Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Payong

I stared at the dark sky. The air turned cold and in a sudden, the rain poured heavily. Agad kong inilabas mula saking bag ang payong at mabilis na tumakbo pabalik sa entrance ng paaralan. Pagkarating doon ay agad kong pinunasan ang ulo ko gamit ang aking panyo.

"Shit," I cursed. "Malas naman oh."

I sighed. Kung kelan naman pauwi na ako, saka naman umulan ng malakas. Ilang kamalasan pa ba ang aabutin ko ngayong araw? Kaninang umaga natalsikan ako ng putik kaya kinailangan kong bumalik sa bahay para magbihis. I was late for an hour dahil may kalayuan din ang bahay namin sa school. Then, I forgot we'd have a long quiz in math, kaya ayun, wala akong masagot. And, naubusan ako ng paborito kong dutchmill. Kinain pa nung vending machine ang natitirang coins ko. And now, this.

I stared at the heavy downpour. The water droplets fell like they simply cannot think of anything better to do. I held my bare arm out. The droplets splatter on my outstretched fingers.

"I hate rain," I murmured.

Ibinaling ko ang atensyon sa ibang estudyanteng nakasilong din sa entrance ng paaralan namin. Seems like di lang ako ang minalas. Inaliw ko ang sarili ko kakatingin sa kanila dahil lowbatt ang phone ko. Di ko na namalayan kanina pa pala ako nakatitig sa isang lalaki.

Jack Callin. Ang tahimik na heartthrob na pinagkakaguluhan ng lahat. Same grade as me, pero nasa section 1 siya. Section 3 ako. Mukhang di siya napasabak sa ulan kanina. He was completely dry with his black sweater on. Nakatayo lang siya habang nakatingin sa kalangitan. He was holding a red umbrella. It was bright red kaya nakakakuha siya ng atensyon.

My gaze was fixed on him. I studied every contour of his face, how his ebony black hair danced with the cold breeze. His eyes blankly staring at the dark sky. How his eyebrows complimented his tall nose. His jaw that looked like it was sculpted to perfection. I gulped when I saw how his adams apple moved up and down. I felt my stomach twisted into knots when my gaze landed on his veiny hands.

Jack Callin is a guy that would make every girl swoon. And I was one of them. I had a crush on him since day one.

Halos mapatalon ako sa gulat nang bigla siyang lumingon sakin. Patay malisya naman akong lumingon sa ibang direksyon.

"Fuck, Madeira, what in the world did you just do?" I murmured. "Did you just.." Napahawak ako sa magkabilang pisngi ko, "Oh my God, pinagnasaan ko yung tao!" I tapped my cheeks nang magsimulang tumibok ng mabilis ang puso ko. That was so not me!

Ibinalik ko ang tingin kay Jack pero agad akong natigilan nang mapansin ko ang isang babaeng lumapit sa kanya. Si Ms. Cleo Demoure. Ang physics teacher namin. She was really beautiful. Halos lahat ng lalaking professor dito sa school ay humahanga sa kanya. Maski mga estudyante. Aside from being beautiful, she's also smart and very kind. She was almost perfect.

The mysterious air that surrounded Jack a while ago was gone. A genuine smile appeared on his soft lips when his eyes landed on the Ms. Cleo. Sandali silang nag-usap bago binuksan ni Jack ang payong at pinasilong ang guro.

What was that? Tanong ko sa sarili ko.
Maya-maya pa ay humina na ang ulan kaya napagdesisyunan ko ng umuwi. Kinabukasan, ganun din ang panahon. Umaga palang ay malakas na ang buhos ng ulan. Pagdating na pagdating ko sa entrance ng school ay isang malutong na mura agad ang pinakawalan ko.

"Putangngina! Basa na naman sapatos ko!" padabog kong sabi. Napansin ko namang pinagtingin ako ng ibang estudyandteng naroon pero ipinagkibit balikat ko lang ito. Di pa ako tuluyang nakakapasok sa school kaya hindi ko pa naviviolate ang rules.

Inilibot ko ang paningin sa paligid. My eyes were looking for someone. I sighed nang mapansing wala siya.

"Madiiiieee!"

Agad akong napatakip ng tenga nang marinig ko ang dalawang boses na yun. Mabilis akong naglakad papasok ng school pero bago pa man ako tuluyang makapasok ay biglang may bumaba sakin.

"Ack! Bitaw bitaw!" sigaw ko habang tinatapik ang brasong nakapalibot sa leeg ko. "Bitaw, Red, bitaw!"

"Namiss kita, Madie!" sagot nito saka mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sakin.

"Bitawan mo na siya, Red," natatawang utos ni Vayne. "Baka maubusan ng hangin kaibigan natin."

Bumitiw naman si Red pero inakbayan pa rin niya ako. Hinimas ko naman ang leeg ko. "Ano ba, Red, nagkita palang tayo kahapon. At, magkaklase tayo. Wag kang OA."

"Pagpasensyahan mo na si Red, Madie. Alam mo namang palagi yang bangang," sabi ni Vayne habang pilit na pinipigilan ang tawa.

Red pouted, "Ay grabe siya oh."

Napangiti ako. Red and Vayne were my friends since elementary. We've been together since time immemorial. We're like three soul inside one body. Okay, that's too much. Pero close talaga kaming tatlo. Palagi ko silang kasama. Kabisado na nila ang isang Madeira. Alam nila ang nagpapaiyak at nagpapatawa sakin. Hell, alam din nila ang daily routine ko. Alam nila kung natatae ako, kung nagugutom.

"Tabi." Sabay-sabay kaming napalingon sa malamig na boses mula saming likuran.

It was Jack Callin.

Nakasuot siya ang itim na hooded jacket kaya mas nagmukha siyang misteryoso. Dinagdagan pa ng bangs niyang halos tumakip na sa mata niya. Wala na ang Jack na nakita ko kahapon habang kasama si Ms. Cleo. Bumalik ito sa datim ang dating Jack na kinatatakutan at the same time kinababaliwan ng lahat.

"Nakaharang kayo sa daraanan."

"Ay sorry," mabilis kaming hinila ni Vayne papunta sa gilid. Tumango si Jack saka kami nilagpasan.

"Brr.. Mas malamig pa siya sa panahon ngayon," komento ni Red. Tumingin siya sakin, "Diba crush mo yun?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito, "A-ano?"

Tumango naman si Vayne, "Oo, sinabi mo yun samin noon. Nung first year palang tayo."

My cheeks flushed, "T-teka! Wala akong maalalang may sinabi ako sa inyong ganyan!"

"Of course you won't," sabay nilang sagot.

"What?"

Vayne sighed, "Remember the time when we had a sleepover at Red's house? Yung inisang lagok mo yung isang basong wine?"

"Yeah, and it was your first time drinking that kaya ambaba ng tolerance mo. Then yun nga, nalasing ka, then you started talking about nonsensical stuff," dugtong ni Red.

I blushed, "I-including... the thing with Jack?"

Sabay din silang tumango. Oh fuck.

The day flew by fast. Pero isa lang ang mood ko sa buong araw na yun. Katulad ng lagay ng panahon. Bad. Hindi akl tinantanan ni Vayne at Red kakatanong tungkol kay Jack. Ano daw nagustuhan ko dun, kailan pa daw. Gusto ko man silang itaboy pero hindi talaga ako nila tinantanan hanggang sa kinuwento ko kung paano ako nagkagusto kay Jack. Dumagdag pa ay nung di ako agad pinauwi nung prof ko dahil ako ang pinagcheck sa mga answers ng mga kaklase ko dahil ako daw ang nakaperfect. Halos, dumilim na sa labas nung natapos ako. Wala na ring estudyante sa campus.

Inilabas ko ang fding umbrella ko nang makarating sa entrance ng campus. "I hate the rain," sabi ko habang nakatingin ng masama sa langit.

"Stop hating the rain," napalingon ako sa lalaking nagsalita. "Hate yourself for hating the rain."

In an instant, my heart beat faster. "J-Jack."

"So, you know me."

Tumango ako, "The whole campus, kilala ka." My eyes landed on his red umbrella. Dala na naman niya ang pagkalaki-laking payong na yan.

Inilahad niya ang kamay at hinayaang mabasa nito ng ulan. "The rain is beautiful. It creates a melody only you can understand. The rain comforts every soul. Dinadamayan ka nito kung malungkot ka."

Napatingin siya sa hawak niyang payong, "The rain can be your best buddy." There was a hint of sadness in his voice.

I've never seen Jack hang out with other students. I've seen him with the other student council members but I think they only talk about school matters. Madalas ko siyang nakikitang mag-isa. Palagi siyang nasa school garden, natutulog o di kaya'y nagbabasa at nakikinig ng music. He was always alone. He was like the dark rainy day. Dark, mysterious, cold. But this time, he looked vulnerable. Like the raindrops as it drops to the hard solid ground. Without me knowing, I touched his cheeks. Electricity ran from my fingers down to my spine.

Gulat na gulat siyang napatingin sakin. Nanlalaki ang mata naman akong napaatras. My heart was racing as if it wants to jump out of my chest. The rain poured even stronger. "S-sorry!"

"Jack?" sabay kaming napalingon kay Ms. Cleo nang lumabas ito mula sa school.

Matagal bago nakasagot si Jack. He was still shocked. "C-Cleo.."

"Let's go?" tanong ng guro. Tumango naman si Jack. Napalingon sakin si Ms. Cleo, "Sabay ka na samin?"

Umiling ako. "H-hindi na po. M-may sundo ako," I lied.

Pagkatapos nun ay sabay na silang umalis. And I stood there rooted to the ground. The sound of the rain harmonized with my beating heart. I had a crush on him, but I never wished to talk to him or to touch him. What the hell is going on with me?

Weeks passed na ganun ang pangyayari. Halos walang tigil ang ulan. Palagi na din akong ginagabi kung umuwi kaya mas napapadalas na din ang pagkikita namin ni Jack. Nagkakausap na din kami. Pero palaging maiikli ang sagot niya. He never asked my name and I didn't bother telling him. Marami na rin akong nalaman tungkol sa kanya. Like his mannerism. Hilig niyang kagatin ang ibabang labi niya. Nalaman ko ding sa parehong subdivision kami nakatira, na may aso siyang saint bernard ang breed. Ganun pa din ang araw araw niyang routine. Sa tuwing matatapos ang klase ay hihintayin niya si Ms. Cleo. Palagi niya ring dala-dala ang malaking payong niya. Minsan nga nagtataka ako kung di ba siya nabibigatan sa payong na yan?

Pero ang ipinagtataka ko ay kung ano ang relasyon niya kay Ms. Cleo. Mukhang close sila. I don't want to believe the rumours na girlfriend daw ni Jack si Ms. Cleo. That's against the laws of the school. At teacher and student relationship is forbidden. Pero parang gusto kong paniwalaan. Iba ang tinging ibinibigag ni Jack sa gurk. At napapansin ko ang pagbabago ng ugali ni Jack kapag nandiyan ang guro. Palagi siyang ngumingiti and... He looks at her like she was the most important person in the world. He looks at her as if he was afraid to lose her. Palaging kong naitatanong sa sarili ko, "Mahal ba ni Jack si Ms. Cleo? May relasyon ba sila?"

7 pm na noong mapagdesisyunan kong umuwi. Wala naman talagang utos sakin si prof at wala naman akong tatapusing school work. Nagpalipas lang ako ng oras. Saka, sa ganitong oras naghihintay si Jack kay Ms. Cleo. Isinuot ko ang jacket at bag ko saka pumunta sa entance ng campus.

At di nga ako nagkamali. Nandun nga si Jack. Napangiti ako at lalapit na sana sa kanya nang mapansin kong kasama pala nito si Ms. Cleo at ang isang lalaki. The guys was the older version of Jack. He was wearing a long-sleeved shirt with the sleeves rolled upto the elbows. His hair was clean-cut.

"Mauna na kami, Jack," sabi nung lalaki saka hinawakan ang kamay ni Ms. Cleo.

"Sure kang di ka na sasabay samin?" tanong ni Ms. Cleo pero umiling lang si Jack. Ngumiti ang guro saka sila naglakad paalis nung lalaki habang nakasilong sa iisang payong.

Payong..

Walang dalang payong ngayon si Jack. Ibinalik ko ang tingin sa kanya. Nakayuko ito habang nakasandal sa isang pillar. Lumapit ako sa kanya.

"Jack." Nag-angat ito ng tingin at sumalubong sakin ang malungkot nitong mukha. My heart beat faster, "S-sino yun? Di ba kayo sabay na uuwi ni Ms. Cleo?"

Umiling siya.

"D-diba, girlfriend mo siya? Ba't mo siya—"

"Hindi."

Natigilan ako, "What?"

"The guy was my stepbrother, Simon. He was Cleo's fiancè."

Nanlaki ang mata ko sa narinig. Natahimik ako. Hindi ko alam ang sasabihin. Nahihiya. Nahihiya dahil pinag-isipan ko sila ng ganun. I believed false rumours instead of knowing the truth.

"N-nasan ang payong mo?" tanong ko to lessen the tension building up.

Ibinaling niya ang tingin sa direksyon kung saan naglakad si Simon at Cleo. "Wala ng rason para dalhin ko pa yun."

"B-bakit?"

"I used that umbrella as an excuse for me to be with Cleo. Simon was on a business trip kaya walang sumusundo kay Cleo. And I volunteered." nabasag ang misteryosong aura na pumapalibot sa kanya. His voice croaked. "I love her."

Bawat bigkas niya sa mga salitang yun ay unti-unti namang dinudurog ang puso ko. "W-why didn't you tell her?"

"Because she was already happy."

Lumakas ang buhos ng ulan. Sa tanang buhay ko, ayaw na ayaw ko sa ulan. Lalo na sa tuwing tumatama ito sa bubong ng bahay namin at gumagawa ng ingay, sa tuwing lalabas ako at bigla bigla nalang itong bubuhos. All my life, I hated the rain. Pero ngayon, nagpapasalamat ako dito. Dahil dito hindi ko marinig ang unti-unting pagkawasak ng puso ko.

Kinuha ko ang folding umbrella mula saking bag. Binuksan ko ito at tumingin sa kanya. Napalingon naman siya sakin. Sumilay ang isang ngiti mula sa mga labi ko. "Sumilong ka na sakin. Sabay na tayong umuwi."

Itinago ni Jack ang nararamdaman niya para kay Ms. Cleo. He hid his feelings under an umbrella. Tulad ni Ms. Cleo na hindi alam ang nararamdaman ni Jack para sa kanya, katulad ni Ms. Cleo na hindi alam kung bakit palaging dala ni Jack ang payong niya. In the same way, 'di rin alam ni Jack kung bakit ko palaging dala-dala ang payong ko.

He never knew.

I, also, have hidden my feelings under an umbrella.

—END—

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro