Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA 9

"Binibini, bago kayo umalis, n-nagpaalam ka sakin. P-para bang ipinahihiwatig mo na... na ayaw mo nang mabuhay."

I was taken aback by Regina's words. Naibaba ko ang kamay mula sa pagkakapatong sa balikat niya. My mind tried to comprehend everything that she said.

I swallowed the lump in my throat, "Teka, p-pa'no mo nasabing ayaw na niy— ko nang mabuhay?"

Ibinuka niya ang kanyang bibig upang sana'y sagutin ang aking tanong nang biglang may lalaki tumawag sa kanya.

"Regina!"

Naibaling ko ang atensyon sa matandang lalaking dumating. Matipuno pa rin ang pangangatawan nito pero halatang-halata na ang mga kulubot sa mukha at pamumuti ng buhok nito. Nakasuot ng kulay puting camisa de chino at itim na salawal at nakasuot ng salakot. Lumapit ito samin at ibinaba ang dala-dalang basket na walang laman.

"Regina, anak, hindi ba't sinabi kong hindi ka maaaring magbilad sa init— t-teka, bakit ka umiiyak?" tanong ng matanda at lumapit ito sa babaeng kaharap ko. Hindi sumagot si Regina at pinahid ng mga luha. Napalingon sakin ang matanda at nanlaki ang mga mata. "B-binibini! Anong ginagawa niyo rito?"

I blinked at pansamantalang naalis sa isipan ko ang sinabi ni Regina.

"Dapat hindi kayo nagsisilabas lalo na't hindi ka pa magaling. Naku! Regina, binibini, halina kayo't ihahatid ko na kayo pabalik sa bahay."

Hindi na ako nakatanggi. It feels like I lost my energy after the conversation with Regina. So, on our way back to the mansion, we're both quite. Regina's father was the only one who was talking. Habang pabalik kami, ang mga sinabi ni Regina ang siyang laman ng isip ko.

"At sabi rin dito na may instances na nagtatapat ang isang pangyayari sa nakaraan at isang pangyayari sa kasalukuyan. It doesn't matter kahit anong pangyayari. At doon nagaganap ang soul swap ng taong namuhay sa nakaraan at ang taong reincarnation nito at namumuhay sa kasalukuyan. Napupunta ang reincarnation sa past at ang nasa past ay napupunta sa present."

Isang pangyayari sa nakaraan at isang pangyayari sa kasalukuyan ang magtatapat at doon magaganap ang pagpapalit ng kaluluwa. Kung normal na time travel 'to na napapanuod ko sa mga pelikula, dapat dumating ako sa petsang November 14, 1944 dahil yun din ang araw kung kailan ako nahulog sa rooftop. Pero hindi gano'n ang nangyari. When I fell from that building's rooftop, tumapat doon ang araw kung kailan natagpuan nila si Ivanna sa gilid ng ilog na walang malay at doon naganap ang pagpapalit namin ng kaluluwa. And that happened three days before I woke up in her body, on January 14, 1944. Those kids said that the event doesn't matter.

If our souls did swapped, then that must be her. The girl I saw at the bridge.

"Regina, wala ba akong mga sapin sa paa noong natagpuan ako sa may ilog?" Sabay silang napahinto nang bigla akong nagsalita. Napahinto rin ako dahil maski ako ay nagulat nang biglang iyon ang lumabas sa bibig ko.

"B-binibini..."

Regina's father looked at her for a moment before letting out a sigh. "Iyon pala ang iyong napag-usapan kanina, binibini. Kaya pala't umiiyak ang aking anak. Ipagpaumanhin mo sapagkat sa tuwing napaguusapan ang nangyari sa iyo ay nagiging emosyonal ang aking anak."  He gave me a tight smile. "Bakit mo gustong malaman ang nangyari sa araw na iyon, binibini?"

"Ah..." With my pointing finger, I lightly scratched my cheek. "Baka kasi bumalik ang alaala ko kapag nalaman ko kung ano ang nangyari bago ang aksidente. S-sabi kasi ni Spencer na baka may mga bagay na siyang makakapagpaalala sakin ng lahat. Kaya naisip ko na baka 'yong sapatos na 'yon."

Gusto kong sampalin ang sarili ko. I can't believe I have the ability to make up such a lame excuse. But it's better than telling them the truth.

"Ganoon ba, binibini? Kung gano'n, ayos lang ba kung ako na sasagot ang iyong tanong sapagkat isa ako sa mga naroon sa araw ng aksidente?" And they bought it! Tumango ako bilang pagsang-ayon. "Wala kang sapin sa paa nang matagpuan ka namin. Nakapagtataka nga at wala man lamang sa paligid ng iyong sapin sa paa. Marahan lamang ang agos ng maliit na ilog na iyon kaya't napakaimposible na tangayin ito ng tubig."

Ivanna doesn't have any shoes when I saw her on the bridge. But if she was found by the riverbank that means she was dripping wet. But she was completely dry when she crossed the bridge. When I was on that meadow, I was still wearing the clothes I wore when Emily pushed me from the roof. Then, ibig sabihin no'n kung anong itsura mo nang mamatay ka, 'yun 'din ang itsura mo sa kabilang buhay.

This doesn't make any sense. She should be dripping wet if she fell on the river— Wait...

I gasped when I remembered something. Ivanna looked lifeless, like she wasn't breathing— no, she wasn't even breathing. Nilagpasan niya ako at sa sobrang lapit niya naamoy ko pa sa kanya ang sampaguita. And there were marks on her neck, it was such a small detail that I didn't even noticed it. Did... did Ivanna died of asphyxia? Was she strangled to death?

I ran my finger through my hair. But this doesn't make sense. Ivanna died on November 14 and not on January 15. 'Yon ang nakalagay sa mga libro sa munisipyo at 'yon din ang araw kung kailan ipinagdiriwang ng buong rehiyon namin ang death anniversary niya.

And Regina said that before Ivanna left, she looked like she didn't want to continue living. If anything would happen on January 14 that would be Ivanna jumping on the river to kill herself.

"Binibini, may naaalala ka na ba?" Naibalik ako sa realidad nang muling nagsalita ang ama ni Regina.

"P-pasensya na. Wala eh," ang tanging naisagot ko. Naguguluhan ako. Pakiramdam ko hindi ko kakayaning baguhin ang magiging kapalaran ko. Ang daming tanong na gusto ng kasagutan. What really happened on January 14? Why did Ivanna looked like she was in despair? What's with the scars on her back? Who killed her?

We arrived at the mansion with these questions in my mind. Dumiretso agad ako sa silid ko at hindi na nag-abala pang kausapin ang kahit na sino. Agad akong humiga sa kama at napatitig sa kisame.

Paano ko sasagutin ang mga katanungang ito?   I'm wise and beautiful, I'm not smart to uncover these mysteries. Iba ang pagiging wise sa pagiging matalino. I can make good decisions, yes, but this level of forensic reasoning? This is something a person like Ivanna can do. Not something I, Adeline, can. I'm just a lost soul from the future who now resides in someone else's body. And that doesn't mean I become that person.

I covered my eyes with the back of my hands. "What the hell..."

-

Nagising ako dahil sa marahang katok sa pinto ng silid. Kinusot ko ang mga mata at naupo. My room was dark and the orange light from the window illuminated the place.

"Ivanna?" Ibinaling ko ang tingin sa pinto nang marinig ang boses ni Spencer. "Gising ka na ba? Nakahain na ang hapunan."

And on cue, my stomach growled. Palubog na pala ang araw. I fell asleep and missed lunch. Siguro napagod ako kakahabol dun sa manok. Ang tagal ko ring hinabol ang bwisit na manok na 'yon. Naku! Sana lang natinola na 'yon ngayon at lalantakan ko talaga ito ng kain.

Natahimik ako at napabuntong-hininga. Oh, who am I kidding? Hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang nalaman ko ngayon tungkol kay Ivanna. Kampante ako na bago matapos ang siyam na buwan ay mahahanap ko ang pumatay sa kanya. But all these stuff makes no sense at all. Even if I did collected information about her, how will I connect all of them? Kung sana lang may kasama ako dito na matutulungan ako. 'Di ko kaya 'to ng mag-isa.

"Ivanna?" I shook my head. Tumayo ako at lumapit sa pinto. Napahawak ako sa tiyan ko nang muli itong tumunog.

Pagkabukas ko ng pinto, bumungad sakin ang gwapo at gulat na mukha ni Spencer. He was still wearing his glasses and those dark circles under his eyes was still there. This time, hindi na niya suot ang puting lab coat. He was wearing a tuck-in gray long-sleeved shirt with its sleeves rolled up to his elbow and the first button open. Nakita ko siyang topless but honestly, he looked hotter with his clothes on.

His instant reaction was to step back. I don't remember harrassing him that much for him to be wary of me.

"Ivanna! A-akala ko tulog ka pa kay—"

I cut him off, "Spencer, nagugutom ako." Saktong pagkasabi ko ng mga salitang 'yon ay tumunog ang tiyan ko.

Tinitigan niya lang ako. Naramdaman kong uminit ang magkabilang pisngi ko sa hiya. Hindi ako nananghalian for chicken's sake!

Spencer chuckled and goodness, perfection. "Halika na sa hapagkainan. Hinihintay ka na ng lahat."

Tumango ako at naglakad na kami papunta sa hapagkainan. I kinda felt relieved. Akala ko iiwasan niya uli ako. He's still on his guard dahil baka may sabihin na naman akong compliment— okay, compliment na talaga namang nakakagulat. Pero mas mabuti na 'yon kaysa naman 'yong iniiwasan niya ko na para bang lalapain ko siya ng wala sa oras. Although, I would gladly do it.

Napatingin ako kay Spencer na ngayo'y nauunang naglalakad sakin. Magkasama na sila ni Ivanna bago pa man itinatag ang grupo nila. I wonder how deep Ivanna and Spencer's relationship is.

"Spencer, pasensya nga pala kanina. Pumasok ako nang walang pahintulot sa kuwarto mo," I apologized.

He looked at me behind his shoulder. "Wala iyon," he replied with a smile on his face.

Noong dumating kami kusina ay napansin kong parang mas dumami ang tao sa mesa. Gaya kahapon, naupo ako sa tabi ni Spencer at doon sa babaeng buntis na mukhang makakaaway ko at tulad kahapon, siya lang din ang tahimik habang ang iba sa mesa'y masayang nagkukwentuhan.

Napatingin ako sa mga pagkaing nakahain at nadismaya nang mapansing wala ni isang manok na nakahain.

"Geez, I chased that shit for nothing," I whispered.

"Naku, binibini, paumanhin kong walang manok. Nakatakas kasi ito kanina. Paumanhin, nangako pa naman ako sa'yo." Napalingon ako kay Constanza. Siguro napansin niya ang pagkadismaya sa mukha ko.

Umiling ako at pilit na ngumiti, "Ayos lang."

Doon ko lang napansin si Regina at ang kanyang ama na nakaupo katabi si Constanza. Nakatingin siya sakin at nang dumapo ang tingin ko sa kanya ay binigyan niya ako ng isang malungkot na ngiti. Ibinalik ko ang ngiti at sinimulan na ang pagkain.

"Ivanna, bukas na nga pala magaganap ang pulong." Nabitawan ko ang hawak na kubyertos nang magsalita si Spencer. "May problema ba?" nag-aalang tanong niya.

Oh right. I almost forgot. That damn meeting na gustong-gusto kong iwasan. Isang linggo palang mula no'ng napunta ako sa panahong 'to kaya hindi ko alam kung paano ko pamununuan 'tong samahang binuo ni Ivanna.

"Kailangan ko ba talagang dumalo sa pulong na 'yan?" I asked.

Tumango siya, "Isa itong mahalagang pagpupulong lalo na't maliban sa gagawing pagpigil sa mga bagong armas ng mga Hapon na dadalhin sa Catarman, dito nakasalalay ang mga susunod nating hakbang lalo na't mukhang nakakakutob na ang mga Hapon na tinutulungan natin ang USAFFE. Kaya't napakahalaga ng iyong presensya bukas."

"Pero... Kasi... 'di ko maalala kung ano ang ginagagawa ko sa tuwing may mga ganyang ganap."

Pinahid niya ang gilid ng labi gamit ang puting panyo, "Huwag kang mag-alala, nasa tabi mo lamang ako."

He said it without looking at me. Dahil alam niyang kapag tumingin siya sakin, mamumula na naman siya. Hindi ako gano'n ka-dense para hindi mapansing may gusto si Spencer kay Ivanna. He was obviously the type that would rather keep his feelings.

"Oo nga pala, binibini." Naibaling ko ang tingin kay Domingo nang bigla itong nagsalita. "Ito nga pala si Regina at ang kanyang amang si Mang Elias. Kararating lamang nila mula maliit na barrio malapit sa ilog kaya hindi mo sila nakilala kahapon."

"Binibini, hindi ko naipakilala ang sarili ko kanina. Ako si Elias, isa sa mga kasapi ng ating samahan. Tulad ni Domingo, ako'y nagpapanggap na makapili sa kampo ng mga hapon kaya't madalang lamang kung ako'y magtungo rito," pagpaakilala ni Mang Elias. But all I could do was give him a smile because my mouth was full. It would be rude if I spoke with my mouth loaded with food. Saka, wala rin naman akong maisagot. "Kilala mo na rin ako noon pa ngunit, dahil nga sa isang nakakalungkot na pangyayari, eto ako ngayon at nagapapakilala ulit sa'yo. Ngunit, muli akong magpapasalamat sa iyong pagligtas at pagkupkop sa aking anak na si Regina. Malaki ng utang na loob ko sa iyo."

Nilunok ko ang pagkain, "Ligtas?"

Tumango si Mang Elias, "Oo, binibini. Iniligtas mo ang aking anak."

"Si Regina ang pinakaunang babaeng iniligtas mo mula sa pagmamalupit ng mga sundalong Hapon, binibini," dugtong ni Aling Telma. "Siya ang pinakaunang natulungan mo mula noong dumating ka rito sa aming mumunting bayan."

Kaya pala gano'n nalang ang paghanga ni Regina kay Ivanna. Kasi isa rin pala siya sa mga mahihinang babae na hinayaang madungisan ang sarili. For a moment there, akala ko hindi siya tulad ng iba. Wala akong nakitang bakas ng pagmamaluput sa kanya. But who am I kidding? This mansion caters former sex slaves.

"Ganoon ba? Sana naaalala ko," I said coldly but they didn't seem to notice it.

Muli kong ibinaling ang atensyon sa pagkain. Hindi ako si Ivanna, I don't feel the same empathy that Ivanna felt for these women. Saviour my ass. These are nonsense spouted by weaklings who cannot look upon life's ugliness.

"Maraming salamat uli, binibini." Narinig kong sinabi ni Regina pero tumango lang ako nang hindi siya nililingon.

Nakakatawa lang dahil kasama ko ngayon sa iisang bubong ang mga taong ayaw na ayaw kong makasalamuha.

Pagkatapos ng hapunan ay dumiretso agad ako sa aking silid at sinubukang matulog ulit. Pero bigo ako. Sa haba ba naman ng tulog ko kanina. At, hindi ko maialis sa isip ko ang mangyayaring pulong bukas. Alam kong kaya kong ipagsawalang-bahala ang mangyayari bukas pero may kung anong tumutulak sakin na hindi dumalo sa pagpupulong na 'yon. Maliban kasi sa hindi ko alam kung anong klaseng mga tao ang makakaharap ko bukas at hindi ko maintindihan ang responsibilidad na kailangan kong gampanan ngayon, ay natatakot ako na baka kung anong magawa o masabi ko na siyang magiging dahilan para malaman nilang 'di ako si Ivanna.

Kaya, imbes na matulog ay lumabas ako ng kwarto at naisipang magpahangin sa labas. Tahimik na ang buong bahay kaya siguradong tulog na ang lahat.

Madilim sa buong pasilyo pero nakakalusot pa rin ang liwanag mula sa buwan sa maliit na siwang ng bintana. Sa sobrang tahimik ay maririnig mo ang marahang tunog ng hangin at mga tunog na ginagawa ng mga insekto.

Huminto ako sa paglalakad bago pa man ako makarating sa hapagkainan. Isiniksik ko ang sarili sa pader nang mapansin ang tatlong taong nag-uusap-usap. Dahil madilim, hindi ko maaninag kung sinu-sino ang mga ito.

Teka... What if mga magnanakaw sila? Hindi ko alam ang gagawin kung sakaling gano'n nga. Wala naman kasing kanakaw-nakaw sa apartment ko kaya walang magtatakang manloob do'n.

I stepped backward, I should tell the others.

"Nakahanda na ba ang mga dadalhin mo sa bayan?" Again, I stopped on my tracks at nakahinga ng maluwag nang makilala ko ang boses ng isa sa kanila. It was just Spencer.

Pero anong ginagawa nila sa kalagitnaan ng gabi?

"Oo, doktor," another voice replied. It was Domingo's, I'm sure of it. Sa ingay ba naman niya tuwing naghahapunan imposibleng 'di bumaon sa isipan ko ang boses niya.

"Paniguradong kikilatisin ng mga sundalong Hapon ang iyong dala. Ilagay mo dito sa sako ang iyong dala at patungan mo ng palay upang hindi na magtaka pa ang mg ito." It was Aling Telma.

Sila-sila lang pala. Akala ko kung ano na. Pero imposible nga namang malooban ng mansyong 'to. Sa sobrang tago ay baka maligaw lang ang magnanakaw. Sumilip ako para makita ang ginagawa nila.

"Maraming salmat, Aling Telma," Domingo replied.

"Anong oras ka aalis at nang masabihan ko si Constanza na ipaghanda ka ng agahan," tanong ni Spencer.

"Naku! Huwag na doktor. Ayokong abalahin pa ang kanyang pagtulog. Alam naman nating palagi iyong pagod," pagtanggi ni Domingo. "Saka huwag kayong mag-alala, doktor. Tulad ng dati, aalis ako bago magbukangliwayway at babalik paglubog ng araw." 

What are they talking about? Is Domingo leaving?

"Ganoon ba? Mag-ingat ka at bumalik dito ng buo," Spencer said.

"Paumanhin kung hindi ako makakatulong sa pulong bukas."

Domingo won't be around during the meeting tomorrow. Where is he going? What's more important than tomorrow?

"Anong ginagawa mo?"

Muntik akong mapasigaw nang biglang may nagsalita sa aking likuran buti nalang ay agad kong napigilan ang sarili.  Quickly, I faced the uninvited mushroom before I caught Spencer and the others' attention.

"W-wala! 'Di ako nakiki-osyoso, ano ka ba." Agad kong nasabi pagkaharap na pagkaharap ko sa kanya. Pero agad na nawala ang kaba at gulat na aking naramdaman at napalitan ito ng pagkairita.

It was the pregnant girl that was always sitting beside me every dinner. I don't why I feel irritation towards this girl. Kahit na ito ang unang beses naming pag-uusap, parang gusto ko talaga siyang itulak at nang matumba.

Now that she was standing in front of me, I noticed that she was an inch shorter than me. I scoffed, I was meant to look down on her.

I regained my cool as irritation enveloped me.

"Ikaw? Anong ginagawa mo? Hindi ba't nakakasama sa bata ang pagpupuyat ng ina?" I asked, using the same tone that she used towards me a while ago.

She clicked her tongue. Mukhang hindi lahat ng tao dito itinuturing na espesyal si Ivanna. Looks like we have a little black sheep here.

I was ready to throw her another indirect affront but stopped when I noticed the small bottle that she was holding. It was dark but the bottle reflected the frail light that escaped through the small gap between the windows.

"Ano 'yang dala mo?" I asked nonchalantly, just a mere question to answer my curiosity. But for her, it seemed as if I was having a suspicion because she quickly hid the bottle behind her.

"W-wala ito," sagot niya saka nagmamadaling nilagpasan ako.

That bitch. What was that about?

Instead of stressing out on people that doesn't even matter, I shrugged my shoulders.

"Atleast alam ko na kung paano ako makakaiwas sa pulong bukas," I murmured with a grin on my face.

-

Hi! Did you like this chapter? I hope you did. Don't forget to vote and comment.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro