149 Avelino
"How do you know if a guy likes you?" I said.
"You just know." Peyton said. "You look like you know."
"Maybe." I said.
"And if that's not enough? Sometimes you just have to trust." She said.
"That they won't break your heart?"
She smiled. "That even if they do, you'll survive. You made it this far, haven't you?"
"Excuse me, ma'am." Napaangat ang tingin ko mula sa librong aking binabasa patungo sa lalaking nagsalita. "Here's your American Espresso and your Architoke Frittata Panini." Wika nito saka inilagay sa mesa ang aking inorder. Matapos ay ngumiti ito at umalis.
I placed my Stephen Hawking bookmark sa librong hawak ko at inilagay ito sa gilid. Then I started eating the food I ordered.
Mahigit dalawang buwan na akong nagpapabalik-balik sa cafe na 'to. Dito ako palaging nag-aalmusal at nagpapalipas ng oras. Wala naman akong mapuntahan ngayong summer. Ayoko namang manatili sa bahay at pakinggan ang away ni Mama at ng bago niyang asawa. My friends have their own summer events at different places kaya 'di ko rin sila maaya gumala.
Libangan ko ang magbasa ng aklat. May sarili akong mini library sa bahay pero nabasa ko na ang lahat ng aklat dun. Maging rito sa cafè ay naubos ko na ang mga non-romance books and novels.
Kaya nung nakita ko ang The theory of Everything book sa bookshelf ng cafè, ay napatalon ako sa tuwa nang akalain kong ito ang aklat na isinulat ng asawa ni Stephen Hawking na si Jane Hawking. Ngunit agad namang napawi ang kasiyahang aking nadama nang maalala kong hindi nga pala The theory of Everything ang title ng isinulat nito kundi Trevelling to Infinity pala. Pero binasa ko pa rin ang aklat. Maganda naman pala kahit may halong romance. Nasa page 300 na ako bago dumating ang waiter na naghatid ng inorder ko.
"Woah! Ang aga mo ngayon, Jane!" Natigil ako sa pagsubo nang marinig ko ang boses na 'yun. Inangat ko ang aking tingin sa lalaking ngayo'y nakaupo na sa upuang nasa harap ko. "Wyatt, isang Nectarine Mascarpone French Toast Panini at Cafe Bombon nga!" Pasigaw na order nito sa lalaking nasa counter.
"Aye aye, boss Nathan!" Sagot naman ni Wyatt.
Muling ibinaling ni Nathan ang atensyon sakin. "So, ba't ang aga mo ngayon? Nauna ka pa sakin ah."
Nathan Drei. Siya ang palaging kumukulit sa kanya sa cafe na 'to. Halos araw-araw rin itong pumupunta sa cafe st trabaho niya ata ang pangungulit. Noong una ay nakakairita but later on, I got used to it. He wasn't bad after all. He's like me. A science freak. Pero 'di obvious sa itsura niya na isa siyang nerd na gaya ko. Mas bagay sa kanya ang tawaging heartthrob. Well, I admit he's got the looks.
"Well, the usual scenario sa bahay." Sagot ko.
"Hmm. Kaya naman pala." 'Di ako nagdalawang isip na sabihin sa kanya ang mga problema ko. I feel comfortable talking to him about my problems. He would stay quiet and listen. Then after kong sabihin ang problema ko, he'll give a short advice but very helpful.
"Is that The theory of Everything by Kari Luna?" Napatingin ako sa aklat na tinutukoy niya. Ito ang aklat na binabasa ko kanina. "You're reading that?" Namamanghang tanong nito.
"Yeah." I answered.
"I thought you don't like romantic books?" He knows that too. Napansin niya kasing puro science fiction ang binabasa ko kaya nagtanong siya. And I answered him honestly. I already said, I like talking to him even though he loves nagging me.
"I run out of books to read. So, I decied to read this one and it wasn't bad as I thought it would be." I said saka yumuko. "Saka, it focuses more on the string theory and parallel universes than the love going on between the main characters."
"Kung sabagay." Sabi nito habang hinihimas ang kanyang batok. "But, did you like it?"
Napaatras ako nang bigla niyang ilapit ang kanyang mukha sakin. We were inches away. "Hmm? Did you like it?" He asked excitedly like a child.
"Y-yeah." I answered. I felt my cheeks heating up. At bumalik na siya sa kanyang pwesto.
My heart skip a beat. I've never been this close to him. Sure we always see each other, but I never thought of this scenario. It feels awkward, now that I have a crush on him.
Yes. I like him. But I wasn't suppose to like him.
Dapat 'di siya ang nagugustuhan ko ngayon. You see, I met this guy, I don't know his name though. Nakilala ko siya noong una akong pumunta sa cafe na 'to. It was the worst day of the year. My mom and his new husband had a fight, like they always do. Nagkataon na ako ang umaawat sa kanila. My step-dad pushed me at natumba ako. Tumama ang mukha ko sa isang glass table kaya nagtamo ako ng sugat sa pisngi. And instead of comforting and mending my wound, my mom continued blaming my step-dad. I was sick and tired of their fights kaya naisipan kong umalis muna ng bahay. I decided to go to a park para doon ibuhos ang aking sama ng loob. But then, the rain started pouring. I may be a nerd but I'm no emo, kaya instead na magpaulan, tumakbo ako at pumasok sa isang cafe. At iyon ang cafe na kinaroroonan ko ngayon. I ordered something to eat and it was too late when I realized, wala pala akong pera.
At doon nagregister sakin lahat. My parents fighting, the extreme pain in my cheeks, at mukhang mapapahiya at mapapahugas pa ako ng tambak na pinggan. My tears started to roll down my cheeks. I cried. Lahat siguro ng naroon sa cafe ay napatingin sakin, asking Why is she crying? Then a Barney Mascot came in front of me and started dancing. I knew he was a guy because he was singing the infamous Barney themesong, "I love you, you love me~". I was touched of what he did. He was trying to make me smile. And I did not disappoint him. I smiled. Done with his act, he took off the head of the mascot. And there I saw a guy with freckeled cheeks wearing a big round glasses. He was smiling when he handed me a handkerchief with money in it. He must've noticed na wala akong dalang pera. After that, he left. I didn't get a chance to ask his name.
'Yun ang rason kung bakit ako nandito araw-araw. I was hoping na makikita ko uli siya rito. I wanted to repay him and return the handkerchief he lent me. Pero, dumaan ang dalawang linggo na hindi ko siya nakitang pumasok ng cafe.
Then Nathan came. Feeling close siya. Palagi siyang nakikiupo sa table ko. Then magkekwento siya ng magkekwento na hindi ko naman pinapakinggan. Palagi niya rin akong kinukulit, asking me stupid questions. Minsan gusto ko na ring hindi na bumalik sa cafe upang maiwasan si Nathan, pero pinipigilan ako ng kagustuhan kong makita ang lalaking nakasuot ng barney mascot noon. Kaya nagtiis ako. Di rin nagtagal ay naging komportable na akong kausap siya. Isa rin pala siyang science fanatic. Pero minsan di nya maiwasang magtanong tungkol sa love na siyang pilit kong iniiwasan. Then, I found myself na kinukwento na sa kanya ang mga problema ko. I always feel this familiar comfort when I'm talking to him. Para bang naramdaman ko na 'to pero di ko mapinpoint kong kelan. He would give me useful advice na siyang dahilan kung bakit ko siya nagustuhan. But I don't plan on telling him what I feel. I think this is just infatuation at mawawala rin. Pero may kakaibang charm ata si Nathan at mas lalo akong nahuhulog sa kanya. I shouldn't like him. Nakatatak na sa utak ko na mga manloloko ang mga lalaki. Like my dad and my step-dad. Pero mukhang sinisira ni Nathan at nung mystery guy ko ang paniniwalang 'yun.
Minsan ay gusto kong sampalin ang sarili ko dahil ang bilis kong makahanap ng bagong magugustuhan e hindi naman ako kagandahan. Pero aaminin ko, may nararamdaman pa rin ako sa nauna.
"I like that story." Naibalik ko ang aking atensyon kay Nathan. "The novel is so funny and creative, I couldn't help but fall in love with it." Natigilan ako sa sinabi niya. Well, ngayon lang ako nakakita ng lalaking mahilig sa ganitong klase ng aklat. "I mean, sino ba naman ang hindi gugustuhing hindi mapunta sa isang panda-verse at magkaroon ng isang panda shaman. It would be super awesome."
I smiled, "Yeah, even though the panda likes giving riddles and letting Sophie figure out things for herself, I still think it's amazing."
"Drew and Sophie..." Ibinaling ko ang atensyon sa pagkain. He's at it again. I heard him sigh. "Bakit ayaw mo sa mga nakakakilig na mga kwento? Ikaw lang ata ang babaeng hindi nagbabasa ng mga ganun."
Bigla namang dumating si Wyatt dala ang order.ni Nathan. "Excuse me, order mo boss Nathan." Saka inilapag sa mesa ang mga pagkain.
"Salamat." Sagot ni Nathan saka umalis si Wyatt. "So,bakit?" Tanong nito sakin. Akala ko ay tatantanan na niya ako.
"W-well, I think it's immature." Allergic ata ako sa pag-ibig. Ayoko ng mga ganyang kwento. "Saka, stories like that are pure imagination. Papaasahin ka lang. Saka, imposibleng may mga lalaking katulad ng nasa love stories. E halos lahat mga manloloko na." Epekto na siguro to ng pag-iwan ni Papa kay Mama at ang ngayo'y palaging pag-aaway ni Mama at ng step-dad ko.
Aaminin ko nagkakacrush ako pero never kong ginusto na mapasok sa isang relasyon. Ayokong masaktan.
"Nakakalungkot naman. Pero 'di naman lahat ng lalaki pare-pareho." Mahinang sabi ni Nathan.
We talked for a while hanggang sa napagdesisyunan ni Nathan na umalis. May part time job pa daw ito. I decided to stay and finish my book. Okay lang namang magstay dito as long as may inorder ka.
Maya-maya'y lumapit sakin si Wyatt dala-dala ang isang slice ng blueberry cheesecake. "Miss Jane, para sayo."
"Wait. Di ako nag-order n--"
'Di ako nito pinatapos magsalita. "Don't worry, Miss Jane. Bayad na yan. May nagpapabigay." Wika nito habang nakangiti. Inilapag nito ang cheese cake saka umalis.
Napansin ko naman ang isang kulay asul na sobre na nasa ilalim ng pinggan. Kinuha ko ito at binuksan. Isang sulat ang laman.
Binuksan ko ito at binasa.
Blueberry Cheesecake ang inorder mo noong una kang pumunta sa cafe. Sana magustuhan mo.
Napasinghap ako sa nabasa.
Naalala ko pa noong una kitang nakita. Nasa park ka nun at mukhang paiyak ka. Lalapitan sana kita pero biglang umulan at tumakbo ka papunta sa cafe na 'to. Sumunod naman ako. Tinignan lang kita buong magdamag habang kumakain. 'Di ko pinansin ang mga taong nakatingin sakin. Alam kong mukha akong tanga dahil nakasuot pa ako ng Barney Mascot pero nasa'yo ang atensyon ko. Nung napansin kong umiiyak ka, I felt a pinch in my heart. Hindi ko alam kong bakit. Masama bang isipin na destined ako para sayo? Sana hindi. Nilapitan kita at nagsasayaw at kumakanta sa harap mo na parang tanga. Tinanggal ko ang ulo ng mascot. At parang nawala ang ngiti mo nang makita ang mukha ko. I handed you a handkerchief saka nagmadaling umalis. Nahiya ako sayo. Baka kasi natakot ka sa mukha ko.
The next day, naisipan kong pumunta sa cafe para makita ka uli. At di ako nagkamali, nandoon ka nga. Di ako lumapit dahil nahihiya pa rin ako. Palagi lang kitang tinitignan. Nagugustuhan na ata kita kaya naisipan kong magpapansin sayo. At di naman ako nabigo. Napansin mo rin ako.
At ngayon, gusto ko ng magpakilala. Di ko na kayang itago lang ang aking nararamdaman.
Jane, nasa labas ako ng--
Di ko na tinapos ang sulat. Agad akong tumayo at tumakbo palabas. I wanted to see him again.
Nang makarating ako sa labas ay nakita ko siyang nakatayo hawak hawak ang Ulo ng barney mascot.
"Jane."
"Nathan." Nagulat ako nang madatnan ko si Nathan sa labas. "B-bakit-"
"Nakakalungot kasi mukhang napasobra ata ang pagbabago ko saking sarili to the point na hindi mo na ako makilala." Napahawak siya sa kanyang batok. "Naisipan kong mag-ayos para hindi naman nakakahiya sayo. Nakakahiyang lumapit sa isang napakagandang babaeng tulad mo. At mabuti naman ay nakausap kita kahit pansin ko ang pagiging mailap mo sakin." I blushed. Sinuot ang isang nerdy glasses."Nandito ako para kunin ang panyong pinahiram ko. Pati na rin ang pera."
Napakatanga ko para hindi mapansin ang resemblance ni Nathan at nung nerdy Nathan. Napakatanga ko para hindi mapansin na iisa lang pala sila.
Hinalughog ko ang aking bag upang kunin ang panyo ng mapansin kong lumapit siya sakin at pinigilan ang aking kamay. "No need, you can keep it. How about repaying me by going out with me."
"H-ha?"
"Will you go out with me?"
"N-nasa labas na tayo." He chuckled.
"Jane, 'di ako tulad ng ibang lalaki. Alam kong ayaw mong mangyari sayo ang nangyari sa mom mo kaya you distanced away from love. Nahihirapan na ata si kupido sa pagiging mailap mo. Pero naiintindihan kira. Alam kong takot kang ma-inlove, dahil ayaw mong umasa. Takot kang mahulog, dahil baka walang sasalo sayo. Takot kang umibig dahil ayaw mong masaktan. But Jane, I can't promise that it'll be perfect like the love stories in the book, but swear, I won't leave you." He smiled.
"Will you go on a date with me?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro