya! Pero umiiyak ba ako?" Napatigil ako sa pagpupunas sa kanya ng iangat nya ang kamay nya ay haplusin nya ang mukha ko. Tumulo na rin pala ang mga luha ko.

Lumayo ako sa kanya at tumakbo pabalik ng room namin. Nakakahiya namang nakita nya akong umiiyak.

***
Pagpasok ko ng gym ay nakita kong nakaluhod si Wonwoo sa gitna ng gym at nasa harapan nya si Kara.

"Kahit ano gagawin ko para bumalik ka sakin Kara" narinig kong sabi nya. Napacross-arm naman si Kara.

"Kahit ano Wonwoo?" Ulit nito at dahan-dahang tumango si Team Captain.

"Pwes dapat makapasok kayo sa Finals sa Basketball League"  rinig kong sagot ni Kara tapos lumabas na sya ng Gym. Alam kong hindi imposible yung pinapagawa ni Kara pero alam kong mahihirapan sila Team Captain dahil bumagsak kami sa Last place nung nakaraan taon dahil nagkainjury sya at until now sabi nila ay umaatake pa rin yung injury nya na iyon.

Kinuha ko yung bola na malapit sa akin at sinimulang idribble iyon. "Tayo na dyan, paano tayo mananalo kung nakaluhod ka lang dyan at naiyak na naman?" Tumayo sya mula sa pagkakaluhod at tumingin sa akin. Magsasalita pa dapat sya pero ipinasa ko na sa kanya yung bola.

Ewan ko pero parang gusto ko syang tulungan.

-----

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro