Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Scarred

Title: Scarred
Author: BeyondTheLetters
Genre: Romance

_________________________________________

🌷Love knows no Bounds. Mapabata man, mapamatanda, hanggang kamatayan man, kung totoo ang pagmamahal mo, kaya mong gawin ang lahat at walang makakapigil sa 'yo.

(PS. Hindi ako naniniwala sa forever pero ang book na ito ay lumabag sa rules ng karamihan na siyang nagtutulak sa akin para ipakulong ang Author.XD)

________________________________________

"Scarred"

🌷Unang kita ko pa lang ng word na iyan sa cover ng book mo, nasabi ko sa sarili ko, baka naglaslas ang bida, kasi may scarf sa kamay tapos iyon pa ang title! Ang tragic nito malamang! Pero, nagkamali ako. Noong nabasa ko nang buo ang kuwento, napagtanto kong malalim pa sa balon ang pinanghuhugutan ng title.

Hindi siya tungkol sa sugat tapos naging peklat. For me, the word 'Scarred' is not about the pain that caused by the wound. It is all about unconditional love na hindi basta-basta maaalis. Naroroon na iyon at nakaukit kahit lumipas pa ang maraming taon, kahit hanggang kamatayan, hindi na mabubura pa kailanman. (Sabi sa 'yo puro kakornihan ang sasabihin ko rito, e. XD) So,  'yon, napanindigan ng title ang kabuuan ng kuwento.

____________________________________

🌷Sa totoo lang, hindi ako nagbabasa ng Prologue. Bakit? Kasi nawawala ang element of surprise lalo na kung 'yong nilalaman ay nasa middle ng storya, pero since aksidenteng nabasa ko ang unang pangungusap, na-curious ako kaya binasa ko (ito 'yong unang version ng prologue.) kasi naman anong mero'n sa token? Bakit siya duguan? Yan ang tanong na pumasok sa isip ko kung bakit napunta ako sa chapter one.

🌷Nang mabasa ko ang Chapter One at Chapter Two, anong naisip ko? "Ay, naku! Teen fiction pala ito! Puro kalandian! Paniguradong walang patutunguhan!" E, hindi pa naman ako nagbabasa ng teen fiction, puwera na lang kung nakuha ng Blurb ang atensiyon ko, PERO, NAGKAMALI NA NAMAN AKO. Bakit? Malalaman niyo rin. So ayon, sa dalawang chapter na yan, para sa akin walang pinagkaiba ang plot sa ibang istorya. Ang pinagkaiba lang ay iyong way of narration, dahilan para mapamura ako kasi ang galing lang. Dito ko rin naramdaman na may internal conflict ang lalaking bida. Pakiramdam ko may mali sa kan'ya at kailangan kong mahanap ang sagot doon. At dahil nabasa ko 'yong prologue, kating kati ang hinlalaki ko sa pag-scroll dahil gusto kong malaman kung anong mero'n doon sa Token! (Pisting token kasi na yan!XD)

🌷Pagdating sa Chapter Three, OMG! Nakita ko na ang dahilan kung bakit ganoon ang inuugali ng bidang lalaki. May malalim pa lang pinanghuhugutan kaya nagbasa ako nang nagbasa hanggang sa Chapter Five. At doon, bumalik na naman 'yong feels ko na, jusko! Ang cheesy naman! Iyong babaeng bida sobrang expressive! Pero seriously, kinikilig ako at naku-cute-tan, bakit? Relate na relate ang lola mo! Para akong ibinalik sa aking kabataan, dahilan para ma-hook na ako sa istorya.

__________________________________

🌷Gusto kitang i-congratulate dahil nagawa mong i-link ang internal conflict ng bida sa umusbong na external conflict ng istorya. Ginamit ni Antagonist na tool iyon para magkaroon siya ng dahilan na panindigan ang karakter niya. Pero hindi pa iyon doon nagtatapos, at alam naman nating lahat na nagagawa ng kontrabida ang mga bagay-bagay na iyon dahil may dahilan sila na siya namang nagkaroon ng matinding epekto sa emosyon ko. Bakit? Dahil ang dami kong hula na puro mali naman pala. Mapagtatanto mong, "shocks! may mas malalim pa lang dahilan!" At sa totoo lang, ito yong antagonist na kumonekta nang todo-todo sa akin, lalo na no'ng sinabi niyang, "Oh God, I know I've never asked for your help before. But..." Nanayo ang balahibo ko nang nabasa ko yan. Tumulo ang uhog at luha ko hanggang sa pagkakataong ito habang tinatype ko ang dialogue niyang iyan.

Pero sa kabilang banda, hindi lang naman iyan ang naramdaman ko habang nagbabasa. Nagawa ng Author na paglaruan ang emosyon ko. Isa siyang MAPANLINLANG AT DAKILANG MANLOLOKO kaya nga gustong gusto ko siyang i-demanda, e. Charot! Pero seryoso, pinalabas lahat ni Author ang emosyon ko. Natawa, nalungkot, na-depress, kinilig, sumaya. Basta lahat!

Sa kabuuan ng kuwentong ito, hindi lang ako kumonekta sa Antagonist, syempre sa Hero at Heroin din. May dalawang scene sila na pinakagusto ko kasi doon talaga sila nag-sink in sa utak ko. 'Yong tipong hindi mo na sila makakalimutan. Napamahal ako nang husto sa dalawang bida dahil sinuway nila ang kaisa-isang rule ng mga bitter na "walang forever". Kung gusto niyong malaman kung paano nila nagawa iyon, try ninyong basahin hanggang sa kahuli-hulihan.

Ang isa pa sa pinakanagustuhan ko sa kuwentong ito, kahit nag-umpisa ang dalawang bida sa batang edad, minahal nila ang isa't isa nang walang halong kahalayan. Lahat ng scene na magkasama sila, napaka-pure and innosent lang. Alam mo 'yung sobrang light lang ng eksena kapag magkasama sila. (Puwera lang doon sa kalohohang ginawa ni Drei.)

🌷Epilogue. Nagalit ako kay Author dahil bitin siya kaya ini-rerecommend ko talaga na basahin ninyo hanggang sa pinakahuling ending. Siguro, hindi lahat sa inyo ay maaapreciate ang kinahinatnan, pero kung bubungkalin ninyo ang pinakamalalim na kahulugan ng kuwento, malalaman ninyo na napanindigan ng storya ang salitang "Scarred".

🌷Siguro may mangilan-ngilan na sasabihing cliché ang kuwento, pero may something na inilagay ang may-akda kung bakit naging espesyal ang istorya sa bawat mambabasa. Una, 'yong way of narration. Puro show konti ang tell. Pangalawa, may logic, may pupuntahan at masasabing "ITO ANG TOTOONG ISTORYA", bakit? Hindi lang siya kuwentong mae-entertain ka, may kudlit siya sa puso, may damdamin kumbaga. Kaya nga iniisip ko na may pinanghugutan sa sariling buhay ang may-akda.

🌷Hanga ako sa mga Author na kayang panindigan hanggang sa ending ang pinaka-main idea ng kuwentong isinusulat nila. Bibihira ang ganoon, lalo na 'yong manunulat na nakakagawa ng istoryang may logic. At para sa akin, isa na ang Author na ito.

PS. Ano na, Author? Naunahan pa kitang i-post ang review ko sa story mo. Hahahaha
__________________________________________

May dapat pa ba akong sabihin? Nasa itaas nang lahat ang dahilan kung bakit niyo ito kailangang basahin. At since, wala namang nakalagay na pangalan ng bida sa blurb, hindi ko na sinabi ang dahil kayo na mismo ang dapat makaalam niyon. Bakit? Try niyong basahin.😊

DISCLAIMER: Ito ay pansariling opiniyon lamang. Ang mga kasangkot sa pahinang ito ay walang pananagutan kung sakaling hindi tumugma ang mga nakasaad rito sa inyong reaksyon.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro