J
J
Hindi ko alam kung anong gagawin ko habang nakatayo sa tapat ng locker nya. Hawak ko ang isa namang papel kung saan nakasulat ang nararamdaman ko para sa kanya na matagal ko ng gustong sabihin ng personal pero kapag nandyan na sya ay natatameme ako. Alam kong isang malaking batok ang makukuha ko kapag nalaman ng nanay kong Guidance Counselor sa school na ito na syang pinapasukan ko ang kalandian kong ito pero Sorry Ma, Mahal ko talaga sya eh. Yaan mo babawi na lang ako sa mga magiging apo mo.
"Ilang taon pa ba ang dapat lumipas bago ilagay yang punyetang sulat na yan?" Habang nadadrama ako at sumingit na naman ang pinakamabait at pinakasupportive na bestfriend sa buong mundo habang nakataas na naman ang mga kilay at nakacross-arm. Nilingon ko sya at halata sa mukha nya ang pagkabagot at pagkainis. I wonder kung paano nakakatagal si Joshua sa ugali nya. I mean total opposite sila. She's SOOOOOO LOUD while Joshua was quiet. She's SOOO CLUMSY while Joshua was so gentle. She's BLACK while Joshua was white. Joke lang, baka magalit tong baboy na to kapag nalaman nyang sinabi kong baboy sya.
"Eh kasi--" hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng lumapit sya sa akin at hinablot na lang ng basta yung sulat na pinaghirapan kong pagandahin at sulatan kagabi. Binulyawan na nga ako ni Ate kagabi kasi gabi na bukas pa rin yung ilaw.
"Jeon? Sino yun?" Tanong nya nung makita nya yung pangalan nung lalaking bibigyan ko ng sulat. Actually hindi ko naman talaga alam kung ano ang buong pangalan nya.
Ganito kasi yon.
Plasbak (Flashback)
Isang beses napagpasyahan namin ni Mira na kumain sa canteen ng mga Seniors kasi sobrang daming tao sa canteen namin, which is Junior kasi G9 pa lang kami.
So ayun kahit medyo malayo at gutom na gutom na kami ay doon pa rin kami nagpunta para kumain. Unfortunately madami ring tao, pero dahil sobrang gutom na si Mira at kung ilang minuto pa ang lilipas at hindi pa sya makakakain ay magbebeastmode na sya kaya pumila na kami doon.
Matapos kaming makaorder ay naghanap kami ng mauupuan. Walang space dahil hindi pa tapos kumain ng lunch yung mga Seniors kaya sabi ko kay Mira sa labas na lang kami kumain, pero si Mira ay si Mira. Nakakita sya ng space kaya agad syang tumakbo papunta doon para wala ng makaupo na iba.
"Kuya pasabay kami ha? Gutom na gutom na kasi talaga kami eh" sabi nya dun sa lalaking kumain din sa mesa na iyon. Tinignan sya nito tapos maya-maya ay ngumiti. "Sure, wala din naman akong kasabay kumain"
"Oh ok na daw, bilisan mo nga pabebe ka pa dyan eh" sabi ni Mira sabay hatak sa braso ko para umupo ako. Nakita kong napatawa yung lalaki nung marinig nyang sinabihan ako ni Mira ng pabebe.
"Thank you po" sabi ko sa kanya pero hindi ko oa rin inaalis yung tingin ko. Ngayon lang ako nakapunta sa part ng school na may mga senior at hindi ko alam na may ganito pala kagwapo dito.
"No problem" sabi nya habang nakangiti. Pakiramdam ko nabusog na tuloy ako. Patuloy akong nakatitig sa kanya ng maramdaman kong siniko ako ni Mira.
"Pagkain ang nakakabusog, hindi ang pagtitig sa lalaki" bulong nya sa akin at doon ko narealize na medyo nakakahiya yung ginagawa ko. Nagsimula akong kumain, paminsan-minsan ay tumitingin ako sa kanya.
"Juniors kayo right?" Biglang tanong nya sa amin, tumango naman si Mira habang ako nakatingin lang sa kanya.
Siguro nakita nya yung kulay ng patch namin.
"Bakit dito kayo nakain?" Dagdag nya pa. Sasagot na sana ako ng sumingit si Mira.
"Tin-ry lang po namin kung magkalasa yung pagkain dito at yung pagkain na tinitinda sa canteen namin" seryosong sagot ni Mira na nagpatawa kay Kuya. Pakyu ka Mira! Bakit mo pinapatawa si Kuya, lalo tuloy syang gumagwapo!!
"And?" Ok, ako na OP dito? Hello nandito pa po ako! I exist -_-!!
"Magkalasa lang din pala sila, napagod lang kami" sagot nya tapos tumawa ulit si Kuya. Isusumbong kita kay Joshua mamaya Mira, sinasabi ko sayo! Magbebreak kayo sa 23!!
"Saeng!" Tawag sa kanya kaya sabay kaming napalingon sa isang lalaki na naglalakad papalapit sa amin.
"Hyung! San ba tayo ngayon?"tanong nya dun sa lalaki.
Ng makalapit na sa kanya yung lalaki ay bigla silang naghandshake at kakaiba yung handshake nila, hindi yung typical na handshake with brofist.
"May practice tayo mamaya, after class" sagot nito. Mukhang madadalas ako dito sa Seniors, ang daming pogi eh! Baka nandito yung #POREBER ko!!
Nagusap pa sila ng konti tapos agad na tumayo si Kuya at inayos yung suot nyang uniform. "Dito na ako, nice meeting you Juniors" sabi ni Kuya tapos nagsimula na silang maglakad.
Nung kunin ni Kuya yung mga libro nya ay may nahagip yung mga mata ko.
Jeon
Apelido nya ata yung Jeon. Kailangan kong isearch sya sa data base ng school! Sya na ata talaga ang #POREBER ko!
Pabalik na kami ng building namin at iniisip ko kung paano ko magagalaw ang laptop ni Mudrakles dahil may copy sya ng mga files ng lahat ng estudyante dito ng maramdam ako ng batok mula sa katabi ko.
"Pakyu ka Bry" (pronounce as Bree) bigla nyang sabi sa akin kaya nagtaka ako. Gutom pa rin ba si Mira? Bigla-bigla na lang syang mamamatok sabay mumurahin ako? Ang bait po ng Beatfriend este bestfriend ko T_T
"Bakit? Ano na namang ginawa ko?" Tanong ko. Gago din tong babaeng to eh no??
Imbis na sagutin ako ay inirapan nya lang ako tapos nagpatiunang maglakad, hinabol ko naman sya.
"Ano na namang problema mo? Nag-away na naman ba kayo ni HongKong o meron ka?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya. Nagiging moody lang si Mira kapag:
1. Nag-away sila ni HongKong este Hong Jisoo a.k.a Joshua, yung shota nya.
2. Kapag may tuldok sya at;
3. Kapag gutom sya.
Malabo yung number 3 dahil kakatapos lang naming kumain, kaya anong problema ng baboy na to.
"Mira!" Tawag ko sa kanya pero hindi ako pinansin, ang hirap talagang magpaamo ng baboy, nakakapagod.
"Ano na naman bang kasalanan ko?" Nung mahabol ko sya ay agad ko syang hinawakan sa kamay para hindi na sya makawala.
"Namo ka! Nakakita ka lang ng lalaki hindi mo na ako pinapansin!" Napapikit na lang ako ng sigawan nya ako, I don't know what to say and what to feel right now.
End of Plasbak
"Yung lalaking pinagselosan mo dati?" Sagot ko sa tanong nya, kumunot ang noo nya at nag-isip.
"Ah ok" akala ko maghaharumentado na naman sya dahil sa sinabi ko buti na lang at hindi. "Bilisan mo na ilagay mo na yan!" Utos nya sa akin.
Naglakad ako palapit doon sa hilera ng mga locker ng Seniors pero napatigil ako, hindi ko kaya. Nanginginig ang mga kamay ko.
"Mira" I called her name. Tumingin sya sa akin and give me the Anong-problema-mo-bilisan-mo-at-ilagay-mo-na-yan-look.
"I can't" sabi ko. Nagroll eyes sya sabay lapit sa akin sabay hablot ng sulat ko sabay bukas ng isang locker sabay sarado nito ng malakas.
"Happy? Come on! My Hongkong is waiting for me!" Sarcastic na sabi nya sabay hila sa akin.
-----------
Hello!!
Kilala nyo pa ba ako?? Hahaha Jokes!!
So ayun, start na ng Jeon kaya sana suportahan nyo!!.
Hello sa mga Co-SM17E, Diamond, Mounteen ko dyan sa tabi-tabi!!!
Short story lang to! Wag magexpect na kasing haba to ng mga Bangtan Series ko XXD
Nga pala magpaplug Ceremony muna ako Huehue!
Pakibasa yung story ni @nikkolekim!! Seventeen FF din sya!! Sorry Saeng ngayon ko lang naplug ><
Ano magandang seventeen FF na Tagalog?? Bukod sa Versus Mingyu?? Suggest naman kayo dyan oh!!!
Yun lang XXD
Sorry sa typos at lame UD T^T
-Boo Seungkwan's Noona 💔💔💔💔💔
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro