Beware of Gorillas
Beware of Gorillas
By JanelleRevaille
Ang Highschool ay parang isang zoo. Dito nagsasama-sama ang iba't ibang uri ng hayop na may kanya-kanyang katangian at kanya-kanyang heirarchy na kinabibilangan. There are students who excel at everything, bold nd daring, rich, popular, and everyone's standard. There are those who are average, plain, and simple. Meron ding troublemakers, outcast, o ‘yong mga itinuturing na sumpa ang apat na taon nila sa highschool. And everyone belongs in a certain part of the food chain, be it on the top, the middle or the bottom.
Then, there's the Gorilla. Then, there's the Gorilla. The one who befriends everyone. The one who thinks that everyone in the zoo is equal. Sila ang mga estudyanteng kahit saan belong. Maaari din silang tawaging “Joker” o “Mood-maker”. Kahit sino kinakausap at kinakibigan. Sila yong mga masiyahin, walang pinoproblema, at maingay. Sa kabila ng tensyong ginagawa ng classification, sila ang nagsisilbing liwanag sa dilim.
At ako si Glory Ella Manggubat, isang Gorilla.
“Good morning!” masayang bati ko nang makapasok ako sa classroom.
“Good morning, Glory!”, “Morning, Glory!” at “Hyper ka na naman, Glory, ah?” ang karamihan sa bating natanggap ko pabalik. Pero isang bati ang klarong-klaro sa pandinig ko.
“Good morning, gorilya!”
Agad kong sinamaan ng tingin ang lalaking pinanggalingan ng boses na ‘yon. Nasanay na ako sa palagi niyang pagtawag sakin ng gorilya. Leonardo Vicente Torillo, ang top student ng klase namin. Hindi halata dahil mula sa pinakulayan nitong buhok hanggang sa mala-basagulero nitong pananamit. Kung hindi nga lang siya gwapo't matalino baka sa kulungan na siya dadamputin.
“Sa ganda kong ‘to, tatawagin mo akong gorilya? Kain ka nga ng mansanas. It keeps the doctors away. Mukhang may sakit ka na e!”
Isang masigabong tawanan lang ang natanggap ko. Pero halakhak ng Leonardo’ng ‘yon ang nangibabaw sa malakas na tawanan ng mga tao sa classroom. Napaangat ako ng kilay. May nakakatawa ba sa sinabi ko?
Napanguso ako, “Hoy! Hindi ako nagbibiro ngayon! Seryoso ako.”
Tumayo si Leonardo habang sinusubukang pakalmahin ang sarili mula sa katatawa.
“Ikaw nga ang pinakamaganda kung ikukumpara sa mga unggoy!”
Mas lalong lumakas ang tawanan ng karamihan. Sinamaan ko nalang siya ng tingin at nakangusong naglakad papunta sa upuan ko. Inilagay ko ang bag sa ibabaw ng mesa at padabog na umupo. Sanay na akong maging laughing stock, hinahayaan ko nalang sila.
Huminga ako ng malalim at inilibot ang tingin sa buong classroom. Napangiti ako. Bahala na kung maging laughing stock ako, basta't nakikita ko silang masaya na para bang walang bakod na nagbubuklod sa kanila, na para bang isa lamang kaming normal na section at walang caste system na nagwawatak-watak sa amin.
Inilabas ko ang aking smartphone at ginawa itong parang salamin. Pero, maganda naman ako, ah?
I squinted my eyes. Meron akong bilugang mga mata, at ang nakakamangha ay kapag nasisinagan ng araw ay kitang-kita ang pagiging light brown nito. ‘Di katangusan ang ilong ko pero hindi rin naman pango. May malambot akong mga pisngi at labi. Kaso nga lang, yung labi ko, dry. At okay, maputla. Pero wala akong sakit. Masigla ako. Mas masigla pa sa daga. Ang isang bagay lang talagang pangit sakin ay ang kulot kong buhok. Hanggang balikat ito at halos ayaw padaanin ang suklay. At sige, pati katawan ko. Hindi ako sexy, hindi ako payat, at hindi din ako mataba. Hindi ko rin maintindihan.
Ibinaba ko ang hawak kong phone at lumingon sa katabi ko.
“Haydn, maganda naman ako, diba? I asked as I batted my eyelashes.
Pero as usual, hindi nito inalis ang atensiyon na ginuguhit. Napanguso nalang ako. Si Haydn Cruz, simula pa noong unang taon ko sa high school, hindi ko siya nakitang may kasama. Palagi siyang nag-iisa. Masyado rin siyang gloomy at dull.
Tinitigan ko siya. May maitim at magulong buhok. Maliban sa mahabang bangs nito, tinatakpan rin ng malaki at makapal niyang antiparra ang kanyang mga mata. Matangos ang ilong at maputla ang malambot na mga labi. Even his skin complexion is pale. Tahimik din siya at palaging kaharap ang kulay asul niyang sketchpad.
Dumapo ang tingin ko sa ginuguhit nito. Halos mabato ako sa kinauupuan. Hindi ko alam kung matatawa ako o hahanga sa ginuguhit niyang unggoy na naka-backpack habang naka-peace sign at may hawak na saging. Matatawa dahil mukhang wala sa itsura ni Haydn ang gumuhit ng kabalbalan. Hahanga dahil sa galing niyang gumuhit. Kuhang-kuha niya ang itsura ng isang unggoy. Detalyado kahit na sketch pa lamang ito. Matagal ko nang alam na maaling siyang gumuhit. Simula noong unang beses kaming naging mag-seatmate. Siguro kung ipinapakita niya ang talent niya, marami siyang magiging kaibigan.
Napakurap ako nang bigla siyang huminto at mabilis na tinakpan ang sketchpad gamit ang kanyang kamay. He turned his head towards me pero hindi ko alam kung nakatingin siya sakin dahil sa nakaharang niyang bangs at salamin.
“Uh...” Hindi pa man ako nakapagsalita ay agad niyang itinago ang sketchpad.
Sakto namang dumating ang teacher namin sa first subject kaya hindi ko na nakulit si Haydn.
Matapos ang isang oras, naghanda na ang lahat sa pagtunog ng bell. Hudyat na oras na para mag-unahan sa cafeteria dahil ilalabas na ni Aling Sally ang masasarap niyang curry buns na siya namang pinag-aagawan ng lahat ng estudyante sa campus. Pero bago pa man tuluyang tumunog ang bell ay nagsalita muli ang aming homeroom teacher.
“Sa darating na school festival, magkakaroon ng isang art competition in honor of the school’s founder. Alam niyo namang maliban sa pagiging isang magaling na educator, isa rin siyang kilalang dibuhista.” Kinuha nito ang class record na nakapatong sa mesa, “Bawat klase may isang entry, ibig sabihin may isang representative. At dahil alam kong wala sa inyong magvo-volunteer at mukhang wala naman sa mga itsura ang pagiging artist, ako na ang pipili.”
Gamit ang class record, itinuro niya ang lalaking nakaupo sa tabi ko. “Haydn Cruz. Huwag ka nang aangal dahil alam kong magaling kang gumuhit.”
Napatingin ako kay Haydn. Nanatili itong nakayuko. Minsan iniisip ko, tao ba 'tong katabi ko o estatwa? Halos ganyang ang posisyon niya buong klase. Saka, hindi ba siya nangangawit kakayuko?
“Ang tema ng patimpalak ay, ‘What makes you smile’. Medium? Paintbrush. Tao, bagay, hayop, pangyayari o lugar, ikaw ang bahala. Huwag kakalimutan ang titulo at meaning ng iyong obra. You will be exempted from all school festival preparation and focus on your artwork. As for the supplies, kunin mo nalang sa room ng art cub. 'Yon lang ah, after class, magmemeeting tayo para sa magiging booth niyo.” Lumitaw sa mukha ng aming guro ang isang kahindik-hindik at katakot-takot na mga ngisi, “You are the top section in this school so I expect you to grab all the awards in the festival. If you understood, then you are dismissed.”
Pagkaalis ng homeroom teacher namin ay parang mga manok na mabilis na nagsilabasan ang mga kaklase ko. Tanging ako at si Haydn ang natira sa classroom. Gusto ko rin ng curry bread ni Aling Sally, pero siguradong siksikan sa cafeteria.
“Ah, Haydn, 'di ka bibili ng“
“Hindi ako gutom,” sabi nito saka mabilis na umalis dala ang kanyang sketchpad.
Bahala na kung maging laughing stock ako, basta't nakikita ko silang masaya na para bang walang barrier na nagbubuklod samin. But why is it that I can't put the last piece in the puzzle to make it whole and complete?
Sa school namin, walang umuuwi tuwing lunch. Para sa kaligtasan na rin ng mga estudyante kasi baka may mangyaring masama sa kanila habang nasa labas lalo na’t malayo-layo ang paaralan sa residential area. Kaya ang iba’y kumakain nalang sa cafeteria habang ang ilan ay nagdadala ng sarili nilang baon. Dahil mahal ako ng mama ko, araw-araw, walang palya, ginagawan niya ako ng panaghalian. Dahil nagtrabaho siya sa Japan, natutunan niya kung paano gumawa ng perpektong bento na mostly ang laman naman ay mga pagkaing pinoy. Madalas sa cafeteria ako kumakain kasama ang mga kaklase ko, pero ngayon, naisipan ko munang mapag-isa at namnamin ang masarap na pananghaliang niluto ni mama.
Naupo ako sa isang bench sa likod ng school building, binuksan ko lunch box at halos tumulo ang laway ko nang makita ang mga pagkaing inihanda ni mama.
“Wow! Sushi rice, octopos hotdog, kaarage chicken and my fave veggies!” Anong pumasok ngayon sa isip ni mama at ipinaghanda niya ako ng japanese dish?
Uumpisahan ko na sana ang pagkain nang mapansin ko ang papel sa ilalim ng ng bento box. Kinuha ko ito at binasa, “Anak, gamitin mo muna ang allowance mo at bumili ka ng mantika’t gatas. ‘Di kasi ako makalabas ng bahay dahil walang magbabantay sa kapatid mo. Love, Mama.”
“Kaya naman pala,” I muttered. Galing talaga ng mama ko. Itinabi ko ang papel at lalantakan na sana ang pagkain ng bigla akong nakarinig ng ingay.
Agad akong napatayo at napalingon sa pinanggalingan ng ingay. May apat na lalaking nakatayo sa ‘di kalayuan at parang may pinag-uusapan. Babalewalain ko na sana nang biglang kinuwelyuhan ng isang lalaki ang isa pa at isinandal sa pader. Hindi ko makita ang mukha ng dalawa dahil nakaharang ang iba pa nilang kasama.
“Anak ng pusa naman oh, kung kailan ako kakain saka pa nagkaroon ng away.” I grabbed my lunch box and was about to leave to call a teacher when I caught a glimpse of something something familiar.
Para makasiguro, nilapitan ko sila at itinago ang sarili sa malaking katawan ng puno.
“Hindi porke't may iba kang gagawin ay kakalimutan mo na ang obligasyon mo sa amin,” pananakot ng lalaking nakahawak sa kwelyo ng isa.
Teka, boses ni Leonardo ‘yon!
Inayos ko ang pagkakatayo upang mas lalo kong makita kung tama ang aking pero kasing-lapad ata ng pader ang mga likod ng mga kasamahan niya kaya hindi ko makita kahit na ilang beses akong nagpalit ng pwesto.
“Tuwing inuutasan ka, gagawin mo agad kung ayaw mong habang kong gawing impyerno ang buhay mo.” Sigurado talaga akong si Leonardo ‘to. Masyado na akong pamilyar sa mapangmataas nitong boses. Sa araw-araw ba naming ginawa ng Diyos, mga pangungutya at pambabara niya ang bubugad sakin.
Malakas niyang binitawan ang kwelyo ng lalaki at muntik itong matumba. “Naiintindihan mo, Cruz?”
Natigilan ako sa huling salitang binitawan ni Leonardo.
“Cruz?” I whispered. And before I could picture the owner of that surname, the two guys blocking my line of sight left, giving me the answer I needed.
“Haydn...”
Nanatili akong nakatitig sa kanya hanggang sa umalis na si Leonardo at ang mga kasamahan niya. Haydn didn't move. He stayed there standing with me staring at him from a distance. I stayed trying to comprehend what happened. Ito ba ang rason kung bakit hindi ko mabuo-buo ang klase namin? Na kahit anong gawin ko, bumabalik at bumabalik pa rin ang barrier sa pagitan naming lahat? Because one of us refuses to let the other be a part of the whole?
Nagtago ako hanggang sa umalis si Haydn at hindi ko na nakain ang inihandang baon ni mama. Pagkatapos ng klase ay umuwi akong matamlay. Sermon ang inabot ko mula kay mama dahil hindi ko man lang ginalaw ang pagkaing inihanda niya at hindi ko nabili ang ipinabibili niya. Pero hindi ko ‘yon pinansin at dumiretso sa kwarto para makapagisip-isip.
Pagkatapos maghilamos ay dumiretso ako sa kama ko at humiga habang nakatitig sa kisame.
Hindi maalis sa isip ko ang nangyari kanina. Alam ko namang watak-watak ang klase namin pero hindi ko naman alam na ang isa samin ay nakakaranas na ng bullying. Akala ko kahit hindi kami nagkakaisa, walang naiiwanan at walang inaapi samin. Pero, bakit ngayon ko lang nalaman na nakakaranas nap ala ng pang-aapi si Haydn? Bakit ngayon lang kung kailan huling taon na namin sa high school?
Because Haydn doesn’t look like he's being bullied. He’s always alone. He doesn’t look like he was going through something. Because he doesnt tell anyone.
Mabilis akong napaupo, “Because he doesn't have anyone to tell his problems.”
Kailangan ni Haydn ng taong tutulungan siya. ‘Yong taong handa siyang ipagtanggol. Someone he can talk to. Someone different from the others.
Haydn needs a friend.
Siguro, and rason kung bakit di kami mabuo-buo ay dahil ay isa sa amin na hindi kayang maging parte ng kabuuan. I considered myself as everyones friend, ready to listen to all their worries and hep them. But right now, I am willing to be Haydns true friend. Kahit na ibig sabihin no’n kakalabanin ko si Leonardo, handa akong maging kaibigan niya. Even if Haydn doesnt want me, I wont give up. Then the class will be whole.
Alam kong wala naman akong makukuha pabalik sa ginawa kong ‘to, but isn’t it nice and fulfilling to do good and make a positive contribution to humanity? Even if it’s just a tiny amount of kindness. Big things start from small things. Besides, I was raised this way. There’s no helping it.
I know what I’ll do starting tomorrow.
***
Kinabukasan, masigla akong pumasok sa paaralan. As usual, I greeted everyone, everyone greeted me back, and Leonardo hurled insults at me.
“Walang maganda sa umaga kung gorilya ang babati.”
Naalala ko ang ginawa niya kahapon kaya hindi ko siya sinagot at sinamaan ito ng tingin. Dumiretso ako sa upuan ko at hindi na pinansin ang iba kong kaklase na tinutukso si Leonardo dahil sa ginawa kong hindi pagpansin rito.
“Good morning, Haydn,” pagbati ko pero gaya ng nakagawian, ‘di niya ako pinansin at nagpatuloy sa pagguhit.
I leaned closer para makita kung ano na naman ang ginuhit niya pero mabilis niya itong tinakpan.
“Anong ginagawa mo?” tanong niya nang ‘di ako nililingon.
“Ah, gusto ko lang makita kung anong ginuguhit mo. Para ba ‘yan sa art contest?”
“Hindi,” maikli niyang sagot saka itinago ang sketchpad at ibinaling ang tingin sa bintana.
Hindi ko na siya nakulit pa dahil biglang pumunta sa harap ang class president naming si Kathleen.
“I received a text message from our homeroom teacher. May magaganap na emergency meetings ang faculty regarding sa upcoming accreditation ng school kaya walang klase lahat ng levels”
Malakas na hiyawan naming lahat ang pumutol sa kanyang sasabihin kaya malakas niyang hinampas ang mesa upang kunin muli ang atensyon ng klase.
“As I was saying, walang rason para magbunyi because I wasn’t talking about today. I was talking about next week. Yes, there are lots of times na wala tayong klase but it doesn’t mean na maaga tayong uuwi. All of our free time will be dedicated in the preparation for the upcoming school festival. Sa katunayan, nareceive ko na ang fund ng section natin from the student council and after class, our homeroom teacher will announce our assigned booth.”
Nawala ang ngiti ng lahat dahil sa anunsyo ni Kathleen. Sa apat na taon naming pananatili sa paaralang ‘to, nagsawa na kami sa school festival. Nakakapagod kasi siya dahil sa sobrang daming gawain. But the good thing about it, is that it’s fun. ‘Yon nga lang, kahit ni isang festival ‘di kami umattend sa bonfire ng kompleto.
Pagkatapos ng anunsyo, dumating na ang professor namin sa unang asignatura. The day went on like usual. Noong oras na para maglunch, nilapitan ako nina Kate at Samantha.
“Glory, sabay ka na samin mag-lunch.”
Umiling ako at inilabas ang lunch na na inihanda ni mama. “Sorry, next time nalang. Feel kong namnamin ang niluto ni mama ngayon e.”
“Aw, bummer. You’re gonna eat here? Alone? With gloomy Haydn?”
Nilingon ko si Haydn na nanatiling nakapatong ang ulo sa mesa at mukhang tulog pa rin. I smiled, “Yes, I will.”
Kate pouted and pinched my cheeks, “Baka mahawaan ka ni Gloomy Haydn at mawala ang cheerful gorilla namin.”
Mukhang nahawa na din sila sa kakatawag sa akin ni Leonardo ng gorilya.
“Hoy! Hayaan niyo na ‘yang gorilyang ‘yan at mamimitas pa ‘yan ng saging. And speak of the devil. Bumalik talaga siya para insultuhin ako.
“Baliw ka talaga, Leonardo. ‘Di lang naman saging ang kinakain ng gorilla, gusto din nila ng ibang prutas,” sagot ni Samantha. “Just kidding, Glory. Mauna na kami.”
Mukha ba talaga akong gorilya?
After that, they left the classroom with Leonardo and it went silent with me and Haydn left behind.
I shook my head. Tinanggal ko ang takip ng lunch box at halos tumulo ang laway ko nang makita ang laman nito. Marahan kong tinapik ang balikat ni Haydn para gisinging ito.
“Haydn, gising na. Lunch na oh.”
He stirred for a second but he didn’t wake so I tapped his shoulders again. “Haydn, hoy. Gising na.”
After a few tap, he finally raised his head. “What?” bungad niya.
“Lunch? Maraming niluto si mama at mukhang ‘di ko kayang ubusin, so, share tayo?”
Inayos niya ang pagkakaupo at hinilot ang batok. “I'm fine,” sagot niya saka tumayo.
“Teka, hindi ka ba maglulunch?” alok ko ulit pero tinalikuran na niya ako at umalis ng classroom.
Bumagsak ang balikat ko at napatingin nalang sa pagkaing nasa mesa. “Akala ko magiging madali ito.”
But I'm not giving up.
After class, mabilis kong inilagay ang mga libro ko sa locker at lumabas ng school builiding. Gusto kong sabayan si Haydn umuwi, sana nga ang pareho kami ng direksyong inuuwian. Wow, sa tagal naming naging magkaklase, di ko man lang alam kung san siya nakatira.
Napangiti ako nang makitang di pa siya nakakalabas ng gate. Tatawagin ko na sana siya pero bigla siyang nilapit ni Leonardo at ng mga kasamahan niya. Tinulak-tinulak nila si Haydn habang nagtatawanan.
Nawala ang ngiti sa mga labi ko at bago pa man may gawin pa silang masama kay Haydn ay nilapitan ko na sila.
“Haydn, sabay na tayo umuwi,” sabi ko saka inakbayan ito. Hindi ko alam kung gulat siyang nakatingin sakin dahil sa mahaba niyang bangs at makapal na salamin.
“Wow, best of friends na kayo ngayon?” natatawang tanong ni Leonardo. “Ang gorilya at ang gloomy sunday?”
Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin, “Inggit ka? Hanap ka rin ng kaibigan, mukhang desperado kang mapansin.”
I didn’t wait for him to say another word, grabbed Haydn’s hands and left the campus ground.
Nakasimangot kong tinahak ang daan papunta sa sakayan ng tricycle habang hawak-hawak ang kamay ni Haydn.
Nakakabwisit talaga ang Leonardo’ng ‘yon. Siguro hindi lang dalawa ang sungay na tumubo sa ulo no’n. Baka nga nalamangan pa niya si Satanas sa sobrang sama ng ugali. Halata namang walang ginawa sa kanya si Haydn na pwedeng maging rason para ibully niya ito. Sadyang kulang lang talaga siya sa aruga at atensyon.
“Glory. Huminto ako sa paglalakad at nilingon si Haydn.
“Bakit?” nakasimangot kong sagot.
“ ‘Yong kamay ko.”
I blinked then my gaze landed on our intertwined hands. I stared at it for a second. I was holding his right hand, the one he uses when he’s drawing. Hindi ko alam kung bakit hindi ko ito binitawan agad.
Is this really the hand of someone who draws? Haydn’s hand was cold and soft. Parang hindi kamay ng gumuguhit. It’s like a hand of someone who cares.
Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko at pag-init ng aking pisngi kaya mabilis pa sa alas-kwatro kong binitawan ang kamay niya.
“S-sorry! Hobby ko na siguro manghila hawak ang kamay. You know, Dao Ming Si type. Well, I’m not saying you’re San Cai or something” Why am I being nervous? I tend to talk a lot when I'm nervous.
“Bakit mo ginawa 'yon?” seryoso nitong tanong.
“Ano’ng ibig mong sabihin?”
“Bakit mo ako hinila?”
“K-kasi sabay tayong uuwi?”
He sighed saka ako nilagpasan. I composed myself before running after him.
“Teka! Sabay tayo!”
Magkaiba tayo ng direksyong inuuwian.
Huh? Teka, pano mo nalaman yon?
Hindi ko na siya nilubayan. I wanted to be his friend even if I have to force my way into his bubble.
Araw-araw, ito na ang ginagawa ko, ang manatili lagi sa tabi ni Haydn. Tuwing umaga, babatiin ko siya at kahit na hindi niya ako pinapansin ay patuloy ko pa rin siyang kinakausap. Tuwing lunch naman ay hindi muna ako sumasabay kina Samantha at Kate sa cafeteria at nananatili lang sa room kasama si Haydn. I always share my lunch with him but he always decline. Tuwing uwian naman ay sabay na kami palagi umuwi. Well, magkaibang direksyon ‘yong mga bahay namin kaya hanggang sa sakayan lang kami ng tricycle nagsasabay. Pero kahit papano ay nakakausap ko na rin siya, kung icoconsider na pakikipag-usap ang mga sagot niyang oo, hindi, siguro, then we're talking.
Nag-umpisa na rin ang preparation ng school festival na gaganapin dalawang linggo mula ngayon. Ang booth na napunta samin ay haunted house kaya inumpisahan agad namin ang paghahanda lalo na’t marami-raming props at costumes ang gagawin namin. The class is aiming for number one again. For the past three years, our class always places first. So, this year they’ve decided to upgrade the haunted house booth. Sa katunayan nga, they gave me the role of Kingkong. That’s how competitive our class gets to the point that they miss out on the spirit of unity and fun on every school festival we have.
Nagkaroon ng emergency meeting ang faculty kaya’t ang buong hapon ay inilaan namin sa paggawa ng mga kakailanganin para sa booth naming. Sa labas ng school building naming ginawa ang mga props dahil ayaw ng teacher namin na magkalat ang pintura sa loob ng room.
Huminto ako sa pagpipintura ng ulo ni Kingkong at inilibot ang tingin sa buong paligid. Halos lahat ng mga estudyante ng school ay abala sa nalalapit na festival. Pero ‘di tulad ng ibang section na nagkakatuwaan habang ginagawa ang mga props nila, ang amin ay tahimik at nakafocus lang sa gawain.
Huminga ako ng malalim at ibinaba ang paintbrush.
“Sino papakuha ng pintura? Pupunta ako sa room,” I announced. Kukuha rin kasi ako ng panyo dahil pawis na pawis na ako.
“Ako, Glory. Kulay white lang, thanks!” sagot ni Kathleen habang ‘di inaalis ang tingin sa pinipintuharang props.
“Nasa nature na ng gorilya ang pagiging malakas. Dalhan mo rin ako ng kulay red na pintura.”
Inirapan ko si Leonardo, “No way.” Iniwan ko na sila at mabilis na nagtungo sa classroom. Sa madalas niyang pagtawag sakin ng gorilya, palagi kong tinatanong sa sarili ko kung mukha ba talaga akong gorilya. Sabi ni mama, maganda naman ako pero minsan ang hirap nang maniwala. Nagkakaroon na rin ako ng insecurities regarding sa itsura ko na hindi ko naman nafifeel noon. Wala namang kaso kung si Leonardo lang ang tatawag sakin no’n kasi alam ko namang maitim talaga ang budhi no’n pero maski yong ibang kaklase ko, ‘yon din ang tingin sakin.
Ewan ko ba kung bakit ako naaapektuhan, simula noon pa naman nila akong tinatawag ng gano’n at sinanay ko na ang sarili ko na maging laughing stock.
Huminga ako ng maluwag at binuksan ang pinto ng classroom. Dumiretso agad ako sa kung saan itinambak ang mga pintura at itinabi ang pinturang pinakuha ni Kathleen. Pupunta na sana ako sa upuan ko upang kumuha ng panyo nang mapansin ko ang tulog na si Haydn.
Oo nga pala. Exempted nga pala siya sa mga gawain para sa school festival dahil kasali siya sa art competition. Kumusta na kaya ang artwork na isasali niya sa patimpalak?
Nilapitan ko siya. Napatingin ako sa antiparrang nakapatong sa ibabaw ng mesa. Hindi niya suot ang salamin niya at nakasandal ang ulo sa pader. Tinitigan ko ang mukha niya. Ang tangos ng ilong niya. Halatang malambot rin ang labi. Nasa gilid ang bangs niya dahil sa pagkakasandal niya sa pader kaya kita ko ang makapal niyang kilay at ang mahahaba niyang pilik mata. I noticed how tall and lean Haydn is but I didn't notice how he looked like until now. Ang gwapo pala niya.
Napahawak ako sa dibdib ko. Eto na naman. ‘Yong pakiramdam na parang gustong kumawala ng puso ko. ‘Yong pakiramdam na parang nagkakagulo ang mga bulate ko sa tiyan. Ito ‘yong nararamdaman ko sa tuwing magkakaroon ng kissing scene sina Go Jun Pyo at Geum Jan Di.
Hindi ko inalis ang tingin sa kanya habang pinakiramdaman ko ang mabilis na tibok ng puso ko. I wonder what his eyes looked like? Kahit kailan hindi ko nakita ang mga mata niya dahil palaging natatakpan ng bangs at salamin. It must’ve looked...
Nahigit ko ang hininga ko nang bigla niyang imulat ang kanyang mga mata. And on cue, my heartbeat went even faster as my gaze landed on those hazel brown orbs of his. The color of the woods with its green leaves combined with ashes from a nearby volcanic erruption, I could see it in his eyes.
“Glory?” His voice woke me up from a sudden state of trance.
Napaatras ako at ramdam ko ang pag-init ng aking mga pisngi.
“A-ah Haydn! G-gising ka pala! K-kukuha lang ako ng pintura saka aalis din ako, b-balik ka na sa pagtulog." Tinalikuran ko siya at mabilis na kiinuha ang pintura. My mind was in a haze. Halos mabingi na ako sa mabilis na tibok ng puso. Anong nangyayari? “H-Haydn, s-sabay tayong umuwi mamaya, h-ha?” Hindi ko na alam ang pinagsasabi ko. I was flustered. And everytime I get flustered, I have this tendency to a lot and
“Sige.”
Nabato ako sa kinatatayuan nang magsink-in sa utak ko ang sagot niya. He... he never said yes before. Nagkakasabay lang kami umuwi kasi hinahabol o kinukulit ko siya. This... this is the first time.
Hinarap ko siya at nagulat nang makitang naglalakad siya palapit sakin. Nang makalapit, inilahad niya ang isang panyo nang hindi nakatingin sakin.
“May pintura ka sa mukha,” maikling sabi nito.
Tinanggap ko ang panyo at nagpasalamat. Dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko, mabilis akong umalis sa classroom at nagpunta sa girl’s CR.
Napatitig ako sa salamin and saw how awfully red my face is.
Kinabukasan, napagdesisyunan ng faculty na ilaan ang buong araw sa paghahanda para sa school festival. Noong oras na para mag-lunch, nagsipuntahan ang iba kong kaklase sa cafeteria habang ang iba ay napagdesisyunang ipagpatuloy ang gawain. Dahil kanina pa ako nakakaramdam ng gutom, mabilis pa sa naiihing aso akong tumakbo papunta sa room. Baka rin kasi umalis si Haydn at tulad ng dati, may gawin na naming masama si Leonardo sa kanya.
Nakahinga ako nang maluwag nang makita siyang nakaupo mag-isa sa room. Mukhang hindi niya ako napansin kaya napagdesisyunan kong dumaan sa likod niya. Gugulatin ko sana siya nang mapansin ko ang blanking sketchpad na kanina niya pa tinititigan.
Wala ka pa bang naiisip na iguhit?
He flinched at mabilis na napalingon sakin. G-Glory?
Nginitian ko siya. Sorry, nagulat ka ba?
H-hindi.
Umupo ako sa tabi niya at kinuha ang lunch box mula sa bag ko. Nag-lunch ka na? Marami na naming inihanda si mama, kaya share ulit tayo.
Ibinalik niya ang tingin sa sketchpad. Ayos lang ako.
I sighed. Muli akong napatingin sa sketchpad niya, Wala ka pa bang naiisip na iguhit para sa art competition?
Iling lang ang isinagot niya. Ibinaling ko ang tingin sa lunchbox ko, Haydn, hindi ako magaling sa art pero bibigyan lang kita ng advice. Kung nahihirapan ka kung ano ang ipangtatapat mo don sa theme na What makes you smile, isipin mo ang mga bagay na gusto mo. Alin sa mga yon ang pinakanagpapangiti sayo tuwing iniisip mo ito. Alam mo, kahit gaano pa kaganda ang isang obra kung wala namang emosyong ibinuhos dito ang gumawa, para lamang ito isang blanking canvas na nakadisplay. Kaya, huwag mong i-pressure ang sarili mo na gumawa agad ng ipapasa mo para sa art competition. Take your time and when you already found the thing that makes you smile and when you feel like it, then doon mo na umpisahan.
Ibinalik ko ang tingin sa kanya at halos mahulog ako sa kinauupuan ko nang makitang nakatitig siya sakin.
S-sorry, I didnt mean to
Inalis niya ang tingin sakin, Sige. Ill probably do what you said.
Halos tumalon ang puso ko sa tuwa. I finally said something useful for him. Pakiramdam ko tuloy natulungan ko siya.
Dahil sa tuwa, tinusok ko gamit ng tinidor ang slice ng mansanas sa gilid ng lunch box. Inilahad ko ito sa kanya, But you need to eat para mas lalo kang maging creative.
Nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko na hawak na ang tinidor. He leaned closer then he took a bite of the sliced apple.
And here I am, trying to comprehend what he just did but all I could think of was how to stop my heart from beating too fast.
***
Isang linggo bago ang school festival, hindi pumasok si Haydn. No one bothered to know where he is or what happened to him. I was worried. Kahit kailan, hindi umabsent si Haydn. Kahit na may lagnat siya, hindi siya lumiban sa klase kaya nakapagtataka ang pagliban niya ng dalawang araw.
Akala ko mula noong araw na yon ay magiging close na kami o di kaya'y magoopen-up na siya sakin. Pero hindi naman iyon nangyari. But I can say our relationship have improved. Hindi nalang oo, hindi, siguro ang sagot niya sa mga tanong ko. Minsan dinudugtungan na niya ito ng tatlo o limang salita. At minsan siya na mismo ang lalapit sakin. So, kahit papano, may improvement ang pinaggagagawa ko. Its too early to say that I failed.
Natapos ang buong araw at para bang may kulang. Siguro nasanay na ako na palagi kong kinukulit si Haydn?
Matamlay akong umalis ng paaralan. Kasing tamlay ng panahon. Simula kaninang umaga, walang tigil ang buhos ng ulan kaya hindi namin matapos-tapos ang mga props. Noong nasa sakayan na ako ng tricycle, hindi ko mahanap ang wallet ko. Kung kailan naman ang sama ng panahon, saka naman ako hindi makakasakay ng tricycle. Napagdesisyunan ko nalang na maglakad pauwi. Hapon naman na kaya ayos lang siguro na mabasa ako.
Habang naglalakad ako malapit sa business center, may napansin akong isang matandang lalaki at isang binata na parang may hindi pagkakaintindihan sa 'di kalayuan. Karamihan sa dumadaan ay napapatingin sa kanila dahil sa lakas ng sigaw ng matanda. I know that the best thing to do in situations like this was to not mind it. Pero, napansin ko nalang ang sarili kong naglalakad papalapit sa kanila. Hindi ko alam kung bakit, pero pamilyar sakin ang tindig ng lalaking kausap ng matanda.
Pagkatapos ay pumasok na ang matanda sa isang magarang kotse. Naiwan ang lalaking kausap nito sa ilalim ng ulan habang ang ibang nanood sa eksena kanina ay unti-unti nagsialisan.
"Haydn," I called.
Lumingon siya. Malakas ang buhos ng ulan at hindi ko masabi kung alin doon ang mga luha, ngunit alam kong umiiyak siya. It was the first time I saw him cry. The first time I saw him so vulnerable. His eyes were screaming for salvation, like he was in so much pain that he needed someone to ease the pain for him.
Lumapit ako at papayungan sana ngunit umatras siya. Just like how fast the rain drops to the ground, ganon din kabilis niya kung itago ang mga emosyon.
I dont need it.
***
Pumasok siya kinabukasan perobuong araw, hindi niya ako pinansin. Bumalik sa dati ang pagtrato niya sakin. 'Yong isang porsyentong improvement ay nawala sa isang iglap lang.
He badly needs someone but he refuses to let people in.
Hindi ko muna kinulit si Haydn at hinayaan siyang mapag-isa. Alam kong gusto niya ng space ngayon lalo na't mukhang apektado siya sa nangyari kahapon. That person mustve been someone important to him.
Dahil naawa na ako sa sobrang dami ng gawain namin, nagkusa na lang ako na dalhin sa classroom ang ibang natapos na props. 'Di pa man ako nakakalapit sa room ay nakarinig ako ng malakas na kalabog. Dahan-dahan kong ibinaba ang hawak na props at mabilis na tumakbo papunta sa room sa pangambang baka may sumisira sa mga props namin.
Pagbukas ko ng pinto bumungad sakin si Leonardo na hawak-hawak ang kwelyo ni Haydn. Halos manghina ang tuhod ko nang makita ang mga pasa nito sa mukha at ang maliit na sugat nito sa gilid ng labi.
Nilapitan ko sila at itinulak si Leonardo kaya naialis nito ang pagkakahawak sa kwelyo ni Haydn.
“What the hell, Glory?!” Leonardo snarled. “Umalis ka diyan!”
“Anong ginagawa mo kay Haydn?!” galit na tanong ko.
“Wala kang pakialam, now get the fuck out of here and let me teach that guy a lesson.” He was about to grab Haydn again pero hinarang ko ang sarili.
“Wala siyang ginawang masama sayo para turuan mo siya ng leksyon!”
“You think? You must be out of your mind, Glory, for helping a loser like him. That piece of trash should have never been born in the first place! Ang mga tulad niyang walang kwenta ay dapat na manatiling walang kwenta!”
I clenched my jaw. Nagulat siya nang malakas ko siyang itinulak.
“What the hell?!”
“You! You don't get to decide whether someone is worthy or not! Every person, whether they belong on the top of the food chain or not, has their own worth! You think you're high and mighty just because you could insert fear to others? Well if you think that way then damn you, you conceited bastard!
Why you
I inhaled, Umalis ka
I forced Leonardo to leave. It felt like Ive said what I wanted to say to him for a very long time. But I dont know what drove me to say those. Is it because I was infuriated of what he did to Haydn or because I was angry at him for a long time?
Pagkaalis niya binalot ng katahimikan ang silid. The whole room was illuminated by the rays of the setting sun. Tinitigan ko si Haydn habang pinapahid niya ang dugo sa gilid ng kanyang labi. It was silent at mukhang wala siyang balak na magsalita.
“Why are you letting this continue?” I broke the silence. Emotions are starting to build up inside me. Seeing him doing nothing a while ago, letting Leonardo hit him without even defending himself made my blood boil. “Bakit hinahayaan mo silang tapak-tapakan ka? You could’ve told someone”
He didnt answer.
Haydn
“What’s the use? ‘Di ko kailangan ng awa mula sa ibang tao just to fit in. I don’t need that sense of belongingness you all desperately want. I’m different. ‘Di ako tulad ng lahat."
“I’m not talking about that! ‘Di ko sinasabing magfit in ka, na pilitin mo ang sarili mong makihalubilo. What I’m trying to say is tell someone you’re hurting. Kahit na isang tao lang ang sabihan mo, kahit na isa lang. Because if you keep it all to yourself, it'll soon weigh you down and become so heavy that you won't be able to move forward.”
His gaze landed on me, “How about you, Glory? When are you going to tell them that you’re hurting?”
I blinked. My heart thumped. “Anong ibig mong sabihin?”
Naglakad siya palapit sakin, “Kailan mo sasabihin sa kanila na nasasaktan ka na sa mga pangungutya nila sa’yo? Sa mga salitang binabato nila? When are you going to tell them to stop making a joke out of you because it hurts your feelings? Kailan ka papalag, Glory? Nakakaramdam ka rin naman, hindi ba?"
No, Im not
You told those things to him because youre hurt, right?
For some reason, my chest was hurting. It feels heavy. Para bang may kung anong dumadagan rito at hindi ako makahinga?
“Hindi mo naiintindihan, Haydn”
“Then, ipaintindi mo! Hindi ko maintindihan kung bakit mo sinasabing sabihin ko sa iba ang nararamdaman ko na ikaw nga hindi mo masabi sa kanila na nasasaktan ka na!”
I clenched my fist, “Oo! Nasasaktan ako sa mga sinasabi nila! Nasasaktan akong tinatawag nila akong gorilya, nasasaktan ako dahil pinagtatawanan nila ako! Pero kung ito ang kailangan kong gawin para makita silang masayang nagtatawanan na para bang walang naghihiwalay sa kanila... handa akong isantabi ang nararamdan ko.”
"Why are you so desperate in changing something that will stay constant forever?!"
“Because I want everyone to be happy!” Ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko dahil sa pagbuhos ng halo-halong emosyon. “You see... These people you meet in high school are already part of your life so why not make it memorable? Why not spread kindness to everyone while you can? I don’t want to dwell on something I didn’t do forever.”
I stared into his eyes, “Haydn... Even if I have to try so many times just to make your high school days memorable then I’ll do it. I’ll change it for you.”
Nanatili lang siyang nakatitig sakin. Hindi na siya sumagot at napaupo nalang.
“I don’t understand you at all...”
Nakahinga ako ng maluwag. Mukhang kumalma na siya.
“Then, get to know me. Let me be that someone. Someone you can tell your worries.”
***
“So, bakit ‘di mo nilabanan si Leonardo? tanong ko habang dinadampi ang basang bimpo sa pasa niya sa pisngi.
“It was my way of apologizing.”
Napahinto ako, “Apologize? May ginawa ka bang masama sa kanya?”
Nanatili siyang nakatitig sa palubog na araw. It took a moment for him to answer.
“I ruined his family.”
“A-ano?”
Huminga siya ng malalim at napayuko, We're half-siblings.”
Nanlaki ang mata ko sa nalaman. “Leonardo and you are half-brothers?”
“Yeah, we have the same dad. I was an illegitimate child.”
“So, ‘yong matandang lalaking hinahabol mo noong isang araw, ‘yon ang ama mo?”
Tumango siya, “Ayaw sakin ng ama ko. Being a well-known individual in the automobile industry, me and my mother were his greatest mistake. Binibisita niya lang kami sa tuwing magbibigay siya ng sustento. That day was the first time I ever begged him for money. Mom was seriously ill at wala akong mapagkukunan ng pera so I turned to him. Ibinaba ko ang pride ko. Huminga siya ng malalim at nakita ko ang lungkot sa mga mata nito. “He told me not to show my face in front of him ever again if he helped my mom. I accepted it. I don't need him anyway.”
He said every word with pain and bitterness. And without knowing, tears started to stream down my cheeks. Hindi ko alam na ganito pala kabigat ang dinadala niya. I didn’t know he was carrying such a heavy burden all by himself. Kung sana noon ko pa nalaman, kung sana hindi ako naging oblivious sa mga bagay-bagay, kung sana noon palang kinilala ko na si Haydn... natulungan ko sana siya sa pagbubuhat ng mga problema niya.
“Glory, bakit ka umiiyak?” he asked with his eyes wide open.
“S-sorry. Hindi... hindi ko alam na g-ganito na pala ang pinagdadaanan mo. Nakakahiya ako. Ang lakas ng loob kong sabihin na gusto kong mabuo ang klase natin pero nabigo akong tulungan ka man lang.”
“Ayos lang. You already helped me.”
“I did?”
Tumango siya, You shared your lunch with me, went home together. You lend me your ears. You listened to my pitiful life story. And... You were right. My problems may not have a solution yet, but my chest feels light now that I have someone to listen to me. Like the burden I've been carrying is gone.”
My heart was at it again. But this time, I wasn’t flustered. It became a melody only I could hear.
Itinago ko ang mukha ko, “H-huwag mo akong tignan. Ang pangit ko umiyak.”
Hindi ako nakarinig ng sagot mula sa kanya. Instead, I heard his laughter. Nanlalaki ang mata kong napatingin muli sa kanya.
I blinked.
Haydn’s laughing. He’s laughing. It was as if the gloomy and dull Haydn suddenly vanished and was replaced by a smiling Haydn. A smile that a made me weak in the knees.
Napahawak ako sa dibdib ko. “S-shut it, heart.”
***
Kinabukasan, hindi siya pumasok. Hanggang sa mga sumunod na araw. Hindi ko mapigilan ang sarili na mag-alala. May nangyari na naman ba sa mama niya? May ginawa na naman ba sa kanya si Leonardo? May sakit ba siya? May di pagkakaintindihan na naman ba sila ng ama niya? My mind is getting restless. I want to know if he’s fine after our talk. Because he looked like he was okay after that. What if on his way home, may nangyari sa kanya?
Kanina noong dumaan ako sa gym kung saan nakadisplay ang mga artworks na kasali sa art competition, ang stand lang ng section namin ang bakante.
He doesn't plan on showing up, huh?
Binuhos ko nalang sa booth namin ang lahat ng oras at atensyon ko. We turned our classroom into a haunted house. Sa sobrang dami ng mga taong dumayo sa paaralan namin ay pansamantalang nawala sa isip ko si Haydn. Nagkaroon din ng mga aberya sa booth namin kaya halos hindi na kami makapag-break. Nagkapagpahinga lang kami noong kumonti ang tao dahil mag-uumpisa na ang art competition sa gym. Siguro nga nagsimula na ang judging ng art competition. I wonder if he already showed up.
Nagulat ako nang biglang may tumapik sa balikat ko.
“Glory! Come with us! You should see this!”
“Huh? Bakit, Samantha?”
“You’ll know when we get there!”
Hindi na ako nakapalag pa dahil hinila na ako nina Samantha at Kate. Dinala nila ako sa gym at gusto ko ng lamunin ako ng lupa dahil sa sobrang dami ng taong naroon na nakatitig sakin. Suot ko pa rin kasi ang costume ko dahil katatapos lang ng turn ko sa booth. Sana dinala ko nalang ang ulo ni Kingkong para naman natakpan yong mukha ko.
Yumuko nalang ako dahil sa sobrang hiya at hinayaang dalhinako nina Samantha kung san nila ako gusting dalhin.
“Lift your head, girl. You can’t miss this.”
I sighed at sinunod ang sinabi ni Samantha.
Thump.
Tila ba huminto ang lahat.
Isa... dalawa... tatlo... apat hanggang sa hindi ko na mabilang ang tibok ng puso ko dahil sa sobrang bilis. Biglang nawala ang mga tao sa paligid at ang tanging natira lang ay ako at ang isang portrait ng babae na nakalagay sa stand na nakareserve para sa section namin.
It felt like the whole zoo was in my stomach.
Light colors was used to paint her. Nakaharap ang babae at nakangiti. Hindi kagandahan. Katamtaman ang tangos ng ilong, manipis ngunit malarosas ang labi, bilog ang mga mata at may magulo at kulot na buhok na umaabot sa kanyang balikat.
Hindi kagandahan ang babae sa painting ngunit tila ba buong ingat itong pininta kaya nagmukha siyang isang magandang babae.
"It's you, Glory!" Narinig kong sabi ni Samantha pero hindi ko ito pinansin at ibinaling ang tingin sa mga nakasulat sa ilalim ng canvas.
Under the canvas was the title and the descripion of the artwork.
Beware of Gorillas
“Even if I have to try so many times just to make your high school days memorable then I'll do it. I'll change it for you,” a gorilla once said.
Beware of Gorillas, they make you laugh, they make you smile. They might steal your heart.
At sa ilalim nito ay ang pangalan ng taong lumikha ng obra.
Haydn Cruz
-END-
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro