Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA 6

Noong nasa point na ako na tanggap ko nang nag-time travel ang kaluluwa ko, noong nasa point na ako na tinanggap ko nang mamumuhay ako bilang si Ivanna Ramirez, saka ko naman nalaman kung gaano kabigat ang responsibilidad niya.

Sa buong buhay ko, kahit isang beses, hindi ako nakaranas na maging leader. Hindi ako na-i-elect sa mga classroom elections, hindi ako pumapayag na maging leader sa mga group projects at activities. Maski noong nag-college ako— well, 'di naman ako halos pumapasok. Basically, I don't like leading people. I don't want to burden myself with responsibilities.

Ipinatong ko ang ulo ko sa mesa, nakadampi ang kaliwang pisngi sa matigas na kahoy.

Pero ngayon, isang napakalaking responsibilidad ang biglang ibinagsak sa mga balikat ko. Kung lider ng group project, kakayanin ko pa siguro. Pero pinuno ng isang rebeldeng grupo? Paano ko naman magagampanan 'yun? Wala nga akong alam sa pagiging lider at sa pamumuhay ng mga tao sa panahong 'to. Hindi pa nga ako nakakaget-over sa pagkaculture-shock, hindi pa nga ako tapos mag-reality check, dumagdag na naman ang isang pang problema. Kung bakit ba naman ako pa. Sana 'yung mga aktibista nalang sa University ang inilagay nila sa sitwasyon ko. O 'di kaya 'yung mga tambay nalang sa kanto na walang ginawa kundi mang-away ng mga dumadaan para may magawa naman sila sa buhay nila.

Ipinatong ko ang kanang kamay sa mesa, kalebel ng mukha ko, at tinitigan ito. Maski kamay ni Ivanna, ang ganda. Bwisit.

"Bakit naman kasi ang hirap ng buhay na pinasok mo, Ivanna?" I whispered. 'Yan tuloy, nadamay pa ako. Bakit 'di mo nalang pinili ang isang normal na buhay? Sigurado namang hindi lang ikaw ang gustong labanan ang mga Hapon. Siguradong may iba diyan na gagamapanan ang layuning pinasok mo.

Pabida ka rin kasi.

"Binibini?" I rasied my head to look at the person who just arrived. It was the old woman from earlier. Nakangiti siyang naglakad palapit sakin. Now that I got a closer look, hindi pa naman pala siya gano'n ka tanda. Pero halata na ang mga kulubot sa mukha niya. But, she was pretty. Mukhang may lahi. "Paumanhin kung pinaghintay kita."

Pagkatapos kong libutin ang basement ay napagdesisyunan kong bumalik sa unang palapag. Parang 'yung pinagtitipunan ng mga kulto.

"Ayos lang," walang gana kong sagot saka inayos ang pagkakaupo at humarap sa kanya.

I saw relief on her face. "Naaalala mo ba ako, binibi?" she asked.

Malapit rin ba siya kay Ivanna?

Umiling ako. Nawala ang ngiti sa kanyang mukha at napalitan ito ng lungkot. "Totoo pala ang sinabi ng doktor na wala kang maalala."

Hindi naman ako nawalan ng alaala. Hindi kasi ako si Ivanna. Ako si Adeline Cabrera mula sa taong 2018 na sumanib sa katawan ng pinakamamahal niyong binibini.

Lumapit siya sakin at nagulat ako nang hinawakan nito ang dalawang kamay ko. Binigyan niya muli ako ng isang ngiti, "Nakakalungkot man ngunit ang mahalaga ay hindi ka napahamak."

Okay, malapit nga talaga siya kay Ivanna. Kung makahawak ng kamay kala mo close kami.

"Ako si Telma. Aling Telma ang tawag mo sa akin. Ako ang tagapangalaga ng mansyong ito."

Mansyon nga talaga ito. Base sa narinig ko wala kami sa mismong Catarman. Hindi ko alam kung nasaan talaga ako ngayon ngunit sa hilig kong gumala parang wala naman ako nakitang mansyon o ruins ng isang mansyon sa malapit sa Catarman.

"Sa ngayon, kailangang magpahinga ni doktor Spencer lalo na't mahina ang pangagatawan ng batang iyon." Nagsitaasan ang mga balahibo sa batok ko nang binigyan niya ako ng isang makahulugang tingin. "Labis ang kaniyang pag-aalala nang nanatili kang walang malay sa loob ng tatlong araw. Sa sobrang pag-aalala ay nakalimutan na ata niyang kailangan ng tulog ng tao."

So that explains the dark circles under his eyes. Spencer and Ivanna's relationship is deeper. For some reason, may tuwa sa dibdib ko dahil sa narinig. Kahit na mag-iisang araw palang ako dito, ang gaan na ng pakiramdam ko kay Spencer. Pero hindi ko pa rin magawang magtiwala sa kanya.

Inalis ni Aling Telma ang pagkakahawak sa kamay ko at marahang tinapik ang aking kanang balikat. "Kaya, sa ngayon, ako muna ang magpapasyal sa iyo."

Tumango nalang ako at sumunod sa kanya. Mahaba ang siyam na buwan pero mas mabuti nang alamin ko ang lahat ng tungkol kay Ivanna ng mas maaga para makapaghanda ako. Hindi ko pwedeng sayangin ang pangalawang pagkakataon na ibinigay sakin kahit na napaka-unfair nito. Second chances like this don't always come.

Dahil nalibot na namin kanina ni Spencer ang loob ng mansyon, napagdesisyunan ni Aling Telma na ipasyal ako sa lupang sakop nito. Nasa gitna nga ng gubat ang mansyon. Maraming malalaking puno ang nakapalibot sa lugar, karamihan ay mga puno ng manga, niyog, at maging mga kawayan. Kaya amoy na amoy mo ang kalikasan. Nagtungo kami sa bakuran ng bahay. Bumungad sakin ang nag-iisang napakalaking puno ng Acacia. Pero hindi ito tulad ng ibang Acacia na matatayog, hindi ito gaanong kataasan at halos maaabot mo agad ang mga dahon. Malalawak rin ang mga sanga nito kaya para na itong nagsisilbing bubong ng buong bakuran.

Inalis ko ang tingin sa puno at ibinalik ito sa mansyon. Dito, kitang-kita ko ang exterior ng mansyon.

Ang unang palapag ay may mga pader na gawa sa bato habang ang ikalawang palapag naman ay gawa sa kahoy. Tulad ng sa loob, simple lang ang mga disenyo nito. Ang mga poste ay may mga simpleng pattern na nakaukit. Ang mga kahoy sa ibabaw ng mga bintana ay inukitan ng mga simple ngunit eleganteng mga diesenyo. Ang shell na nakalagay sa bawat frame ng bintana, dahil sa puti nitong kulay, ay bumagay sa halos kulay tsokolateng pader ng ikalawang palapag. May mga moss na ring namumuo sa mga pader ng unang palapag dahil na rin siguro sa katandaan ng bahay ngunit hindi ito nagmukhang madumi. It looked old but didn't look decrepit or deteriorating. It looked mythical. Like a mysterious mansion in the middle of the woods.

It blended well with its surroundings. Well, the whole mansion blended well with the large trees that surrounded it. Tagong-tago nga talaga ito at parang parte na ng kakahuyan. Naiintindihan ko na kung bakit ito ang naging kuta ng rebeldeng grupo ni Ivanna. Napaka-convenient dahil nasa loob ito ng kakahuyan at hindi madaling mahahanap ng iba. Malaki rin ang espasyo kaya maaaring gawin ng grupo ang gusto nilang gawin na malayo sa mata ng mga Hapon.

Si Ivanna rin siguro ang nakaisip nito.

"Ang laki ng bahay pero ang tahimik," sambit ko habang tinitignan ang mansyon.

Napangiti si Aling Telma, "Noong nalaman nilang nagising ka na ay para bang nabunutan sila ng napakalaking tinik sa lalamunan at agad na nagsibalikan sa kanilang mga gawain." Tinignan niya ako, "Nais nilang pagaanin ang iyong pakiramdam at bawasan ang iyong aalahanin. Lalo na ngayon at wala kang maalala."

Hindi ko mapigilan ang sarili kong mamangha kay Ivanna. Grabe kung pahalagahan siya ng mga tao dito na para bang isa siyang prinsesa. Isang bagay na hindi naranasan ng isang Adeline Cabrera.

"Kaya ngayon, tutulungan kitang ibalik ang iyong ala-ala, binibini." Bumakas mukha nito ang pinaghalong lungkot at saya. "Ngunit hindi kita bibiglain tulad ng ginawa ng doktor Spencer. Mas mabuting mag-umpisa tayo sa pagpapakilala sa'yo sa mga tao at bagay sa iyong pang-araw araw na buhay. Hayaan na muna natin iyang responsibilidad mo bilang aming pinuno kaya huwag mo muna iyong iisipin."

Gusto kong yakapin si Aling Telma. I'd rather meet the people of this mansion than burden myself with Ivanna's role.

"Binibini!" sabay kaming napalingon ni Aling Telma sa dalawang babaeng naglalakad papalapit samin. Ibinaba nila ang hawak na basket at mabilis na lumapit samin.

Nagulat ako nang biglang napaiyak ang isa sa kanila. "Binibini, akala namin hindi ka na magigising. S-sobra kaming nag-alala."

Pinigilan ko ang sariling mandiri nang mapansing unti-unting tumulo ang sipon nito. Oh my gosh, yucks! Halatang bata pa ito. Mga nasa labing-apat o labing-limang taong gulang. Maamo at bilugan ang mukha niya. 'Di gaanong matangos ang ilong at maninipis ang labi. Mapungay din ang mga mata niya na mas nakadadag sa paiging maamo ng mukha niya. At halatang lampa. Para siyang 'yung bata na hilig kong asarin noong nasa elementary palang ako. Lalo na't nakabraid ang hanggang bewang niyang buhok. Noong mas lumapit siya sakin, napansin ko agad ang peklat niya sa pisngi. Parang resulta ng pagkapaso.

"Ano ba, Salome. Iyakin ka pa rin. Mahiya ka naman sa binibini," saway naman sa kanya ng babaeng kasama niya.

Kabaligtaran naman siya ni Salome. Kung si Salome lampa, siya naman mukhang kayang gawin ang kahit na anong bagay. Mukhang sanay sa mga gawaing bagay, well, with the way she roll her chemise' sleeves, mahahalata mo agad na maraming siyang alam na mga gawaing bahay. Mas matangkad siya sakin at balingkinitan ang katawan. Her features made her look matured. From her wavy, black hair that reaches upto her neck, to her sharp, determined eyes, to her cheeks that looks like Angelina Jolie's, and to her full lips. Siya 'yung tipo ng babae na pwedeng gawing ramp model sa mga event ng Louis Vuitton, Victoria's secret at iba pa.

Pinahid ni Salome ang luha at sipon gamit ang manggas ng suot na bestida. I swear to God, she's disgusting. "Pasensya na, ate Constanza. Sadyang masaya lang ako at maayos na ang binibini."

Constanza sighed before averting her attention towards me, "Pumanhin, binibini. Kumusta ang iyong pakiramdam?"

Tinitigan ko lang sila. Hindi ko alam ang isasagot. I mean, alam ko ang isasagot, yes, ayos lang ako, pero sa paanong paraan? Mahinhin? Taas-noo? Nahihiya? Pabebe? Alaala lang naman ang nawawala kapag nagkaka-amnesia, hindi ugali.

Ibubuka ko na sana ang bibig ko pero inunahan ako ni Aling Telma, "Constanza, Salome, naalala niyo ba ang sinabi ni doktor Spencer? Walang maalala ang binibini."

Napalitan ng lungkot ang ekpresyon sa mukha nila. Muling tumulo ang mga luha ni Salome habang si Constanza naman ay mukhang natanggap agad ang sinabi ni Aling Telma. Inilahad niya ang kanang kamay sakin, "Binibini, ako nga pala si Constanza Martinez. Isa ako sa mga iniligtas mo mula sa istasyon ng mga Hapon sa San Jose."

"Iniligtas?" kunot-noo kong tanong. Oo nga pala. Hindi lang naging hero ng rehiyon namin si Ivanna dahil sa isa ang rebeldeng grupong pinamumunuan niya sa nagpatalsik ng mga Hapon sa lugar namin kundi dahil maraming babae ang iniligtas niya mula sa pang-aabuso.

"Nakakalungkot at nawala ang iyong alaala, ngunit wala kaming magagawa kundi ang ipaalala uli sa iyo kung gaano ka kabuting tao, binibini," Salome sobbed. "Salome Espinar ang aking pangalan, isa rin ako sa mga babaeng iyong iniligtas."

Para akong nabato sa kinatatayuan ko. Totoo nga talaga ang kabayanihan ni Ivanna. Ang mga babaeng nasa harap ko ngayon ay dalawa lang sa mga babaeng iniligtas niya.

"Binibini, hindi ba nasabi sa'yo ng doktor?" napalingon ako kay Aling Telma.

"S-sinabi niya." Kahit 'di niyo naman sabihin, alam ko naman kung anong ginagawa ni Ivanna. Nagulat lang ako dahil totoo nga talaga ang mga kwento tungkol sa kanya.

"Ang doktor talaga, puro trabaho lang ang alam. Nabigla ka siguro." She gently tapped my back. "Salome, Constanza, bumalik na muna kayo sa mga gawain ninyo."

Tumango sina Constanza at sinunod ang sinabi ni Aling Telma. "Ayos ka lang ba, binibini?"

I nodded. "Lahat ba sila..."

"Inabuso ng mga hapon," dugtong niya sa sasabihin ko. "Hindi ko muna gustong sabihin sa'yo ang tungkol sa mga babaeng iyong iniligtas dahil ayokong mabigla ka. Ngunit dahil nandito na rin naman tayo, sasabihin ko na sa iyo ang tungkol sa layuning iyong tinanggap. Halika ka."

She started walking at kahit na nagdadalawang-isip, sumunod nalang ako. Tinungo namin ang isang maliit na gate na gawa sa kahoy at lumabas ng bakuran. Tahimik lang si Aling Telma habang naglalakad sa gitna ng kakahuyan. Ilang minuto lang ay narating namin ang isang maliit na sapa. Napapalibutan ito ng mga puno kaya tago ito. May isang malaking puno sa gilid ng sapa na siyang sumasalo sa tirik na sikat ng araw. May tubig na na lumalabas sa ugat nito at nagsisilbing maliit na water falls.

Hindi kami nagpatuloy at huminto sa bunganga ng kakahuyan. Mula sa kinatatayuan namin ay kitang kita namin ang mga kababaihang masayang nagtatampisaw sa malakristal na tubig habang naglalaba ng mga damit.

"Masaya ka sa tuwing tinitignan mo silang nagkakatuwaan ng ganito."

Nilingon ko si Aling Telma, "Mga iniligtas niy- ko ba rin sila?"

Tumango siya, "Sila ang mga babaeng iniligtas mo mula sa pang-aabuso at tinanggap na para bang sila'y iyong pamilya. Mula sa iba't ibang bayan, hindi ka natakot na kalabanin ang mga Hapon upang matulungan lamang sila at maibalik sa kani-kanilang pamilya."

Ibinalik ko ang tingin sa mga babaeng nasa sapa.

"Ang ilan sa kanilang wala ng pamilyang mababalikan, hindi mo lamang binigyan ng bubong na masisilungan, binigyan mo sila ng tahanan at pamilyang maituyuring nilang sa kanila. Ipinadama mong hindi sila dapat na pandirihan, kundi ang nararapat sa kanila ay mahalin."

For some unknown reason, my heart was beating so fast. These women—no, girls, were sex slaves. Sa murang edad, ginawa ng parausan ang katawan nila. Sila ang tinatawag na mga Comfort Women. Ang mga babaeng iniligtas ni Ivanna at ang rason kung bakit niya itinatag ang Eve Libertad.

I balled my fist.

"Alam ko ang tinatago mong baho. Alam kong madumi ka-"

"Because I hate you! I hate people like you who sells their body for pleasure! You pollute this damn society!

Hindi ako nakaramdam ng awa. I was disgusted. I don't care if they were forced to do it, they should've fought. Kung pinapahalagahan nila ang sarili nila, dapat lumaban sila. If I were them, I'd rather choose death than be raped.

These people are weak. Pabigat lang sila. Ang mga taong tulad nila ang sisira ng lahat. I hate them.

I clutched my chest. Pero bakit ang bigat sa pakiramdam? Para bang pinipiga ang dibdib ko ng bawat salitang sinabi ni Aling Telma. Are these feelings mine? Or are they Ivanna's?

"Binibini, sana'y hindi mo nakalimutan ang pagmamahal mo sa mga batang ito."

But I am not Ivanna. I am Adeline. We're the exact opposite. Kung nagawa ni Ivanna na mahalin ang mga babaeng ito, ako hindi. Hindi ko magagawa ang bagay na 'yan kung sa simula't sapul palang, sila ang mga taong ayaw na ayaw kong makahalubilo.

Ibinaba ko ang kamay ko and a determined look appeared on my face.

But if I wanted to know everything about Ivanna, I have to bear with it.Kahit na hindi ako palakaibigan, magaling naman ako sa plastikan. Nine months. Magtitiis ako for nine months. Pagkatapos no'n, kapag napigilan ko na ang kamatayan ni Ivanna, I'll leave this place and I'll live as Adeline in Ivanna's body.

-

Fact!

Most of the Comfort Women weren't really women. They were girls. Most of the victims of this forced sexual labor were girls with ages 13, 14, 15.

-

Hi. Did you like this chapter? I hope you did. Don't forget to vote an comment.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro