KABANATA 3
"Carol."
"So, how did it go?" tanong nito mula sa kabilang linya.
"Umayon sa plano," sagot ko habang dinadampi ang basang panyo sa maliit na sugat sa aking labi. "Sa tingin ko, hihiwalayan na siya ni George. Kaya, bukas, tulungan niyo ko."
Pagkatapos ng nangyari kanina, dumiretso ako sa restroom ng gym para mag-ayos. Mabuti nalang at nagpapractice pa ang basketball varsity team at cheerleading team ng UEP. Pagharap ko sa salamin, bumungad sakin ang smudged kong lipstick at maliit na hiwa sa gilid ng ibabang labi ko. Para sa isang babaeng mukhang demure, ang lakas sumampal ni Emily. Talagang tinago niya ang pagiging amazona niya para magustuhan siya ng lahat.
"Tulungan saan?"
Inipit ko ang phone sa pagitan ng balikat at tenga saka kinuha ang face powder sa bag ko. "I kissed George-"
"You what?!" Halos mabingi ako sa sigaw nito kahit na hindi nakaloud speaker ang phone.
"Ano ba? Kailangang sumigaw? Oo! I kissed him and he kissed back. That was so intense, muntik na akong bumigay. Kaya, I need you to help me avoid him."
"Avoid George? Why?"
Napairap ako, "Nag-enjoy siya sa halik ko kanina. I felt his boner, gosh! Siguradong hahabulin ako nun, kaya kailangan ko siyang iwasan."
"Wow naman. Ang lakas. Pero, wait. Hindi ba't ginawa mo 'yun para makuha si George?"
Hinawakan ko ang phone ko at namewang, "No, I didn't."
"What?"
"Hindi ako interesado kay George."
She sighed, "So, ginawa mo talaga 'yun para pahirapan si Emily." I nodded at tinitigan ang sarili ko sa salamin. "Lahat ng babaeng kinaiinisan mo pinahihirapan mo ng sobra. What's your reason? Sigurado namang meron kang rason para gawin ang lahat ng 'to."
My reason?
"Ate!"
-
"Amalia," gulat kong sambit nang makita ko siyang nakaupo sa maliit na hapagkainan ng inuupahan kong apartment. May mga nakahandang pagkain sa mesa at dahil nakaapron pa siya, alam kong siya ang nagluto. Ang isa sa nakakuha ng atensiyon ko ay ang cake sa gitna ng mesa.
Nanatili akong nakatayo malapit sa pinto kaya tumayo siya at nakangiting lumapit sakin, "Adeline." Umiwas ako nung tinangka niya akong yakapin.
"Anong ginagawa mo dito?" malamig kong tanong.
I saw a glint of sadness in her eyes but still, she continued smiling, "Nagluto ako ng pagkain. Halika. I'm sure nagugutom ka."
Ibinaba ko ang suot na bag sa sofa, "Sagutin mo ako, Amalia. Anong ginagawa mo dito?"
She sighed, "Adeline, pasensya na hindi tayo nakapagcelebrate ng birthday mo last month. May event kasing inasikaso si Samuel kaya kailangan kong manatili sa tabi niya. Pero nandito ako para bumawi." Kinuha niya ang bag niya at may inilahad saking pera. "Nalaman kong hindi mo winiwithdraw ang pinapadala kong pera. Kaya, eto, idagdag mo sa daily expenses mo. Kung may kailangan ka, tawagan mo lang ako."
Tinitigan ko sandali ang pera bago ko ito malakas na tinabig. Nagulat siya sa ginawa ko at nawala ang ngiti sa mga labi. "Hindi ko kailangan niyan."
"A-anong ibig mong sabihin?"
"Hindi ko kailangan ng pera mo, Amalia. I can provide for my own. Keep it."
Tinalikuran ko siya at bubuksan na sana ang pinto nang mula siyang nagsalita. "Pero, Adeline, pambawi ko na ito sa birthday mo. Just let me make it up to you."
Pambawi? Gusto mong makabawi sakin?
I finally snapped. Hinarap ko ulit siya. "Napakainsensitive mo din, no?" I clenched my jaw, "Alam mo, I'm so done with your act! Tigilan mo na ako sa pangunhulit mo. Four years, Amalia. Four years kang nawala. Tapos babalik ka at magpapaka-ate? Ano 'yun? Kinukulit ka na ng konsensya mo sa 'di mo pagpaparamdam ng apat na taon?"
Muling namuo ang galit ko sa kanya nang maalala ko ang mga panahong iniwan niya ako. "Ni sulat o text, di ka nagpadala. Umalis ka ng walang sabi. Hindi mo ba alam kung gaano ako nag-alala? Halos araw-araw kong iniisip kung ayos ka lang, kung nasa mabuti kang kalagayan, kung nakakatulog at nakakakain ka ng maayos. Palagi kong iniisip kung may nagawa ba akong mali kaya ako iniwan ng ate ko," I declared with all the hate in my heart.
Kung noon naiiyak ako dahil inaalala ko siya, kung noon naiiyak ako sa tuwing nagkakausap kami, ngayon hindi na. Ilang taon na akong umiyak dahil sa pag-iwan niya sakin, kaya hindi ko na hahayaang may kahit isang patak ng luha ang tumulo para sa kanya. All I have for her is hatred. Wala ng iba.
"Tapos babalik ka sakay ng marangya mong kotse habang ako naghihirap na pagkasyahin ang kakarampot na perang inipon ni Lola bago siya mamatay? Babalik ka na parang isang araw ka lang nawala?" I scoffed, "Ano 'yun? Ginagago mo ba ako?"
"Adeline, dalawang taon na ang lumipas mula noon. Alam kong mali ang nagawa ko, pero bumalik naman ako." She tried to reach for my hand but I stepped back. "I'm here to make it up to you. So please let-"
"Oo dalawang taon na ang lumipas mula noong bumalik ka pero apat na taoon kang nawala! San ang mas matagal dun? Hindi ba yung apat na taon? Iniwan mo akong naghihirap habang ikaw nagpapakasaa sa atensyong ibinibigay sayo ng iba't ibang lalaki!"
Natigilan siya sa sinabi ko. I forced myself to smirk, to mock her. "Sa tingin mo hindi ko alam? What do you think of me? Come on, Amalia! I am not the same naive little sister you once had. Alam ko ang tinatago mo, alam ko ang baho mo. Alam kong madumi ka-"
Hindi ko na natapos ang sasabihin nang malakas na dumampi ang palad niya sa pisngi ko.
-
Idinampi ko sa pisngi ang malamig na blue lemonade. Ngayong araw lang na 'to, nasampal ako ng dalawang beses at sa parehong pisngi pa talaga. Seriously, same feathers do flock together. Parehong madumi si Emily at Amalia, pareho din silang amazona.
Kinuha ko ang phone ko nung nagvibrate ito. Tinext ko si Beatrice at Carol kung pwede ba akong mag-overnight muna sa kanila. Siguradong hindi aalis si Amalia sa apartment hangga't hindi ako nakakabalik. But after what she did, pumuti nalang buhok niya kahihintay dahil hindi ako babalik hangga't nandun siya. Kaya nandito ako sa isang cafe sa loob ng University Town na pagmamay-ari ng isang CPA na halatang fan ni Taylor Swift. Kanina pa kasi play ng play ang mga kanta niya.
"Sorry. Hindi pumayag parents ko. Dumating kasi relatives namin from Tacloban. Stop-over muna sila dito before heading to Laoang. Sorry, Adeline."
Pati si Beatrice hindi din pwede. Hindi pwede sa boarding house niya ang overnight.
Napabuntong-hininga ako at napasandal sa upuan. Kung kailan mo sila kailangan, saka naman sila 'missing-in-action'.
Tinawag ko ang waitress at muling nag-order, "Isa pang blue lemonade."
"Tonic po o Fizzy?"
"Fizzy. At, paconnect sa wi-fi niyo."
Inabot niya sakin ang maliit na papel kung saan nakalagay ang wi-fi password nila bago bumalik sa counter. Sandali akong bumisita sa mga social media accounts ko pero agad ding nabored kaya napagdesisyunan ko nalang na titigan ang kisame ng cafe at makinig sa paulit-ulit na kanta ni Taylor Swift.
"Na-i-excite na ko para bukas. Hindi lang dahil maraming media ang pupunta dito kundi dahil makikilala na natin kung sino talaga si Ivanna." Nakuha ng tatlong babae sa katabing table ang atensyon ko. Mukhang high school students na katatapos lang mag-cram school.
"Ano kayang itsura ni Ivanna? Siguro maganda siya," sabi ng babaeng nakaponytail.
Hindi ko mapigilang mapatawa ng mahina. Hindi lang nila alam na katabi nila ang magandang babaeng kamukha ni Ivanna. Mas maganda nga lang ako. Pero, I wonder kung ano ang magiging reaksyon ng mga taong nakakakilala sakin kapag nalaman nilang kamukha ko si Ivanna?
"Siguro. Pero hindi ba't pinatay siya ng taong minahal niya? Siguro, dahil pangit siya."
Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko. Hindi ako si Ivanna, pero bakit parang nainsulto ako dun. I admit, ito din ang naisip ko noong di ko pa alam ang itsura niya. But, hey! Kamukha ko, isang magandang dilag, I'm sure may iba pang rason kung bakit siya pinatay.
"Ang lungkot lang nun, no?"
"Teka, bukas na natin pag-usapan si Ivanna. Eto, may nabasa akong article," pagsingit ng chubby at kulot nilang kaibigan habang ipinapakita ang phone niya. "Ang sabi daw sa article na 'to na isinulat ni Janelle Revaille-"
"Naniniwala ka sa mga sinusulat niyan?"
"Oo. So, pwede tumahimik ka? Turn ko na magsalita," mataray na sagot nung chubby. "So, ang sabi sa article, ang past daw ay paulit-ulit na nangyayari.
Ang present ay ang unang beses na mangyayari ang isang pangyayari. Pero malay din natin, past na pala ang present kung nasaan tayo ngayon at ilang beses na palang nangyari.
At sabi din dito na may instances na nagtatapat ang isang pangyayari sa nakaraan at isang pangyayari sa kasalukuyan. It doesn't matter kahit anong pangyayari.
At doon nagaganap ang soul swap ng taong namuhay sa nakaraan at ang taong reincarnation nito na namumuhay sa kasalukuyan."
Ocean blue eyes looking in mine
"Napupunta ang reincarnation sa past at ang nasa past ay napupunta sa present."
I feel like I might sink and drown and die.
"Ligtas ka na..."
Nanatili ako sa cafe hanggang sa magsara ito alas-onse ng gabi. Pinatay ko ang phone ko dahil sa dami ng missed calls ni Amalia.
Napakapersistent din niya. Hindi pa rin niya gets na ayoko na siyang makita? I want her out of my life. Hindi naman siya ang naghihirap dahil buhay reyna siya dun sa asawa niyang si Samuel. So, bakit hindi nalang siya magmove on sa buhay niya at kalimutan ako gaya ng ginawa niya noon? Doon naman siya magaling e.
I stayed in front of the cafe with my cigarette. Seriously, mukha na akong palaboy dito. I have other acquaintances na pwede kong punta pero di ko sila feel.
"Adeline."
Inangat ko ang tingin.
"Emily."
-
"Anong gusto mong pag-usapan?" tanong ko at itinapon ang sigarilyo. Dumiretsio kami ni Emily sa rooftop ng engineering building dahil may gusto daw siyang sabihin sakin. Hindi na ako ako nagtanong pa at sumunod nalang sa kanya dahil wala naman akong mapuntahan at bored din ako. Might as well entertain myself with Emily's misery.
Bawal puntahan ang rooftop ng engineering dahil under renovation ito. Kaya nagtataka ako kung bakit nasa kanya ang susi ng engineering building at ng rooftop nito.
Ibinaling ko ang tingin kay Emily na nakatayo pa rin sa pintong pinasukan namin kanina.
"So, how did it go? With George?" I asked with a hint of mockery in my voice. "Is he disgusted with you?"
I waited for a reply but it didn't came. I crossed both my arms over my chest. "I'm sure he is. You know how perfect he is in everything he does. Tapos isang maduming daga pala ang pinapasok niya sa buhay niya. Isang babaeng gabi-gabi ay pinagpapasa-pasahan ng iba't ibang lalaki. Isang babaeng ginagamit ang katawan para magkapera." I looked at her with disgust, "Emily, ilang lalaki ang hinayaan mong galawin ka? Lima? Sampu? Isang daan?"
Hindi siya natinag at nanatili pa rin siya sa pwesto niya ng nakayuko. "Pati siguro gurang pinatulan mo. Knowing prostitutes, hindi kayo namimili basta't mataas ang bayad, go lang." Ibinaling ko ang tingin sa kalangitan at sumandal sa railings. "You must've liked it."
She must've liked it.
It was surprisingly chilly tonight. Tirik ang sikat ng araw kanina pero parang umulan sa sobrang lamig. Emily was still silent kahit na ilang nakakainsultong salita na ang ibinato ko.
"Say, you did it with George. Does that make him your customer?"
"Mamatay ka na," she declared as she balled her fist. 'Yun lang pala ang magpapasalita sa kanya.
I scoffed, "Really? Is that all? 'Yan lang ba ang kaya mong gawin? 'Yan lang ang sasabihin mo? I thought you'll do something worse after slapping me in the face, bitch." I looked at her. "Gosh, I just wasted my time."
"Mamatay ka na."
Napairap ako, "Stop with the act, Emily. Hindi mo ako matatakot sa ganya-"
"Mamatay ka na!" Napaayos ako ng tayo nang bigla siyang maglabas ng baril at itinutok ito sakin.
What the hell?! Sa'n siya nakakuha niyan?"
"Dahil sayo, iniwan na ako ni George!" she growled. She was glaring at me with hatred. "Ano bang ginawa ko sayo at nagawa mo sakin 'to?!"
So she brought me here to kill me? Pagkatapos niyang maging prostitue, magiging mamamatay tao din siya? How can she stoop this low?
"Wala akong ginawang masama sayo! Bakit ka ba galit na galit sakin?!"
I know I'll only fuel her hatred for me, but the feeling is mutual. I hate her. Pareho lang sila. Acting as if they had done nothing wrong.
"Why?" I raised my voice. "Because I hate you! I hate people like you who sells their body for pleasure! You pollute this damn society!"
"Hindi ko ginagawa 'to dahil gusto ko, Adeline!" Dahan-dahan siyang naglakad palapit sakin habang nakatutok pa rin ang baril. "I do this, this job you call disgusting, to sustain myself. Wala na akong mga magulang. Wala na akong pamilya."
Pareho lang kayo. Ginusto niyong gawin 'yan pero para bang kayo pa ang inaapi.
"And now that I found a new family... You took him away from me!"
Dahil bukas ang mga ilaw sa rooftop, nakita ko ang pagtulo ng mga luha niya. I felt irritation building up inside me.
"Huwag mong itutulad si Samuel sa kanila dahil minahal at tinanggap niya ako."
"I stopped doing this job a month ago dahil nalaman kong buntis ako. At si George ang ama. He was the last guy I did it with." Napakapit ako sa railings nang makalapit siya sakin. Nangibabaw sakin ang gulat at kaba kesa sa pagkairita. She was pregnant? I wasn't expecting that. "Hindi lang ako ang inagawan mo ng pamilya, Adeline... Pati ang magiging anak ko, inagawan mo ng ama!"
Sinakal niya ako at idinampi sa noo ang bunganga ng baril. Hindi ko alam kung bakit hindi ako agad na nakalaban. It was as if I was taken back.
"George loves me! Sinabi niyang handa siyang panagutan ako kung may nabuo sa ginawa namin! Dahil sa kanya tumigil ako sa ginagawa ko... Dahil sa kanya, nagbago ako. Sasabihin ko sa kanya kung ano ang nakaraan..." I struggled, but everytime I did, mas lalo niyang idinidiin ang baril sa noo ko.
You changed? Sana naisipan mong gawin 'yan noon pa.
Halos umikot na ang paningin ko dahil sa hirap sa paghinga. I held her wrist hoping to lessen her grip on my neck.
"Pero sinira mo ang lahat!" Tumulo sa pisngi ko ang mga luha niya. I couldn't see anything in her eyes but anger and pain. "Wala akong naging atraso sayo, pero nagawa mong sirain ang buhay na pilit ko muling ibalik! Sinira mo ang buhay ko!"
No... I didn't. Ikaw mismo ang sumira sa buhay mo.
Naramdaman ko ang unti-unting pagbigay ng bakal na aking sinasandalan. Puro mura nalang ang laman ng isip ko. Kung hindi ako makaalis agad, mahuhulog ako kasama ng bakal na 'to.
Ibinalik ko ang atensyon kay Emily nang mapayuko ito. "S-sinira mo ang lahat... Ngayon..." She raised her head and an evil grin appeared on her face- hindi, it was more like a desperate grin. "Ako naman ang sisira sayo." Nanlaki ang mata nang itinutok niya ang baril sa dibdib ko, kung saan banda ang puso. "Uumpisahan ko sa kung saan unti-unti kang papatayin."
Matagal mo ng sinira ang buhay ko. Simula nung pumasok ka sa ganyang trabaho...
I could hear the loud creak coming from the deteriorating railing. "You're crazy. Ikaw ang sumira sa buhay mo! Dapat nga... magpasalamat ka pa sakin dahil iniligtas ko ang lalaking pinakamamahal mo mula sa panloloko mo! K-kahit na anong sabihin mo, hindi pa rin magbabago ang tingin ko sayo," nahihirapang sambit ko. From her wrist, my hand drifted on her shoulders. "I still hate you."
Mas lalo niyang diniinan ang pagkakasakal sakin. Halos nakaliyad na ako. "Tumahimik ka! Tumahimik ka!"
I smirked, "Fuck you." And with all of my strength, I pushed her away from me.
Pero bumigay na ang bakal na aking sinasandalan. Dahil bumwelo ako para maitulak si Emily, mas lalong hindi kinaya ng railings ang bigat ko at hindi agad ako nakaalis sa pagkakasandal.
The next thing I knew, I fell from a six-story builing and landed on the hard asphalt road.
Wala akong naramdaman na kahit ano. I felt the impact but aside from that I didn't feel anything. Nakita ko nalang ang matingkad na kulay ng dugo na nagmamantsa sa kulay abong semento.
I was laying on my back. Emily was standing on the building. I couldn't see her face because dark spots were already covering my vision. But I bet there's a triumphant smile on her face.
Those words... They weren't for Emily.
Simula noong pumasok ka sa ganyang trabaho, hindi na kita itinuring na kapatid, Amalia.
Bakit mo ipinagpalit ang kinabukasan mo para sakin? Bakit mo sinira ang sarili mo para sakin?
Ipinikit ko ang mga mata ko. Ang matinis na tunog na aking naririnig ay nagsilbing isang awitin para sakin.
-
Facts!
-Wala pong UEP Chamber.
-Hindi po under renovation ang rooftop ng College of Engineering ng UEP, dahil wala pong rooftop ang COE at hindi po ito anim na palapag. Tatlo lang po. ≧∇≦
-
Hi. Did you like this chapter? I hope you did. Please don't forget to vote and comment. Thank you.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro