Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Senbazuru Part 2

"Are you my daughter's friend? Lloyd, am I right?" Napalingon ako sa nagsalita.

Isang lalaking nakasuit at mukhang nasa 40s na. Siya marahil ang ama ni Lily.

"O-opo." Sagot ko. Ngumiti naman ito saka naglakad palapit sa kung saan ako nakatayo.

"Mabuti naman at nagkaroon siya ng kaibigan habang narito siya sa Ospital." Mababakas sa mata ng matanda ang lungkot habang nakatingin sa kanyang anak na ngayo'y nakaratay sa kama at maraming tubo ang nakakabit sa katawan.

Maski. ako ay nasasaktan sa nakikita. Parang bang pinipiga ang puso ko na nakikita siya sa ganung kalagayan.

"Alam kong bagot na bagot na ang anak ko dito sa Ospital. Alam kong gustong gusto na niyang umalis rito. Kaya laking pasasalamat ko na nandito ka at kinakausap siya."

"A-ano po bang nangyari?" Tanong ko. Ito ang isa sa mga tanong na gusto ko ng mabigyan ng kasagutan.

Paanong mapupunta siya sa ICU kung 'di naman ganun kalala ang sakit niya? Sinabi pa sakin ni Lily na malapit na siyang makalabas sa Ospital.

Nakita kung lumungkit ang mukha ng matanda. Nagbabadyang tumulo ang luha nito. "Kailangan ng tanggalin ang tumor niya sa utak. Naaapektuhan na nito ang optical nerves niya. Pero, 'di sigurado kung... makakaligtas ang anak ko. 50:50 ang tyansa para maging succesful ang operation."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig. B-brain tumor? Akala ko komplikasyon lang sa kidney ang sakit niya.

"Alam mo bang, gumagawa ang anak ko ng Senbazuru? Noong una, gusto niya lang gumawa ng ganito para pang-dekorasyon. 'Di siya sigurado kung anong hihilingin niya. Pero nitong nakaraang buwan, sinabi niya saking gusto niyang gumaling. I was happy dahil gusto niyang lumaban. At laking pasasalamat ko sa taong 'yun." Saka niya ako tinignan at muling ibinalik ang tingin sa anak. "Nasa ika-897 na paper crane na siya nang bigla siyang inatake at dinala sa ICU." Tumulo ang luha ng matanda na agad naman nitong pinahid.

Nagusap lang kami ni Mr. Chen, ang ama ni Lily, buong araw. Marami siyang ikinwento tungkol sa anak niya.

Matapos ang araw na 'yun, pumunta ako ng bar para maglabas ng sama ng loob. Halo-halong emosyon ang narsramdaman ko ngayon. Pakiramdam ko pinagbagsakan ako ng langit at lupa dahil sa nalaman.

Hindi ko pa nababawasan ang inuming aking binili ay agad akong tumayo at umuwi ng bahay. Hindi ko alam kung ano ang nagudyok sakin para kunin ang Origami Paper na binili ko at nagsimulang gumawa ng paper cranes.

"Alam mo bang kapag nakafold ka ng 1000 paper cranes, igagrant ni God ang wish mo."

Immature man ay nananalangin akong sana totoo ito. Na sana matupad nito ang hiling ko.

I spent the whole week making crane origamis. Paminsan-minsan ko ring binibisita si Lily. Minsan nga ako ang nagbabantay tuwing gabi. Then, I'll spend the whole night just watching her. Binabantayan siya. I want to see her move her fingers. I want to see her wake up. And I want to tell the momeng she wakes up that I love her.

Matapos ang isang linggo, nakatanggap ako ng tawag mula sa ama ni Lily, he said that tapos na ang operation at baka raw magising na si Lily. Hinfi alam kung succesful ang operation kaya oobserbahan pa si Lily.

Agad akong nagbihis at pumunta ng Ospital. Nang makarating ako doon ay nalaman kong si Dad pala ang nanguna sa operasyon.

Pumasok ako sa ICU at dinatnan si Lily na ngayo'y gising na at nakaupo.

"L-lily." Para akong nabunutan mg tinik nang makita ko siyang ngumiti. Kitang-kita pa ang panghihina niya pero mafanda pa rin ito.

Mr. and Mrs. Chen excused themselves at lumabas ng silid. Lumapit ako sa upuang malapit sa kama ni Lily at naupo.

"Kumusta?" I asked.

"I'm fine." Nakangiti niyang sabi saka yumuko. "I'm sorry."

"For what?"

"For not telling you-" I cut her off.

"It's alright. Naiintindihan ko naman." I assured her. Inangat niya ang mukha niya at may tumulong luha galing sa kanyang mata. I wiped it off.

"Don't cry. Ang importante, okay ka na." She smiled and said thanks.

"Alam mo, ang gwapo mo ngayon." Nagtataka ko siyang tinignan. "Kasi ang linis mo tignan. Di ka na ala-gangster. Mukha ka ng good boy."

I smiled. "Ano bang mas gusto mo? Gangster o Good noy?"

Napahawak siya sa kanyang baba na parang bang nagiisip. "Wala. Mas gusto ko kasi 'yung lalaking nagngangalang Lloyd."

My heart skipped a beat. Di ako makasagot. My heart was jumping, beating too loud and too fast for comfort.

"Lloyd. Your name means the color gray. Gray means dull, it is an unemotional color. It's detached, impartial, neutral. Nasa gitna ng black and white. The closer gray gets to black, the more dramatic and mysterious it becomes. The closer it gets to silver or white, the more illuminating and lively it becomes." Huminto siya at may kinuha sa bulsa ng hospital gown niya. Isang kulay gray na paper crane. Lukot na lukot ngunit maganda pa rin. "Kagaya ng crane na 'to. Kulay gray siya. Siya ang magdedecide kung saan siya lilipad. Patungo sa liwanag. O patuloy na magtatago sa dilim." Hinawakan niya ang kanang kamay ko at nakangiting inilagay saking palad ang paper crane. "I hope, alam na ni Lloyd ang tatahakin niya."

Nung gabi na ay umuwi ako sa bahay para kunin ang mga cranes na ginawa ko. Plano kong bumalik sa Ospital mamayang madaling araw para ipakita kay Lily ang Senbazuru na ginawa ko. Natagalan akong tapusin ito dahil nilagyan ko pa ng strings. Bandang alas-3 ng madaling araw nang matapos ako. Inayos ko pa ang pagkakalagay ng mga Crane Origamis sa kahon kaya natagalan ako. I want Lily to see this at sabay kaming hihiling.

Ngunit nang makarating ako doon ay nakita kong nagkakagulo sa labas ng ICU. Nakayakap ang ina ni Lily sa kanyang ama habang umiiyak. Nakita ko rin ang aking ama na kalalabas lang ng ICU. Lumapit ako sa kanila.

"A-ano pong nangyayari?" Tanong ko sa kanila ngunit walang sumagot. Tinignan ko ang aking ama. "Dad-"

"I'm sorry. Brain dead na ang pasyente."

Nabitawan ko ang hawak na kahon at nagkalat ang mga paper cranes na ginawa ko. Nabato ako saking kinatatayuan.

Si Lily.

Hindi. Hindi to totoo. Nilapitan ko si Dad at hinawakan ang magkabilang braso nito. . "D-diba, successful ang operation? Nagising naman si Lily diba? Nakakatawa nga siya kanina. Ngumjngiti na rin siya. Nakakausap natin siya ng maayos. Dad, tell me you're lying." Hindi siya sumagot. Iniwas niya ang tingin sakin. "Dad, tell me you're lying. T-tell me this is not true. P-p-p-please tell me this is one of your jokes. D-dad!"

"Hijo. 'Di succesful ang operation. 'D-di kinaya ng anak ko." Narinig kong nagsalita ang ina ni Lily at napahagulgol muli.

I looked at Dad. He looked at me directly in my eyes. At doon ko nakuha ang sagot. My Dad never lie.

Binitawan ko si Dad at napasabunot. Doon na nagsimulang magsipatakan ang aking luha. This can't be happening. No. "You're the best neuro surgeon in this Hospital! You're one of the best neuro surgeon in the whole fucking world pero wala kang nagawa?!" Iniwan ko na sila at pumasok sa silid.

There I saw Lily lying on the bed, lifeless. Lumapit ako sa kama. Ang dating malarosas niyang labi ngayo'y maputla na. Ang masiyahin niyang mukha ngayo'y wala na. Her warmth, wala na.

Muli na namang nagsipatakan ang aking mga luha. Umupo ako sa kama at niyakap si Lily.

I ctied. I cried my heart out. I kept whispering 'I Love You' hoping that she'll be able to hear it.

Pumasok ang ina ni Lily at may binigay saking kahon saka agad na lumabas. I opened it at doon nakita ko ang mga kulay gray na paper cranes. Maayos ang pagkakalagay ng mga cranes. Ngunit may maliit na space roon at may nakalagay na envelope.

I opened it at binasa ang sulat na nakalagay roon.

PRESENT

"Alam mo, Lily, antanga ko noon. 999 paper cranes lang pala ang nagawa ko. Kaya siguro 'di natupad ang hiling ko." I chuckled nang maalala ko kung gaano ako katanga noon.

I blamed God dahil 'di niya tinupad ang hiling ko. Binilang ko uli ang paper cranes. 'Di ako pumunta sa libing. Masakit para sakin ang pumunta pa doon. Saying goodbye was hard. I couldn't take it. Seeing her coffin with her body inside being burried six feet under, it was hard for me. Di ko pa tin matanggap na wala na siya. Nanatili ako sa bahay, counting the paper cranes I made. At doon ko nalaman na kulang ako ng isang crane.

"Halos gusto ko ng sirain ang mga crane na ginawa ko pero afad naman akong pinigilan ng puso ko." Hinawakan ko ang crane na binigay sakin ng bata kanina. "Those cranes, 'yun ang bagay na magpapaalala sakin kung gaano kita kamahal." Hinawakan ko ang lapida kung saan nakaukit ang pangalan ni Lily. Tinanggal ko ang kakaunting tuyong dahon. "Alam mo ba, nasa akin pa rin ang mga cranes. I kept them. For seven years, I kept them. Took care of them. Masasabi kong sa loob ng pitong taon, nakamove on na ako sa pagkawala mo." I smiled and pointed my chest. "Pero ito... 'di pa nakakarecover."

I sighed. " 'Yung crane na pinakita mo sakin... bago k-" Napayuko ako nang maalala ang huli naming pag-uusap. "Bago ka mawala. The gray crane. Ako 'yun. I was the gray paper crane. The more I get closer to black, the more mysterious and dramatic. But the more it gets closer to white the more illuminating and lively it gets. I chose white. I went back yo college taking up nursing. After that, nagmedicine ako. And, look at me now, I'm a neuro surgeon. I realized na, kung magmumukmok ako at babalik sa dilim, parang sinayang ko na ang binigay mong liwanag sakin."

"Ginugol ko ang oras sa pagtulong sa iba. I helped others kahit wala ng bayad. Pero, nakakalungkot. It saddens me that I couldn't help the peraon who showed me the right path to take. It saddens me that I couldn't save you, Lily." Naramdaman ko ang pagtulo ng aking luha na agad ko namang pinahid. I stood up at kinuha ang aking jacket.

I looked up the sky and closed my eyes.

Lily, I miss you. Kahit na tatlong buwan lang tayo nagkasama, it felt like we've known each other for a decade. I miss your voice. Your smile. Your laughter. I miss everything about you.

I opened my eyes at napatingin sa bughaw na langit at kulay puti nitong ulap.

"Kaya ko pa bang magmahal ng iba? Kung ikaw na ang sumakop ng buong puso ko?"

Then I felt a cold breeze. Nagtagal ito ng ilang segundo. Ibinaba ko ang tingin saking paanan nang mapansin ko ang isang bagay.

Pinulot ko ito.

Isang gray na paper crane. Kagaya ng kulay at ng klase ng papel na ginamit ko sa paggawa ng Senbazuru.

"Hala kuya!" Napalingon ako sa babaeng sumigaw.

Lily...?

-END-

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro