KABANATA 4
Sinasabi nila na kapag namatay ka, makakaharap mo si San Pedro at ang manok niya sa tapat ng isang higante at gintong gate sa ibabaw ng mga ulap. Dito ka hahatulan kung sa langit o sa impyerno ka mapupunta.
Pero mukhang mali sila. Dahil imbes na mga ulap at isang malaking gate, isang malawak na pastulan ang bumungad sakin. Sa sobrang lawak, hindi ko na matanaw ang hangganan nito. Ang luntiang pastulan at ang asul na kalangitan ay nagtatagpo. Wala ni isang puno sa paligid at tanging ang mga matataas na damo na umaabot hanggang sa tuhod ko at ang mga puting bulaklak ang naroroon.
Inilibot ko ang paningin sa paligid at nagulat nang makita ang isang ilog.
"It wasn't there before."
Mistulang tumitingkad ang ilog dahil sa sobrang linaw nito. Para bang isang kristal na itinatapat sa sikat ng araw. Inihakbang ko ang aking mga paa. Habang papalapit sa ilog, narinig ko ang mahinahong pagdaloy ng tubig. Sinasabayan ito ng tunog na nililikha ng mga damo habang isinasayaw ng hangin.
Napahinto ako at nanlalaki ang mga matang napatingin sa isang tulay na biglang lumitaw sa ibabaw ng ilog, saking harapan. Gawa ito sa kahoy. May mga baging na pumapalibot sa magkabilang balustre at handrail ng tulay. Ang mga baging ay may mga bulaklak na tulad ng mga bulaklak sa paligid.
Biglang may narinig akong mga boses, mga sigaw, tawanan, mga iyak, tunog ng baril, mga awitin at marami pang iba. Wala ni isa akong maintindinhan dahil lahat ng ito'y naghalo-halo sa aking isipan. Ngunit alam kong nanggagaling ito sa kabilang dulo ng tulay.
Pumaibabaw sa ingay ang boses ng isang babae.
"Tumawid ka..."
Dahil sa kagustuhang mawala ang ingay, sinunod ko ang boses. Humakbang ako at tumapak sa tulay. Pagdampi na pagdampi ng aking mga paa ay biglang nawala ang ingay. Hindi na ako huminto at patuloy na naglakad. Para bang may humihila sakin mula sa kabilang dulo ng tulay at hindi ko magawang huminto. Nasa gitna na ako nang makita ko ang sarili kong naglalakad palapit sakin. Agad akong napatingin sa suot kong damit. Tulad pa din ng suot ko sa rooftop kasama si Emily. Jeans, v-neck tshirt, denim jacket at sneakers. Ibinalik ko ang tingin sa babae. Nakasuot siya ng isang kulay asul na bestidang lagpas tuhod ang haba at may manggas na hanggang siko. Hindi siya nakasuot ng kahit na anong sapin sa paa. Nakalugay rin ang ang hanggang bewang at maitim nitong buhok.
She looked lifeless. Walang ni isang emosyon ang makikita sa mga mata nito. Diretso lang siyang nakatingin sa harapan at patuloy na naglalakad.
Hindi ba niya ako nakikita?
Bumilis ang tibok ng puso ko nang makalapit siya sakin. I caught a glimpse of her brown eyes bago niya ako nilagpasan.
Sampaguita. She smells like sampaguita and vanilla.
"Sandali!" tawag ko sa kanya ngunit hindi siya natinag at patuloy na naglakad hanggang sa makarating siya sa dulo ng tulay kung saan ako nakatayo kanina. Lalapitan ko pa sana siya nang bigla akong nilamon ng liwanag.
Maya-maya pa'y naramdaman kong para akong bumulusok sa malalim at malamig na tubig. Hindi ko magawang umahon, hindi ko magawang gumalaw. Tila ba may bumamabara sa lalamunan ko at nahihirapan akong huminga.
Naalimpungatan ako dahil sa malakas na tiktilaok ng manok at ang init na mula sa sikat ng araw na dumadampi sa aking pisngi.
Nanatili ako sa pagkakahiga. My head was pounding with rhythmic pain. Para bang malaking tambol na paulit-ulit pinupukpok. Pakiramdam ko rin tuyo ang lalamunan ko dahil sa hirap sa paglunok.
Ano nga ulit ang nangyari kagabi?
Shit. My body is aching all over. Hindi ko din mabuksan ang mga mata ko. They felt heavy and stuck down. Para bang nilagyan ng mighty bond ang eyelids ko at hindi ko na magawang tanggalin. What the hell happened to me?
Then memories from yesterday came flooding in my mind.
"S-sinira mo na ang lahat. Ngayon... Ako naman ang sisira sayo."
"Mamatay ka na!"
I sighed. I remember. I kissed George and made Emily's life miserable- she deserves it. Then after that, I had a fight with Amalia and spent hours in a cafe dahil walang kwenta sina Beatrice at Carol. Then Emily arrived, then we went to the Engineering building's rooftop. I found out that she was pregnant and wants me dead. After that I fell from the six-story building and died.
But wait- I didn't die.
I didn't die.
Narito ako at nakakaramdam ng mga nararamdaman ng buhay na tao. That means, I'm alive!
I moved a hand up to my chest and heard the sheets rustled. Teka- Hindi ito tulad ng kumot sa apartment. And it doesn't feel like the ones in hospitals. It was soft but thin.
Mula sa dibdib, kinapa ko ang kutson na aking kinahihigaaan. May hospital bed bang ganito kalaki? At ang tigas ng kutson ah?
Pinakiramdaman ko ang katawan ko pero parang wala namang nakaturok sakin na IV drip. Sandali. Kung wala ako sa ospital, nasa'n ako?
Kahit na nahihirapan, pinilit kong buksan ang mga mata pero agad ring napapikit dahil sa sikat ng araw.
"Gosh..." I said in a hoarse voice.
I tilted my head away from the ray of sun. Muli, sinubukan kong buksan ang mga mata. My vision was sleep-blurred pero pinilit ko pa ring kilalanin ang lugar. Nasa isang silid ako, hindi gaanong malaki pero hindi rin naman maliit. Ang mga pader ay kulay brown, pero 'yung klase ng brown na maaliwalas. Sa tapat ng kamang kinahihigaan ko ay isang mesa at upuan. May tambak na mga papel at isang maliit na bookshelf na may lamang anim na libro ang nasa ibabaw ng mesa. Sa tabi ng bookshelf ay isang baso na may nakalagay na lapis, ballpen, at isang pinitas na bulaklak.
Napakunot ang noo ko. "Who in the world would put those in one glass?" I muttered.
Sa dulo ng silid ay isang pintong gawa sa kahoy.
Nasa'n ba ako?
Kahit na nahihirapan, pinilit kong umupo. Itinukod ko ang dalawang siko bilang suporta. Pagkaupo na pagkaupo, agad na umikot ang aking paningin sinabayan pa ng pananakit ng ulo. The hell? I massaged my temples hoping to lessen the pain.
Paano ba ako nahulog? Head first? Paa? O buong katawan ko ang sabay na bumagsak? But I don't feel any pain in my body. But how did I survive after the fall? Ibinaling ko ang tingin sa bintanang nakabukas malapit sa kama. Isinasayaw ng hangin ang puting kurtina kaya nakikita ko ang luntiang mga puno sa labas. Nanpansin kong tulad ng bintana sa bahay ni Lola ang bintana sa silid. The windows from the old people's houses that is drawn to the side in order to open it. At puting shells imbes na salamin ang nakapaloob sa bawat frame ng bintana.
Come to think of it, this whole room looked like the ones at my grandma. Old-fashioned. Tulad ng mga bahay na mula pa noong spanish colonization. Teka, bahay ba 'to ng albularyo? Espiritista? Gano'n na ba ako kahirap at hindi ko na afford pumunta ng ospital at doon magpagamot? Pero sigurado namang si Amalia ang magbabayad ng medical expenses ko so why bring me in this place?
Natigil ako sa iniisip at napalingon sa pintuan nang marinig kong bumukas ito. A girl was holding the doorknob while holding a basin of water on her other hand. Napansin ko ang kasuotan nito.
Baro't saya? Tulad nung sinusuot sa mga folk dance.
Nanlalaki ang mata nito habang nakatingin sakin. Nabitawan niya ang palanggana at napatakip ng bibig.
"Ah, ano-" hindi ko natapos ang sasabihin nang bigla siyang tumakbo palabas ng silid.
"Gising na ang binibini!"
I blinked. The hell? Magtatanong lang sana ako kung nasa'n ako. Pero...
Did she just call me 'binibini'? Wow, binibini ba ang tawag nila sa mga pasyente nila dito? Pinangatawanan talaga nila ang pagiging old fashioned ng lugar. Hindi lang sila all-out sa interior, maski sa staff din.
"Buhay ang binibini. Buhay siya at nasa harap ko siya."
Biglang napalitan ng adrenaline rush ang pagkahilo at pananakit ng ulo ko. Mabilis akong bumaba ng kama at nagtungo sa malaking salamin sa tabi ng bintana. Nadapa pa nga ako dahil sa pagmamadali at panghihina ng mga tuhod ko.
"Sino pa ba ang kamukha niya dito kundi ikaw?"
"Ikaw nga... Buhay ka, binibini..."
"Hindi siya ang binibining iyong pinagsilbihan."
"Patawarin mo ako dahil..."
"Adeline, kamukha mo si..."
I stepped back when I saw my reflection. Parang bumaliktad ang circulation ng dugo ko at kulang nalang bigyan ko ng kutsilyo ang puso ko so that it could slit its way out of my chest.
The girl in the mirror, is not me.
She has long, wavy hair. Umaabot ito hanggang bewang at sa sobrang itim, parang imposibleng natural ito. Hindi tulad ng sakin na lagpas balikat at halos kulay tsokolate. We had the same round eyes and same tall nose. Napahawak ako sa mga labi ko at ginaya naman ito ng babaeng nasa salamin.
"Wow..." I muttered.
Chapped at halos magkulay violet na ang labi ko dahil sa paninigarilyo kaya tinatabunan ko nalang ng lipstick. But hers was full and smooth. And it was rosy at parang palaging nakalipgloss. Mas maputi rin siya at mas smooth ang balat. Nakasuot ng bestidang puti na lagpas tuhod at may maluwag na manggas. Pero sa kabila nito, halatang balingkinitan ang katawan niya.
Napahawak ako sa pisngi ko. Hindi siya nakablush-on pero mamula-mula ang pisngi niya. And... She has freckles. Hindi siya gaanong halata pero bumagay ito sa kulay tsokolate niyang mga mata.
Tumapat ako sa sinag ng araw. Her eye color turned lighter nang nasinagan ito ng araw. Hindi tulad ng sakin na normal na kulay brown. Hers was luminating.
Ako ang babaeng nasa salamin at the same time hindi. She was... more natural at refreshing.
Sa kabila ng pagkamangha, nando'n pa rin ang pangambang baka tama nga ang hinala ko.
"Her eyes..."
Bumilis ang tibok ng puso ko nang makalapit siya sakin. I caught a glimpse of her brown eyes bago niya ako nilagpasan.
T-that's right. Siya 'yung babaeng nakasalubong ko sa isang tulay sa pastulan. The girl wearing a vintage dress.
The scent of fresh jasmin protruded my nose. Sampaguita...
"Ang past daw ay paulit-ulit na nangyayari. Ang present ay ang unang beses na mangyayari ang isang pangyayari. May instances na nagtatapat ang isang pangyayari sa nakaraan at isang pangyayari sa kasalukuyan. It doesn't matter kahit anong pangyayari ito. Doon nagaganap ang soul swap ng taong namuhay sa nakaraan at ang taong reincarnation nito at namumuhay sa kasalukuyan. Napupunta ang reincarnation sa past at ang nasa past ay napupunta sa present."
"K-kamukha mo si..."
"Ivanna!"
Nilingon ko ang lalaking nasa pintuan at humahangos na nakahawak sa dibdib niya. Sa likod niya ay ilang mga babae at mga lalaking tulad niya ay hinahabol din ang hininga.
Si Ivanna Ramirez ang simbolo ng buong rehiyon namin.
The guy rushed towards me and in an instant, his arms was wrapped around me. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat at sa higpit ng yakap nito.
"G-gising ka na," he said in a low voice. I heard him sigh, para bang nabunutan siya ng malaking tinik sa lalamunan. "Akala ko kung ano na mangyayari sayo."
Hero ang turing sa kanya ng lahat dahil sa kabila ng pagiging babae ay nagawa niyang labanan ang mga Hapon noong Japanese Occupation.
"A-ano..."
Inalis niya ang pagkakayakap sakin at hinawakan ang magkabilang braso ko. Umatras ang dila ko nang makita ko ang mukha ng lalaki.
All of his features was western. Halatang amerikano. Mula sa buhok nitong kakulay ng buhangin sa tabing-dagat, hanggang sa makakapal nitong kilay, sa matangos nitong ilong, sa mahaba nitong pilik-mata, at sa malambot nitong mga labi. His jaw was strong. He was a combination of handsome and charming.
Pero ang nakakuha ng atensyon ko ay ang mga mata niya. Pansamantalang kumalma ang puso ko nang dumapo ang tingin ko sa kanyang mga mata. His eyes were green but it was the kind of green that's the same with deep forest pools. 'Yung kulay ng gubat pagkatapos ng ulan. The kind of green that brings hope and life after the storm.
"Ivanna, salamat at nagising ka na." Even his voice was soothing. The kind of voice you'd want to hear after crying. "Hindi ko alam ang gagawin kung..."
Ivanna...
Nasa katawan nga pala ako ni Ivanna. So, totoo ang article na binasa nung matabang high schooler. Ibig sabihin din ba no'n, nasa katawan ko ngayon si Ivanna?
But, I died there. I even remember how it felt. I really did die there.
Napakapit ako sa braso ng lalaki nang maramdaman ko ang muling pag-ikot ng aking paningin. God, are you kidding me?
"Ivanna!"
-
Tinitigan ko ang tasa ng kape na hawak ko. I could smell its rich aroma. Hindi ko pa ito iniinom ngunit napapakalma na ako nito. Kanina noong nahimatay ako, akala ko magigising ako sa isang hospital bed at panaginip lang ang lahat ng 'to. Pero mali ako.
Tinatanggap ko na ang katotohanang nagsoul swap kami ni Ivanna. Pero may parte ng utak ko na hindi pa rin makapaniwala. Napakaimposible naman kasi. Ang mga ganitong pangyayari nangyayari lang sa mga libro at mga pelikula. Kung soul swap sa mapagkaparehong timeline lang, keri ko pa sana. Pero soul swap sa magkaibang timeline na halos isang daang taon ang pagitan? Para naman akong nagtime travel, na isa pang napakaimposibleng bagay.
"May nababasa na akong mga ganitong kaso habang nag-aaral pa ako ng medisina sa America."
Naibaling ko ang atensyon sa lalaking nakatayo sa may paanan ng kamang aking kinauupuan habang hawak ang binabasang papel. Spencer Winsley. Siya ang lalaking yumakap sakin kanina. Isa pala siyang doktor. Nakasuot na siya ngayon ng puting coat at salamin sa mata. Pero sa kabila nito, klaro pa din ang kulay ng mga mata niya.
"Amnesia. Ito ang tawag ng sikolohistang si Ribot mula Pransya sa kondisyong ito. Ito ang nagiging resulta kung may malakas na pwersang tumama sa ulo ng pasyente. Dahil dito, maaring makalimutan ng pasyente ang kanyang sariling pagkatao."
Wala akong masyadong alam tungkol kay Ivanna Ramirez. Never kong naisip na magbasa ng libro o article tungkol sa kanya kahit na, inaamin ko, ilang beses akong nacurious kay Ivanna. Saka kung gugustuhin ko mang magbasa ng mga tungkol sa kanya, walang sapat na impormasyon tungkol kay Ivanna. Halos marami ang nagsasabing di naman siya totoo at gawa-gawa lang ng matatanda.
Kaya kung mananatili ako sa katawan ni Ivanna, mas mabuti na siguro kung magpapanggap na lamang akong walang maalala.
Spencer sighed at ibinaba ang hawak na papel. "Ngayon pa lamang ako nakaengkwentro ng taong may ganitong kondisyon. Nakakalungkot at ikaw pa iyon, Ivanna."
"Spencer," tawag ko sa kanya. Hindi ko alam kung anong klaseng tao si Ivanna kaya nahihirapan ako kung ano ang ikikilos.
"Bakit?"
I gripped the cup. Siguro, binigyan ako ng pangalawang pagkakataong mabuhay. Pero sa katauhan ito ng taong kahawig ko, ni Ivanna. Kaya nahihirapan pa akong matanggap ang mga nangyayati, kailangan kong mag-adjust, mag-adapt at...
"Maaari mo ba akong kuwentuhan tungkol sa... sa sarili ko?"
At mamuhay bilang si Ivanna Ramirez. Hindi ko sasayangin ang pangalawang pagkakataong ibinigay sa akin.
-
Hi. Did you like this chapter? I hope you did! Don't forget to vote and comment. Thank you.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro