KABANATA 10
Mali ito. Mali itong naisip ko.
"S-sandali.." Huminto ako sa paglalakad at napasandal sa isang puno ng saging.
Nilingon ako ni Domingo at nang mapansing halos dalhin ko na ang puno ng saging para lang may masandalan ako habang naglalakad ay mabilis niya akong nilapitan.
"Binibini? Ayos ka lang ba?"
Umiling ako, "Masakit na ang paa ko. Malayo pa ba tayo?"
"Naku, malapit na," nakangiting sagot nito. "Natawid na natin ang ilog, ibig sabihin noon ay konting lakad nalang at mararating na natin ang bayan."
Sigurado akong umalis kami sa mansyon mga alas tres ng madaling araw. Ngayon inabutan na kami ng pagsikat ng araw, hindi pa rin namin nararating ang bayan.
Ba't ko ba kasi naisip 'to? Akala ko kasi tulad sa hinaharap na halos sampung minuto lang mula sa university papunta sa bayan. Nakalimutan ko palang walang sasakyan sa panahong 'to. Kung meron man siguradong mayayaman lang ang meron. It's a typical-historical-social class thing. I was really confident a moment ago. I even used my lousy excuses just to convince Domingo to take me with him.
"Domingo," mahinang tawag ko sa kanya at halos mapatalon naman siya sa sobrang gulat.
Napahawak siya sa kanyang dibdib at nakahinga ng maluwag nang mapansing ako lang pala. "Binibini, ang aga mo atang nagising."
"Anong ginagawa mo?" tanong ko habang nakatingin sa sakong nasa likuran niya.
Tinignan niya ang sako, "Ah, ito ba? Ihahatid ko ito sa bayan." Sumilay sa mukha niya ang isang ngiti, "Isang beses sa bawat linggo, palagi mong binibigyan ng makakain at damit ang mahihirap doon. Kahit na malayo-layo ang bayan ay hindi ka nito napipigilan sa pagbahagi ng tulong."
'Di na ako nagulat sa sinabi ni Domingo. Ivanna is really generous. Typical attribute of a national hero. Lahat naman ng tinatawag na bayani, kapahamakan ng nakararami ang iniisip. It's a given.
"Ganoon ba? Pwede ba akong sumama?"
Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. "Ngunit, binibini, ang pulong?"
"Hindi ba't sinabi mong ito na ang nakagawaian ko bawat linggo? Ang pumunta sa bayan para magbahagi ng tulong?"
"Oo, pero binibini, sa lagay mo ngayon—"
"Sinabi ni Spencer na baka may mga bagay na dati kong ginagawa na siyang makapagpapabalik ng alaala ko. At sa tingin ko, pag nakapunta ako sa bayan, maaaring bumalik ang dating ako." Pinipigilan ko ang sarili ko na mapairap. "Humingi na ako ng permiso kay Spencer," nakangiti kong sabi.
"Pinayagan ka niya?"
Tumango ako bilang sagot. Tinitigan niya lang ako na para bang hindi siya naniniwala sa sinasabi ko.
"A-at kapag bumalik na ang alaala ko, mas magagampanan ko ng maayos ang tungkulin ko."
Nanatili siyang nakatitig sakin ng ilang segundo bago napahinga ng malalim. "Kung pumayag ang doktor, sige. Maaari kang sumama sa akin, binibini. At mukhang nais mo talagang makapunta ng bayan. Marahil ay nais mo na muling makatulong sa iyong mga kababayan. Sadyang kahanga-hanga ka talaga binibini."
I forced a smile. I tried giving him a genuine smile but I think I looked like I'm about to shit myself but had to remain composed. "I just wanna escape that goddamn meeting for pete's sake," I murmured.
"Wala bang mas madaling daanan papunta ng bayan?" tanong ko.
"Meron," nakangiti pa rin niyang sagot.
Napaupo ako at napahilamos ng mukha, "E bakit 'di nalang tayo doon dumaan? Edi sana nakarating na tayo sa bayan kanina pa."
"Binibini."
I raised my head to see Domingo looking at me, this time, without a smile on his face.
"Bantay-sarado ng sundalong Hapon ang mga daanan papuntang bayan. Mahigpit sila sa mga taong papasok nang walang dokumento. Itong daan na ating tinatahak ngayon, mahirap man at matagal ngunit siguradong ligtas tayong makakapunta ng bayan."
Hindi na ako sumagot. Tinalikuran niya ako at pinulot ang dalang sako, "Nais ko rin ng mas madaling daan papunta sa ating patutunguhan, ngunit sa sitwasyon natin ngayon, kailangan nating magtiis."
I totally forgot that this period is the Japanese Occupation. This was one of the most gruesome period for the Philippines. No one here is free. No one trapped inside a war is free.
Pagkatapos magpahinga ay nagpatuloy na kami sa paglalakad. Hindi na ako nagsalita pa at nakinig nalang sa mga kwento ni Domingo. But deep inside, I really want to complain. Pagkalampas namin sa malawak na sakahan ay natanaw ko na ang kalsada patungo sa bayan. The road wasn't asphalt but dirt. But who am I to complain? It's better than walking through those muddy terrain.
Huminto kami sa gilid nang kalsada at ibinaba ni Domingo and dalang sako saka ito hinalungkat.
"Binibini, alam niyo na hindi ba ang gagawin—" napahinto siya sandali sa ginagawa na tila ba'y may naalala. "Sa bukana ng bayan, may mga sundalong Hapon. na nakabantay. Yumuko ka bilang pagbati. At kung maaari, sana'y hayaan mo na lamang na ako na ang sumagot sa kanilang mga katanungan."
I nodded in response. He handed me a scarf and told me to put it over my head. Kinuha niya ang sako at nag-umpisa na kaming maglakad patungo sa bukana ng Catarman. Bawat hakbang nararamdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko.
When I was young, I was fond of history related stuff. I was fascinated by my grandmother's stories about World War 2. About how hard their life was trying to escape the cruelty of the Japanese soldiers. Kaya ngayon hindi ko mapigilang mangamba dahil nandito ako sa panahong naging madilim na parte ng buhay ng aking lola.
Napalunok ako nang makatapak na kami sa isang maliit na tulay na gawa sa kahoy na siyang humihiwalay sa lupaing hinihiwalay ng isang maliit na estero. Doon may nakatayong dalawang sundalong hapon na hinaharang at iniinspeksyon ang bawat taong nagtatangkang pumasok sa bayan.
Both of them were wearing khaki colored fatigues with collars hugging their neck and internal pockets on each side of the chest. Five silver buttons were sewn from top to the bottom of their long-sleeved tunic with a black belt wrapped around their waist. They were wearing a pair of trousers and a pair of black combat boots that reached mid-calf. A cap adorned with a star insignia and neckflaps that covered their nape completed their attire.
Both were of different build. Ang isang nag-iinspeksyon sa mga taong papasok ng bayan ay mas malaki ang pangangatawan at mukhng may edad na kaysa sa kasama niyang nananatiling nakatayo sa kanyang likuran. My gaze was fixated on the younger one. He was taller than his companion and had a cold expression on his face. Unlike the other, he was good-looking and had a fairer complexion.
Mabilis kong inalis ang tingin sa kanya nang bigla niya akong nilingon. There was something about the guy that made me feel uneasy.
Domingo and I both bowed when we approached the soldiers. Nanatili akong nakayuko dahil ramdam ko pa rin ang titig sakin ng mas batang Hapon.
Nagulat ako nang batiin ni Domingo sa salitang Hapon ang dalawang sundalo.
"Mochimono o shirabe," utos ng Hapong may malaking katawan.
"Hai," sagot ni Domingo. Dahan-dahan niyang ibinaba ang sako at tinanggal ang lubid na nakatali sa bukana nito. Nilapitan naman ito ng Hapon at ininspeksyon.
Siguro dahil dami ng mga nakapatong na palay ay hindi na nag-abala pa ang Hapon na inspekyunin ito hanggang sa pinakailalim. Maybe he was thinking that it just a sack of rice grains.
"Sugita," sabi nito.
Pinulot ni Domingo ang sako at yumuko. "Arigatou gozimasu."
Pagkatapos ay nag-umpisa na kaming maglakad. Habang papalapit kami sa isa pang Hapon ay mas lalong bumibigat ang paghinga ko. He was still looking at me and it felt like he was digging a hole on my face. I adjusted my scarf for it to cover my face.
Nang makalagpas na kami ay nakahinga ako ng maluwag. But just to make sure, I looked at the soldier over my shoulder once again and felt relief when he has his back turned towards us.
That was a weird one.
"Binibini, ayos ka lang ba?" Naibaling ko ang atensyon kay Domingo nang magsalita ito.
Tumango ako bilang sagot. Pero sa totoo lang, halos mahimatay ako sa kaba kanina. Bilang isng tao na nagmula sa hinaharap, hindi ko naranasan na maipit sa digmaan. I thought seeing Japanese soldiers would scare me so much I'd piss myself. I was fine a minute ago, before the creepy younger soldier started staring at me.
Honestly, that gave me chills. Kung titig lang dahil nagagandahan siya sakin, mas mabuti pa sana. Pero para bang may kahulugan ang mga tinging 'yon. As if he's validating his intuition.
Napahinto ako sa iniisip nang mapansin kong nasa gitna na kami ng bayan. Bumagal ang paglalakad ko at inilibot ang tingin sa buong paligid. Lahat ng kabang naramdaman ko kanina ay napalitan ng pagkamangha.
It wasn't the old Catarman that I was used to. I was astonished by how different it was. Walang mga nagtataasang poste na pinupuluputan ng napakaraming kable, walang mga gusaling pinagsasabitan ng mga advertisement materials, at walang marurumi at lubak-lubak na kalsada. Apart from that, there were no smoke-belching vehicles that made the skies look gray. Habang patulot kong inililibot ang tingin sa lugar mas lalo kong nakikilala kung anong parte ito ng bayang nakasanayan ko.
A smile appeared on my face when I recognized the place. Ang kinatatayuan ko ngayon ay ang madumi at siksikang merkado ng Catarman. Although the market in the future was way larger than this one, it was way cleaner and organized.
Sa 'di kalayuan ay may mga kabahayang nakatayo. Hindi tulad nang sa hinaharap, hindi ito siksikan. Bawat bahay ay may sarili nilang lupa. The houses were surrounded with beautiful small gardens that complimented it's colonial-Spanish structures. Dahil rin sa magaang kulay ng mga pintura ng bawat bahay, nagmukhang maaliwalas ang paligid.
Hindi rin nawala ang mga gusaling naimpluwensyahan ng mga Amerikano. But most of these houses were mixed with Spanish styles and was used for mercantile purposes. Aside from this, the asphalt roads in the future were pavements that helped the coaches navigate the place easily.
And maybe the stories during the Japanese occupation were a little exaggerated. This place doesn't seem like it was under foreign rule. Instead, it looked like it was under a peaceful marshall law. Maliban kasi sa mga mamamayan ay may mga sundalong nakikihalubilo. Madali mo silang makikilala dahil sa mga uniporme nila.
"Kailangan nating makalayo mula sa mga nagpaatrolyang *Kempeitai," mahinang sabi ni Domingo. "Sumunod ka sakin, binibini, at iwasan mong tumingin sa kanila."
Tumango ako. Maya-maya pa ay nakarating kami sa isang masikip na eskinita. Walang masyadong tao sa bandang ito kaya madali kaming nakapuslit. The alley was in between two mercantile stores. Dahil dito, hindi masyadong maliwanag ang lugar.
I followed Domingo silently while staring at his back. Despite having a short stature, he has broad shoulders and firm arms which made it easier for him to carry a sack with who-knows-what inside, a brown complexion and a face that doesn't make him in par with Spencer but still appealing. He wears ragged clothing but his buzz haircut doesn't make him look unclean at all. In fact, he looked like he was once a military trainee.
A few feet way from the alley, we arrived at the downside of the beautiful town— the slums. Situated here are the decrepit houses of the poor. Kung ano ang ikinaganda ng kabilang banda ay siyang ikinapangit ng kabila. Karamihan sa mga nandito ay ang mga tao na nasa laylayan ng lipunan.
"Madalang kung mapadpad rito ng mga kempeitai kaya't ito ang madalas na tagpuan ng iba pang mga ispiya ng ating samahan," sabi ni Domingo.
"Akala ko, magbibigay tayo ng tulong sa mahihirap?" tanong ko.
Nilingon niya ako. "Ito nga ang pakay natin. Ngunit maliban dito..." Huminto kami sa isang bahay. Hindi tulad ng ibang bahay na gawa sa kahoy at nipa, ang isang ito ay tulad ng mga bahay sa gitna ng bayan. Pero ang isang ito ay halatang matanda na dahil sa dami ng sira nito.
Sinalubong kami ng isang matandang lalaki. Tumango si Domingo at tumango naman pabalik ang matanda. Maya-maya pa ay binuksan niya ang pinto ng bahay at pinapasok kami.
Nang makapasok ay isinara ng matanda ang pintuan na para bang susugod ang mga Hapon sa kanit anong oras. Ibinaba ni Domingo ang sako at tinanggal ang tali nito. Inalis niya rin ng mga nakapatong na palay at doon bumungad sakin ang iba't ibang klase ng armas.
"Maliban sa pagbabahagi ng tulong, tayo rin ang nagbabahagi ng mga armas sa ating ibang kasamahan," nakangising dugtong ni Domingo.
Nahigit ko naman ang hininga ko. So, ibig sabihin kung hindi tinamad 'yong hapon sa pagsusuri ng dala naming sako kanina, nakalibing na sana kami ngayon, six feet under! I know, being a risk taker is a good trait but this is too much! If this continues, the nine months deadline would come early and kill me!
"Magandang umaga, pinuno," pagbati ng matanda. Nilapitan niya si Domingo at sinuri ang mga armas.
I couldn't reply. I just forced a smile. I believe in botcha. And that'll be me soon.
Pagkatapos ng 'transaksiyon', mabilis kaming umalis sa bahay ng matanda. Ang mga palay pala na nakapatong sa mga armas ang siyang sinasabing tulong ni Domingo. I regret coming here. I almost had a death sentence without realizing it.
"Hindi ko alam na gano'n kadelikado ang gawain mo." I commented, still dumb-founded by what happened. It felt like we were playing the bad guys here, hiding from the law.
"Nakalibing na ang isa naming paa sa hukay bago pa man kami sumali sa samahan. Kailangang handa ka, dahil kahit na anong oras pwede mong harapin ang kamatayan."
I looked at Domingo. He was looking straight ahead as if he was determined to do what he has to do.
Are there people who aren't afraid to die?
Domingo shook his head and a smile appeared on his face. "Umuwi na tayo, binibini."
Tumango ako. Ngunit bago pa man kami makapasok sa maliit na eskinitang pinaggalingan namin kanina, napahinto si Domingo.
"May problema ba?" tanong ko.
He sighed, "Nakalimutan kong kunin ang dokumentong naglalaman ng impormasyon tungkol sa iba pang kampo ng mg Hapon sa kalapit na mga bayan. Ito ang ipinangako kong dadalhin pabalik."
"Ako na ang kukuha," I volunteered. Domingo seemed tired. He woke up early and throughout the journey to the town he was carrying a heavy weight, and yes, that includes all my complaints. "Mukhang pagod ka na."
Umiling siya, "Hindi, binibini. Ako na ang kukuha. Manatili ka na lamang rito at hintayin ako. Huwag kang aalis rito hangga't hindi ako nakakabalik. At kung sakali mang may makita kang paparating na Hapon, magtago ka."
I gulped but agreed anyway. Domingo proceeded with retrieving the document while I stood there like a statue waiting for any misfortune to struck me.
Ang lakas ng loob ko kaninang sumama kay Domingo para lang maiwasan ang pagpupulong. I thought that meeting was dreadful. I mean, hindi porke't nagka-amnesia si Ivanna ibig sabihin no'n mawawala na rin ang leadership skills niya. I read articles about her and I know that she's a beast when it comes to battlefield strategies. And I, Adeline, don't have the wits to gamble and come up with outstanding plans that always works. It's not like a memory loss would wipe that away.
But who am I kidding! That meeting was way better than this. I'm in the body of a rebel group leader and I am standing in the enemy's turf. This is the easiest way to feed the prey to the predators.
I was restlessly tapping my foot on the ground. Kahit na hindi pa naglilimang minuto mula no'ng umalis si Domingo, pakiramdam ko mahihimatay na ako sa kaba. Sa sobrang dami ng iniisip, itinuon ko nalang ang pansin sa paligid.
Unang napansin ko sa pagpasok namin sa bayan, mukhang hindi ito naiipit sa digmaan. Malayong-malayo sa karasahang nakasulat sa mga aklat. In fact, they looked like they were living in harmony, both the citizens and the Japanese military. Kahit na mayroong parte na para bang napag-iwanan, hindi pa rin masasabing nasa giyera ito. Normal na ang ganito sa bawat bayan. May parteng progresibo at mayroon ring hindi. It's like two sides of a coin.
But honestly, I expected the it the town to be dreadful with dead bodies everywhere and people were enslave by the Japanese military. Turns out, it wasn't that bad. For a normal citizen, that is, not for a rebel group leader.
"T-tulong!"
Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa sigaw na 'yon. I quickly turned around towards the narrow alley and my eyes widen when I saw a young maiden running towards me. Dahil sa gulat hindi ako nakaiwas kaya ang resulta pareho kaming natumba.
My back was on the ground while the girl was lying on top of me. I quickly raised my head to look at the girl.
"H-hoy, get off me!" I ordered. Hindi biro ng bigat ng batang 'to!
Mabilis pa sa alas kwatro siyang tumayo. I sat down and gestured the girl to help me get up. Pero hindi niya pinansin ang nakabalandra kong kamay at pinagpag ang sariling damit.
She looked over her shoulders, "N-nandyan na sila."
"Sinong sila?" I asked.
"Ang mga Kempeitai." After that she quickly ran away leaving me behind.
"T-teka! Walang hiya!" Tatayo na sana ako par habulin ito pero naagaw ng isang makinang na bagay sa lupa ang atensyon ko. Because of curiousness, I picked it up. I brought it closer to my face.
It was a badge. A gold button size badge with a rising sun symbol embedded on the other side and *chinese characters on the other.
Did that girl drop this? This is obviously a mili—
"Kimi wa... Yameru!"
Napalingon ako sa dulo ng eskinita. Doon may nakatayong dalawang sundalong Hapon. Ang isang nasa likod ay nakaturo sakin.
Immediately, I looked at the badge.
It was a military badge! And that girl stole it!
I stood up. Oh well, I'll just return it to them.
"At kung sakaling may nakita kang parating na Hapon, magtago ka."
Who am I kidding! As if they'd understand me!
The moment the two soldiers moved, I started running.
***
*Kempeitai - Japanese military police. They're also a secret police force, wherein during the occupation arrested those who were suspected to be anti-Japanese.
*Chinese characters - Adeline is referring to Kanji.
-
Hi! Did you like this chapter? I hope you did. Don't forget to vote and comment.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro