Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Senbazuru Part 1


"Ingat ka ah?" I said then I patted the little girl's head. Ngayong araw na kasi ito madidischarge matapos ang ilang buwang pagkakaconfine.

"Opo! Bye po!" Sagot nito saka tumakbo papunta sa mga magulang niyang ngayo'y nasa may main door ng Ospital.

I smiled. Masaya ako't may isang tao na naman akong natulungan. May komplikasyon sa utak ang bata kaya nagstay siya dito for 3 months. Ako ang personal doctor niya at ang naging kalaro niya habang nakaconfine siya. At ngayon, masaya ako't maayos na ang kalagayan nito.

I adjusted my glasses saka tumalikod para bumalik na sa opisina ko. Ngunit agad akong napahinto nang tawagin ako ng bata.

"Doctor Lloyd!" Lumingon ako. Tumakbo ang bata papunta sakin at nang makalapit ay may inilahad siya sakin.

Isang Crane Origami.

"Para po sa'yo. Isang Paper Crane. Wala po kasi akong maisip na ibigay sa'yo bilang pasasalamat kaya naisipan kong gumawa nalang ako ng paper cranes. Marami po sana 'yan kaso isa lang 'yung nakayanan ko. Sorry po." Napangiti ako. I leveled my height with the little girl at kinuha ang paper crane saka ginulo ang buhok ng bata.

"It's fine. You don't need to be sorry. In fact, I actually liked it." Nakita ko namang lumiwanag ang mukha ng bata.

"Talaga po?" Nakangiti akong tumango. "Yey!" Niyakap ako nito at ginantihan ko naman ito ng yakap.

Napatingin ako sa paper crane.

7 years ago.

"Come back here, Lloyd! I'm not done talking." Dad yelled. 'Di ko na siya pinansin at lumabas na ng opisina.

I heaved a sigh saka tinahak ang kahabaan ng hallway. Amoy medisina ang paligid. Kakaunti lang rin ang taong nakakasalubong ko. Ang ilan ay nakaupo sa mga bench sa gilid. Ang ilang nurse at doctors ay nginingitian ako at binabati. Pero 'di ko sila pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

My parents own this hospital. Dito na rin sila nagtatrabaho. They're both doctors. My dad is a neurologist while mom's a cardiologist.

Everyone expects me to follow their footsteps. Everyone wants me to be a doctor. But I don't want to. Sa katunayan ay wala ng direksyon ang buhay ko. I don't go to class. Nakikipagbasag-ulo ako. I smoke. I drink. I even tried taking drugs pero agad akong natigil dahil kay Mom.

Sakit ako sa ulo ng mga magulang ko. But I'm doing this because I want to break-free. I want to get out of their grasp. I don't want them manipulating my life. I want to choose the path I want. Kaya ako nagrerebelde.

Nakarating ako sa garden ng Ospital. Inilabas ko ang pakete ng yosi at sinindihan ito. I puffed the cigarette.

Maraming tao sa garden. Ang ilan ay mga pasyente.

Naglakad ako papunta sa pinakamalapit na bench. Nang makarating ay napansin ko ang mga construction paper o colored paper na nagkalat sa ibabaw ng bench. May gunting rin at pandikit.

What the heck? Kelan pa naging art school ang Ospital?

"Hala kuya! Uupo ka?" Napalingon ako sa babaeng nagsalita. Lumapit siya sa bench at niligpit ang mga papel na nagkalat.

Maputla ang babae. Mapungay rin ang mga mata nito. Kung titignan ng malapitan, she posses hazel brown eyes. Mala-rosas ang mga labi nito. Kung titignan ang katawan ay mapayat ito. Ngunit, maganda pa rin.

Nang matapos sa pagliligpit, ay lumingon ito sakin at ngumiti ngunit mabilis itong napawi. "Naninigarilyo ka?!"

"Di ba halata?" I mocked saka umupo sa bench. Lumapit sakin ang babae saka inalis ang yosi saking bibig. Itinapon niya ito at tinapakan.

Napatayo ako. "What the fuck?! Why'd you do that?!" Galit kong tanong sa babae na ngayo'y nakapamewang saking harapan.

"Masama sa katawan ang paninigarilyo!"

"Eh pakialam mo ba?! Nanay ba kita?! Ikaw ba magkakasakit?!"

"Concerned lang naman ako. Pasalamat ka nga at may natitira pang concerned citizen sa mundo."

"Tsk."

She pouted. Saka may dinukot sa hospital gown niya.

Napataas ang isang kilay ko nang inilahad niya saking harapan ang isang 100 peso bill. "Bayad ko 'yan sa sigarilyong tinapon ko. Sorry. Pero huwag mo ibibili ng yosi. Kahit tinapay nalang o gatas. Mas okay pa 'yun."

Tinignan ko lang ang perang nasa kamay niya.

Why would I take that? I'm son of a freaking millionaire and a grandson of a fucking philantropist. I have lots of money for christ's sake.

'Di ko na siya pinansin at naglakad paalis ng garden. I was supposed to relax my brain in that garden ngunit imbes na relaxation ang makuha ko, ay stress pa ang binigay nito.

Kinabukasan ay bumalik ako sa Ospital dahil ipinatawag na naman ako ng aking ama. Pumunta uli ako sa garden upang manigarilyo nang mapansing wala na pala akong yosi.

Aish. Tatambay nalang siguro ako. Sana nga lang wala 'yung babae kahapon.

Ngunit nagkamali ako. Nandun nga ang babae. Nakaupo sa bench at may kung anong ginagawa sa mga papel. Inilibot ko ang tingin sa paligid upang humanap ng mauupuan. Ngunit walang bakante.

Napabuntong-hininga ako.

Siguro naman di ako nito maalala.

Umupo ako sa tabi ng babae hoping that she won't notice my presence. Mukha naman siyang busy sa ginagawa niya.

Wala akong choice kundi ang umupo sa tabi niya dahil ang garden lang naman na ito ang parte ng Ospital na hindi amoy medisina.

"Halaaa! Ikaw 'yung lalaki kahapon!" Napapikit ako ng mariin.

Tangina naman oh.

I stood up at tangkang aalis nang bigla niyang hinawakan ang braso ko at hinila ako kaya napaupo ako uli sa upuan.

"Ano ba?!" Singhal ko saka tinabig ang kamay niya.

"Hehe. Upo ka na dyan. 'Di na kita aawayin. Pramis." Nakangiting wika nito habang nakapeace sign.

Tsk.

At dahil masakit na ang paa ko kalilibot sa Ospital na 'to, naisipan ko nalang na umupo sa bench. Sana nga lang ay 'di ako guluhin ng babaeng ito.

"Wow. 'Di ka na naninigarilyo. Napagdesisyunan mo na bang magbagong buhay dahil sa mga sinabi ko?"

"Nakalimutan ko bumili ng yosi."

"Ay? Ibig sabihin maninigarilyo ka uli." Tumango ako.

Why am I talking to this girl?

"Ako nga pala si Lily. Alam mo ba, meaning ng pangalan ko ay purity?"

'Di kita tinanong.

'Di ko na siya pinansin at ibinaling ang atensyon sa paligid.

Tumahimik naman siya at nagpatuloy sa ginagawa. Napansin ko ring tutok na tutok siya sa pagtutupi-tupi ng papel. 'Di ko tuloy mapigilang magtanong.

"What're you doing?"

"Ah. Origami. Gumagawa ako ng Crane Origami."

"Origami?" Tumango siya.

"It's a japanese art of folding paper." Huminto siya sa pagsasalita at hinipan ang papel causing it to inflate. "Ta-da!"

Itinaas niya ang hawak at ipinakita sakin.

Isang papel na mukhang ibon na may mahabang leeg at mahabang buntot.

Kinuha ko ito at upang matignan ito ng malapitan.

Ang linis ng pagkakatupi. Ni wala kang makikitang gusot. Halatang maingat at magaan ang kamay ng gumawa. Kahanga-hanga.

"Senbazuru o Thousand Paper Cranes. Alam mo bang kapag nakafold ka ng 1000 paper cranes, igagrant ni God ang isang wish mo." Napalingon ako sa kanya dahil sa sinabi. Nakatingin siya ngayon sa kalangitan.

Hindi ko alam kung matatawa ako sa sinabi niya. I think it's childish and immature.

"You seriously believe that?"

Napanguso ito at humarap sakin. "Syempre naman noh!"

I chuckled saka tinignan muli ang paper crane na hawak ko. "At paano kung 'di pala totoo?"

"Edi ayos lang. Wala namang mawawala kung itatry ko. Saka malay natin, totoo talaga diba?" Muli akong napalingon sa kanya.

"Ano namang iwiwish mo kapag nakagawa ka ng 1000 paper cranes?" I mentally slapped myself. Ba't ko ba kinakausap ang babaeng 'to? Malay natin baliw pala 'to. Baka isipin na feeling close ako.

Napahawak siya sa kanyang baba na para bang nag-iisip saka nagkibit balikat. "To be honest, 'di ko pa alam kung anong iwiwish ko." Yumuko siya. "I'm stuck between two wishes. At ngayon, naghahanap ako ng rason para 'yung unang hiling ang piliin ko."

Nanaig ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Nanatili akong nakatingin sa paper crane na hawak ko habang siya naman ay nakatingin sa kalangitan.

Ilang sandali lang, I stood up at nilagay ang paper crane sa tabi niya. Tinignan ko siya saka nagsalita. "I'm Lloyd." Saka naglakad paalis.

Sa mga sumunod na araw ay napansin ko ang sarili kong halos araw-araw ng pumupunta sa ospital kahit na hindi naman ako pinapatawag ng Dad ko. Palagi akong pumupunta sa garden at palagi ko namang naabutan si Lily na nandoon at gumagawa ng cranes.

Palagi ko narin siyang nakakausap. Palagi niya akong sinisermonan. Nalaman ko ring nandito siya sa Ospital dahil nagdidialysis siya. May komplikasyon kasi sa kidney niya. Palagi rin kaming nagkekwentuhan. Pero mostly siya ang nagkekwento. Palagi siyang nagkekwento tungkol sa sarili niya pati tungkol sa pamilya niya. Lahat ng mga ginawa niya nung highschool pa siya at sa mga pinaggagagawa niya nung college.

I grew fond of her. Sa loob ng tatlong buwan ko siyang nakakausap, napansin ko ang mga pagbabago saking sarili. Madalang nalang kung manigarilyo ako, di na ako umiinom. Minsan nga ay pumasok ako sa klase. Everyone was surprised. Maayos ang pagkakasuot ko ng uniform and I even perfected a long quiz.

She changed me. She became my light. She guided me kung saan ang tamang landas na tatahakin. I think, I'm falling. Hard.

Today is her birthday. So I decided to buy her a gift. I bought Origami papers. Hindi ko alam kung magugustuhan niya 'to pero sana.

I went to the Ospital garden pero wala siya doon. But still, I waited. Baka may ginagawa pa.

Hours passed pero wala pa rin siya. Napagdesisyunan kong tumayo upang hanapin nalang sana ang room niya nang may lumapit saking nurse.

"Sir Lloyd? Si ma'am Lily po ba hinahanap niyo?" Nagtataka ko soyang tinignan. "Ah. Kasi po palagi ko kayong nakikita dito. Palagi kayong magkasama at masayang nag-uusap."

Napahawak ako saking batok. "Ah. Oo."

"Sir. Ano.. Nasa Intensive Care Unit na po si Ma'am Lily." Natigilan ako dahil sa narinig.

W-what?

"Sir, malala na po ang kalagayan ni ma'am Lily. Mas mabuti po sana kung pupuntahan niyo siya."

Wala na akong inaksayang oras at pumunta sa ICU. Di ako pinayagang pumasok ng mga nurse kaya sa salamin ko nalang siya tinignan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro