Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA 2

"Prank ba 'to?"

"Imposible. Mula pa ito sa archive ng kapitolyo. Alangan namang gumagawa-gawa sila ng kuwento na ganyan ang itsura ni Ivanna, e alam naman nating i-oopen ang Chamber sa buong Pilipinas bukas."

Inalis ko ang tingin sa picture at ibinaling ito kay Beatrice, "Teka, ba't andami mong alam tungkol kay Ivanna?"

Narinig kong napabuntong-hininga si Carol, "Hindi ba obvious, Adeline? Sa tagal nating magkakasama, hindi mo napansin 'yun? Fan ni Ivanna si Beatrice. Sa tuwing death anniversary at birthday ni Ivanna, pumupunta siya sa libingan niya na para bang kamag-anak siya ni Ivanna."

"Aba, malay ko," sagot ko sabay irap. Ibinalik ko ang tingin sa larawan.

Pero tama si Beatrice. Parang niloko na din ng mga opisyal sa lugar namin ang buong Pilipinas kung gagamit sila ng mukha ng ibang tao para lang ipakitang totoo si Ivanna. Pero kung ganun nga ang ginawa nila, tama nga naman ang naging choice nila na mukha ko ang gamitin. Ang ganda ko ba naman. And, looking at this picture, it seemed legit. Masyadong luma ang larawan pero halatang iningatan.

Pero ang creepy lang na makita ang sarili mo sa isang larawan ng taong namatay seventy years ago.

We look exactly the same.

Teka, lola ko ba siya?

Napailing ako. Imposible. Walang relasyon ang mga Cabrera sa Ramirez at sa pagkakaalam ko, namatay na virgin si Ivanna kaya napakaimposible.

"Oh, mga hija, wala ba kayong pasok?" Sabay kaming tatlo na napalingon sa babaeng dumating. Ang Vice President for External Affairs. Naglalakad ito palapit samin habang inaayos ang suot na salamin. Sa likod naman nito ay ang isang matandang lalaki na tinutulak ang wheelchair na sinasakyan ng isa pang matandang babae.

"Ah, wala po. Hindi kami sinipot- este, hindi po dumating ang professor namin sa first subject kaya naisipan naming gamitin ang vacant time para makapunta dito at di na makipagsiksikan mamaya," paliwanag ni Carol. "You know, we can't miss this... glorious day!"

Sa aming tatlo, si Carol ang pinakamabait, pinakamagalang, pinakamasipag, at pinaka-'okay'. Kung hindi nga lang siya naninigarilyo at nakikisama sa mga trip ko sa buhay, pwede na siyang maging role model ng college namin.

"Very nice initiative, girls. Doing something productive during your vacant time is indeed a very smart way to spend it," the VPEA complimented.

"So, you think this is productive?" tanong ko sa sarili ko.

"Oh, and nice timing, girls," nginitian niya kami at lumapit sa dalawang matandang kasama niya. "This is Mang Eduardo and his wife, Juliana." Halos puti na ang buhok ng matandang babae. Mapayat din ito at puro kulubot na ang balat. Nakatingin ito sa malayo at may lungkot sa mga mata. "Aling Juliana was one of the women that Ivanna saved during the Japanese Occupation. She gave us the photo of-"

"Ivanna..."

Nanalaki ang mga mata ko nang magsalita ang matandang babae habang nakatingin sakin. Tinignan ko si Carol at Beatrice, pareho din silang nagtatakang nakatingin sakin.

Dahil side view profile ng matanda ang kita ko kanina, hindi ko napansin ang pahabang peklat nito sa kanang mata. It must be caused by a really deep wound for it to leave a huge scar.

I pointed to myself, "Are... you talking to me?"

"Sino pa ba ang kamukha ni Ivanna dito kundi ikaw," mahinang sabi ni Beatrice na sapat lang para marinig ko.

Mas lalo akong nagulat nang mapaiyak si Juliana, "Ikaw nga... b-buhay ka, binibini."

"Juliana, a-anong pinagsasabi mo?" naguguluhang tanong ng asawa nito. "Hindi siya ang binibining pinagsilbihan mo noon. Matagal na siyang patay."

Umiling siya, "H-hindi... B-buhay ang binibini. Buhay siya at nasa harap ko siya ngayon."

Muling bumilis ang tibok ng puso ko. Ang taong ito ang nakasama ni Ivanna noon. And she thinks I am her. Then... It's true. Walang prank o pagkakamali. I really look like her.

But I am not her.

"Sorry, she has dementia." Maski ang VPEA ay naguguluhan sa pinagsasabi ni Juliana.

I sighed, "Alis na tayo." Hindi ko na hinintay na sumagot si Carol at Beatric at nag-umpisa ng maglakad paalis. Noong nalampasan ko ang matandang babae ay muli itong nagsalita.

"Patawarin mo ako, binibini. P-patawarin mo ako d-dahil-"

Napairap ako, "I'm not her, old hag!"

"H-hey! Watch your mouth, young lady!" saway ng VPEA.

Hindi ko na sila pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. I was shocked at the same time, creeped out. Pero, so what? So what kung kamukha ko si Ivanna? So what kung may kamukha akong matagal ng patay? Hindi naman ako siya. Anong ini-expect ng matandang 'yun? Na reincarnation ako ni Ivanna, ganun? Na maipapasa sakin ni Ivanna ang mga alaala at responsibilidad niya? Nakadrugs ba siya?

Pero kahit ba anong pilit kong balewalain ang nalaman ko ngayong araw, nababagabag pa din ako. Coincidence lang ba talagang kamukha ko si Ivanna?

-

Pagsapit ng alas-singko ng hapon, hindi muna ako dumiretso sa likod ng gym at lumabas ng campus ground para magpaload at manigarilyo. I texted Carol na ituloy ang plano. This will be a one big finale for today's game. It doesn't really matter if I'm late. Sa ganda kong 'to, ako pa ang maghihintay kay George. Girls like me deserves to be treated like a VIP.

Bandang alas-sais na nung nakarating ako sa lugar na napag-usapan.

A huge grin appeared on my face when I saw the ever-so-hot George Hernandez. The sleeves of his shirt were rolled up to his elbows revealing his veiny arms. Nakapamulsa siya habang nakasandal sa pader at halata sa mukha na inip na inip na siya kakahintay sakin.

I flipped my hair before walking towards him. Mas lalong dumoble ang pagkairita nito nang makita ako.

"Hey there, hot stuff. Were you waiting for me?" I batted my eyelashes, "How about we sit somewhe-"

"I don't have time for all of your bullshits, Adeline. Now tell me what I wanna hear," malamig nitong sabi.

I gave him a disappointed look, "Oh, you want to skip introductions-"

"Adeline, damn it! Pinaghintay mo ako ng halos isang oras and now you want me to have a nice chat with you?"

"Well, hindi ba masaya 'yun?"

He slammed his hand on the wall beside him. "Adeline!"

"Okay, okay. Tutal, atat ka naman edi..." I grabbed the collar of his shirt and in a flash, I slammed his back against the wall.

"What the hell-"

Nahigit niya ang hininga niya nang mas inilapit ko ang sarili sa kanya. Halos hibla nalang ng buhok ang pagitan ng mga mukha namin. Napangisi ako nang makita ko ang gulat sa mukha nito, "Let's skip to the main part then, George." Dahil nakahawak padin ang kamay ko sa kwelyo ng damit niya at magkalapit ang mga mukha namin, nararamdaman ko ang mabilis na tibok ng kanyang puso at ang paglalim ng hininga nito. Having a gorgeous girl pinning you on the wall, it's really hard to keep yourself composed. Dahan-dahan kong inilapit ang bibig ko sa tenga niya, "Your girlfriend is a slut," I whispered. "She's a prostitute."

I felt him flinched. Hindi ako gumalaw sa pwesto ko at hinintay ang magiging reaksyon niya.

Then he pushed me. Pero dahil mabilis ang reflexes ko and I expected that, I gained my balance and prevented my fall.

I stomped my right foot, "What was that for? Nasaktan ako dun ah!"

"What the hell are you talking about, Adeline?" he raised his voice while glaring at me.

I rolled my eyes heavenward, "Emily is a prostitute. George, matalino ka pero hindi mo gets ang ibig kong sabihin? Duh, Emily sells her body to different guys every night,"

"Shut up..."

"Alam mo 'yun? Sawsawan ng bayan, babaeng mababa ang lipad. Kahit sinong lalaki hinahayaang pasukan siya."

He raked his hair in frustration, "Sinungaling ka.. W-we did it and... she didn't feel like-" His face turned dark as realization hits him. He must've loved Emily so much that everytime they're in bed, he didn't notice the signs that she wasn't a virgin. Poor, George. "I-imposible..."

Inilabas ko ang phone mula sa bulsa ng suot kong palda then I showed him my evidence. I wouldn't come here unprepared. "That's the proof that I wasn't lying. Ibig sabihin nun, hindi lang ikaw ang lalaking nakatalik ni Emily."

Nabitawan niya ang phone ko at bumagsak ito sa sahig. Fuck. That's an expensive phone!

Ibinaling ko ulit kay George ang atensyon nang umatras ito at napasandal muli sa pader. Napahilamos siya. "H-Hindi magagawa ni Emily ang ganyang bagay..." He covered his eyes in an attempt to hide his tears.

You're blinded by your love for that trash.

"But she already did."

Naglakad muli ako patungo sa kanya. Sandali akong napahinto nang mapansin kong umilaw ang phone kong nasa sahig. Thank goodness, it's okay.

1 missed call from Carol.

Sa kaloob-looban ko, napangisi ako ng napakalawak. As planned.

Lumapit ako kay George and wore my most concerned expression. "George," mahina kong tawag sa kanya.

"Gusto kong marinig mismo kay Emily... G-gusto kong sabihin niya sakin ang rason kung bakit niya nagawa to..."

Hinawakan ko ang kanyang mga kamay at inalis ito sa pagkakatakip sa mukha niya. His eyes were red and tears were streaming down his cheeks. Napakaswerte ni Emily at may lalaking iniiyakan siya. But she took him for granted and even let other guys touch her. "The reason kung bakit ako galit sa kanya ay dahil pinaglalaruan ka niya. You're a wonderful guy. You don't deserve someone like her. You deserve someone better, someone who would love you the way you loved Emily. You deserve someone..." I cupped his face and made him look straight into my eyes. Tinitigan ko ang mga mata niya at tila ba parang nahypnotise siya sa mga titig ko. "...like me. Leave her, George. And take me."

I didn't wait for his response and crashed my lips into his. Nagulat siya sa ginawa at napahawak sa magkabilang braso ko. He splayed his hands against my arms, intending to push me away. But when I deepen the kiss, he left it there. He returned my kisses at hindi ko na namalayang sumasabay na din siya sa mga halik ko. From my arms, his hands drifted into my waist then he pulled me closer, our bodies pressing against each other. I wrapped my arms around his neck to deepen the kiss.

I felt his tongue on my lips and I granted him entrance. He explore my mouth, it lit fire and spread warmth throughout my body.

Gosh, I didn't know he was this good.

"G-George?"

About time.

Tinulak ko palayo si George at humarap habang inaayos ang sarili sa kararating lang na si Emily . Nabitawan niya ang hawak na mga libro at nanlalaki ang mga matang nakatingin samin.

"Oh, Emily. Kanina ka pa ba?" nakangisi kong tanong. What took you so long, bitch? Muntik na kong malunod sa galing humalik ng boyfriend mo.

She clenched her jaw and she immediately charged towards me. Her palm landed on my cheek, hard.

"Emily!" Agad siyang pinigilan ni George nung itinaas niyang muli ang kamay upang bigyan uli ako ng isang sampal.

"Bitawan mo ako!" malakas niyang tinabig ang kamay ng lalaki at naiiyak na hinarap ito. "Anong ibig sabihin nito, George? Sabihin mo sakin, bakit mo kahalikan ang babaeng 'yan?"

Pinahid ko ang dugo sa aking ibabang labi. Shit! Sa sobrang lakas ng sampal ng probinsyanang tagagubat na ito ay nagkaroon tuloy ako ng sugat sa labi.

"Are you cheating behind my back? At sa babaeng ito pa talaga?" Wow naman. Nahiya ang ganda ko sayong labanos ka. "What did I do for you to do this-?"

"What did you do? Ako pa talaga ang tinanong mo, Emily?" nagpupuyos sa galit na tanong ni George. Napaatras naman si Emily dahil sa pagtaas nito ng boses. "Really? Are you asking me that? How about you ask yourself? Ano ba ang ginawa mo para gawin ko to?"

"Anong pinagsasabi mo?" naguguluhang tanong ni Emily.

"Totoo bang ibinibenta mo ang katawan mo sa ibang lalaki? Totoo ba?!"

Hindi nakasagot ang probinsyana. Lumitaw sa mukha niya ang gulat at pagsisisi. Napairap ako, Geez. You're too obvious. Pareho kaming nagulat nang biglang suntukin ni George ang pader. "Kung ganun, hindi lang pala ako, Emily. Madumi ka pala."

After that, George left but Emily followed him, leaving all her stuff behind. Nakita ko kung paano siya unti-unting dinurog at pinatay ng mga salitang binitawan ni George. "Buti nga sa kanya," I muttered before picking up my phone.

I risked a lot of stuff for this. My phone, my face and my dignity. I smirked, "But I'm glad it ended the way I wanted."

-

Juliana is pronounced as Hulyana.

-

Hi. Did you like this chapter? I hope you did. Please don't forget to vote and comment. Thank you.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro