Chapter 17
╰┈➤ ❝ [ivory]
Third Person POV
Section A, kung saan ang mga estudyante ay parang mga hayop sa kulungan.
Well of course, tunay na mga animal naman na talaga ang Section A, halos lahat sila kinakabahan dahil last day of exams, last day of the first quarter, and the reporting day, and these will all happen today.
"Ready na kayo para mamaya?"
"Hindi." Sagot ni Hina na parang bad trip sa sulok ng classroom.
"Psst, Takemichi. Mukhang may tigre ka yatang kailangan na i-tame." Bulong ni Smiley.
"Luh, bakit siya galit? Diba tapos naman na yung project nilang dalawa ni Ran?" Sabi ni Senju habang nagiikot sa classroom na nagbebente ng graham balls, "Putangina niyo! Bili ng ball balls!"
"Hindi naman yata yun yung dahilan kung bakit galit." Sagot ni Emma na nagsusuklay imbis na mag practice para sa reporting mamaya.
"Edi ano—?"
"Hoy! Hetty! Punyawa ka!" Biglang sigaw ni Hina nang tumayo at lumabas ng classroom, nakita si Hetty sa hallway.
"Yan... yan ang dahilan."
"Putangina mo bitch mangaagaw ka!" Sigaw ni Hina nang sinabunutan si Hetty.
"Huh—? AHH!" Sigaw ni Hetty nang nakaramdam siya ng paghila sa buhok niya at akala mo makakalbo.
"Go! Go! Hina! Bitch! Go! Go" Cheer ni Emma na tinataas pa ang kamay at nagt-twerk sa pader, supportive daw. Lumabas na rin ang mga ibang estudyante sa classroom, makikichismis sa away ng marites.
Si Senju naman ay napailing nalang na pinipigilan ang tawa as she poked her tongue inside her cheeks, pressing the record button nang vinivideohan din sina Hina at Hetty.
"Yuh! Get into it! Yuh!" Tuloy ni Emma.
"Hina!" Agad naman na tumakbo si Takemichi palabas ng classroom nang natagpuan ang eksena sa hallway.
"Hey! Let Hina fucking go." O, biglang naging englishero si Takemichi.
"Tangina si Jollibee!" Sigaw ni Mikey kay Takemichi, "Booty so big!"
"Huy beh tama na, awayin nalang natin sa Facebook," Awat ni Emma, "Paparating na yata mga teachers baka hindi tayo makapag report, jusko pag hindi matuloy report namin ni Draken, naku!"
"Tss... talaga lang ha?" Draken chuckled nang dinaanan si Emma.
"O kita mo kinilig si gaga." Batok ni Senju kay Emma.
"Hetty yung buhok mo mukhang cheese na binudburan na may harina!" Sigaw ni Hina habang inaawatan naman nina Emma at Senju.
"Kunin mo nalang kutsilyo ko sa bag." Dagdag ni Emma.
"Kalma! Tignan mo nga boyfriend mo o sinusuyo ka." Senju said.
"Hina, I'm sorry. Usap tayo please." Suyo ni Takemichi.
"K." Hina rolled her eyes.
"Si Emma may Draken, si Hina may Takemichi, ako may graham balls." Bulong ni Senju habang nilalamon sarili niyang benta.
"Putanginang mga mag jojowa, ang bubulok," Reklamo ni Pahchin nang lumabas sa classroom, "Ano ba 'to, reporting day o valentines day?"
"Uyy Senju, penge grah—" Hindi na natuloy ang sinasabi ni Pah nang sinaksak ni Senju ang plastic wrap sa bibig ni Pahchin, alam neto na mang buburaot nanaman.
"'to naman magbabayad naman eh—" Dinura ni Pah ang wrapper sa sahig, pero napahinto ito nang may narinig na pamilyar na boses.
"Hello! Is Ms. Kaye here? I'll just submit something to her!" A sweet voice was heard behind Pah chin, at nanlaki ang mga mata neto nang lumingon.
"A-ah, Yumi. H-hello... haha..." Of course, Pah chin's one and only crush.
"Uyyy," Akbay ni Kazutora kay Pah chin, "Tol, kausapin mo naman si Yumi, nagtatanong yung babae eh, bro naman."
"Hello Yumi!" Bati ni Mikey, "Hinahanap mo ba si Pah— I mean si Ms. Kaye?"
"Oo nga, hinahanap mo ba siya?" Tulak ni Draken kay Pahchin papalapit kay Yumi.
"H-ha? Gago haha t-teka." Nerbyos na tawa ni Pahchin.
"Hello, Pah!" Laking ngiti ni Yumi kay Pah, at halos mahimatay ang lalaki.
"Aegyo ka nga sa harap ni Yumi! HAHAHAHAHA! Isang pakyut jan Pah uwu." Asar nina Mikey.
"Anong aegyo? Teka nasaan si (Y/N)? Kanina pa namin hinahanap." Tanong nina Emma nang bumalik sa labas.
"Ewan, hindi rin namin nakita since kanina. Baka hindi pa nakapasok?"
"Jusko kayo, yan kasi puro landi." Reklamo ni Senju.
Hindi na yata reporting day 'to, valentines na, tulad ng sabi ni Pahchin.
Well, if valentines day talaga... nasaan sina Mitsuya at (Y/N)?
"Hayst! Paano ba mag bantay ng mga bata?"
Sa kabilang hallway naman, naka tambay ang mga mag babarkadang sina Sanzu... but the difference is binabantayan nila sina Luna at Mana, and some few grade one students. Dapat daw kasi bibisitahin lang ni Mitsuya ang dalawa niyang kapatid, eh ayun, sumama ang mga magbabarkada, pag t-tripan daw mga grade one, pero in the end, naging babysitters sila, karma.
"Kuya, what's the answer?" Tanong ni Luna na nakaupo sa sahig na nagrereview din para sa exams ng grade one.
"Ano ba lesson niyo? Tangina basic—!" Sigaw ni Kakucho pero agad na tinakpan ang bibig nang na realize na nagmura sa harapan ng mga grade one, "Ay sorry."
"Kuya Ran!" Tumakbo naman ang mga grade one papunta sakaniya, "My friend says she likes you!"
Naubo naman si Ran habang umiinom ng tubig dahil sa sinabi ng isang grade one.
"Gago! Tumae sa diaper!" Biglang panic ni Sanzu habang bitbit ang isang grade one, "Ano gagawin ko? Tumawag kayo ng doktor!"
"Bakit naman doktor?"
"Ang baho gago tumagos yata yung tae sa akin," Halos masuka si Sanzu nang naamoy ang diaper nang binuhat ang bata, "Amoy imburnal!"
"Tanga grade one na kasi yan, bakit mo pa binibitbit na parang sanggol."
"Huwag kayo malikot! Hindi kita ililibre sige!" Sabi naman ni Koko habang pinapagalitan ang mga grade one.
"Hey! Hey! Kokomelon! Don't say that to mah friend!" Tumayo naman si Luna sa harap ni Koko nang galit at matapang, kahit hanggang tuhod lang siya ni Koko.
"Sorry na." Napa back out nalang si Koko nang umupo sa sahig ng hallway.
"Saan ba kasi si Mitsuya— Argh! Aray!" Rindou grunted nang muntik na mag backflip ang ulo neto dahil naka sampa si Mana sa balikat niya at hinila ang buhok ni Rindou.
"ARAYYYY! Baba niyo 'to!" At sinampal sampal pa neto ang cheeks ni Rindou at pinagkukurot.
"WEHEHEH! Jelly fish!!! Chicken!!!" Tawa ni Mana na halatang nag eenjoy paglaruin ang buhok at mukha ni Rindou.
"Yung bata! Tumae!" Habang si Sanzu naman ay hindi alam kung anong gagawin.
"Omg! Sila ba yun?!" Napaawang ang bibig ng mga fangirls na dumaan sa hallway nang nakita na may mga bitbit na bata ang mga lalaki.
At dito... nawala ang kaastigan ng mga so-called "campus crushes"
"O? Wala parin sina Mitsuya at (Y/N)?"
Sabi naman ng mga kaklase niyo habang malapit na rin mag 7, at naka upo na sila sa mga upuan nila para sa exam, luckily, after exams pa naman ang reporting.
Suddenly, napalingon ang Section A sa pintuan nang bumukas ito, at naka tayo rito sina Mitsuya at (Y/N).
"Uyy, ano ginawa niyo? Saan kayo galing?"
"S-sorry, may pinagawa lang si Ms. Kaye." You hesitantly answered as you sat on your chair.
"I smell something suspicious." Sabi ng mga ibang kaklase niyo.
"Ano nga ginawa niyo?" Pilit na tanong sayo nina Emma nang umupo ka.
"Psst, ano ginawa niyo." At pilit naman na tanong nina Sanzu kay Mitsuya nang umupo rin siya sa upuan niya.
"For the reporting nga mamaya, may tinanong lang kami ni Mitsuya kay ma'am." Sagot mo na hanggang ngayon ay namumula parin ang pisngi.
"Sinampal ka ba ng isda sa mukha o kinikilig ka?" Sabi ni Hina.
"H-huh?" Nerbyos na tawa mo.
"Ang halata mo gaga! Ano nga kasi ginawa?" Tanong naman nila ulit.
"Bahala kayo jan, mag rereview na ako."
"Ay tsaka alam mo ba, si Hina kanina nakipag sabunutan dun sa Hetty." Chismis nina Emma.
"O? Navideohan? Sino nanalo? Nakalbo ba yung Hetty?" Tanong mo habang nagbabasa ng libro.
"Si Hina of course, duh? Purrr!" Twerk ni Hina sa upuan habang hinahype si Hina.
"Congrats bitch." Sabay mo naman habang napa twerk na rin.
Si Senju naman ay hindi alam kung maiiyak dahil hindi ma gets yung nirereview, walang benta sa graham balls, o yung pinag gagawa nina (Y/N) at Emma.
"Purrr💅" Sabi naman ni Koko.
"Ha?" Napalingon naman sina Rindou, Sanzu, at Kakucho, "Bading ka ba?"
"What? Hindi ah, nakita ko lang sa TikTok yun, ano ba yun?" Koko shrugged.
"Hoy gago si ma'am nandito na!" Sigaw ni Baji nang tumakbo papasok ng classroom.
"Si ma'am andito na, gago!" Sunod na sabi ni Chifuyu.
"Gago, andito na si ma'am hoy!" Sunod naman na sabi ng iba, o diba, paulit ulit.
"Huy gago ka ma'am bakit ka nandito!" Sigaw ni Hanma.
"Bobo Hanma, iba naman yan."
"Ay, oo nga noh."
"Good morning class, I'll be now passing the exam papers." Ms Kaye said agad nang pumasok sa classroom, at siya na rin ang proctor nila.
"After you're done with your exam, pass it on my desk and get ready for the reporting later. Yung mga hindi pa tapos or may kailangan na ipractice, do it later."
Kinabahan at na excite ang mga estudyante at the same time.
"Oh and, get ready din kasi manonood ang mga taga ibang section."
Kinabahan na talaga sila.
The exam just continued at nag sagot lang nang tahimik ang mga estudyante like usual. You started getting your pen as you answered, pero nahulog ito sa sahig at gumulong, "Pukenanginang ballpen 'to."
You stood up from your chair at lumuhod sa sahig, yumuko sa mga ilalim ng upuan para hanapin ito, "Hoy, itaas niyo nga mga paa niyo," Sabay hinampas ang mga paa ng mga kaklase mo.
"Uy bakit ka naka luhod?" Bulong sayo nina Sanzu at pinipigilan ang tawa.
"Huh—? Gago! Hindi kasi yun! Dumi ng utak eh," Agad ka naman nag iba ng posisyon, "Yung ballpen ko nawawala, pahiram nalang ako."
"Eto hiramin kita, may bayad 'to ah." Abot sayo ni Koko.
"K, whatever." You rolled your eyes nang hinablot ang ballpen.
Tumayo ka naman sa sahig para bumalik sa upuan, pero hindi mo napansin naka angat pala yung bakal dun sa isang sira na upuan at muntik na mauntog ulo mo rito but naramdaman mo na may biglang nag usog ng upuan at cinover ulo mo.
"Mitsuya?!" Lumingon ka naman nang muntikan ka nanaman maaksidente at nakita na nasugatan si Mitsuya dahil sa bakal, dumudugo ang kamay niya.
"I told you, dahan dahan ka kasi," Mitsuya said nang inusog ang upuan at hindi pinansin ang sugat niya, "Pag ikaw nasugatan ulit."
"Ikaw yung nasugatan eh!" Sabi mo at agad na kinuha ang kamay niya.
Nanlaki nalang ang mga mata mo nang narealize mo na you held his hand without hesitation.
"It's fine, continue your exam." He said as he took his hand back.
"Nasugatan naman ako ah, pero binuhusan lang ng alocohol ni mama. Lord, ang unfair mo." Bulong ng iba.
"Mr. Mitsuya, go to the clinic and heal that wound," Sabi ng proctor, "Boys, after the exam, pakibuhat naman yung mga sirang chairs, delikado o, may naka angat na bakal."
Wala na rin choice si Mitsuya at tumayo as he went out of the clinic since patapos na rin naman sa exam.
An hour and a half have passed, and everyone is finished with their exams they passed it on the desk.
"Okay class, I'll leave you here sa classroom and prepare for your reporting later at 10 am. Hinahanda na rin naming mga teachers ang mga scorecards at classrooms for later. Good luck, class."
That sentence enough made the students do their work, na may onting kaba, "Sino ba naman hindi kakabahan ang betlog? Reporting sa harap ng Section B at C?! Nakipag bardagulan pa tayo sakanila noon sa hallway."
"Saan na si Mitsuya?" Ikaw naman ay halos kabahan dahil nasa clinic parin si Mitsuya at malapit na rin mag 10.
"Puro Mitsuya ang nasa isip ah." Sabi ni Emma.
Hindi mo na mapigilan ang sarili mo nang tumayo ka sa sahig at tumakbo palabas ng classroom para puntahan si Mitsuya sa clinic.
"Hoy! Ano gagawin nun?" Tanong ng mga kaklase mo nang nakita ka nilang tumakbo na para bang nagmamadali
Tumakbo ka naman sa hallway at napahinto ka nang nadaanan mo na ang clinic, binuksan mo ang pinto at nakita si Mitsuya na nakaupo sa edge ng clinic bed at hineheal ng school nurse ang sugat nito.
"Huwag mo muna masyado galawin, medjo malalim ang sugat mo dun galing sa bakal." Sabi ng nurse at tumayo sa upuan after ito gamutin.
"Oh, Mr. Mitsuya, I think you have a visitor," Sabi ng nurse nang nakita kang nakatayo sa labas ng kurtina na naka cover sa mga kama na para bang kwarto, "Your boyfriend is inside."
"Huh? Hindi ko po siya—" Depensa mo, pero napa bugtong hininga ka nalang, "Siguro hehe, charot."
"Pst, Mitsuya," Tawag mo kay Mitsuya nang binuksan ang kurtina and his eyes slightly widened as he saw you, "Sorry, nasugatan ka pa tuloy."
Mitsuya raised his brow nang pinigilan ang tawa, at may plano naman ito. Kunwari galit daw para makita si (Y/N) kung paano mag suyo.
"Huh? Okay." He coldly replied.
"Luh? Galit ka?!" Your jaw dropped.
Mitsuya only sighed nang sumandal siya sa metal bedframe ng kama at hindi ka pinansin.
"Hoy! Pansinin mo naman ako!" Sabi mo nang inalog mo siya at hinampas sa dibdib, "Ay, hehe sorry ulit."
"Ouch." Mitsuya winced in pain, kunwari masakit. #BestActor
"Hala! Sabi na nga ba, sorry na ulit. Tangina mo buti nalang talaga mahal kita jusko." Bulong mo.
Kunwari hindi rin narinig ni Mitsuya yun as he secretly hid his smirk daring to form in his lips as he watched you na nanunuyo.
"Cute." Mitsuya thought as he chuckled at nahuli mo ito.
"O? Bakit ka tumatawa?" You rolled your eyes, "Taena mo mag dusa ka jan."
"Charot, sorry na ulit, bilis 'to naman eh. Magrereport pa tayo mamaya." Sabi mo na onti nalang sasayaw na habang nanunuyo.
"Sige na sorry na love ko." Asar mo.
"Bahala ka jan," Sumuko ka na rin at inirapan siya, tumayo ka sa kama pero naramdaman mo na may humila sa wrist mo and your eyes widened nang nahulog ka on top of Mitsuya's chest.
"Where are you going?" He said as he locked his arms around you.
"Huy!" Ikaw naman ay hindi alam kung anong gagawin and you feel your heart racing.
"Sorry pala ha? I see, ganun ka pala manuyo," He teased, "Noted, ma'am."
"Bwiset ka! Kapal ng face mo pasabunot kita kay Hina eh." Hinampas mo dibdib niya nang nalaman mo nagkukunwari lang pala.
"Calm down, 'to naman." Mitsuya chuckled.
"Mr. Mitsuya Takashi?" And suddenly, narinig niyo ang boses ng nurse na papalit sainyo.
"Shit!" Nanlaki naman ang mga mata mo at napansin mo rin ang posisyon niyo ni Mitsuya, nag panic ka dahil baka kung ano pa maisip ng nurse.
Napatingin ka kay Mitsuya, pero bakit kalmado lang siya?!
But it's too late, narinig mo na bumukas ang kurtina at pumasok ang nurse, but saktong hinila ni Mitsuya ang kumot at pinasok ka sa loob habang tinakpan bibig mo.
"Okay ka na ba Mr. Mitsuya— Oh? Where's the girl that you're with kanina?" The nurse asked nang tumingin sa paligid.
"May unan ka ba sa dibdib mo? Tsaka bakit balot na balot ka sa kumot? Malamig ba? Adjust ko lang AC, wait." Sabi ng nurse at kinuha ang remote.
"Not really, nakahubad po ako under the blanket. I was changing and you entered." Mitsuya replied, and your eyes widened sa sinabi niya, naimagine mo tuloy.
"Ah, I see. Wait for a few more minutes, I'll give you an excuse letter for your adviser then you can go back to your classroom na." The nurse said nang lumabas sa kurtina.
Habang si (Y/N) naman ay halos hindi maka hinga sa loob ng kumot, hindi mo alam kung bakit walang hangin o dahil kinikilig ka lang, siguro raw both.
Inalis naman ni Mitsuya ang kumot at halos inenhale mo yung buong hangin sa kwarto at napa ubo ka, onti nalang ma s-suffocate na.
"Bakit mo sinabi nakahubad ka?!" Tanong mo at napalakas yata ang boses mo pero agad ulit na tinakpan ni Mitsuya bibig mo.
"Shh, be quiet." He whispered as he looked around, baka biglang pumasok yung nurse.
After some minutes, lumabas na rin kayo ni Mitsuya sa clinic at kasama mo siyang maglakad sa hallway pabalik ng classroom.
Nang papunta na kayo sa 3rd floor kung saan ang classroom, halos tumalon ang puso mo sa dibdib mo nang nakita na nasa labas na ng classroom ang Section B at C.
"Shet! Oo nga pala, manonood sila!" You said.
"Kinakabahan ako para mamaya putangina." Bulong mo.
"I'm nervous as well, but that's not the reason." He replied.
"Huh? What do you mean—" Suddenly, you felt Mitsuya grab your wrist as he pulled you somewhere, and you looked around to see that hinila ka niya sa may sulok ng hallway, kung saan walang tao.
"Before the quarter ends, I want you to answer these questions genuinely." He said in a haste
"Ha? Anong—?"
"Is my way of courting pleasing for you? Even if it's only for a short term?" He asked.
"Oo." Napakunot ang noo mo nang hindi mo alam bakit tinatanong niya ito, pero um-oo ka nalang.
"Do you still have feelings for me?"
"Ha?! O..." Your heart raced, "Oo!"
"Do you still remember me from grade one?"
"Oo."
"Is Ivory still your favorite color?"
Your eyes widened, knowing what he meant. You remember it all too well, you remember it noong grade one palang kayo.
"I promise to you! When I go back to this school, and my favorite color is still Ivory, it means my crush is still you!" Bigla mong naalala noong grade 1, and your heart softened, naalala pa pala ni Mitsuya yun.
"Oo." Sagot mo, at puro oo ang mga sagot mo.
"Will I be your boyfriend?"
Silence fell and you feel your heart racing from what just came out of his mouth. You feel yourself freeze as overwhelm ate you.
Mitsuya patiently waits for you answer until...
"Oo."
You suddenly feel him wrap his arms around you as he heard the "oo" from you. You're still in shock but you're well aware, totoo na ba 'to? But one thing you know for sure, this so-called rivalry is slowly turning into ivory.
"Huy! Shet! Yung manila paper saan na?! Malapit na mag start yung Ivory reporting!"
Sa loob naman ng classroom ng Section A, akala mo mga manok na nagrarambulan. May pa chill chill lang sa gilid kasi tapos na, tapos may nagpapanic naman na akala mo katapusan na ng mundo.
"Timecheck, 9:31!"
"Malapit na mag 10! RAWRAWARAWR"
"Mag practice na tayo, group 1! Char, by partner pala 'to."
"30 minutes pa, ang OA ninyo!"
"Goodmorning everyone, today we'll be reporting blablablabla. Tangina ayoko na mag practice."
"Kunwari nagrereport ako tapos ikaw yung audience bilis."
"Ikaw taga bitbit ng manila paper mamaya ah?"
"Huy! Sina Mitsuya at (Y/N) nandito na!" Napalingon naman ang lahat nang bumukas ang pintuan at nakita ang dalawa.
Your classmates have no slightest idea kung anong nangyari sainyo ni Mitsuya.
"Ano nanaman ginawa netong dalawang 'to? Palaging magkasama ah."
Bumalik ka sa classroom na akala mo tomato dahil sa sobrang pula ng mukha, and Mitsuya's jaw's clench nang pinipigilan din ang ngiti niya na kalmado lang na umupo sa sahig kasama ang mga barkada niya.
"Anyare?" Bulong nina Mikey.
"Nag mwa mwa chup chup ba kayo?" Asar ni Pah chin na naka pout pa yung lips, kiss daw kunwari.
"Huy ano nanaman nangyari?" Agad naman na nagkumpulan sayo sina Emma.
"Wala." Reply mo na pinipigilan ang ngiti.
"Love." Suddenly, nakarinig ka ng boses sa harap ng klase, at nakita mo si Mitsuya na halatang sinasadya ang pangaasar as he wore a smirk while looking at your direction.
"UYYY???!!!" At siyempre, napalingon lahat ng Section A, "ANO 'TO PABULONG KAMI?!"
"Tangina! Biglang tumapang si president! Anong meron sakanilang dalawa?!"
You can hear Mitsuya's footsteps nearing, at hindi ka makatingin sa likod dahil sa kaba... lalo na sa nangyari kanina.
"The reporting, let's practice."
"Okay." You answered, and you side eyed Emma and the others na nakabukas ang bibig na gulat na gulat habang tinitignan kayong dalawa ni Mitsuya.
"S-sila na...?!"
Umupo kayo ni Mitsuya sa sahig para iprepare ang report niyo for later, though you can't help but ask something.
"Something in your mind?" He muttered while looking at the papers.
"Wala naman." Sagot mo.
"I bet you're wondering why did I ask you out in private." He said, and agad ka naman tumingan sakaniya nang hindi makapaniwala.
"Paano mo nalaman—?!"
"You're easy to read." Napatawa nalang siya.
"Tangina mo parang kanina hindi ka naging actor ah!"
"Ouch, my girlfriend is already cursing at me." Napahawak siya sa dibdib niya, another #BestActor.
"O, about the thing that you guessed, ano sagot mo?" Tanong mo, "Yung why did you ask me out in private."
"Asking out a girl in public is overrated, and also because I don't want to pressure you."
Napangiti ka naman sa sagot niya at inikutan ito ng mata, "Galawan mo ha, okay."
"Hello!" Then, narinig niyo naman ang mga pamilyar na boses na pumasok ng classroom, and you looked to see the some of the students from Section B at C ay nandito na.
"Gagi! Kinakabahan na talaga betlog ko, tanginamo Rindou ayusin mo sa reporting mamaya." Sabi ni Sanzu.
"Ay wow ako pa mag aayos, nahiya naman ako sayo."
"Hi, Mitsuya!" Napatili ang mga babae from other section nang naglakad sila papunta kina Mitsuya.
"Sheeesh, I didn't know there's some shawties pala sa kabilang sections." Rindou chuckled as he nudged Ran.
"Kuya Ran o, ang daming shaw—"
"Pass." Ran coldly said at tinuloy ang paghahanda para sa report.
Habang si Sanzu naman ay pinipigilan sarili niya sa likod ni Rindou, "Sabi na nga ba, paninindigan ko yung pagbabagong buhay ko."
"Mitsuya! Excited na kami sa reporting mo mamaya! Cheer ka namin, gusto mo?" The girls said nang nilapitan si Mitsuya.
"Oh, punta muna ako kina Emma." You secretly rolled your eyes sa mga babae at naglakad paalis.
Pero agad ka naman napansin ni Mitsuya at hinila ka papunta sakanya at niwrap ang kamay niya sa balikat mo sa harap ng mga babae.
"Yeah thanks, good luck to me and my girlfriend."
"Ay, may jowa na pala?!" Napalakas naman ang sabi ng mga babae at napalingon ang lahat sainyo.
"SO CONFIRMED?!"
Wala ka rin naman magagawa, kaya tumango ka na rin.
"AHHHHHHHH!" Nagsigawan ang mga estudyante sa loob ng classroom, may sumampa pa sa pintuan.
"Hello, everyone!" And there, pumasok na rin ang mga teachers sa classroom.
"Hahaha... hindi naman ako nanginginig...." Sabi nina Baji na akala mo nasa loob ng freezer.
"Natatae ako sa kaba haha," Bulong ni Chifuyu, "Hoy Tubolt, handa ka na ba?"
"Ano satingin mo?" Sagot naman neto na nanginginig din.
"Kinakabahan ako!" Emma whined nang katabi si Draken, her partner. Napa taas naman ang kilay nina Senju sakanya.
"Putangina magrereport na nga lang naglalandian pa jusko."
"Hello everyone! Good morning, so as we all know, this will be the last day of exams and the day of reporting for Section A's Ivory project, which will be a half of their grades for this quarter."
"Let's start." The teachers who are grading na parang judge ay umupo sa mga front seats sa classroom, ang mga estudyante naman from section a, b, at c ay nasa likod, may naka upo sa sahig, at iba.
"First on the list, Mr. Hanma Shuji and Mr. Kisaki Tetta. Please stand up."
"pre HAHAHA—! Huh?" Agad naman napalingon si Hanma na nakikipag chismis kina Sanzu.
"Kayo na ang next sa reporting, stand up, Mr. Hanma." Utos ng teacher.
"Hahaha..." Nerbyos na sabi ni Hanma habang naglakad papunta sa harap ng klase.
At siyempre, ginamit na rin itong opportunity ni Baji na gumanti kay Hanma, kung napalo siya dahil sa mama niya, mapapalo naman si Hanma sa teacher.
"Psst, boi." Bulong ni Baji nang kumaway at secretly kinuha ang attention ni Hanma habang hindi naka tingin ang teacher.
"Goodmorning eve— PFFT!" Napatingin si Hanma kay Baji na nagpapatawa.
"S-sorry po," Sabi ni Hanma.
At si Kisaki naman ay naka ngiti lang, pero naka killer smile... yung tipong may iniipon na galit sa loob.
"Ayusin mo, partner kita ha." Bulong ni Kisaki kay Hanma habang nakangiti na pilit.
"So Ivory is uhh—" Sabi ni Hanma habang nagrereport, at namamawis na ito.
"Ivory is a term used in many ways..." At tinuloy naman ni Kisaki ang susunod. Bago ito tumuloy, nag side eye muna siya kay Hanma na akala mo papatayin siya. Nagtuloy ang reporting ng dalawa at natapos na rin ito, napapalakpak naman ang mga taga ibang section na nakaupo sa loob ng classroom.
"What kind of reporting is that? Yung Kisaki lang yata yung matino." Comment nina Hakkai, taga ibang section.
"Thank you, Mr. Kisaki Tetta and Mr. Hanma Shuji. Please sit down."
"Next, Mr. Ken Ryuguji and Ms. Emma Sano! Please stand up and present in front."
"Tatayo na ba?" Sinara ni Draken ang libro at kinuha ang project nila.
"Oo, tayo na." Sabi ni Emma na may patagong ngiti.
"Okay," Chill na tumayo si Draken na halos siya ang may bitbit ng gamit, manila paper, USB, tower project, lahat na.
"Good morning, everyone. Today, Emma and I would present our Ivory project so...." Tuloy na nagsalita si Draken na kalmado lang, kasama niya raw kasi si Emma, iwas nerbyos.
"Yes, so as for that, we used materials such as foam, and created these origamis as a design..." Explain ni Emma, 1% report 99% kilig.
After a few minutes, natapos na rin ang report ng dalawa. Timeskip... puro timeskip, aba siyempre hindi ko kaya isa isahin mga report nila noh. Kung may bumagsak, may bumagsak, kayo na bahala kung sino, hehe.
"Well done! Next presenter, Mr. Baji Keisuke and Mr. Pah chin."
"Aguy, ayan na nga." Baji said.
"Ako taga hawak ng manila paper ah, ikaw mag eexplain." Bulong ni Pah chin kay Baji habang papalakad sa harap ng classroom.
"Gago ka ba? Anong ako taga explain? Ulol." Bulong naman din neto habang tinulak si Pah sa harap ng classroom.
"Psst! Pah! Nanonood si Yumi!" Sigaw nina Mikey sa likuran at napa cheer naman ang tatlong Section, lalo na ang section C, kung saan si Yumi.
"Good luck, Pah!" Kumaway naman si Yumi sa likuran.
"ENEBE!" Nangisay naman si Pah habang sinabunot si Baji sa kilig.
"You may now start, Baji and Pah." The teacher said.
Hinablot naman agad ni Pah yung manila paper sa kamay ni Baji, #Smooth #Speed #Smart #Shutangina
"Aba magaling." Napaawang nalang bibig ni Baji nang nakita na wala na sa kamay niya yung manila paper.
"Gud morneng ebriwan," Bati ni Baji nang nag simula na.
"Da ibori shows a beri nays pikshur, ahm... da nays beri nays tower in the ibory..." Tuloy neto, "Ikaw naman Pah."
"A-ahm, binabagyo po kasi noon sa Ivory Tower kaya nahulog." Sagot ni Pah.
"Tang— bobo mali!" Bulong ni Baji, yung bulong na pasigaw, basta ewan, nabobo na rin ako.
Time skip sa reporting ulit...
"Thank you, please sit down. Next, Mr. Rindou Haitani and Mr. Sanzu Haruchiyo."
At siyempre, napa tili naman ang mga fangirls from other sections, "AHHHH! Kaya niyo yan!"
"Syempre naman." Nagpapogi naman si Rindou as he run a hand through his hair and winked at the girls.
"Sabi na nga ba, bagong buhay na 'ko." Sanzu cleared his throat, at naglakad na rin ang dalawa sa harapan.
Siyempre, bago mag report, nag papogi muna ang dalawa, nag gel pa sa buhok.
"Aight, so let's start." Sabi ni Rindou nang tinutok ang stick sa projector.
"So this part—" Pero natamaan niya si Sanzu sa mukha gamit ang stick.
"Ay, sorry bro."
"Ako na nga mag hawak! 'namo nagiging Ran ka na eh, hindi 'to baton ah."Hablot ni Sanzu sa stick.
"Baton? Anong ginagawa niya sa baton?"
"Anyway, sorry for the interruption ladies." Sabi ni Rindou.
"Paano naman kaming mga lalaki?" Sabi ng mga lalaki.
"So, uhh, you see lmao lmao fr fr this Ivory Tower is uhh a metamorphically place or whatever u call it lol," Sabi ni Rindou, "kk, Sanzu you're next."
"Sabi na nga ba. Okay lang kahit bumagsak, basta pogi, right ladies?" – The legendary motto of Sanzu Haruchiyo 2022
"Hoy! Dagdag pogi points pero bawas grades points!" Trashtalk ni Tubolt sa gilid.
"Panot ka lang eh." Sagot naman ni Sanzu.
"Ayo, what the hell men! HAHAHAHA!" Tawa naman ni Izana, the president of section C.
"Hmm, what kind of reporting day is this?" Biglang comment ni Naoto, the president of section B.
"Ayaw mo yun pres, ang astig nga ng reporting ng section A eh, hindi boring." Comment ni Makoto.
"Syempre may mga chix din dito sa section A!" Dagdag pa nito, "Napaka KJ neto nina Akkun, jusko, ayaw daw sa chix? 'tamo hindi tayo sinabihan ni Takemichi na marami palang maganda sa kabilang section."
"Tulad nung isang babae dun o." Nang hindi mo alam dahil naka focus sa nagrereport, ikaw pala yung tinuturo nina Makoto.
"Ano pangalan? (Y/N)? Tanungin ko number." Sabi ni Makoto at nilapitan ka.
"Hello miss, ganda mo. Penge number? Hehe."
"H-ha? Sino ka?" You awkwardly laughed.
Ngunit hindi mo napansin na tinitignan kayo ni Mitsuya sa likuran ng classroom, kung saan naka upo ang mga presidents. He narrowed his eyes as he stood up from his seat at lumapit sainyo.
"What do you need, hm?" He asked Makoto as Mitsuya pulled you away from him, talagang lumilitaw ang pagiging strict president ni Mitsuya.
"Sino ka ba tol? Ganda niya eh, chix."
"I'm her boyfriend, and what chix are you talking about? Ako harapin mo, watch your mouth."
"Huy! Makoto! Si Mitsuya yan! President ng section A!" Babala ng mga kasama ni Makoto.
"Ay! Ganun ba, sensya na ah. 'Di naman masakit haha aguy." Sabi ni Makoto.
"O ano! Rejected nanaman si Makototoy! HAHAHA!" Tawa nina Yamagushi.
"Next presenter please!" At natapos na rin ang ibang nagrereport, the report went smoothly at may mga hinihintay lang talaga ang mga estudyante, and that is...
"Mr. Takashi Mitsuya and Ms. (L/N) (Y/N)!"
"YIEEEEEE! AHHHHHH!" Napatili ang mga estudyante nang napatayo sa mga upuan nila.
"Kuya! Ate! Good luck! Mwa mwa!" And mas naganahan ka naman nang nakita mo sina Luna at Mana sa labas ng classroom na tumatalon talon pa at chinecheer kayo.
"You may now start." The teacher said, and biglang tumahimik ang classroom. Todo kabado talaga.
"Good morning, everyone! Today, Mitsuya and I will present our Ivory project. So, of course, you may ask, what really is Ivory? The majority of us don't know the meaning of it, it's pretty unfamiliar at the first glance." You said with a welcoming smile, at tinuloy ni Mitsuya.
"Ivory holds a significant meaning, not just in those literature books, history books, poetry, and many more. Ivory revolves around us, it's as if those meanings have complex understandings, like ourselves, just as our first perception of that term, which we felt was irrelevant at first." Tuloy ni Mitsuya.
"Who knew? My first day of school here ay kaaway ko si Mitsuya sa debate, but now? Partner ko na siya." Isip mo.
He's really your academic rival, but as they say, there's always a shade of ivory in rivalry.
"What a lovely color, right?" Biglang tanong ni Mitsuya sayo, and your eyes widened.
"Tell me your personal experience in Ivory, Mr. Mitsuya and Ms. (L/N)." Ms. Kaye knows what she's doing, at pinipigilan ng teacher ang ngiti nito sa dalawa niyang estudiyante.
"Well, first of all, I believe that there's always a shade of ivory in rivalry, because why? Despite Ivory Tower being a derogatory term, ivory is also a serene tone and hue."
"Takashi and (Y/N), why don't we reveal both of your rankings while you're at it?" Ms. Kaye smiled, and napa cheer naman ang tatlong section.
You nodded as you expected to be the second place behind Mitsuya...
"Top one, we have a tie. Mr. Takashi Mitsuya and Ms. (L/N) (Y/N)!"
That's it. You achieved your goal of pursuing being the top one, and at the same time, you pursued being Mitsuya's girlfriend.
"Ivory is a term, Ivory is a concept, Ivory is an object, Ivory is our project, Ivory is our lesson, and last but not least, Ivory is my favorite color, rather our favorite color."
The word Ivory holds a lot of meaning, but for (Y/N) and Mitsuya, it holds a lot of memories.
"It's all about her, it's all about Ivory."
"Congratulations to Mitsuya Takashi and (L/N) (Y/N) of Section A who tied for the first honor."
THE END.
A/N: we reached the end! thank you so much. i have some more things to say so please read the next chapter! :) thank you again, we finished another book. <3
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro