Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA 5

"Hindi sapat ang mga impormasyong mayroon ako rito," Spencer sighed as he ran his finger through his hair in frustration. "Hindi ako sikolohista kaya kakaunti lang ang alam ko sa mga kondisyong may kinalaman sa pag-iisip ng tao."

Hindi ko maialis ang tingin kay Spencer habang patuloy nitong binabasa ang mga papel na hawak. Hindi ito ang unang beses kong makakita ng amerikano pero may kakaiba sa kanya. 'Yung parang first time mong makakita ng tulad niya. Or is it just me? Siguro dahil puro pangit na amerikano ang nakita ko kaya parang naninibago ako. How can I say this? Si Spencer 'yung amerikanong mukhang mas gugustuhing manatili sa bahay at magbasa ng mga aklat, malayo sa mga tao. 'Yung nerd at science freak na hindi alam na hot siya.

Inalis niya ang suot na antiparra at hinilot ang sentido. Doon ko napansin na nangingitim ang ilalim ng mga mata niya. Mukhang dahil sa puyat at pagod. Nakuha ang atensyon ko ng nunal niya sa may baba. Ibinaba niya ang kamay at doon napansin ko ang dalawa pang nunal sa gilid ng kanang pisngi nito. Isang malapit sa mata at isang malapit sa labi. His moles made him even hotter.

Kahawig niya si Leonardo Dicaprio na may pagka-Dane Dehaan. Ayun. Cole Sprouse. Kamuha niya si Cole Sprouse.

Naglakad siya palapit sa mesang nasa tabi ng kama at ipinatong ang mga hawak na papel. Sinuot niya muli ang salamin at naupo.

"Ngunit sa tingin ko'y makakatulong pagkukwento." He gave me a tight smile, "Ano ang gusto mong malaman?"

I forced myself not to squint. Hindi ba pwedeng siya nalang ang magkwento kung ano'ng nalalalaman niya tungkol kay Ivanna? Nasa gitna pa ako ng acceptance stage. Nasa stage pa rin ako kung saan nahihirapan akong tanggapin na nasa katawan ako si Ivanna. Wala pa akong gustong malaman tungkol sa kanya.

Tinitigan lang ako ni Spencer at hinintay na magsalita.

I sighed. Kung hindi siya kusang magkukwento, wala akong magagawa kundi itanong ang palang itinatanong ng mga taong nagkakaroon amnesia.

Tinignan ko siya sa mata at, "Sino ako?" seryoso kong tanong.

Napakurap siya at mukhang nagulat sa tanong ko. Wow. Masyado na bang cliche ang ganitong tanong?

Tumikhim siya bago sumagot. "Ikaw si Ivanna Ramirez. Dalawampung taong gulang." Magkaedad pala kami ni Ivanna. "Ikaw ang nagtatag ng Eve Libertad."

Isa sa mga napansin ko kay Spencer ay ang pananalita niya. Kahit na banyaga, hindi mali-mali ang grammar niya. Although, slang pa rin ang pagkakabigkas niya. Which I find really funny.

"Eve Libertad?"

"Ito ang gerilyang grupo na iyong itinatag halos magda-dalawang taon na ang nakalilipas."

I blinked. Sandali. Ito ba ang rebeldeng grupo na pinamunuan ni Ivanna noon— este ngayon?

Napalunok ako, "P-para sa'n?"

Sumeryoso ang ekspresyon sa mukha nito, "Ang pinakaunang layunin ng ating grupo ay ang mailigtas ang mga babaeng ginagawang parausan ng mga sundalong hapon. Pangalawa ay ang gumawa ng daan para sa pagbabalik ng pwersa ni Heneral MacArthur at mapatalsik ang imperyong Hapon."

Pagbabalik ni Heneral MacArthur? Ibig sabihin ba nasa gitna pa ng giyera ang panahong 'to? Hindi pa completely liberated ang Pilipinas at isang rebeldeng grupo pa ang pinamumunuan ni Ivanna— na pamumunuan ko na ngayon. Tapos paparating pa ang mas madugong labanan. Holy fuck. Mapapasabak ako sa giyera?

I leaned towards him, "Anong taon na ngayon?"

Nag-iwas siya ng tingin. "1944," nauutal nitong sagot.

Bumalik ako sa puwesto ko at napatakip ng bibig. "A-anong petsa?"

"Ika-labing pito ng Enero."

Napatakip ako ng bibig. Ang puso ko parang umakyat papunta sa top floor ng isang high rise building at biglang tumalon nang bigkasin ni Spencer ang sagot sa tanong ko. Naramdaman ko ang panginginig ng kamay at ang pagbaliktad ng sikmura ko.

Huling araw ko sa 2018, death anniversary 'yun ni Ivanna.  Namatay siya noong November 14, 1944. Napunta ako sa katawan niya, January 17, 1944. That means...

"Mamamatay ako nine months from now," I uttered. Halos wala ng boses at tanging hangin nalang ang lumabas sa bibig.

What the hell is this? Binigyan ako ng pangalawang pagkakataon para mabuhay pero mamamatay rin pala ako? Anong klaseng joke 'to? Hindi ko pa nga tanggap na napunta ako sa katawan ng taong matagal ng patay, mapipilitan pa akong mabuhay bilang si Ivanna, naipasa pa sakin ang mabibigat na responsibilidad na dala-dala niya, tapos mamatay ulit ako? Ano 'yun? Parang lahat ng gagawin ko mapupunta lang pala sa wala? Parang tinaningan na pala ako.

"Ivanna, may problema ba?"

Napasandal ako sa headboard ng kama. Ayokong mamatay ulit. Ulol lang ang nagsabing okay lang ang mamatay at natural lang 'yun. Ang sakit kayang mamatay. Namatay na nga ako sa 2018, mamamatay pa ako sa 1944. Dinaig ko pa ang botchang baboy. At, namatay na nga akong virgin, mamamatay pa akong virgin dito? Dinaig ko rin ang birheng Maria. Ako na talaga. Ako na.

"Ivanna,"

"Ano kaya'ng itsura ni Ivanna? Siguro maganda siya."

"Pero pinatay siya ng lalaking minahal niya. Baka pangit siya."

Napaupo ako ng maayos nang maalala ko ang usapan nung tatlong highschool students sa cafe.

Pinatay si Ivanna ng taong mahal niya. That means, 'yun 'yung taong papatay rin sakin. I can change my fate. Pwede kong mabago ang tadhana ni Ivanna. She'll live. I'll live. Kapag napigilan at nabago ko ang mga nangyari, mabubuhay ako ng matagal. Kailangan ko lang hanapin ang taong pumatay kay Ivanna, ang papatay sakin.

Pero, pa'no?

Nilingon ko si Spencer na nag-aalala ring nakatingin sakin.

"Spencer."

"Bakit? May problema ba? May masakit ba sa'yo—"

"Sino'ng mahal ko?"

Natigilan siya at pansamantalang napatitig sakin. Nung nagsink-in na ang tanong ko, ibinaling niya ang tingin sa ibang direksyon.

"H-hindi ko alam..." sagot nito habang unti-unting namumula ang tenga. "Hindi ka naman nagkukwento tungkol sa mga ganiyang bagay."

Disappointed, I sank on my bed. I'm really going to die. Mukhang si Spencer ang pinakamalapit na tao kay Ivanna kasi kung makayakap kanina parang mawawala ako kung bitawan niya ko. Tapos wala naman palang alam tungkol sa lovelife ni Ivanna. At eto namang si Ivanna, hindi man lang nagkukwento. Mahiyain siguro siya?

Ibinalik ko ang tingin kay Spencer. Pero, pa'no kung si Spencer pala ang mahal ni Ivanna? Close sila, tapos hindi magawang magkwento ni Ivanna sa kanya kasi—

Napaupo ulit ako. Kasi ayaw niyang malaman ni Spencer na may pagtingin siya sa kanya.

"Spencer, may galit ka ba sakin?" seryosong tanong ko.

Kumunot ang noo niya, "Bakit mo naman naitanong 'yan?"

I blinked. Kasi baka patayin mo ako. "Wala lang. Gusto ko lang malaman."

He chuckled, "Kung galit ako sa'yo, hindi sana ako magpapasalamat na maayos ka na."

Nga naman. Hindi niya ako yayakapin ng ganun kahigpit kung galit nga siya sakin. Pero, malay natin mabubuo ang galit niya sa pagdaan ng mga araw.

Tumayo siya at lumapit sakin. He smiled and he patted my head, "Kahit kailan, hindi ako magagalit sa'yo."

Natahimik ako. Hindi ko alam, but I felt relieved. Ayokong magconclude, pero mukhang hindi si Spencer ang pumatay kay Ivanna. He looked like he wouldn't harbor any hatred towards her. I mean, the way he looks at me— at Ivanna, he cherished her.

"Magpahinga ka na muna. At kung kaya mo na, ililibot kita sa buong bahay. Baka sakaling may maalala ka—"

"Ayos na ako!" pagputol ko sa sasabihin niya. Tinanggal ko ang kumot na nakatakip saking hita at bumaba ng kama. Muntik pa akong matumba pero mabuti nalang at hindi ako nasubsob. "Wala naman nang masakit sakin. Saka, gusto ko... gusto kong maalala kung sino ako. Malay mo, maalala ko agad saka makabalik ako sa kung ano man ang ginagawa ko."

Marami ang tao sa bahay na 'to. Sigurado namang hindi lang si Spencer ang malapit kay Ivanna. Siguradong may mga alam din sila tungkol sa kanya.

Hindi na nakatanggi si Spencer kaya pagkatapos kong magbihis ay nilibot na namin ang bahay. Wala namang masyadong bongga sa ikalawang palapag. May sala at may hapagkainan. Parang 'yung bahay lang ng lola ko. Marami ang bintanang tulad ng nando'n sa kwarto ko kanina lalo na sa may sala. May pitong silid din sa ikalawang palapag kasama na 'yung kay Ivanna at 'yung kay Spencer. Wala ring masyadong arte. Plain lang ang kulay ng mga pader, walang decors, walang mga nakasabit sa mga pader at kung ano pang kaikikan. Halos mga importanteng gamit lang ang nando'n.

Kung sa ikalawang palapag gawa sa kahoy ang mga pader, gawa naman sa bato ang mga pader sa unang palapag. May mga silid rin kung saan iniimbak ang mga kagamitan sa pagtatanim at mga pagkain. Sa pinakamalaking silid naman nakapwesto ang isang pahabang mesa at mga pahabang bangko na gawa sa kahoy. Dito raw madalas magsalo-salo ang iba pang kasapi ng Eve Libertad.

Lumapit si Spencer sa isang malaking shelf sa gilid ng silid. Imbes na mga libro, mga banga ang nakalagay rito. Pumwesto siya sa pagitan ng pader at ng shelf at gamit ang dalawang kamay, itinulak niya ito.

Umalingawngaw sa silid ang ingay na gawa ng pader. Sa likod ng shelf ay isang tagong pintuan.

"Ito ang pinto patungo sa silid kung saan nagaganap ang pagpupulong ng ating grupo," sabi niya habang pinapapag ang kamay. "Halika," may kinuha siya mula sa bulsa ng lab coat niya at binuksan ang pinto.

Kahit na naghehesitate, sumunod ako sa kanya. Isang hagdan pababa ang agad na bumungad samin. Basement. Mabuti nalang at may mga gaserang nakasabit sa dingding dahil ni isa, walang lagusan ng liwanag sa paligid maliban sa pintong pinasukan namin kanina. Pagkababa, bumungad samin ang isang malaking silid. Parang isang tavern na walang bar at tanging mga mesa't upuan lang ang nando'n. Sa kanang gawi ko ay mga pinagpatong-patong na baul. Sa tabi nito ay tatlong sako na hindi ko alam ang laman.

Naglakad kami patungo sa pader kung saan may nakapaskil na parang bulletin board. May mga papel na nakapaskil dito at mga larawan ng mga Hapon at kung sino-sinong tao.

"Ang layunin ng ating samahan ay ang iligtas ng mga kababaihang ginagawang parausan ng mga Hapon. Ang mga may ekis ay mga garison ng mga Hapon na napasok na natin," paliwanag nito habang itinuturo ang mga papel na may kulay pulang ekis. "May mga kasapi tayong nagpapanggap na Makapili at nagsisilbi sa mga Hapon habang kumakalap ng impormasyon."

"Inaatake ba natin ang mga garison nila?" tanong ko.

Umiling siya, "Dalawang gerilya ang narito sa Catarman. Ang ika-93 na dibisyon ng USAFFE na pinamumunuan ni tinyente Sevilleno at kapitan Merit ang siyang gumagawa ng pag-atake. Ang Eve Libertad ang siyang nagsisiguro na walang mamamayan ang masasaktan sa gagawin nilang pag-atake kabilang na roon ang pagligtas sa kababaihan sa loob ng mga garison. Hindi alam ng mga Hapon ang tungkol sa ating grupo dahil sinasalo ito ng grupo nina Sevilleno."

"P-pero susugod pa rin tayo?"

"Oo, ngunit ang mga kalalakihan lamang. Ang mga babae sa ating grupo ang siyang bahala sa mga kagamitan at sa mga maaaring masaktan sa ating pagsugod."

Nakahinga ako ng maluwag. Mabuti nalang at hindi pala sumasabak sa labanan si Ivanna. Sipang-kalye lang ang alam kong gawin. Ni hindi ko nga alam humawak ng baril, baka hindi pa ako nakakapunta sa gitna ng battlefield, nakahandusay na ako.

Naibalik ko kay Spencer ang atensyon nang maglakad ito palapit sa isang mesa. Bumalik siya agad matapos kunin ang isang nakarolyong papel. Binuksan niya ito, "Ito ang sulat na ipinadala ng ating kasapi mula sa barrio ng Nenita." Kinuha niya ang isang gaserang nakasabit sa gilid ng bulletin board at ipinatong ito sa isang mesa. Itinapat niya ang blangkong papel sa may gasera at napanganga ako nang may lumitaw ng mga letra. Teka, pa'no nangyari 'yun? Ang galing!

"Hala," mangahang sambit ko.

Binigyan niya ako ng ngiti, "Ikaw ang nagturo nito."

"T-talaga?"

Tumango siya. Okay. Ang galing ni Ivanna pero mas maganda pa rin ako.
Ibinalik ko ang tingin sa papel at binasa ang nakasulat rito.

-Ika-30 ng Enero darating ang isang bangka ng mga Hapon dala ang mga bagong armas nito. Dadaan ito sa ilog ng Catarman. Usap-usapan sa garison kung nasa'n ako ngayon ang tungkol sa dalawang dalagita mula sa San Jose na dadalhin dito. Maaari niyo silang pigilan pagkatawid nila ng ilog.-

So, nasa Catarman pa rin ako. Pero sa'n? Pagkatawid sa ilog? Mula San Jose? Ibig sabihin, malapit o lampas kami sa University Town o nasa University Town mismo kami. Pero mukhang nasa gitna kami ng gubat.

"Sa susunod na linggo darating ang iba pa nating kasapi upang pag-usapan ang pag-atake. Pagkatapos ay magpapadala ng sulat sa grupo nina Sevilleno upang ipaalam ang gagawin nating pagsugod. Ngunit dahil sa kondisyon mo ngayon," napasuklay siya. "Mahihirapan akong ipaliwanag sa iba."

"Teka, ayos ka lang?" tanong ko nang mapansin ang panginginig ng kamay nito. Hinilot niya ang kanyang sentido at dahan-dahang tumango. "Umupo ka muna." Kinuha ko ang upuan sa tabi ng mesa at pinaupo siya.

"Paumanhin, Ivanna. Pero ayos lang ako."

"Naku! Doktor, nariyan ka lang pala," napalingon ako sa matandang babaeng nakatayo sa may hagdan. Nawala ang ngiti sa mukha niya at napalitan ng pag-aalala nung dumapo ang tingin niya kay Spencer. Agad siyang lumapit samin. "Doktor, hindi ba't sinabi ko na sa iyo na magpahinga ka muna."

"Ayos lang ako, Aling Telma."

Nakasuot ang matanda ng puting blusa na may malapad na manggas na umaabot lampas sa siko. Pinaibabawan ng brown na tela ang saya niyang umaabot sa talampakan. Dahil nakapusod, kitang-kita ang mga puting buhok nito.

"Hindi ayos ang tatlong araw na walang tulog, doktor! Alam mo iyon, kaya magpahinga ka muna," hinawakan niya ang braso ni Spencer at inalalayan itong tumayo.

"Aling Telma, kaya ko na," pagmamatigas nito at marahang inalis ang kamay ng matanda. "Kailangan ko pang ipaliwanag kay Ivanna ang tungkol sa ating grupo."

"Kayong mga Kano, ang titigas ng mga ulo ninyo! Kapag sinabi kong magpahinga ka, magpahinga ka!" Nilingon ako ng matanda at binigyan ng ngiti, "Binibini, ako na muna ang sasama sa iyo. Ayos lang ba? Ihahatid ko lamang ang doktor."

Dahan-dahan akong tumango. Ibinalik niya ang atensyon kay Spencer na ngayo'y pasuray-suray na naglalakad. "Masyado mong pinahihirapan ang iyong sarili."

Umalis sila at naiwan akong mag-isa sa basement. Tinignan ko ang papel na hawak kanina ni Spencer.

Ano ba ang gawain ng isang pinuno? Ni Ivanna?

Naku naman! Mahihirapan ako nito.

-

Makapili- mga pilipinong sumanib sa mga Hapon.

Fact!

The largest naval battle in World War 2, and probably the largest naval battle in history, happened in the Philippine sea. Also known as the "Battle of Leyte Gulf".

-

Hi. Did you like this chapter? I hope you did! Don't forget to vote and comment. Thank you.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro